THREE
It's been a week since my therapy's first session. Isang linggo na rin at hindi pa rin kami nagkakausap ni Mama. Given the situation that they couldn't keep themselves still inside the house.
Maaga akong umaalis para sa alas otsong klase namin. Tulog pa sila sa ganitong oras na aalis ako at sa pag-uwi naman ay wala na akong nadadatnan. Tuloy ay mag-isa akong kumakain sa hapag. There are times when I have to condition my mind to just get used to it, but most times it sucks especially when I just had a bad day at school then I have to go home only to dine with nothing but loneliness beside me. The mere thought of it even makes it all the more depressing.
Kaunti na lang talaga at papanig na ako sa kutob kong naniniwala na sinasadya nila ang malimit na pag-alis para iwasan ako. Kahit ang pag-uwi nila ng gabing-gabi na ay parang sinadya rin para hindi na nila ako maaabutang gising.
I imagined just all of the sudden... that I am dead on the floor. Paano kaya kung madatnan nila akong duguan sa sahig? Ang nakalupasay kong katawan ay pinaliligiran ng sarili kong dugo. Wala na akong malay at hindi na rin humihinga. Tutal ayaw din naman niya akong makitang gising, mas mabuti pang maabutan niya na lang akong patay na, hindi ba?
Nakadagdag lang sa panghahapo ko ang sariling imahinasyon. Wala naman akong ginagawa sa buong klase, nakaupo lang at nakikinig, pero ang bigat na ng katawan ko pagsapit ng alas tres. Ang nakalaang oras na ito ay para sana sa 15 minutes afternoon break at research thesis namin pero nawalan ako ng gana. My friends went to their groups while I stayed in the room, just imagining the forbidden things. Nang kinaya ko nang tumayo ay balak kong puntahan ang aking grupo pero nasa pinto pa lang ako nang madatnang walang tao sa classroom.
My own mind starts to attack me again, in threatening silence. I can never get rid of the endless loop of images in my head where I cut the veins in my wrist. Tapos ay tumalon sa imahe ng ina kong nakadungaw sa walang buhay kong katawan sa loob ng kabaong. Wala na siguro siya magiging problema kapag mangyari man ang iniisip ko dahil sa palagay ko ay pabigat lang ako sa kanya ngayon.
Huli ko nang namalayan na nakatunganga na pala ako sa harap ng hanay ng mga juice at gatas. I'm in the grocery store. Ano nga iyong ipinunta ko rito?
In my serious eyes, I tried to run my sight through the lines of milk bottles and juices until I figure out what I came for.
"Hello!"
"Oh my god!" I gasped and slapped a hand in my chest.
Ipinagtaka ko ang panggugulat sa akin ngunit napalitan din ng surpresa nang makita ang anak ni Dr. Costello sa tabi ko. After complimenting his charming smile in the corner of my mind, Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang rootbeer can.
"Oops... Am I really that terrifying for you?" His light chuckle made it seem like he was just trrying to make me feel comfortable.
Hindi naman siya nabigo roon. Kaya lang ay nang kinagat nito ang ibabang labi na para bang nahihiya, hindi ko alam kung sinadya ba niya upang mang-akit o ganoon na ba talaga ang natural na galawan Niya?
"H-hi," I greeted curtly and as quick as how I averted my gaze.
Lalo ko tuloy nakalimutan ang sadya ko rito.
"Bakit ka nandito?' A stupid question. Ayaw kong tunghayan ang kinalalabasan ng sariling kahihiyan nang maramdaman ko ang pagngisi niya.
Well obviousy, Scarlet. Kita mo nang may hawak siyang rootbeer kaya malamang, bumibili siya. I should have just stop at saying 'Hi".
"Nagpapalamig," aniya habang nasa mga hanay ng inumin ang tingin. Ilang sandali pang nagtagal ang panunuri niya roon bago ibinaling sa akin ang tingin, He flashed ma light smile. "Kamusta ka na?"
Sandali ko siyang sinulyapan saka muli umiwas. Nakakainis naman 'tong utak ko, nakalimutan na talaga ang bibilhin dito.
"Uhm... fine," I said while still mentally digging for something sensible to say aside from my lost mind.
Pansin ni Evan ang kalahati kong atensyon kaya napadako na rin ang tingin niya sa mga inumin. I can sense he could tell how I sounded so awkward interacting with him so he chose to shut up. Na-guilty ako pero nanaig talaga ang ilang at hiya ko kaya hindi ko na pinilit ang sarili.
