t
Naupo ako sa pang-isahang sofa, samantalang sa tapat ko naman si Prince. Nakita ko naman ang pagtayo ni Justin sa kanyang inuupuan at marahan lumapit sa akin.
Kumalabog ang dibdib ko ng marahan nitong isiniksik ang sarili sa likod ko, sabay yakap sa bewang ko. Naramdaman ko ang malamig na dibdib nito sa likod ko. Pero kahit na ganun, piling ko nag-iinit pa rin ako.
"Oh? Anong nangyari sayo? Natatae ka ba?" Natatawang tanong ni Prince, ng makita ang pagkabigla ko.
Pilit naman akong tumawa. "Baliw. Mas mukha ka pa ngang natatae sa akin." Bawi ko.
Sabay naman kaming natawa. Natigil lang ako ng maramdaman ko ang hininga ni Justin sa batok ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko doon.
"I thought your good at cooking na. Palpak parin pala." Pang-aasar pa nito.
Justin started licking the back of my ear. And I tried hard not to moan. Fuck! Why the hell he's doing this?
"M-magaling naman talaga ako, kung hindi mo lang ako i-inistorbo." Nauutal kong sagot.
Shit! Sana hindi nya mahalata yun.
"Well. May next time pa naman. Paano kaya kung mag scrambled eggs ka nalang?" Suggestion pa nito. Halata namang nang-iinis lang.
Gumapang ang kamay ni Justin sa aking tiyan, at hinimas iyon. Fuck! Kahit hindi sya nakikita ni Prince, ay nakakahiya parin.
Hinawakan ko ang kamay nito na ngayon ay patuloy sa paggapang. Hindi na ako makapagsalita dahil dito. Pareho lang kaming natigil na dalawa ng biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ni Prince.
Kinuha nya ito at tiningnan. Agad na kumunot ang noo nito at sinagot na rin ang tawag.
"Nandito po ako kila Karen." Sagot nito. Napatingin ito sa akin at tila tinatantya ang mga dapat nyang sabihin. "Sige po, papunta na." Huli nitong sinabi bago ibinaba ang tawag.
Malungkot ang tingin na ibinaling nito sa akin. "Kaylangan ko ng umuwi." Sabi nito sabay kamot sa ulo. "May lakad pala kami ngayon. Di ko alam." Nakanguso nitong sinabi.
Napangiti naman ako dahil sa ginawa nito. "San naman ang punta nyo?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam eh." Tumayo na ito at pinagpag ang suot.
Tumayo na rin ako at binaliwala ang nasa likod ko.
"Una nako. Hindi ko na tuloy matitikman ang luto ni manang." Nanghihinayang ang tinig nito.
"May next time pa. Balik ka nalang."
Nag-umpisa na kaming maglakad. Ramdam ko ang tingin sa amin ni Justin. Pero binaliwala ko na lang muna iyon. May atras pa sya sa akin. Kung ano-ano ang ginawa nya kanina.
Hinatid ko ito hanggang sa may pinto. "Pano? Sa uulitin ha?"
Tumango ako. "Para namang may choice ako." Biro ko pa.
Ginulo nito ang buhok ko na ikinasimangot ko. "Baliw ka talaga."
Umalis na rin ito matapos ang pagpapaalam namin. Hindi ko na pinanood pa ang pag-alis ng sasakyan nito dahil agad ko ng isinara ang pinto.
Tila doon lang ako ng nakahinga sa kahihiyan kanina. Agad kong nilingon ang gawi ni Justin. Nakaupo lang sya doon at matamang nakatingin sa akin. May ngisi sa mga labi.
Nagmamadali akong naglakad patungo dito. Tumayo ito ng akmang susugurin ko na. Naiinis ako sa kanya. Lalo na't pangiti-ngiti pa sya ngayon.
"Nakakainis ka. Alam mo yun?" Pabulong pero may diin na sabi ko.
Itinaas nito ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko. "Sorry okay?" Sabi nito at dahan-dahang lumapit sa akin
Nagtangka itong hahawakan ang kamay ko, pero iniiwas ko yun. At pinagkrus na lamang ang mag ito. Nang makita ko pa rin ang pang-asar na ngisi nito ay iniiwas ko na lamang ang aking paningin.
Mas lumapit ito sa akin. Inabot ng kamay nito ang aking baba at pilit na inihaharap sa kanya. Iniiwas ko pa sa umpisa, pero ng nakulitan ay tiningnan na rin sya.
