x
"Justin? Nandyan ka pa ba? Gumising ka." Yan kaagad ang narinig ko matapos ang ilang segundong katahimikan.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakatayo parin ako doon sa tapat ni ate Ariana at ng katawan ko, wala na si Justin.
Pero hindi pa rin ako nakakabalik sa katawan ko. Hindi pa ba tapos ang lahat? Meron pa ba akong dapat na malaman? Meron pa ba akong dapat na makita?
"Bakit ikaw na si Karen? Wala ka na ba talaga?" Pilit pa rin nitong inaalog ang katawan ko.
Hanggang sa makarinig kami ng pagkatok mula sa labas. Sabay pa kami napalingon dito. Agad naman akong kinabahan, hindi ko alam ang gagawin ko.
Masyadong magulo ang buong kwarto, at nakahiga pa ako sa sahig at walang malay. Anong iisipin nilang nangyari kapag naabutan nila kami sa ganitong sitwasyon?
Naalis lamang ang paningin ko sa pinto ng makita kong kumilos si ate Ariana. Nakita kong binuhat at dinala nya ang aking katawan sa terrace at iniupo sa bangko.
Mabilis syang bumalik sa loob at inumpisahang damputin ang binasag kong frame.
"Ate? Tapos na ba kayo mag-usap?" Tinig ni Ara.
Mahahalata mo ang excitement sa tinig nito na ikinakunot ng noo ko. May naririnig pa akong nag-uusao sa may labas, na sigurado akong hindi silang dalawa ni Prince iyon
Natigilan si ate Ariana sa kanyang ginagawa at nilingon ang pintuan. Nanginginig pa ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa mga nabasag na frame.
"Oo. Sandali lang." Sigaw nito at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
Sa pagtataka sa mga ingay na naririnig mula sa labas, ay naglakad ako papalapit sa pinto upang malaman kung ano ang nangyayari sa likod noon.
Marahan kong inilusot ang aking ulo sa pader. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata kk
Nasa pagtatangka na akong bumalik muli sa aking katawan ng bigla na lamang nagbukas ang pintuan. Sabay pa kaming napalingon ni ate Ariana.
Ang gulat na mukha ni Princeton at Ara ang bumungad sa amin. At ng dalawa pang matandang sa tingin ko ay mag-asawa.
Nakatingin ang mga ito kay ate Ariana na ngayon ay abala sa pagdampot ng mga nabasag na frame.
"W-what happened?" Nagugulat na tanong ng matandang babae.
Pero tila hindi iyon napansin ni ate Ariana. Nakatitig lamang sya sa mukha ng dalawang matanda. Wala akong ibang nagawa kundi ang pakititigan din ang dalawang matanda.
Halos matutop ko naman ang aking bibig dahil sa na realize. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga magulang ni Ara at ate Ariana.
"M-mom." Nagugulat na usal ni ate Ariana. "D-dad." Dagdag pa nito.
Muli itong pinangiliran ng mga luha. Hindi pa ba nauubos yun? Kanina pa kami nag-iiyakan dito ah?
"My daughter! What happened?" Nagugulat na usal ng ina nito. Nakabuka pa ang mga kamay nito at naglalakad habang nagsasalita.
Hindi na nagsalita pa si ate Ariana, agad itong tumayo sa pagkakaupo at patakbong lumapit sa nanay nito.
"M-mom..." Umiiyak na sabi nito.
Lumapit naman ang ama nito sa kanila at nakiyakap rin.
"We miss you Ariana." Nakangiting sabi nito.
"I-I-I s-sorry..."
"Shhhh... You don't have to say that. Kami nga dapat ang magsabi sayo nyan." Sabi ng ama nito.
Nilingon naman ng ina si Ara at ngumiti rito. "Ara anak, halika. Ngayon na nga lang tayo nakumpleto ulet." Sabi nito.
Bagamat halatang nagtataka pa rin, ay pilit na lumapit pa rin si Ara sa mga ito at nakiyakap. Ipinapalibot pa nito ang mgamata na tila may hinahanap.
Nilingon ko naman si Princeton na ngayon ay nagtataka rin. Kaylangan ko na talagang makabalik sa katawan ko. Masyadong malaking problema kapag nakita nila akong walang malay dito.
