r
Tahimik lang ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Agad kong ipinulupot ang balabal na dala ko ng umihip ang malamig na hangin.
Kasabay noon ang pagtulo ng luha ko habang namimilipit ako sa lamig dito sa may teresa.
Hindi ko akalain na sa isang araw lang mangyayari ang lahat ng ito. Ang dami kong nalaman, hindi ko na alam kung paano pa ito i-process sa utak ko.
Ayokong mawala sakin si Justin, ganun din naman si Prince.
Paano ko tatanggapin sa sarili ko na patay na nga talaga si Justin? O kaya ko ba talagang tanggapin ang katotohanang iyon?
Si Prince, na kaibigan ko. Naghahangad pa ng higit sa isang bagay na hindi ko na kaya pang ibigay.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking teresa. Nang mga sandaling yun, hindi na ako nakaramdam pa ng takot, dahil kahit na wala akong maamoy, alam ko na sya na yun.
Nakita ko pa sa sulok ng mga mata ko na dumitetso ito sa railings ng terrace at kumapit doon habang nakatanaw ito sa malayo.
Ilang minutong katahimikan ang namayan sa amin. Tanging paghinga ko lang ang naririnig ko ng mga oras na iyon. At doon ko lang talaga na realize na sobrang unfair.
Na sya, sa simula palang alam na nya kung ano ba ang totoo. Samantalang ako, nanatiling walang alam dahil pilit nya itong iniiwas sa akin.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin." Pambabasag nito sa katahimikan.
Napahinga naman ako ng malalim at hindi parin lumilingon sa direksyon nya.
"Mas maigi ng wala kang sabihin, atlis wala na akong panibagong iintindihin." Sagot ko dito.
Nakita ko namang napalingon ito sa akin kaya ganun din ang ginawa ko. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko basagin ang katahimikan.
"Now I know. But please, just tell me a lie, instead of truth." It's almost a beg.
Nakita ko namang nasaktan ito dahil sa sinabi ko. Ayoko na ng katotohanan, mababaliw ako.
"But you have to know the truth. Masasaktan ka, pero makakabangon ka pa. Hindi kawalan kung may malaman ka, kasi yun yung bubuo sa mga tanong mo. Yun yung kukumpleto sayo."
Napailing-iling naman ako dito at inilihis na sa kanya ang aking mata. Hindi nya naiintindihan. Sobrang sakit para sakin iyon, at hindi ko yun kayang tanggapin. Kung sa kanya madali lang iyon, pwes para sakin ikakawasak ko yun.
"Hindi ko na kaylangan pang marinig ang mga yan. But for now. Please, just leave." Pakiusap ko pa at hindi na magawa pang lingunin sya.
Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko ko, at hindi ko na ito napigilan pa. Hinayaan kong umiyak lang ako sa harap nya. Hinayaan kong makita nya kung gaanong ako nasasaktan. Kung anong sakit ang pinapadanas nya sakin ngayon. Gusto kong makita nya iyong lahat.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin at lumuhod ito sa may harapan ko. Pinunasan nito ang mga luha ko at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit na sobra akong nasasaktan ngayon, hindi ko parin magawang magalit sa kanya.
Na sya, na sa simula palang, nagsisinungaling na sa akin. Na sya, na may iba na pero pilit na lumalapit sa akin. Na sya, na pinakita at pinaramdam na mahal nya ako. Pero sa huli, iiwan rin pala ako.
"Karen, hindi mo matatakasan ang katotohanan. Pwede mo yung iwasan, pero hindi mo yun habang buhay na matatakbuhan." Seryoso nitong tugon.
Napatingin naman ako sa mga mata nito na ngayon ay may namumuo ng luha.
"Anong gusto mong gawin ko? Maniwala sa lahat ng nalaman ko? Tapos ano? Masasaktan ulit ako?" Umiiyak na tanong ko. "Nasasaktan na ako nung umpisa palang, at patuloy akong nasasaktan kung may malalaman pa kong bago mula sayo."
Patuloy nitong pinunasan ang mga luha ko at pilit na pinapatahan ako. Hindi ko na magawa pang itaboy ang kamay nito dahil wala na akong lakas pa para gawin iyon. Ubos na, pagod na pagod na ako.
Nang hindi ako matigil sa pag-iyak ay niyakap nalang ako nito. Sumiksik nakang ako sa katawan nito dahil kahit papaano, kahit ngayong sandali lang. May dahilan pa ako para lumaban.
Makalipas ang ilang minuto, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo narin sa sahig habang yakap nya. Balot parin ako ng kumot dahil malamig na ang simoy ng hangin. Madaling araw na, pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
"Are you not afraid of ghosts?" Pambabasag nito sa katahimikan.