"I'm sorry. Sayo ko lang kasi nararamdaman ito eh. Sayo ko lang din naipadadama to." Malungkot pero seryoso ang pagkakasabi nito ng mga salitang iyon.
Lumambot naman ang ekpresyon ng mukha ko dahil sa sinabi nito. Hinaplos nito ang aking pisngi dahilan upang mapasinghap ako. "Sorry." Puno ng pagsusumamong sinabi nito.
Tila doon ko lang na realize ang lahat. Na once na matulungan ko na sya, wala na. Mawawala na sya. Why not cherished the moment right?
Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak din sa aking pisngi. I smiled. At tila doon lang gumaan ang pakiramdam nito.
Bago pa man tumulo ang luha ko ay niyakap ko na ito. Naiiyak ako sa katotohanang mawawala sya sa akin. Na maaring ito na ang huling haplos nya, huling ngiti, at huling yakap ko sa kanya.
Kaya ko ba syang mawala? Tutulungan ko ba sya para mapunta na sya kung saan ba dapat talaga sya. O wag nalang para lagi lang kaming magkasama. Parang ang selfish naman ata nun?
"Tutulungan na kitang magawa yung unfinished business mo." Naramdaman kong natigil ito sa paghaplos sa buhok ko.
Ayaw din ba nyang malayo sa akin?
Umiling ako at hinarap sya. "Alam ko na kung ano yung unfinished business mo."
Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Halo-halong emosyon ang nagpakita sa akin sa loob lamang ng ilang segundo.
"Oh? Nasan na si Ton?"
Agad akong napalayo kay Justin dahil sa tinig ni manang. Tila na guilty naman ako ng makita kong parang na offend ito. Naalala kong ako nga lang pala ang nakakakita sa kanya.
"Umuwi na po manang eh." Sabi ko habang dahan-dahang nilalagay ni manang ang isang pinggan ng pancakes, kasama ang isang kasambahay na may dala namang juice.
"Ha? Di mo sinabi. Napadami tuloy itong niluto ko." Apela pa ni manang.
Humalukipkip naman ako bago nagsalita.
"Kayo nalang po ang kumain nyan. Babalik nalang po muna ako sa kwarto ko."
Nakita ko pang nagningning yung mga mata nung kasambahay na kasama ni manang, dahil sa sinabi ko. I guess, hindi sila madalas nakakakain ng ganito, kahit na sila palagi ang nasa kusina.
"O sya sige. Ipagluluto nalang kita ng tanghalian." Si manang habang dinadampot nilang muli ang mga inilagay nila sa lamesita.
Tumango nalang ako at naglakad na papaalis. Kahit na hindi ko na naman yayain si Justin, ay paniguradong susunod yun. Baka nga nasa taas na yun eh.
Agad kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob. Gaya ng inaasahan. Sinalubong ako ng nagtatanong na mga mata ni Justin.
"Ano yung ibig mong sabihin kanina na alam mo na kung ano yung unfinished business ko?" Agad na tanong nito ng maisarado ko na yung pinto.
Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Kaya ko bang sabihin sa kanya? Kaya ko bang malayo sya sakin?
"Oo. Nung isang araw pa." Paliwanag ko dito.
Hindi ko alam kung ano ang ekpresyon na ipinapakita nya sa akin. Bago ang lahat. At hindi ko kabisado to.
"B-bat ngayon mo lang sinabi?" Nauutal na tanong nito.
Namuo ang mga luha sa aking mata. Pinipigilan na huwag tumulo ang mga ito.
"Natatakot kasi ako, na baka kapag nagawa mo na yun. Tuluyan ka ng mawala sakin. Tuluyan na kitang hindi makita."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Takot ako sa maraming bagay. Pero ang katotohanang, kahit ano mang oras, maari syang mawala, ay syang mas ikinatatakot ko.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha. Nanatiling nakatitig lamang sa akin si Justin.
"Pero yun naman talaga eh. Dapat nung simula palang na nalaman kong multo ka, dapat napaghandaan ko na to. Dapat hindi lang sarili ko ang iniisip ko. Ang selfish ko, kasi, gusto kong manatili kalang sakin. Pero hindi ko naisip na baka ayaw mo na dito. Sawa ka ng walang nakakakita sayo. Sawa ka ng daan-daanan nalang ng mga tao. Ngayon ko lang na realize lahat eh. Kaya-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko, dahil naramdaman ko na lang na yakap na ako nito. Kung gaano kahigpit ang yakap nito, mas dinoble ko pa yung higpit nung akin.