"A... Mom, Dad. Can we go outside? Uhmm, magulo pa kasi itong kwarto eh, nililinis ko pa." Nananantyang sabi ni ate Ariana.
Nilingon naman ng mga magulang nito ang buong kwarto at napagtango-tango. "Oo nga. Mukhang sumipag ka na ah." Papuri pa ng ina.
Hilaw na ngumiti na lamang si ate Ariana at tumungo. "Una na po kayo. Susunod ako."
Nagtataka namang tiningnan ng mga magulang nila si ate Ariana. "Parang may kakaiba sa iyo anak. Ayos ka lang ba?" Tanong ng ama nito.
Tumango naman si ate Ariana. "Kakausapin ko lang po si Princeton."
Sabay na nilingon ng mga matanda si Prince, at muling ibinalik ang paningin kay ate Ariana.
"Sige, mag-usap nalang ulit tayo mamaya. Marami kaming pasalubong sa inyo nv kapatid mo." Nakangiting sabi ng ina nito.
Isang beses pang hinaplos ng matandang babae ang pisngi ng dalawa nyang anak, bago nila nilasang mag-asawa ang kwarto.
Nang makaalis na ang dalawang matanda ay agad na lumapit si ate Ariana sa pinto at isinara ito. Natatarantang hinarap nya ang dalawa.
"Alam kong hindi kayo maniniwala pero may kakaibang nangyari sa kwartong to." Panimula nito.
"S-sandalae, nasaan si Karen?" Naguguluhang tanong ni Prince.
Balisang nilingon naman ako ni ate Ariana sa may teresa at itinuro.
Agad na tumakbo papalapit sa akin si Prince at sinubukan akong gisingin.
"Ano ba talagang nangyari ate?" Kinakabahang tanong ni Ara.
Naluluhang nilingon naman ni ate Ariana si Ara. "Si Justin." Tanging lumabas sa bibig nito.
"Justin? Anong si Justin?" Naguguluhang tanong ni Ara.
"Iuuwi ko na sya."
Nagulat na lamang ako ng makita kong buhat na ako ni Prince . At swabeng-swabe lang itong dumaan sa sliding door ng terrace.
"Pasensya na sa nangyare." Paghinging paumanhin ni ate Ariana.
"Ayos lang ba sya?" Tanong pa ni Ara.
Ngumiti naman si Prince upang masiguro sa magkapatid na ayos nga lang ako.
"Mukhang nakatulog lang sya dahil sa pagod." Pagdadahilan pa nito. "Mauna na kami."
"Mag-iingat kayo." Pahabol pa ni Ara.
Tuluyan na ngang lumabas si Prince sa kwarto. At naiwan naman kaming tatlo dito.
"Hay! Iuuwi na ba talaga nya ako? Gusto ko pang maki-chismis eh."
Pumadyak pa ako ng isang beses dahil sa inis bago sumunod dito.
Kinakabahan pa ako dahil baka makita kami ng mga magulang si Ara, at laking pasalamat ko dahil mukhang wala sila dito sa sala.
Mabilis na nakalabas si Prince sa bahay. Hirap mang buksan ang pinto ng kotse ay ginawa nya parin iyon ng mag-isa. Marahan nya akong iniupo sa passenger seat.
Akala ko ay aalis na sya at pupunta na sa driver seat, pero hindu ganun ang nangyari. Tinitigan pa nito ang mukha ko.
Piling ko kahit kaluluwa ako ngayon ay namumula parin ang mukha ko. Gosh! Ano ba ang ginagawa nya?
"Hindi ko alam kung anong wala sa akin para hindi mo ako magutuhan. Samantalang ginawa ko naman ang lahat para gustuhin mo ako." Inilagay nito ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga.
"Kung sana niligawan na kita kaagad noong una palang kitang nakilala, baka naging akin ka. Baka hanggang ngayon tayo pa rin." Pinakatitigan nito ang mukha ko.
Naluha naman ang mata ko dahil sa mga sinabi nito. Talagang hindi pa talaga sya nakakamove-on sa akin ha?
Ilang beses kong sinabi sa kanya na kalimutan na nya ang nararamdaman nya sakin, dahil ayokong masaktan sya. Pero heto sya, patuloy pa rin akong minamahal kahit na nasasaktan ko sya.