He randomly picked a bottle of milk tea. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa kidlat na lumapit sa tabi niya. That's it! That's what I've been trying to figure out all along!
Pinanood ko siyang binabasa ang mga label sa likod ng inumin, hinihintay na ibaba niya saka ko kukunin. It was the last bottle of milk tea left so I had no choice. Ramdam ang aking presensiya, lumingon siya at kitang kita ko ang paghulma ng gulat sa mukha niya dahil sa lapit ko. Ngayon ko lang din natanto kaya naman ang tinding pag-anod sa akin ng kaba na nagtulak sa aking Umatras.
"Sorry," I said awkwardly.
Nakakunot ang noo niya. "No, don't be."
He smiled and looked at the drink in his hold, tapos ay sa hanay. I watched how he realizes it was the only bottle left.
"Ito ba hinahanap mo?" Tukoy niya sa inumin na hawak pa niya.
Tumango ako. Handa na ang mga kamay kong tanggapin iyon sakaling ibibigay niya sa akin pero hndi nangyari.
"Okay, I'll pay for it."
"H-huh? Uy, huwag. Ako na," sabay abot ko sa inumin.
Natatawa niyang iniwas iyon sa akin. "C'mon, Scarlet. We're friends. It's fine."
Natigilan ako sa sinabi niya. The word friends becomes a repetitive loop in my mind. Hindi ko ito inasahan. I mean this whole encounter was something I didn't expect at all!
Unti-unting naglaho ang tawa niya sa pagkakatigil ko.
"Wait, ayaw mo ba ako maging kaibigan?" He seems disappointed or... hurt?
Mabilis akong umiling. Takot ko lang na may ma-offend ako. "Hindi naman sa ganoon.."
But I think that's one of the cons about being shy. We usually get mistaken as rude or arrogant. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Mama na sinabi ng kasamahan niya sa simbahan na hindi raw ako namamansin. Pagsabihan daw ako na huwag maging atribida. Katumbas lang din iyon sa pagsasabing suplada ako. Simula noon sa tuwing may bisita sa bahay, hindi na ako lumalabas sa silid ko. Hindi rin naman ako makikipag-usap at baka may masabi na naman tungkol sa akin.
I just care too much about what other people say about me. Sa tuwing nararamdaman kong mahuhusgahan ako, nagtatago ako. The less I expose myself, the lesser the judgement. And besides, it's as if I can change this side of me just to conform to the people's standards.
Though, I really still hate how I wanted to become anyone but me. At the same time, being someone else I am pretending to be doesn't sit comfortable in my skin. Kaya minsan, hindi ko na rin malaman saan ko ba ilulugar ang sarili ko. I'm just so lost, my mind above all. I don't know who and what I wanted to become anymore.
"Scarlet? Are you okay? Hey..."
Napakaurap-kurap ako. Para akong inalisan ng tubig sa tainga sa lumilinaw na boses ni Evan. Drifting my blinking eyes at him, the way his almond hazel eyes shaped the image of concern made me look back at my actions seconds ago. Gaano katagal akong tulala?
"S-Sorry..." My eyes fell on my black shoes.
Nagbuntong hininga siya. "Nagso-sorry ka na naman. You didn't do anything wrong, Scarlet, okay?"
I bit the peeling skin of my lower lip and chewed it. I really don't know. It just seems like I am sorry for boring you. I am sorry for being the wrong person to keep you company. I'm sorry for wasting your time.
"I'll pay for this, alright? Hindi kita sisingilin huwag kang mag-alala," biro pa niya.
I forced a smile, not because I don't find it funny. Naisip ko lang na baka nawe-weirduhan na siguro siya sa akin at iiwasan na ako pagkatapos nito.
Another failure on your part, Scar. Wala ka talagang silbi. This is why people stay away from you because you're too bland! You can even keep a simple conversation going. I am extremely sure right in this moment. I will die alone.
Mag-aalaga na lang ako ng aso at tuturuan kong magbungkal ng lupa para siya na ang maglibing sa akin.
Muli akong kinulong sa sariling mundo, natutulala. At kung hindi pa nagsalita si Evan ay baka kung saan na ako napunta. I was supposed to trail after him since he's got my milk tea. Pero parang nagdedepende lang din siya sa patutunguhan ko.