Gusto ko tong makabisado. Ayokong makalimutan yung mga yakap nya. Kasi hindi ko alam na baka pagkatapos nito, hindi na ako magmahal ulit.
"Naiintindihan kita. Wag ka ng umiyak, mas nahihirapan akong magdesisyon eh." Anito.
Pinigilan ko naman ang sarili ko na wag ng humikbi. San sya nahihirapan? Ayaw din ba nya akong iwan?
"Alam ko, na kapag umalis ako, makakaya mong magmahal ulit ng iba. Kaya panatag ako kung iiwan man kita. Dahil alam ko sa sarili ko, na magiging masaya ka. Higit pa sa saya na naipadadama ko sayo ngayon. Kaya wag kang iiyak kapag nawala ako. Dahil yun ang magiging dahilan para maging masaya ka, kahit na nahihirapan ka na."
Napatango-tango ako sa ainabi nito. Naiintindihan.
Kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinahid nito ang mga natirang luha at ngumiti sa akin. Kita ko na nanunubig din ang mga mata nito. Tila ba pinipigilan lang nitong huwag maiyak.
"Can you promised to me again, na magmamahal ka ng iba kapag nawala na ako?"
Fuck! That question hurts.
Kahit na labag sa kalooban ko. Tumango nalang ako. Wala akong kararapatang magdesisyon sa buhay nya. Nakilala lang nya ako at minahal nung patay na sya.
Siguro kung buhay lang sya ngayon, ipaglalaban ko sya. Hindi ko sya isusuko basta-basta. Hindi agad ako susunod sa mga ipag-uutos nya. Lalo na kung ikakasakit ko lang yun.
Muli ako nitong niyakap ng nagtagal ng isang minuto. Dinama ko iyon ng buong puso, at napangiti nalang sa masakit na katotohanan.
"Hindi ko alam kung panaginip o talagang nakapunta ako kila ate Ariana nung mga panahong iyon. Basta pagdilat ko nalang ng mga mata ko, nandon nako sa loob ng kwarto nila." Kwento ko dito.
Nakaupo kaming parehas ngayon sa lamesita habang sya ay nakayakap mula sa likod ko.
"Nung araw na sinampal mo ako. Yun ba yung araw na akala mo may girlfriend na ako?" Tanong nito.
Agad naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Aba! Kamalayan ko bang multo na pala sya, edi kung alam ko hindi ko na dapat sya inaway nun.
"Hmm. Akala ko two timer ka, kaya galit na galit ako sayo nun. Kasalanan mo din naman yun dahil hindi mo sinabi sa akin na multo kana." Paliwanag ko.
"Sa tingin mo? Kung sakin mo mismo nalaman na multo ako, maniniwala kaba? Hindi diba? Kaya mas gusto ko kung ikaw nalang ang makadiskubre nun. Para mas maniwala ka." Sabi nito sabay siksik ng mukha nya sa leeg ko.
Tama nga naman. Hindi ako maniniwala, dahil aakalain ko lang na joke nya iyon.
"Pero alam mo ba?..." Na mahal ka parin nya?
Hindi ko na tinuloy pa iyon. Hindi ko masabi, parang ang sakit kung sakin pa nya malalaman yun.
Pero kamalayan ko ba kung alam na nya? Baka nga palagi nyang sinusundan si ate Ariana kung saan man ito magpunta. Baka nga nakikita rin nito kung paano syang iyakan ni ate Ariana.
"Alam ko na?" Curious na tanong nito. Halatang nabitin sa sasabihin ko.
"Alam mo ba kung... Paano mo sya makakausap kung ako lang ang nakakakita sayo?" Pag-iiba ko ng tanong.
Inalis naman nito ang mukha sa leeg ko, tila iniisip ang sagot sa tanong ko.
"Pwede kitang sapian, pero nagdududa ako na baka hindi maniwala si Ariana na ako na ang kausap nya." Natawa ito sa sinabi.
Nakaramdam naman ako ng kirot. Hanggang ngayon, kilalang-kilala nya pa rin talaga si ate Ariana huh?
"Nahahawakan mo naman ang mga bagay diba? Bat hindi mo gawin yun. Pag nandun na tayo sa kanila, ipakita mo sa harapan ni ate Ariana na nagsusulat ka. Tapos sabihin mo na sasanib ka sakin para makausap sya." Pagpapaliwanag ko dito sa sariling plano.