Natahimik naman ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako takot sa multo. Hindi kasi ako naniniwala na mayroong multo. Pero ngayon? Napatunayan ko nang mayron nga. Ayaw ko namang paniwalaan.
"Yes I'm not. But I'm much more afraid knowing that your a real ghost."
Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap nito sa akin kaya naman mas isiniksik ko pa ang sarili ko dito. Ayoko ng matapos pa ang sandaling ito. Sana ganito nalang palagi.
"How can be a living person, still fall inlove with the dead person?" Tanong ko dito.
Ngayon, ramdam ko na ang lamig ng hininga nito sa leeg ko. Tumayo ang mga balahibo ko dahil dito. Nakaramdam din ako ng kakaiba sa katawan ko pero hindi ko na pinansin pa iyon. Gusto ko lang namnamin ang bawat sandali na kasama ko sya.
"Because they've met each other. Kung hindi nagkatagpo ang dalawang iyon, sa tingin mo ba? Mahuhulog parin ang loob nila sa isat-isa? In love, it's not important who you are. Or what kind of living person you are. Because love knows, who's the person you're going to love." Seroyong nitong sagot.
Tama, hindi ko masisisi ang sarili ko dahil ako mismo yung nahulog sa taong alam ko namang sa simula palang marami ng sikreto.
"Paano na tayo pagkatapos nito? Ano ng mangyayari?"
Naramdaman kong inaamoy nito ang leeg ko at dahil dun mas isinandal ko pa ang ulo ko sa kanya para mas masakop na nito ang leeg ko.
"Hindi ko rin alam. Sabi nila, mayroon pa raw akong hindi natatapos na misyon. Yun daw ang kaylangan kong gawin upang makaalis na ako dito sa mundo natin." Sabi nito at at naramdaman ko ang pagluwag ng yakap nito.
"Ano naman iyon?"
"Hindi ko rin alam."
Nanatili lang kami sa gaanong posisyon hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nasilaw ako sa malakas na liwanag na tumatama sa mukha ko. Agad kong ipinantakip ang aking kaliwang kamay upang hindi masilaw dito.
Nang masanay na sa liwanag ay agad kong ipinalibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto kung nasaan ako. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng matagpuan ko ang sarili ko kung saan, pinaghinalaan ko na mayroon syang iba.
Sa kwartong pinaglalagyan ni ate Arianna lahat ng larawan nilang dalawa ni Justin.
Muling nanumbalik sa sistema ko yung sakit, nang muli kong masilayan ang masasaya nilang mga larawan.
Naiingit ako kasi, ang dami na nilang napagsamahan kumpara sa akin. Dumaan narin sila sa hirap noong hindi sumang-ayon sa kanila ang mga magulang nila sa pagkakaibigan nila. Pero kahit na ganoon, gumawa parin sila ng paraan para magkita silang dalawa.
Nawala ang atensyon ko sa mga larawan ng biglang bumukas ang pintuan. Agad akong napalingon doon at nakita kong papasok dito si ate Ariana. Balak ko sanang magtago, kaya nga lang parang hindi ako nito napapansin. Kaya nanatili nalang ako kung saan ako nakatayo kanina.
Ilang minuto lamang nito tiningnan ang mga larawan. May mahahawakan, tas bibitawan din naman kaagad. Tila ba, hanggang ngayon ay sariwa parin dito ang nangyari noong mga nakaraang ton.
Hindi ko nanapigilan pa ang sarili ko at tuluyan ng lumapit sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, pero nagpapasalamat ako kasi, hindi nya ako nakikita ngayon. Baka nga panaginip lang ang lahat ng ng ito eh.
Nagulat pa ako ng makalapit ako ay umiiyak na pala ito. Patuloy lang sa pagtulo ang luha nito habang nakatitig parin sa mga larawan nilang dalawa ni Justin.
Sobrang sakit siguro ng nararamdaman nya ngayon. Ako nga na ilang buwan palang nakakasama si Justin. Halos maglupasay na ako sa kakaiyak, paano pa kaya sya?
Natigil lang ang pagtingin ko sa kanya ng biglang bumukas ang pinto. At iniluwa nito ang may nag-aalalang mukha ni Ara.
Tiningnan na muna nito ang kanyang ate bago napagdesisyunang tuluyan ng pumasok. Hindi ko talaga alam kung bakit nasasaksihan ko ang mga bagay na ito ngayon.
Tumayo ito ilang hakbang ang layo sa aming dalawa ni ate Ariana. Tila ba hindi nito alam ang sasabihin. Ni hindi manlang sya nilingon ni ate Ariana. Nakakalungkot lang isipin na, hindi kayo magkabati ng kapatid mo. Ako kasi, pangarap ko talagang magkaroon ng kapatid. Pero hindi na talaga ako nasundan.