"I didn't actually expect to see you here. Of all people..." He thought outloud. Pinapantayan ang mabagal kong mga hakbang.
Hindi ko alam saan pupunta dahil iyong inumin lang naman Talaga ang ipinunta ko rito. But it seems he has no plans of paying our drinks yet.
"May bibilhin ka pa ba?" tanong ko, ang pagkakaatat kong bayaran na niya ang mga inumin ay sumanib sa akin.
He looked at me, lips pursed and eyes smiling. "Wala na."
Shall we leave? I silently thought... but then, that might sound offending. Nag-iiba pa naman ang tonong lumalabas sa bibig ko kesa sa hinahon nito sa isip. Kung puwede lang na pilitin ko pa siyang ako na ang magbabayad pero kahit dito ay tinatamaan pa rin ako ng hiya. This sensitive heart of mine will be the very death of me.
Dumaan ang katahimikan sa amin dahil hindi rin naman ako nagsasalita. Evan probably got the hint and stayed silent. Nga lang, ipinagtaka kong sinasabayan pa rin Niya ako sa paglalakad, napapahinto lang sa tuwing may titingnang produkto sa shelf. He can actually go to the other shelves and just meet me in the counter if he's ready to pay, but he really has to walk with me.
Napadaan kami sa shelf ng mga magazine. I grabbed one fashion magazine and dreamily stared at the models. Kailan kaya ako magiging kasing slender nila? And their tiny faces and arms...gosh! Hindi naman sila nag-eexercise kasi wala akong nakitang mga muscles. They don't have abs, too, just a plain flat stomach. Hindi lang siguro sila kumakain. Try ko kayang magpurge non-laxtive style?
My eyes buried on every sight of the models in the magazine pages. Until a movement distracted me in my peripheral vision. Susulyapan ko lang sana si Evan na kumukuha rin ng magazine tungkol sa kalusugan pero namalagi na ang titig ko sa kanya.
He is really an attractive man. Not too muscular, unlike the men in this magazine in my hand. Sa tingin ko ay hindi siya iyong tipo na parang ibababad sa mantika ang balat niya para makita ang hulma ng muscles. I don't think he's the kind to show off what he's got that is worth of exposure. He's just laid back and chill... cool. Easy to please.
My only issue is... me. May nagdidikta sa akin na sa oras na harapin ko na siya nang tuluyan, ipapahiya ko lang ang sarili ko. Hindi na ako masusurpresa kung magugustuhan ko man siya. Ngayon pa lang kasi, tinatayuan na ako ng balahibo sa tuwing tinatagpo ko ang kanyang mga mata. This odd feeling told me I should fear him even when he doesn't even look scary.
Shut it, Scarlet. His face value alone is already worth a broken heart!
Tsk. How frustrating when a while ago, I just decided that I hate people and avoided potential interactions, pero kung makareklamo ako at iyak na walang nagkakagusto sa akin... Malamang! Wala talaga kasi hindi naman ako namamansin! Gusto kong magustuhan pero iiwas iwas sa mga lumalapit?
"Diyan ka ba nag-aaral?" I started, talking about the university in front of this mall.
My attempt of conversation seemed to startle him. Ilang sandali bago niya sinagot ang tanong ko.
A ghost of an amused smile preceded him. "Graduate na ako. Last year."
Oh... so he's older? I mean it's more possible than it being not.
"Ang tanda mo na pala..." My loud thoughts echoed. Uminit agad ang pisngi ko sa bumuhos na pagsisisi.
Evan chuckled. "Basically, we're on the same age bracket."
"I'm twenty," I blurted without looking at him. Wala na sa magazine ang takbo ng isip ko.
"Twenty one."
Hindi ko alam bakit may init na bumuhos sa dibdib ko. There's nothing special about knowing his age and that he's only a year older than me. But somehow, it made me feel... important?
"So you're working? Para kasing lagi ka na lang gumagala."
Hindi ko inasahan ang tawa niya. His head threw back which revealed the protrusion in his throat that shakes in every wave of his amusing laughter.
"It's that what you think of me, Scar? Lakwatsero na pala ako sa paningin mo."
Sa porma niya? Aakalain ko talagang suki na siya ng mga mall dito sa bansa. He's in his usual red and black checkered flannel jacket, a dark gray shirt underneath, dark jeans and two-toned Oxford shoes. May itim na sunglasses pang nakasabit sa shirt niya. Wala nga lang siyang medyas.
