Nasan na kaya ang taong yun? Kanina pa ako nandito wala pa rin sya. Ako ang babae tapos ako ang pinaghihintay. Ang kapal talaga ng mukha.

Pinagtitinginan na ako ng mga Waiter at waitress dito wala pa rin sya. Isip-isip siguro ng mga to na nagpunta lang ako dito para sa free WiFi nila.

But hell no. May pocket WiFi ako dito sa bulsa no.

Mag-iisang buwan na nga pala magmula nung iwanan ako ni Justin. And I can say that, I'm starting to moved on.

After a long hours of waiting, naaninag ko na rin ang kotse nya na nagpapark sa harap ng cafe.

Inabangan ko talaga ang pagbaba nya kasi this past few days. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sobra nakong nagagwapuhan sa kanya.

Tulad na lang ngayon.

Buhok palang nya yung nakita kong sumilay ang bilis na kaagad ng tibok ng puso ko. Kasalanan to ng puso ko talaga. Ang bilis mag-move on. Kaloka.

Naalala ko tuloy nung nakaraang nasa bahay sya dahil birthday ni Mama.

"Happy birthday tita." Sabi nito sabay beso kay mama.

"Thank you." Tugon ni mama ng magkalayo sila.

"By the way, here's my gift po." Iniabot nito ang isang box na nakabalot sa isang wrapper. I wonder kung ano ang laman nun.

"Naku nag-abala ka pa. Pero napaaga ka yata, hindi pa nag-start ang party. Baka madumihan yang suot mo?"

"Naku Tita, ayos lang po yun. Tsaka dinalaw ko na rin po kasi itong si Karen. Balita ko ho ay hindi po daw ito nakatulog kakaisip sa akin." Bigla itong lumingon sa akin at kumindat.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig, habang si mama ay hindi lang mata ang lumaki. Maging ang bibig nito ay lumaki.

Dahil sa kahihiyan ay pabiro kong hinampas sa braso si Prince. "Ano bang sinasabi mo? Puro ka kasinungalingan." Bulong ko dito, nag-iingat na baka marinig kami ni mama.

"Sabi kaya yun ni Tito. Pinuntahan ka daw nya sa kwarto mo kagabi. At nakita nyang tinititigan mo daw yung pictures ko. Hahaha. Yiee." Pang-aasar pa nito.

Agad namang namula ang mukha ko. Well, totoo naman yung mga sinabi nya. Pero dahil lang yun sa kagustuhan kong makalimutan na si Justin no. But I'm not going to say that.

"Naku niloloko kalang ni Papa. Naniniwala ka naman." Sabi ko dito.

"Pano kung hindi." Sabi nito bago inisang hakbang ang layo naming dalawa.

Gosh! Ano ba naman tong taong to, hindi na nahiya kay Mama.

"Eh pano ka naman maniniwala kung wala namang ebidensya?" Inis na sabi ko dito.

"Okay! Edi tatawagin ko muna si Ti-"

Hindi ko na hinintay pang tapusin nito ang kanyang sasabihin dahil hinila ko na ito paalis sa harap ni Mama.

"Ma! Maya na lang ulet."

Hinihingal akong tumigil ng makarating na kami sa garden. Sa likod lang ng bahay namin ito.

"Oh? Bat ka nanghihila nalang basta-basta dyan?" Humahangos pero nakangiti pa ring sabi nito.

Tiningnan ko lang ito ng masama bago tumalikod at naglakad papalayo sa kanya. Shit! Hindi ko mapigilang mapangiti pag nakikita ko yung mukha nya.

Naramdaman ko itong sumusunod lang sakin, hinayaan ko ito at mas ninamnam ang katahimikan.

Nadaanan na nami ang fountain at ang nakahilerang bonsai na gumamela. Hanggang sa makarating na kami sa pinakang dulo.

Meron ditong isang kahoy na pinto, na napapalibutan ng maraming baging sa paligid.

Sa pagkakatanda ko, nakapunta na ako dito dati. Hindi ko nalang inulit kasi nakakatakot. Pero since nandito naman na sa tabi ko si Prince. Bat di ko nalang subukan ulet pasukin?

Akmang itutulak ko na ang pinto,ng maramdaman kongay humawak sa kamay ko.

Napalingon ako dito, bago sa taong may nagmamay-ari nito. Tila nag-aalala ito sa gagawin ko.

"Hindi ba delikado dyan?" Tanong nito.

Nginitian ko lang ito. "Sasabihin naman siguro nila Mama sakin kung ano ang mga dapat at hindi dapat puntahan dito sa mansion. Wala naman silang nasabi na bawal dito, so I think it's safe." Sagot ko.

Napapabuntong hininga nitong binitiwan ang kamay ko.

"Sige. Ikaw bahala."

