z
Matapos ang nangyari, napag-isipan kong makipagkita kay ate Ariana upang sabihin sa kanya ang lahat.
Deserve nyang malaman ang totoo. Alam ko na nalilito pa rin sya sa mga nangyayari. At gusto kong maliwanagan na sya.
Gusto ko na ring makibalita kung nagka-ayos na ba sila ng mga magulang nila. Nung huling pag-uusap namin tungkol sa mga ito ay hindi sila magkaayos.
At nung makita ko sila nung unang pagkakataon. Kita ko sa mga mata nilang magkapatid na excited silang makasama ang mga magulang nila.
Tsaka parang wala rin naman silang galit sa isat-isa kasi, nagkayakapan na naman sila kaagad. Posible ba yun? Mawawala na yung galit sa paglipas ng panahon?
"Alam mo bang nagtatampo ako sayo kasi hindi naman pala ako yung mahal mo." Hinaplos ko ang lapida na nasa harapan ko, nakalagay din sa lapida ang larawan ng lalaking pinakamamahal ko. Si Justin. "Dapat kasi hindi ka na nangangako kung wala ka naman palang isang salita."
Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha. Tanggap ko na ang lahat, pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Kasi yung pagmamahal na ipinakita ko sa kanya? Puro yun. Totoong pagmamahal yun.
Kaya sobrang sakit para sakin na malaman na ginamit lang pala nya ako.
"Karen? Kanina ka pa nandito?"
Agad kong pinunasan ang aking mga luha, at humarap sa kanya.
"Ate Ariana." Bati ko dito.
Lumapit ito sa akin at naglagay ng bulaklak sa puntod ni Justin.
"Inagahan ko talaga. Gusto ko kasi syang makausap." Sabi ko dito habang nakatingin sa kanyang mukha.
"Sa tingin mo, naririnig kaya nya tayo?" Lumingon ito sa akin.
Ngumiti ako rito. "Oo. Siguro. Baka nga binabantayan nya pa rin tayo ngayon." Sagot ko.
"Kung nabubuhay lang yun. Hindi ako makakapunta dito. Hindi kita makikilala. Siguro nakatadhana ng mangyari iyon sa kanya para maintindihan ko ang tunay na kahalagahan ng pamilya. Para mas mabigyang pansin ko ang maraming bagay. Nawalan kasi ako ng oras na i-apreciate ang mga yun simula nung makilala ko sya."
Namuo ang mga luha nito sa mata. Naiintindihan ko sya, kahit ako ay magsisisi at masasaktan.
Hinawakan ko ang mga kamay nito at binigyan sya ng mapang-intinding tingin.
"Nagmahal ka lang ate. At walang masama sa pagmamahal. Masyado ka lang nabulag, to the point na na hindi mo na ma appreciate yung mga nasa paligid." Huminga ako ng malalim. "Pero ang mahalaga naman, natuto ka, at alam mo na yung gagawin mo sa susunod kapag nagmahal ka ulet." Binigyan ko ito ng mapanuksong tingin, na ikinatawa nito.
"Ano ka ba? Wala pa sa isip ko yan." Pabiro din nitong sinabi.
Nagtawanan lang kami pagkatapos nun. Ito ba yung feeling na makipagtawanan sa taong mahal nung taong mahal mo? Ang saya eh haha.
"Tungkol saan nga pala yung pag-uusapan natin?" Pag-iiba nito ng topic.
Napatitig naman ako saglit dito bago ngumiti. Handa na akong pag-usapan yun bago pa man ako nagpunta dito. I already fixed myself.
"Tungkol kay Justin."
Napattig ito sa akin. Nagtataka. Sabagay, ang alam lang naman nya ay nakikita ko si Justin at nakakausap. Bukod doon wala na.
"Anong tungkol sa kanya?" Tanong nito.
Huminga ako ng malalim at tinitigan syang mabuti. "Si Justin... minahal nya rin ako." Diretsahang sagot ko.
Kita ko ang pagkagulat at pagkalito sa mga mata nito. Agad itong napabitaw sa pagkakahawak ng ng mga kamay namin.
"A-anong ibig mong sabihin?" Namuo ang mga luha sa mata nito.
"Nung unang beses akong nakapunta sa bahay nyo, nasabi na nya sakin na mahal nya ako."
Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Pero nagpatuloy ako.
"Kaya nga nung makita ko yung picture nyong dalawa na magkasama, sobra akong nasaktan. Akala ko niloloko nya lang ako. Na two-timer sya. Pero hindi. Alam ko sa sarile ko na totoo lahat nung pinakita nya, pero hindi ako yung mahal nya." Nagbaba ako ng tingin.
"Akala ko ba alam mo na na patay na sya? Paano?" Naguguluhang tanong nito.
"Ang totoo nyan, hindi ko alam. Nagdududa ako, pero pinanlalamangan ako ng pagmamahal ko sa kanya. Alam mo ba kung gaano kasakit na malaman na yung taong minamahal mo, ay hindi pala maaring mapasayo. Na hanggang doon na lang kayo. Ikaw lang yung nakakakita sa kanya, na bawal kayo sa public kasi mapagkakamalan akong baliw." Tumawa ako ng mahina.
"Sa totoo lang, kaya kong tiisin lahat ng yun, kung sinabi nya lang. Pero hindi, gusto na nyang makaalis dito. Gusto na nyang matahimik. At yun din yung gusto ko para sa kanya. Gusto kong maging malaya na sya. Gusto kong maging masaya na sya.
"Kaya kahit na masakit para sakin na gumawa ng paraan para makapag-usap kayong dalawa. Ginawa ko pa rin. Kasi mahal ko sya."