His continuous chuckles made him completely stop paying attention to the magazine. Kahit ako ay wala na rin sa binabasa ko dahil abala sa pagpipigil ng ngiti na kalauna'y binigo rin naman ako.
"Haay... ngumiti ka rin. Pahirapan din 'to." He wiped a non-existent sweat in his forehead.
Natigilan ako. Now that I am aware of it, unti-unti kong binagsak ang ngiti. He seems too happy to see me smile. Isang matamis na ngiti niya na nagpakabog na naman sa dibdib ko. I diverted my gaze back to the magazine.
"I'm a Psych graduate. Now, Scar, enough of me. You can always tell me what's wrong. 'Pag napuno 'yan, may dadanak, sige ka."
Nagsalubong ang kilay ko. So far, wala naman akong pinahiwatig sa araw na ' to tungkol sa mga iniisip ko. What made him assume I've been living inside my head?
"C'mon, let me start," he said and shove the magazine back to the shelf. He took a few steps in front of me. "How are things in your home?" The caution in his voice as he asked somehow tickled a heartstring in my chest.
Dahan-dahan akong napasara sa magazine at buntong hininga itong sinauli sa harap. I briefly assessed our surrounding, making sure we're not near any people. I also noticed we're standing infront of the second closed counter. Hindi iyon gumagana.
I turned to face him and leaned my back on the counter behind me. Evan's serious stare watched my every simple movement. Sa buong araw na pananahimik ko, wala na rin sa plano ko ang magbahagi sa iba kahit sa pinagkakatiwalaan ko pa. But the way Evan patiently waits in front of me, parang hindi niya ako titigilan hangga't sa hindi ako magsasalita.
"Palagi naman silang wala sa bahay," mabilis kong sinabi at nagsimulang maglakad ulit. Hindi ko nga lang alam saan pupunta. At hindi pa ba siya magbabayad sa mga inumin namin?
"Mag-isa ka lang palagi sa inyo?" Sinundan niya ako. He sounded alarmed by what he just learned.
Tahimik akong tumango, walang balak pahabain ang usapan pero aasa pa ba ako?
"Actually, gusto kong mag-dorm," masaya kong deklara na agad nasapawan ng pait nang maalala ang dahilan. "Parang invisible lang kasi ako sa bahay. Tsaka gusto ko 'yong malapit lang sa school. Wala din namang pinagbago sa amin, ako pa rin mag-isa at walang kausap."
Nasa hanay na kami ng mga kape. Wala sa sarili kong pinagtitingnan ang mga produktong wala akong balak bilhin.
"Pwede ka sa apartment ko."
Huminto ako at nabalingan siya.
"Nalalakad lang papunta rito. Likod lang ng school building." dagdag niya. "May dalawang rooms..." he trailed off as if a thought crossed him. Nakaangat ang isang kilay niya at bahagyang nakanguso ang mga labi.
"Hindi ka ba umuuwi sa inyo?" tanong ko.
He shrugged. Tumabi siya nang may dumaan. "Minsan 'pag binibisita ko si Mama at kapatid ko. Malayo ang bahay namin. I got used to thrive alone since college so I never thought of leaving, so... Ano, payag ka?"
Napaisip ako. "Hindi ba masamang tignan? I'm a girl, you're a boy in one house."
Tumawa siya ng marahan. "We're in separate rooms. Tsaka hindi naman kita gagapangin."
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. His mild chuckle made me avoid his gaze more. Parang nilapit sa nagbabagang apoy ang buong mukha ko.
"Pag-iisipan ko..." mahinhin kong sabi.
It's actually a tempting offer. Pero ano nalang kaya ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman ito? They'll freak out for sure especially Mama. Aasahan ko nang hindi nila ako papayagan lalo na kapag usapang bayarin.
"Wala ka nang babayaran."
Mangha ko siyang binalingan. How did he just answer my silent question?
"It's fully paid." He grinned like he just announced a promotional offer.
"Sure? Wala na akong babayaran?" My face lit up.
"Bakit, gusto mo? Okay, one-five. Kung ayaw mo, two K or two-five. Pili lang, discounted na 'yan."
Kinagat ko ang labi sa panggigigil na hampasin siya ng pinakamalaking galon ng kape rito. His lighthearted laughter echoed around the store, even radiated in the hollow compartments of my chest. Agad kong pinigilan ang sarili.
