u

Tulala lang ako habang nasa byahe kami. Sinabi ko kay Prince na gusto kong makausap si ate Ariana. Nagtanong pa ito kung bakit. Sinabi ko na lang na may kwinento sa akin si ate Ariana na hindi nya natapos, which is true. Pero hindi na ito nagtanong pa kung anong kwento iyon, basta nalang sya pumayag sa gusto ko.

Tanging tunog lang ng stereo ang naririnig sa buong sasakyan. Pilit kong hinahanap si Justin sa rearview mirror, pero wala syang repleksyon doon.

Ayokong lumingon palagi sa likuran ko, baka mawirduhan na sa akin si Prince nun.

Habang tumutugtog ang isang rock song ay napansin kong napapa- headbang pa ai Prince dito. At kada lilingon ako sa kanya ay, either kikindatan ako nito, o ngingitian.

Napapasimangot naman ako dahil sa kalokohan nito.

Hindi ko magawang makipag-usap. Dahil alam ko sa sarili ko na, matapos nito, tapos na ang lahat. Wala na yung dating ako, mawawala na ang weird feelings ko, mawawala na mga masasamang isipin sakin ng mga tao, at higit sa lahat. Wala ng Justin.

Si Justin na nagturo sa akin kung paano makihalubilo sa iba. Paano maging matapang. Paano magtiwala sa sarili, at sa iba. Si Justin na tinuruan ako kung paano ba magmahal.

Iniisip ko palang na mawawala na sya, parang sumisikip na ang dibdib ko sa sakit.

Ganun nalang ang kalabog ng dibdib ko ng makarating na kami sa bahay nila ate Ariana. Hindi ko maigalaw ang katawan ko para lumabas ng sasakyan.

Kanina ko pa hinihiling na sana wala sa loob si ate Ariana. Sana nasa trabaho pa sya.

Isang kasambahay ang nagbukas sa amin ng gate, at pinatuloy kami. Kilala na kasi ng mga ito si Prince. Nang maiparada na ang sasakyan ay agad na lumabas ng kotse si Prince.

Tila inugatan na ako sa kinauupuan ko. Ayokong lumabas, ayoko ng mangyari to.

Nang lingunin ko ang aking harap ay nandoon na din sa labas si  Justin, nagtataka kung bakit ako nanatili pa roon. Pero parang hindi naman napansin ni Prince ang pag-aalinlangan ko dahil pinagbuksan pa ako nito ng pinto.

Nakita ko ang matalim na tingin na ipinukol ni Justin dahil dito, pero sa huli ay rumehistro rin sa mga mata nito ang lungkot.

Inilahad ni Prince ang kanyang kamay sa akin, ayaw ko mang tanggapin iyon dahil maaaring makadagdag iyon sa sakit na nararamdaman ngayon ni Justin. Pero ayoko namang magduda si Prince dahil palagi namang ganoon ang ginagawa namin.

Tinanggap ko ang kamay ni Prince ng hindi nililingon si Justin. "You look nervous." Puna nito ng mapansin ang panginginig ng kamay ko.

Ngumiti nalang ako ng nag-aalangan at nagpatuloy na sa pagbaba. Binitiwan na ni Prince ang kamay ko at isinarado ang pinto.

Napalingon ako sa gawi ni Justin na ngayon ay nag-iwas ng tingin.

"Nasa loob daw si ate Ariana, nasabi ko kasi kahapon na gusto mo syang makausap kaya hindi muna sya pumasok sa trabaho."

Kwento ni Prince habang naglalakad kami papasok sa bahay nila Ara. Nasa kaliwang banda ko si Prince at nasa kanang naman si Justin. Palihin na magkahawak ang aming kamay.

Ganun nalang ang paglunok ko sa nalaman, wala rin palang saysay ang pagdadasal ko.

"Ang tahimik mo yata?" Puna ni Prince.

Nasa sala na kami at nakaupo, hinihintay nalang ang pagbaba ni ate Ariana dahil tinatawag pa ito ng kanilang kasambahay.

"Wala, nanibago lang. Ngayon nalang kasi ako ulit nakapunta dito." Pagdadahilan ko.

Ngumiti nalang ito. Naging tahimik kami pagkatapos noon.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Justin sa kamay ko. Nilingon ko ito at ngumiti. Kahit na ayokong mawala nya, alam kong ito ang tama, at ito ang dapat kong gawin.

Inilihis kong muli ang aking paningin at inilibot ang mata sa buong kabahayan.

Ngayon ko lang naisip na napakaswerte ko pala dahil araw-araw kong nakakasama ang mga magulang ko. Hindi kagaya nila ate Ariana at Ara, silang dalawa lang ang nandito. Hindi ko tuloy ma-imagine ang buhay ko ng wala ang mga magulang ko.

"My God! Karen?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa matinis na tinig na iyon. Nakita namin si Ara na pababa ng hagdan habang napakalawak ng pagkakangiti.