Parang nabawasan ng batong nakadagan sa dibdib ko ng sinabi ko yun. It's better to tell someone about your problem, kaysa sarilinin mo. Kahit hindi nila naiintindihan yung sinasabi mo, malaking tulong na yung may nakikinig sayo.
Nanatiling tahimik si ate Ariana. Nakatitig lang ito sa akin. Maya-maya ay bigla itong tumawa.
"Hindi ko akalain na lolokohin nya ako." Biglang may namuong luha sa mga mata nito.
Ako naman ang napakunot noo at nagtaka. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
"Sinabi mo kanina na hindi ikaw yung mahal nya. Pero maniwala ka sakin," hinawakan nito ang kamay ko, "hindi totoong hindi ka nya mahal."
"Paano mo naman nasabe?" Nabuhayan ang aking puso. Kulang na lang ay hawakan ko na sa mga braso si ate Ariana para sabihin na nya sa akin ang totoo.
"Si Justin, sya yung tio ng tao na hindi nagsisinungaling. Kilala ko na sya for a decade, at kahit kaylanman, hindu sya nagsinungaling sa akin." Malungkot ang mga mata nito.
Kaya naman imbes na matuwa y pinilit ko ang sarile ko na maging katulad ang emosyon nya.
"Pero sinabi rin nyang mahal ka nya." Pagtanggi ko.
Hindi naman maari sigurong mahal nya kaming dalawa diba? Hindi ganung klase ng tao ang pagkakakilala ko sa kanya. Hindi nya magagawa yun.
"Siguro yung mga sinabi nya sakin nun, is para lang pagkakaibigan. Mahal nya ako as a friend. At siguro may dahilan din sya kung bakit sya nagsinungaling. Na hindi naman nya gawain." Tumawa ito ng mahina.
Inilihis nito ang paningin sa akin. At alam kong pinipigilan nitong mapaluha.
"Alam ko yun. Pero ano ang dahilan para magsinungaling sya?" Mukhang ako pa yata ang kaylangang maliwanagan ah.
Muling lumingon sa akin si ate Ariana. This time namumula na talaga ang mga mata nya. Bilib ako sa kanya. Grabeng pagpipigl na siguro ang ginagawa nya.
"Maybe... ayaw nyang mas masaktan ka pa. Ayaw nyang mahirapan ang puso mo na mag-move on. At naiintindihan ko yun."
Kita ko sa mga mata nito na sincere ito sa mga sinasabi. At kahit hindi ko man sabihin, proud ako sa kanya. Para ko na rin kasi syang ate eh.
"Wag kang mag-alala, hindi ako galit. Bilang nakakatanda sa ating dalawa, ako dapat yung mas makaintindi. Parehas tayong nasaktan sa pag-alis nya. Pero alam din naman natin na para sa ikakabuti nya yun." Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
At dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin sya. Hindi ko akalain na hindi kami iiyak. Talagang tanggap na namin ang mga nangyari.
Nang magbitaw kami sa yakap ay parehas na kaming nakangiti sa isat-isa. Sabay pa kaming tumawa.
"Nga pala. Kamusta na kayo ng parents mo?" Pag-iiba ko ng usapan.
Nakita ko kung paanong magningning ang mga mata nito. Mukhang okay na talaga sila. At masaya ako doon.
"Sa totoo lang. Hindi ako makapaniwalang parang wala lang nangyari nung bumalik sila. Parang isang napakasaya naming pamilya bago sila umalis noon.
"Hindi ko talaga inakala na magiging ganun ang first approach namin sa isat-isa. Akala ko kasi katulad ng dati. Kung magpapansinan man, yung may itatanong lang na importante. Kaya laking gulat ko ng yakapin nila kaagad ako."
Kita sa mga mata nito ang saya. Siguro ganun talaga ang pamilya. Kahit na gaano kalaki ang problema, basta't magkakasama at nagmamahalan kayo. Magiging magaan lang ang lahat.
"Masaya ako para sayo." Sa sobrang dami ng pwedeng sabihin, iyon nalang ang nasabi ko. Dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko.
Naputol lang ang pagtititigan naming dalawa ng may marinig kaming magsalita. Paglingon namin ay nakita namin ang papalapit na si Prince sa direksyon namin.
"Oh? Tara na?" Aya nito.
Napatango naman ako, pagkatapos ay tumingin kay ate Ariana.
"Sasabay ka na ba samin Ate?" Tanong ko dito.
"Hindi na. Maya-maya pa ako aalis. Mauna na kayo, mukhang may datw kayo eh." Halata sa mukha nibate Ariana na nang-aasar ito.
Kaya naman agad akong pinamulahan ng mukha, at mas piniling wag nalang magsalita.
"Pano yan ate, una na kami." Paalam ni Prince.
Tumango naman si ate Ariana at ganun din ako sa kanya. Nanatili ang mapang-asar ng tingin nito sa akin. Kaya naman tumalikod na ako kaagad at nauna ng maglakad.
Nang makalayo-layo na ay naramdaman kong nasa tabi ko na si Prince. Nilingon ko ito, at nakita kong nakangiti ito.
"Namumula ka." Sabi nito habang ang tingin ay nasa kalsada.
Agad naman akong napahawak sa magkabilang pisngi ko at iniiwas ang tingin.
"Hindi kaya." Pagtanggi ko.
"Ang cute mo pag nagsisinungaling."
"Anong nagsisinungaling?" Malakas na tanong ko dito.
Gulat na napalingon naman ito sa akin, at tumabi pa ng kaunti.
"Totoo naman ah." Inosenteng sagot nito. Naghahanda na sa pagtakbo.
"Ikaw!" Sabi ko at naghanda na sa pagsugod.
Pero ang loko-loko, nauna pa saking tumakbo.
Kaya naman masaya kaming naghabulan hanggang sa makarating na sa kanyang kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top