Nag-iwas ako ng tingin at pinasidahan ulit ang mga tinda. My slow strolls in the aisle resumed. "Itatanong ko pa kay Papa."
Sana talaga payagan ako. Maraming advantages kasi wala na nga akong babayaran, mas malapit pa sa school at isang sakay lang sa mga malls. Pero paano si Mama? I cannot get away from her for sure.
"Kay Papa mo lang? Not in talking terms with your mother?"
I swear, his concern always stunned me.
"Ayaw niya akong kausapin" Nagsimula nang bumigat ang dibdib ko habang lumalalim ang pagkakabagsak namin sa ganitong usapan.
"Why not initiate?"
"It's not that easy," I snapped. Kinagat ko ang dila ko at kinalma ang sarili nang makita ang bahagyang pagkakagulat niya.
I heard his slow expel of breath. Doing so, his eyes never left mine.
"Siguro dahil iyan ang tinatatak mo sa isip mo. You know how powerful our minds are."
He's got a point. Maybe they are just all in the mind. But even so, the situation remains the same. Hindi pa rin kami ayos ni Mama. I thought of ways to do anything just so she'd no longer raise her voice at me. Naglilinis naman ako ng kwarto para kapag pumasok siya, wala na siyang maisumbat sa akin. I hate thinking how she always find reasons to point out my mistakes.
"But then, I'm not in your shoes," Evan added. "So you only have the right to put me in my place just in case I went beyond prying."
"Bahala na." Nagkibit ako ng balikat.
Wala sa sarili kong pinaglalaruan ang kamay ko habang wala pa ring pinapatunguhan itong paglalakad namin sa aisle ng mga kape.
"Your nails are long. Bawal 'yan sa course mo, 'di ba?" he pointed out.
"Di na nila 'to mapapansin. Graduating na rin naman ako."
He shot me an eye of disapproval. He just looks so good with it that I have to look away.
Sa ginawang pag-iwas ay may nahagip ang tingin ko sa pinakadulo ng shelf. Mabilis akong lumapit para kumpirmahin ang hinala ko. It's a laxative tea in a different brand! Tumalon ang puso ko at kinuha iyon, balak dagdagan ang papaubos ko nang tsaa sa bahay. Minsan kasi nauubusan sa pharmacy kaya ngayong nalaman ko na available pala rito, bago pa magkaubusan ay bibilhin ko na.
Unaware of myself smiling, I turned to Evan to check what he's doing. Nakatutok siya sa hawak kong sachet. It didn't escape me how displeased he is while looking at it na para bang may gagawin itong masama sa akin. The look of disapproval a while ago has grown along with threat and concern on it. Malalim ang salubong ng kilay niya at mahigpit ang tikom ng numinipis na mga labi.
"Do you always take that?" His voice served ice-cold laced with warning.
"Twice or thrice a week?" tugon ko , binabalewala ang kung ano itong kutob kong pagkakadisgusto niya.
Here it is again, the influx of prejudices. I can feel it! Tila mga anino silang unti unting gumagapang palapit sa akin at pinapaligiran ako.
"Do you know why they don't advertise those kinds of things, Scarlet?"
Ipinagkibit balikat ko iyon. "Same reasons why they don't advertise some medications for... let's say cancer?"
"No. It's because that's dangerous. Unsafe. Even doctors don't recommend it." May nahihimgan akong iritasyon sa tono niya.
"E bakit binibenta pa rin nila?"
"It's meant for medical use, constipation for instance. Not for... anything else." Nag-aalangan ang boses niya sa huli na tila may ayaw banggitin.
Nilapit ko ang sachet sa kanya at dinuduro ang definition sa ibaba ng brand name. "Aids in weight loss," giit ko.
"Aids in weight loss, yes. I know. I can read, Scar." He's annoyed now. "But does it say it can guarantee your weight loss? Ano pa ba ang ibang ginagawa mo maliban sa pag inom niyan? Diet? Do you work out?"
Kumunot ang noo ko nang may natanto. How does he know I take this for...
Well I can't just deny his claim and blurt out to him that I take this because I have constipation. Mas nakakahiya kaya iyon! Sa halip na pabulaanan ang sinabi niya ay nanahimik na lamang ako at bumitaw na sa usapan.
"Basta! Bibilhin ko 'to," sabi ko sabay niyakap sa dibdib ang sachet. Tinignan ko ang mga inumin sa kamay niya. "Babayaran mo pa rin ba ang mga iyan?"