Pilit na ngumiti si Ara habang tinitingnan rin ang mga larawan.
"I'm sorry."
Ganun na lamang ang gulat ko ng biglang banggitin iyon ni ate Ariana. At mukhang mas gulat naman si Ara dahil sa narinig.
Humarap na si ate Ariana kay Ara na ngayon ay gulat parin ang ekspresyon. "Nagsisi ako kung bakit mas pinili kong malayo ang loob ko sayo. Kung sana hindi ako masyadong nagpadala sa damdamin ko, baka masaya tayong dalawa ngayon." Nanginig ang boses ni ate Ariana sa huling sinabi nito.
"Pinagsisihan ko ng mawalan na ako ng oras sayo, dahil sa kakaisip ko ng paraan kung pano makakatakas noon dito sa bahay, para makipagkita sa kanya." Tuluyan ng nabasag ang boses nito ng marinig kong humikbi ito.
"Wala na nga sya. At ayokong pati ikaw, ay tuluyan ng malayo ang loob sa akin. Wala na akong kakampi. Hirap na hirap na akong umiyak kada gabi. Iniisip ko na baka ito na yung parusa sakin dahil sa katigasan ng ulo ko. Patawarin moko Ara. Mahal na mahal kita." Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ni ate Ariana, samantalang ganun din naman si Ara.
Napatakip pa ito sa sariling bibig, na tila ba hindi makapaniwala sa mga narinig. "Ate... Hindi ko naman naisip yun eh. Hindi lumayo yung loob ko sayo. Tampo? Oo, pero ate. Ikaw lang yung hinihintay ko na kumausap sakin. Kasi nahihiya ako na baka kapag ginawa ko yun. Baka tulad ng dati, hindi mo ako initindihin. Na baka-"
Hindi na natapos pa ni ara ang sasabihin ng bigla nalang syang yakapin ng sobrang higpit ni ate Ariana. Napayakap na rin sya dahil dito. Pareho lang silang humahagulhol sa loob ng kwarto.
Agad ko ring pinunasan ang luha ko na pumatak na pala ng hindi ko namamalayan.
Nang magbitaw na sila sa pagkakayakap ay magkahawak kamay silang dalawa na naghiwalay, at nagtitigan.
"So? Pwede ba tayong magsimula ulet sa umpisa?" Masayang tanong ni ate Ariana.
Nakangiti namang tumango-tango si Ara. "Game na game ako dyan." Sabi nito sabay tawa.
Muli silang nagyakap na dalawa. Napatigil naman si Ara ng muling malingunan ang mga larawan.
"Nasabi mo naman siguro ang lahat kay kuya Justin bago sya mawala diba?" Tanong nito.
Napabitiw naman sa pagkakayakap si ate Ariana at tiningnan rin kung ano ang tinitingnan ni Ara. Tila lumungkot muli ang ekpresyon nito.
"Hindi eh. Hindi na kami pinagbigyan. Nung time na sasabihin ko na kasi kung ano yung nararamdaman ko, biglang nangyari yung aksidente. Tapos simula nun, hindi na sya nagising. Sana nga kung nasaan man sya ngayon maging masaya na sya, sana alam na nya kung ano ba dapat yung sasabihin ko sa kanya nung time na balak kong makipagkita sa kanya. Kasi mas lalo akong magsisisi kung hanggang ngayon, hindi pa rin nya alam."
Tinapik-tapik naman ni Ara ang likod ng ate nya upang pagaanin ang loob nito. "Wag kang mag-alala, naggagala naman daw ang mga kaluluwa natin kapag namamatay na tayo. Maybe, he already knew it, at masaya na sya ngayon sa langit." Sabi pa nito.
"Sana nga."
Matapos ang usapan nilang iyon ay bigla na lamang nadilim ang paningin ko at tuluyan ng nawalan nv malay.
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Agad kong kinusot ang aking mga mata at inalala kung ano ba ang nangyari kagabi.
Agad naman akong napabangon ng maalalang kasama ko nga pala kagabi si Justin. Nasaan na sya? Agad kong hinalughog ang buo kong kwarto sa pag-aakalang nandito pa sya. Ganun nalang ang panlulumo ko ng hindi talaga sya makita.
Bigla namang sumakit ang ulo ko dahil biglang pumasok sa isip ko ang mga napanaginipan ko kagabi. Si Ara at ate Ariana. Ano ba ang meron sa panaginip na yun? Bakit hanggang ngayon bumabalik parin sa alaala ko?
Doon naman nag sink in sa akin yung mga napag-usapan namin ni Justin. Hanggang sa mapagtagpi-tagpi ko na ang lahat.
'they need to talk.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top