"Isang halik lang Karen."
Natutop ko naman ang aking bibig dahil sa sinabi nya. Anudaw?
"Isang halik lang kakalimutan na talaga kita."
No! Hindi pwede. Pwede siguro? Pag hinalikan nya ako kakalimutan na nya ako, edi tapos na ang problema ko?
Pero hindi talaga eh, katawan ko yun. Parang binaboy na rin nya kung hahalikan nya ako ng walang paalam. Kaylangan ko ng makabalik sa katawan ko.
Nang mga isang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha, ay tsaka na ako pilit na pumasok sa aking katawan.
Muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon na tila hinihila ang aking katawan, sa hindi komalamang kadahilanan.
Hanggang sa umayos na ang aking pakiramdam, agad kong iminulat ang aking mga mata. At ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng maramdaman ang mabango nitong hininga sa aking mukha.
Dahil sa gulat ay kusang umangat ang aking kamay at pinatama ang palad sa kanyang pisngi.
"Aray!" Bulalas nito.
Dahil sa aking sampal ay napalabas ito ng kotse. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at galit na hinarap sya, nakahawak pa ito sa kanyang pisngi.
"Ha! Ang kapal ng mukha mo, akala ko kaibigan kita tas pagsasamantalahan mo lang pala ako?" Tinakpan ko pa ang dibdib ko sa harap nito.
Nataranta naman ito sa narinig. "Uy! H-hindi ah. Walaa akong balak."
"Anong wala? Kung hindi pa ako nagising edi nahalikan mo na ako? Hindi mo ba nakita kung gaano ng kalapit ang mukha mo sa mukha ko?" Sigaw ko pa dito.
"S-sorry na..." Pagmamakawa pa nito.
Unti-unti itong lumapit sa akin. Napaismid naman ako dahil dito.
"Kung hindi ko lang narinig yung mga sinabi mo kanina, hindi talaga kita mapapatawad." Bulong ko pa.
Kumunot naman ang noo nito. "Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala, sabi ko umalis na tayo." Kunwaring galit na sabi ko.
Padabog pa akong pumasok sa loob ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto. Dahilan upang mapapitlag ito sa kinatatayuan.
Palihim naman akong natawa dahil sa reaksyon nito. 'sana nga makuha na din kitang mahalin.'
Nakanguso itong pumasok sa loob ng sasakyan. Pinilit ko ang sarili ko na wag mapangiti. Pero hindi ko talaga kaya. Kaya naman iniiwas ko na lamang ang paningin at lumingon sa labas.
"Di ka naman galit nyan diba?" Tanong nito sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho.
Saglit akong napatigil bago sya nilingon. Ang totoo nyan, hindi naman talaga ako galit. Nag-galit-galitan lang.
"Hindi naman. Bakit?"
Tila naman namangha itong sa naging sagot ko. "Wala hehe. Kalimutan mo na yun."
"Baliw."
Tinawanan lang ako nito. Anong akala nya? Magagalit ako dahil muntikan na nya akong mahalikan. Kung hindi ko lang narinig yung mga sinabi nya sakin kanina eh.
Sa totoo nyan, naaawa talaga ako sa kanya. Parang buong buhay nya ako lang ang babaeng nagustuhan nya. At ang kapal naman ng mukha ko para isipin iyon.
Pero sa nakikita ko kasi parang ganun nga. Lagi nyang sinasabi na ako lang ang gusto nya, na mahal nya ako. Hindi ba sya napapagod? Nakakapagod kayang maghintay sa taong wala namang kasiguraduhan kung mamahalin ka rin nito pabalik.
Hay! Nakakabaliw.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nasaan na ba si Justin ngayon? Nakaakyat na ba sya sa langit. Posible pa kayang makabalik sya dito?
At lalong hindi mawala sa isip ko kung totoo ba yung pagmamahal na ipinakita nya sa akin noon.
Hindi ba nya alam na sobra akong nasaktan nung sabihan nya si ate Ariana na mahal nya ito, sa harapan ko pa mismo? Nangako pa sya sa akin na kahit na anong mangyari ako lang ang mahal nya. Ako lang mamahalin nya, tapos biglang ganun?