Nginitian ko nalang ito ulet, bago tinulak ang pinto. A creak sound filled our ears. May mga kaunti pang alikabok ang nalaglag sa taas ng pinto. Samantalang nagpaggala-gala naman ang iba sa sahig.

Wala akong makita na kahit na ano sa loob, masyadong madilim. Isa pa, baka madumihan itong suot kong white dress, na bulaklakin sa may laylayan.

"Oh... Ngayon kolang nalaman na may ganito palang lugar dito sa bahay nyo?" Manghang sabi nito.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagpasok. Kinapa-kapa ko na muna yung dingding upang hanapin yung switch ng ilaw. Pero wala akong makapa.

"Nasan na ba yun?" Naiinis kong tanong.

Naramdaman ko nalang na hinawakan na naman sa kamay ko, and this time. Ini-guide niyon papunta sa may switch.

At ng mapindot ko na ito, ay isa-isang nagbukas ang mga ilaw sa paligid. Napatakip nalang ako sa bibig ko sa nakitang kagandahan ng lugar.

Para itong isang napakalaking stadium na puno lamang ng halaman. Ganun nalang talaga ang gulat ko dahil hindi ito ganito kalaki noon.

May bulaklak na nakalagay sa paso, at mayroon ding mga bulaklak na nakalagay sa plot. Mayroon ding mga nakasabit sa taas.

Bawat lugar na may bulaklak ay mayroong string lights. Hindi ako makapaniwalang napaganda nila to.

"Ang cute." Hindi ko napagilang ikumento matapos makita ang mga dwarfs statue sa bawat sulok nito. Na aakalain mong sila ang nag-aalaga ng mga halamang nandito.

Paanong mabubuhay ang ganitong kagandang halaman dito sa napakadilim na lugar na ito?

Inihakbang ko pa ang aking paa papasok sa lugar, wala akong ibang magawa kundi ang mamamgha. Ito na ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko.

There's a white tulips in the middle of the room. Pabilog ang style nito. At parang may mini stage dahil parang rice terraces ang style nito.a

At doon ko lang din napansin na may napakalaking chandelier sa taas na nagbibigay ilaw sa kabuuan nitong kwarto.

Habang naglalakad sa gitna ay hindi ko maiwasang maipalibot ang aking paningin sa buong lugar. Talagang kakaiba ang mga halamang nandito, sapagkat hindi ko nakikita ang mga ito sa bakuran maging sa garden namin.

Nang makalapit ako sa mga tulips ay tinitigan ko na muna ang mga ito. Hindi ko akalain na sa loob lang pala ng mansion namin ako makakakita ng ganitong bulaklak.

"Tara sa taas?"

Napalingon ako kay Prince na ngayon ay nakalahad na ang kamay sa akin.

Napangiti ako dahil dito. Nito kasing mga nakaraan. Napapansin kong dumadamoves sya sakin. O di kaya'y piling ko lang yun haha.

Inilagay ko na muna sa likod ng aking tainga ang takas kong buhok, bago tinanggap ang kamay nya.

Iginiya ako nito sa mini stage na kung saan tapat na tapat kami sa chandelier. At paniguradong kapag bumagsak yun, patay kaming dalawa dito haha.

"Gusto mong sumayaw?" Tanong nito sa akin ng makaakyat na kami.

"Wala naman tayong tugtog." Natatawang sagot ko.

"Kakanta ako." Confident na sabi nito.

Napatitig ako sa kanya. Alam ko sa sarile ko na maganda ang boses nya, at hindi ko itatanggi yun. Ilang beses na akong namangha dahil sa ganda ng boses nya, at kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng puso ko dahil doon.

"Ano namang kakantahin mo?"

Inumpisahan na nitong hawaka ang kanang kamay ko, at iniangat iyon. Sunod ay hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya, pagkatapos ay inilagay na nya ang kamay nya sa bewang ko.

Habang ginagawa nya ang mga bagay na iyon, ay nakatitig lang kami sa mata ng isat-isa. Sya nakangiti, habang ako ay kabado at mabilis ang tibok ng puso.

"Everybody loves the things you do,"

Iginalaw nito ang sarileng paa pakaliwa na sinundan ko naman.

"From the way you talk
To the way you move
Everybody here is watching you
'Cause you feel like home
You're like a dream come true,"

Wala akong ibang ginawa ng mga panahon na iyon kundi ang alalahanin lahat ng mga pangyayaro sa buhay ko na kasama sya. Simula noong mga bata pa kami, hanggang sa ngayon.

"But if by chance you're here alone
Can I have a moment?
Before I go?
'Cause I've been by myself all night long
Hoping you're someone I used to know,"

Sa tingin ko, nagkakalugar na sya sa puso ko. Hindi pa lang talaga ako handa kasi... masyadong masakin yung nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, at ayokong masaktan na naman.