Natawa naman ito.
"Baka nga mahimatay pa yun. Naalala ko noon na masyado yung matatakutin. Konting kaluskos nga iniiyakan na nun." Nakangiti pa nitong sinabi habang nakatulala sa kung saan.
Ouch. It hurts. Kanina ka pa ha. Strike two na.
"Eh pano mo magagawa yung misyon mo kung puro pala kaartehan yan ai ate Ariana." Pagalit kong sinabi.
Nawala naman ang ngiti sa mukha nito at tumingin sa akin. Napalitan ng mapaglarong ngiti ang mga ngiti nito kanina. Iniiwas ko ang paningin ko.
"Mmm. You jealous huh?" Pang-uuyam nito.
Tinulak ko sya ng bahagya, nag-iinarte.
"Baliw. Iniisip lang kita."
Inamoy-amoy nito ang buhok ko sa may sentido.
"Kaylan mo ba ako balak dalhin sa kanila." Tumigil na ito sa pag-amoy at tumitig sa akin.
"Kaylan mo ba gusto?" Tanong ko, habang nananatiling nakatingin sa mga puno.
"Bukas?"
Napabuntong hininga ako dahil doon. How I wish, na sabihin nyang hindi pa nya alam. Ganun pala sya ka excited na umalis sa mundong ito.
"Papatulong tayo kay Prince." Sabi ko dito.
"Hindi mo ba alam kung paano pumunta doon?" Medyo iritado nitong tanong.
Napatingin naman ako dito na nakakunot ang noo. "Hindi, alam mo namang palagi lang akong nasa bahay." Mataman kong sinabi. "Tsaka bat ka nagagalit?" Medyo tumaas ang boses ko.
Napaawang naman ang mga labi nito dahil sa gulat.
"Galit ba ako?" Maang pang tanong nito.
Kinurot ko naman kaagad ang pisngi nito, napangiwi ito sa ginawa ko. "Ikaw ata tong nagseselos eh." Paratang ko pa.
Nag-iwas naman ito ng tingin. Kung pwede lang siguro syang mamula, baka pulang-pula na ang mukha nito ngayon. Hahaha.
"Oo nagseselos ako. Kasi aalis na nga lang ako, kaylangan talaga may eksena pa rin yang best friend mo?" Medyo iritado nitong sabi.
Ako naman ngayon ang napaawang ang labi. Hindi ko akalain na aaminin nya yun. Gosh! Kung ako yun mamamatay muna ako bago ko masabi yun.
"Eh kasalanan ko bang hindi ko alam? Kung alam mo edi ikaw nalang mag-isa ang pumunta." Iritado ko ring tugon.
Tatayo na sana ako kaso hinila ng dalawang kamay nito ang tyan ko pabalik.
"San ka pupunta hmm?" He huskily asked.
Halos magtindigan ang mga balahibo ko, dahil ramdam ko ang hininga nito sa batok ko. Hindi ko akalain na ang ganun kalamig na hininga ay maghahatid ng init sa aking katawan.
"E-eh kasi ikaw eh. Nakakainis ka eh." Nauutal na sagot ko.
Mas hinigpitan nito ang yakap sa akin. Kahit na purong lamig ang nararamdaman ko sa likod ko, ay tila hindi sapat yun para mawala ang init na nararamdaman ko.
"Okay, hindi na ako mangungulit. Kung gusto mong magpatulong kay Prince, doon tayo. Okay na ba yun?" Tanong nito, mukhang nasasaktan. Habang ang bibig ay nasa likod ng aking tainga.
Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil dito. Bakit kasi kaylangan pang mangonsensya.
"H-hindi naman sa ganun-"
"Nope. Mas importante ang opinyon mo. Kaya doon tayo."
"Galit ka eh."
"Hindi ako galit."
"Pero parang galit ka."
Napabuntong hininga na ito sa pamimilit ko. Tiningnan ko naman ang ekpresyon ng mukha nito. Malamlam ang mga mata, malamig na tingin, at may bahid ng lungkot ang itsura nito.
Hinaplos ko ang pisngi nito at dinampian ng halik ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa aking ginawa. Napangiti naman ako.
Atlis, nawala na yung pinakaayaw kong ekspresyon ng mukha nya.
"Mahal kita."
Sabi ko bago nya inangkin ang aking labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top