Pangalawang araw pa nga lang naming nagkita pero kung maka usok na ang ilong niya sa akin. Halos magdikit na ang makakapal na kilay niya habang sinisilungan ng mga ito ang mariing paninitig ng mga mata. Gumalaw ang panga niya at ganoon pa rin ang higpit ng tikom ng bibig. Matagal pa siyang tumitig bago tahimik na tumango.
Mga ilang sandali pagkatapos ay nag-text ang isang groupmate ko. Nagpaalam na din kami sa isa't isa ni Evan pagkalabas ng mall. He's still unbelievably quiet while I thank him for paying my milk tea. Ang tanging sinabi niya ay pupunta siya sa clinic ng Mommy niya habang ako nama'y mananatili pa sa school hanggang alas sais.
I didn't do anything that much in our thesis. Pinag-decode lang ako ng mga revisions. Tahimik akong nagtitipa hanggang sa matapos at nagkahiwalay na rin kami ng landas. Buong magdamag ay iniisip ko ang tungkol bukas kung saan wala kaming magiging lectures. Our subjects for tomorrow gave way for our revisions for the incoming thesis defense.
Pinuntahan ko sina Erika sa room kung saan sila gumagawa ng thesis. Naroon sina Sean, Leroy at Ruth na nag-eensayo ng sayaw. Nasa dance troupe kasi ang tatlo at choir naman si Erika. Ako, nada.
Nang papauwi na ay inasahan kong maghihintay pa ako kina Mama na dumating galing simbahan. Iniisip ko na kung paano babanggitin ang tungkol sa plano ko. I'll surely leave Evan's name out if it. Mas lalo talagang hindi sila papayag.
Sa labas palang ng bahay naririnig ko na ang mga tawa ni Mama. Akala ko ay dahil sa palabas na pinapanood nila ngunit sa pagpasok ko, nadatnan ko silang kaharapn ang laptop kausap ang kapatid ko sa London.
They both turned to me. It ws only my father who acknowledged my arrival. My eyes drifted to the screen in front of them and saw my ate Allison . Kumaway ako at nilakihan ang ngiti pagkatapos niya akong kamustahin. Saglit lamang iyon saka sila nagtawanan at kuwentuhan ulit ni Mama. My father joined them eventually.
Hindi man lang nila ako kukumustahin tungkol sa klase ko? Hindi nga nila ako kinamusta tungkol sa therapy. Another thing that made me say that nothing has changed is that their attention and concern is not on me. Kung mangingibang bansa ba ako ay doon pa lamang nila ako kakamustahin? Will they miss me when I'm gone? May makaka-miss ba sa 'kin 'pag wala na ako? May nagpapahalaga ba ng presensya ko? When will they ever realize that I also exist? Will I only be a daughter to them once I'm dead? Well maybe I'm better off dead, then.
Mas binigyan lang ako nito ng balidong rason para lumipat sa dorm.
Sinundan ko si Papa sa kusina nang tumayo ito sa kalagitnaan ng video call. Tumatawa pa galing sa usapan saka nagsalin ng tubig mula sa pitchel. I watched him drink a glass of water while he's facing me. Nag-aalinlangan pa ako pero sa huli ay nilakasan ang loob.
"May sasabihin lang po ako..."
"Hm. Ano yon?" Binaba niya ang baso at hinarap ako.
"Pwede po ba akong mag-dorm? Malapit lang naman po sa school para hindi na hassle sa biyahe," mahina kong Sinabi.
Pero kahit anong hina ng tinig ko ay umabot pa rin sa pandinig ni Mama.
"Dorm? Gagastos na naman kami! Ang laki na ng gastos namin sa 'yo, a," aniya na nasa likod ko na pala, kakatapos lang ng tawag kay Ate.
Yumuko ako. Lagi talagang tatatak sa akin kung paano ako titigan ni mama na tila galit. Pero kay ate, umaaliwalas ang mukha niya.
"Wala naman po akong babayaran."
"Anong walang babayaran?" singhal niya.
"Sa kaibigan ko po 'yun," kapos hininga kong tugon. "Buo na ang bayad. Gusto niya ng kasama kaya sinabihan niya po ako."
Nawalan ako ng lakas na magpaalam dahil sa inaasahan ko nang pagbubuga sa akin ng singhal na para bang napakalaking kasalan ang ginawa ko At isa pa, kung tatapatan ko ang rahas ng emosyon, baka lalong gugulo.