Napatayo naman kami, muntik pa akong ma out of balance dahil nakahawak pa pala ang kamay ni Justin sa akin, na ngayon ay nakaupo pa rin.

"Woah! Baka madapa ka nyan?" Si Prince.

Tiningnan ko ng masama si Justin na ngayon ay nakatingin lang sa akin. Inginuso ko pa sa kanyang tumayo sya para hindi ako mahirapan.

"Nakakainis ka! Ngayon ka nalang ulit nagpunta." Si Ara habang pinagpapalo si Prince sa braso nito. Umiilag naman si Prince sa bawat palo nito.

Muli kong ibinalik ang paningin kay Justin na ngayon ay ganoon pa rin ang ayos. Hindi ako makatayo ng ayos dahil sa pagkakahawak nito sa kamay ko.

"Karen! I miss you!"

Doon ko na nabitawan ang kamay ni Justin ng bigla nalang akong yakapin ni Ara. Wala na rin akong nagawa kundi ang yakapin ito.

Nakita ko pang nakangiti kaming pinagmamasdan ni Prince. And he mouthed 'I'm so proud of you.'  nangiti nalang din tuloy ako.

"I have something to tell you later pagkatapos nyo mag-usap ni ate." Excited na sinabi nito ng makakalas sa pagyayakapan namin.

Mukhang alam ko na kung tungkol saan ang ikukwento nya. Sana nga totoo kung ano ba yung nakita ko noong nakaraan. Sana nagkaayos na nga talaga sila.

"Tsismis agad Ara. Kayo talaga ni Mica yan lang ang alam." Nagbibiro ang tinig na ani ni Prince.

Napanguso si Ara dahil sa sinabi ni Prince.

"Ikaw ha kanina ka pa." Inis nitong sinabi at umiirap na ibinaling muli ang paningin sa akin. "Tungkol saan ba ang pag-uusapan ninyo ni ate?" Biglaang tanong nito.

Bagaman ay inaasahan ko na, ay hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang pagkagulat doon.

Nangapa ako ng sasabihin. Kung yung sinabi ko kaya kay Prince ang sabihin ko? Maniwala kaya sya? Malamang hindi, masyadong mababaw ang dahilan.

"May kwinento kasi sakin si ate Ariana na hindi nya natapos noong nakaraang inabutan mo kami sa kwarto. Gusto ko lang malaman kung ano ang sunod na nangyari."

Bagamat alam kong hindi nakakakumbinsi iyon ay iyon nalang din ang sinabi ko. Baka si Prince naman ang magtaka kapag iba ang idinahilan ko kay Ara.

"Ano nga pala ang pinag-uusapan nyo non?" Nakakunot noong tanong nito.

Nalingunan ko pang tila nag-aabang rin ng aking sagot si Prince. Napalunok ako. Hindi alam kung magsasabi ng totoo.

Magsasalita na sana ako noon ng marinig namin ang tinig ng pababang si ate Ariana.

"Karen. Napadalaw ka." Pormal bagaman nakangiting sabi nito.

Ngumiti rin ako, pero nawala iyon ng makita ko kung paanong biglang tumayo at matigilan sa kanyang pwesto si Justin. Titig na titig ito sa kabababa lang na si ate Ariana, at tila ngayon lang nito nakita ang ganda niyon.

"Gusto lang sana kitang makausap." Tipid kong sagot at itinikom na ang bibig.

Palihim kong pinagmasdan ang reaksyon ni Justin, ganun pa rin iyon. Namamangha? Nasasabik? Hindi ko alam, hindi ko na sya mabasa ngayon.

Hindi kaya? Panandaliang aliw lang ang naramdaman nya sa akin? Dahil wala si ate Ariana sa tabi nya at wala pang nakakakita sa kanya. Kaya ng dumating ako sa buhay nya, na tanging nakakakita sa kanya. Ay namangha sya, at naibaling ang atensyon sa akin. Na akala nya, ako ang mahal nya, pero hindi pala.

Nangunot ang noo ni ate Ariana. "Tungkol naman saan?" Napalunok ako, hindi alam kung paano syang kukumbinsihin sa mga gusto kong mangyari.

"May napagkwentuhan daw kayo nung nakaraan ate Ariana. Gusto lang daw malaman ni Karen kung ano yung katapusan ng kwento mo." Si Prince ang sumagot sa akin. Nakangiti itong nakatingin kay ate Ariana.

"Ano ba kasi yan? Can you share it with us please?" Pangungulit pa ni Ara.

Ilang na nilingon ko naman ito, nakita ko pa kung paano itong magpa-cute sa harapan ko. Hilaw na ngiti naman ang naibigay ko dito.

"San mo ba tayo mag-usap?" Agad akong napalingon kay ate Ariana. Nakangiti ito sa akin.

Samantalang ganoon parin ang itsura ni Ara, habang si Prince ay halatang inaabangan kung ano ba ang magiging sagot ko.

"Doon po sana sa dati ate." Maikling sagot ko.