Daig ko pa ang iniwan sa ere kanina ah. Sana hindi na lang sya nangako kung may mahal pa naman syang iba.
"Ayos ka lang ba?" Bigla akong napalingon sa tanong nito. Lumingon ito saglit habang nakangiti bago muling ibinaling ang paningin sa kalsada. "Kamusta ang pag-uusap nyo ni ate Ariana? Ano ba talagang nangyari? Bakit ka nahimatay?" Sunod-sunod na tanong nito.
Kita ko ang paghigpit ng kapit nito sa manibela. Siguro naiinis sya dahil inabutan nya ako sa ganoong kondisyon kanina.
"Mahabang kwento eh." Sabi ko nalang bago inilihis ang paningin.
"Alam mo namang kahit gaano kahaba yan handa kitang pakinggan. Alam mo din naman na kahit na anong ikwento mo hindi kita huhusgahan diba? Kaya bakit hindi mo pa sabihin?"
Ramdam ko ang sensiridad nito sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ang dahilan. "Dahil ayokong masaktan ka pa." Sabi ko dito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Sandaling nagkatitigan ang aming mga mata at sya na ang unang umiwas.
"Alam ko na alam mo na may iba akong mahal. Alam ko rin kung gaano mo ako kamahal. Nasaktan na kita ng paulit-ulit, at hindi ko na maaatim pa na masaktan ka ulet ng dahil na naman sakin." Nag-aalalang sabi ko dito.
Ganun nalang ang gulat ko ng bigla nyang iliko patabi ang sasakyan at iparada iyon doon. Napahawak pa ako sa kung saan dahil sa takot.
"What was that for?" Naiinis kong tanong dito.
Tinanggal na muna nito ang pagkaka-seatbelt nya at mabilisang inilapit sa akin ang kanyang mukha. At binigyan ako ng isang mariin na halik sa labi.
Dahil sa gulat at pagkakahawak nitosa magkabilang pisngi ko, ay hindi ko na nagawa pang mag-react. Nanlalaki na lamang ang aking mga mata na pinagmasdan sya.
Mga ilang segundo ang lumipas ay binitiwan na rin nya ang labi ko. Kapwa kaming hinihingal, ako nakatingin sa mga mata nya, habang sya ay sa aking mga labi.
Pinakiramdaman ko ang dibdib ko, sa isang halik na yun. May naramdaman ba ako? Nagbago yung tingin ko?
Unti-unti nitong iniangat ang kanyang paningin sa akin. At tila doon ko lang na realize kung gaanong nakakahiya ang ginawa nya.
Kaya naman mabilis kong pinalipad ang aking mga palad sa kanyang pisngi. Sa sobrang lakas nun ay tila naririnig ko pa rin yun sa aking tainga hanggang ngayon.
Tila natulala ito sa aking ginawa. Hinihingal pa rin ito hanggang ngayon, at hindi ko maipaliwanag sa sarile ko kung bakit tila ayaw ko ng iaalis pa ang mata ko sa kanya.
Marahan itong humarap sa akin, kita ko ang pamumula ng mga mata nito. Napalunok ako ng isang beses, nauubusan ako ng mga sasabihin.
"Ito ang tatandaan mo. Kahit ilang beses mo akong saktan, hinding-hindi pa rin ako magsasawang mahalin ka. Dahil habang nasasaktan ako, lalo lang nun pinapalalim ang pagmamahal ko sayo." Mahaba nitong sinabi at bumalik na sa dating pwesto.
Ngingiti-ngiti nitong ibinalik ang kanyang pagkaka-seatbelt. Samantalang ako ay marahang umaayos ng upo. "Concern lang naman ako eh" nakangusong bulong ko.
"Let's go?" Anyaya pa nito habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Bahala ka." Inis na sabi ko dito ng hindi sya nililingon.
Narinig ko pa ang mahina nitong halakhak bago umandar ang kaniyang kotse.
Nung mga panahong iyon wala akong ibang inisip kundi kaming dalawa lamang. Walang Justin at Ariana sa aking isipan.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, dapat ay malungkot ako ngayon. Pero sa nakikita ko sa sarili ko, hindi ganoon.
Buong byahe, alam ko. Kaming dalawa ay kapwa nakangiti sa hindi malamang kadahilanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top