"Tapos, ano? Maglalakwatsa lang kayo? Hindi kayo mag-aaral?!"
I already expected her high intonation but still, it hurts. Posible namang kausapin ako nang malumanay, 'di ba? Bakit kailangan pabagsak na lang palagi? Maayos naman akong nagtanong at nagpaliwanag.
"Hindi naman po sa ganon—"
"Hindi puwede," putol niya. "Hindi ka pa nga nakaka-graduate, nagpapaka-independent ka na. Maghanap ka muna ng trabaho, 'yan ay kung kaya mo. Tamad ka pa naman at wala kang alam gawin. Hindi ka tumulad sa kapatid mo."
"Sylvia, tama na," saway ni Papa. "Hindi pa naman siya nagdedesisyon. Kaya nga niya tayo tinatanong, 'di ba?"
Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Mama. I felt my father's hand on my shoulders.
"Matulog ka na. Highblood na naman ang Mama mo," aniya. Hindi ako kumibo. Pinunasan ko ang aking luha na hindi napigilang tumakas.
Nagmadali akong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Impit akong humagulhol. Tinakpan ko ng kumot ang aking bibig para mas pigilan pa ito.
Ano bang mali sa akin? Anong kailangan kong gawin para tratuhin niya ako katulad ng natatanggap ni Ate? Kapag nawala ba ako ay magiging panatag na ang loob niya? Parang sakit lang kasi ako ng ulo.
I involuntarily clenched my fists. Naramdaman ko ang tulis ng aking mga kuko at sumagi sa isip ko ang gawain na hindi ko pa nagawa noon. Binaon ko ang mga kuko sa aking braso. Mas masakit ang kalooban ko kesa sa pisikal na sugat na ngayo'y nakamarka sa aking balat. Each press created crescent-shaped dents deep on my skin. Binaon ko pa sa ibang espasyo ang aking mga kuko hanggang sa hindi na mabilang ang mga marka sa balat ko.
Tumayo at humakbang patungo sa pagkakamali. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang tinatagong blade. Tinalunton ko ang peklat ng tatlong linya sa aking pulsuhan at diniin ang preskong bakas nito. Blood started to pour out of my fair skin. And right in this moment I started to reconsider the fulfillment of my visions. The fruition of the imagination I keep playing inside my head. My funeral. My own death.
Yan, parusahan mo sarili mo! Wala kang silbi! Wala ka kasing alam! You're worthless and useless. You should never exist anymore, Scarlet. Bakit ka pa nandito sa mundo kung wala rin namang makikinabang sa 'yo? Wala ngang nagkakagusto sa 'yong lalake, kahit nga mga magulang mo, ayaw sa 'yo. You're NOTHING! You are nothing but a burden, Scarlet...
Paulit-ulit ito sa utak ko. I'm just nothing. Kaya dinagdagan ko pa ang tatlong linya na sa kabilang braso ko iginuhit.
I am nothing! I am merely nothing.
Hindi ko namalayan kung anong oras na akong natulog sa kaiiyak, kakalaslas at kakabaon ng kuko sa aking braso nang paulit-ulit.
Mugto ang aking mga mata kinaumagahan. I still went out of our house with my uniform and my sunglasses. Iyon lang, hindi ako pumasok sa klase. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi makatanggap ng mga tawag.
I covered my scarred arms by wearing a black cardigan. Hindi ko na tinignan kung gaano karami ang mga sugat. Ang pakiramdam ko nalang ay mahapdi ang mga braso at pulsuhan ko pero hindi ko na pinansin. Basta gusto kong umalis muna sa bahay at ayaw magpakita sa klase.
Napunta ako sa sementeryo sa likod ng school. Tahimik at walang tao kaya dito ko naisipan na magpalipas ng oras para at pansamantalang layuan ang lahat. A house could have been a more convenient place to isolate and hide away but not our house where the demons in my head have also taken shelter.
Niyakap ko ang aking mga binti at tinukod ang baba ko sa aking tuhod. Maliban sa mga braso, masakit din ang mugtong mata ko at buong katawan.
I wonder when will what I have ever be good enough?
"Scarlet?"
Inangat ko ang namumugtong tingin sa kilalang boses.
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makumpirma nga nitong ako ang nagmamay-ari ng pangalang binanggit niya.
Evan. I silently said his name.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top