Napatango-tango naman ito at ngumiti. "Tara na?" Yaya pa nito sa akin at nauna ng maglakad.

Nilingon ko naman ang nanghinayang na itsura ni Ara. "Daya." Bulong pa nito.

Nag-umpisa na akong maglakad upang maabutan si Ate. Ng nasa tapat na ako ni Prince ay tinanguan lang ako nito, gayundin ako.

Habang paakyat sa hagdan ay narinig ko pa ang bulong ni Ara.

"Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?"

" Hay! Chismosa ka talaga. Bat di mo nalang kaya sila hayaan? " Kunwari ay iritadong sabi ni Prince.

Yun lamang ang aking narinig dahil nagsimula na naman silang magbangayan.

Pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad. Hindi ko na inintindi ang aking nasa likod na si Justin, dahil bawat hakbang ko, sumisikip ang dibdib ko.

Kahit na sabihin nya na ako ang mahal nya, paano kung magkausap na sila? Paano na ako? Malamang pag-uusapan nila ang naudlot nilang love story. At iniisip ko palang na ganoon, sobrang nasasaktan na ako.

Nakita kong nakaawang ng kaunti ang pinto ng kwartk kung saan kami mag-uusap mi ate. Niluwagan ko nalang ang pagkakabukas ng pinto at pumasok na sa loob.

Agad kong isinara ito at ini-lock pa, sa takot na baka may makarinig ng aming pag-uusapan.

Nakita ko pa na medyo kumunot ang noo ni ate Ariana sa ginawa ko, pero ngumiti rin ito upang itago ang kanyang pagdududa.

"Saan na nga ba tayo noon? Nakalimutan ko na kasi eh." Natatawa pa nitong sinabi.

Pero hindi ko na iyon inintindi, marahan akong lumapit sa gawi nito. Gayundin ang ginawa ni Justin, pero sa mga larawang nasa lamesa ang nilapitan nito.

Marahan kong hinawakan ang kamay ni ate Ariana, kasabay ng marahang paghaplos ni Justin sa isang larawan nilang dalawa na magkasama.

Agad na namuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ito ang panahon para magdrama. Kaylangan hindi tumulo ang aking luha.

"Ate, tungkol po doon. Alam ko na po ang lahat." Marahan kong sinabi, upang hindi nya marinig ang panginginig sa aking tinig.

" Kung gayon. Bakit ka pa nagpunta rito kung alam mo na pala ang lahat?" Naguguluhang tanong nito.

Napalunok ako ng dalawang beses ng maramdamang may bumabara sa aking lalamunan.

"Alam kong hindi kapani-paniwala ang saaabihin ko sayo ngayon. Pero si Justin, nakikita ko sya. Nandito sya. "

Nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata nito sa narinig. Agad nyang inilayo ang kanyang kamay sa akin.

"Nandito?" Umaatras pa nitong ani. "Paanong mangyayari iyon eh matagal na syang patay. At alam kong nasa langit na sya ngayon dahil hindi naman sya nagpaparamdam sa akin eh." Hindi makapaniwalang sabi nito bago tumalim ang paningin sa akin. "Tsaka kung magpapakita man sya, bakit sayo? Bakit hindi sakin?"

Tila may tumusok na isang karayom sa aking dibdib dahil sa sinabi nito. Oo nga, bakit ako? Bakit hindi sya.

"Alam mo Karen. Umuwi kana. Wag mong sayangin ang oras ko."

Naglakad ito patungong pinto. Mabilis na tumulo ang aking luha habang pinapanood syang maglakad. Bakit kaylangang ipamukha sa akin na hindi ako. Na dapat sya lang ang may karapatang makakita kay Justin.

Gusto ko mang pigilan ang pag-alis nito, pero hindi ko na magawa. Sobra akong nasasaktan, at wala akong magawa.

Natigil lang sa paglalakad si ate Ariana ng makarinig kami ng pagkabasag. Marahan nitong nilingon ang direksyon ko, agad kong iniiwas ang aking paningin dahil ayokong makita nito na umiiyak ako.

Hinanap ko nalang kung saan ba yung nabasag. Laking gulat ko ng makita ko si Justin na nakatayo sa tapat ng isang frame na basag na sa sahig.

Pero ganun nalang ulit ang paninikip ng aking dibdib ng makitang hindi naman ito nakatingin sa akin. Kundi kay ate Ariana na ngayon ay gulat sa mga nakikita.

Marahang pinulot ni Justin ang picture, at nagsulat sa likod noon.

Siguro kung hindi ko lang din nakikita si Justin, baka mas higit pa ang reaksyon ko sa reaksyon ni ate Ariana.

Nang matapos na sa pagsusulat, ay iniharap na nito sa amin ang kanyang nasulat.

Nakita ko pa kung paanong takpan ni ate Ariana ang kanyang bibig dahil sa nabasa. Napanood ko din ang isa-isang pagtulo ng kanyang mga luha.

Gayundin ako. Patuloy na umiiyak habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa likod ng picture.

Talk to me please, Tirak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top