"You look like a movie
You sound like a song
My God this reminds me, of when we were young

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were scared of getting old
It made us restless
It was just like a movie
It was just like a song,"

Patuloy lang itong kumanta at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lamang sya mga mata.

"I was so scared to face my fears
Nobody told me that you'd be here
And I'd swear you moved overseas
That's what you said, when you left me

You still look like a movie
You still sound like a song
My God, this reminds me, of when we were young

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized,"

Iniisip kung ano kaya ang mangyayari sa akin kung sakaling hindi ko sya naging kaibigan. Sino kayang lalapitan ko? Sinong sasabihan ko ng mga problema ko? Sinong tatakbuhan ko?

"We were sad of getting old
It made us restless
It was just like a movie
It was just like a song

When we were young
When we were young

It's hard to win me back
Everything just takes me back
To when you were there
To when you were there

And a part of me keeps holding on
Just in case it hasn't gone
I guess I still care
Do you still care?

It was just like a movie
It was just like a song
My God, this reminds me
Of when we were young

When we were young
When we were young

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were sad of getting old

It made us restless
Oh I'm so mad I'm getting old
It makes me reckless

It was just like a movie
It was just like a song
When we were young."

Nang matapos nya ang kanta ay nanatili parin kaming nakatitig sa isat-isa. Nakababa na ang mga kamay namin pero nanatiling magkahawak ang mga iyon.

Nakikita ko sa kanyang mga mata na marami syang gustong sabihin, pero tulad ng palagi nyang sinasabi. Iyon ang narinig ko.

"Maghihintay ako Karen. Kahit gaano katagal, hihintayin kita."

Napaluha ako dahil sa sinabi nito. Hope was in his eyes, pero halata mo parin ang lungkot.

Kayq naman agad ko itong niyakap upang hindi ko na makita pa na nalulungkot sya. Sobra na yung naibigay nya sakin, samantalang ako ay puro pasakit lang isinusukli ko.

"You deserve the best." Sabi ko dito.

Tuluyan ng tumulo ang aking luha, hindi ko kayang nakikita syang nasasaktan. He's my best friend after all. At mas masakit sa part ko dahil ako yung dahilan nung sakit na nararamdaman nya.

"And you deserve it too." He said.

"I know, and I already experienced it. But only for a short time. But I guess that's enough. Hindi ko na kaylangan pa ng iba."

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin, at sinapo ang aking mukha.

"You do not need the best for now on. Karen," mas inilapit pa nito ang mukha sa akin, na syang nagpatigil sa aking paghinga. "He can give you the best, but I can give you the better best."

Hindi ako nagsalita, hindi na rin yata ako nakahinga. Basta ang alam ko lang, ang lahat ng aking atensyon ay nasa kanya. At wala na akong balak pang iaalis iyon sa kanya.

God! This man was unbelievable.

Magical.

Yan lang ang masasabi ko sa pangyayaring iyon. Hindi kami nag-kiss nun dahil bigla nalang bumukas ang pinto. Pumasok yung mga nag-aalaga ng halaman sa loob.

In fairness, dapat taasan nila mama at papa ang mga suweldo nila.

Tumunog ang bell na nasa pinto, hudyat na mayroong pumasok.

Halos mapatayo pa ako dahil doon. Kulang na ngala lang ituro ko sya at isampal sa mga tao doon na dumating na yung taong kasama ko. Masyado kasing mga pilingera.

Tila nagtataka naman itong lumapit sa akin. Kaya naman umayos ako ng upo at inayos ang medyo magulo kong buhok.

"Mukhang ang saya-saya mong makita ako ah." Sabi nito bago naghila ng sarile nyang upuan.

Nag-iwas naman ako ng tingin para hindi nito mapansin ang pagngiti ko.

"Sinasabi mo dya. Hoy para sabihin ko sayo, mahigit thirty minutes na akong naghihintay sayo no."

"Sorry, traffic eh." Lumingon-lingon ito sa paligid.

"Yan naman talaga ang dahilan mo palagi." Bulong ko pa.

"Um-order ka na ba?" Tanong nito.

Umiling naman ako at pumangalumbaba sa harapan nya. Feel ko kasi magpa-cute ngayong sa kanya eh.

"Oorder na ko para satin ha?" Nakangiting tanong nito.

Nakangiting tumango-tango din naman ako, wala pakialam kahit na hindi nya napansin ang pagpapa-cute ko.

Kasi alam ko, sa lob-loob nung taong yun. Kinikilig na yun. Haha. Ang cute cute pa naman kiligin nun, ang bilis mamula.

Pinanood ko syang maglakad papunta sa counter, ang sexy nya kahit likod lang ang kita.

Alam ko sa sarile ko, na ngayon. Hindi ko pa sya mahal, pero alam ko sa sarile ko na darating din yung panahon. Na matututunan ko na rin syang mahalin.

At kapag dumating ang oras na yun, sisiguraduhin ko, na sya na ang last.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top