q

Matapos ang dinner ay napagpasyahan namin ni Prince na maglakad-lakad muna sa labas ng village. Seven thirty palang naman ng gabi, tsaka gusto daw nyang kahit papaano ay gumaan daw ang pakiramdam ko.

Tahimik lang kami, nangangapa parin ako ng sasabihin. Napagdesisyunan ko nalang na tingnan sya. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng mahuli kong nakatingin din sya sa akin.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at pinamulahan. Samantalang narinig ko lamang ang mahinang pagtawa nito.

Kahit kaylan talaga, hindi ako masasanay ng may tumititig sa akin.

"Hindi ka pa rin nagbabago." Komento nito.

"Bakit ka kasi tumititig dyan?" Kunyaring inis na sabi ko.

"Wala. Gusto kolang makasigurado na hindi magiging malungkot ulit yang mata mo."

Nahiya naman ako sa sinabi nito, palagi nalang kasi ako ang inaalala nito. Siguro hindi pa talaga sya naka-move-on sa akin. Pero kaylan? It's been two years already.

Marahan kong hinaplos at niyakap ang aking sariling mga braso dahil sa naramdaman kong lamig. "Mukhang malamig ngayong gabi."

Nilingon naman ako nito at parang na guilty sya dahil sa sinabi ko. "Gusto mo na bang umuwi? Sorry wala akong dalang-"

"It's okay. Ayoko din namang mag-stay sa bahay dahil alam mo na? Memories?" Sabi ko sabay kibit-balikat.

Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag dahil sa sinabi ko. At itinuon ng muli ang paningin sa daan. "Basta kapag hindi mo na kaya ang lamig sabihin molang. Ihahatid na kita." Malambing na ani nito.

Napangiti naman ako dahil dito. Kahit kaylan talaga, in love ka pa rin sakin.

"Hindi ka ba natatakot?" Biglang tanong nito.

Nilingon ko naman ito dahil hindi ko matukoy ang ibig sabihin nito. "Saan naman?"

"Sa multo. Kasi alam mo na. Diba sabi mo multo na sya." May pag-aalinlangan sa tinig nito.

Napatango-tango naman ako dahil dito. "Hindi ako takot sa multo. Pero ayaw ko paring maniwala na multo na sya hanggat hindi sya ang nagsasabi. Hanggang hindi sa mismong bibig nya lumabas ang katotohanan, mananatili akong bulag sa katotohanan. All I want to do now is to pray that it's not true. That it was just a dream." Naluluhang sambit ko.

Hindi na ako tumingin sa kanya dahil naramdaman ko na mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan.

Napansin ko naman na may inabot sa akin na panyo si Prince kaya tinanggap ko na ito at pinunasan ang mga luha.

"Hay! Ang sarap suntukin ng gagong yun ah." Halos pabulong nalang yun.

Agad naman akong lumingon sa kanya. "Pinagsasabi mo?"

Lumingon din ito sa akin at kita sa mga mata nito ang galit. "Ni hindi nga kita mapaiyak tapos sya? Pinapaiyak ka ng ganyan?" Inis parin na sabi nito.

"Ay! Syempre iba naman yung relasyon namin sa relasyon nating dalawa. Tsaka, isa pa, parang kapatid mo na kaya ako." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa sarili ng maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.

"Yeah. Muntik ko ng makalimutan yun."

Napabuga naman ako ng hangin dahil sa naging sagot nito. "It's still me huh?" Sarkastikang tanong ko.

"You're very hard to forget, that's why."

Muli kaming natahimik matapos niyon. Natigil na nga ako sa pag-iyak, sa awkward moment naman naming dalawa ako hindi mapakali.

Kada talaga mapag-uusapan yun natatahimik nalang kaming dalawa. Siguro nahihiya sya sa part nya. Wala namang problema kung may gusto sya sakin, huwag lang syang aasa na magugustuhan ko sya pabalik. Kasi yun lang ang hindi ko maipapangako sa kanya.

Nandito kami ngayong dalawa ni Prince sa Batangas kasama ang family namin. Naisipan kasi nila na mag out of town, para naman daw marelax sila sa mga stress nila sa work.

Syempre, kami bilang teenager ay gustong-gusto namin to. Ligo sa beach, tambay at kung ano-ano pang mga activities nila dito.

Pero kasalukuyan palang kaming nag-aayos ng mga gamit namin sa na rent naming room dahil kararating lang namin dito. Dahil sa iisang anak lang naman ako ay mag-isa lang ako dito sa kwarto. Samantalang sila mama at papa ay nasa kabilang side lang.

Kasalukuyan na akong nagbibihis ng dress ko ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa may kama.

Agad ko namang tiningnan kung sino ba yung tumatawag. Kumunot naman ang noo ko ng makita kong si Prince ito.

'Bakit naman kaya tumatawag pa ito. Parang hindi kami magkikita mamaya ah?' bulong ko sa sarili ko.

Agad ko naman itong kinuha ng maisuot ko na ang dress at sinagot ang tawag. Naglakad ako papunta sa full size body mirror at tiningnan ang repleksyon sa salamin.

"Napatawag ka?"

"Sungit?" Sabi nito sabay tawa.

Napairap naman ako sa kawalan at bumaling sa mga gamit kong nakaayos na sa aparador. Kinuha ko doon ang relo ko at isinuot ito sa akin.

"Bakit nga? Ang OA mo kasi. Magkikita naman tayo mamaya, kaylangan talagang tumawag? Ang bilis mo naman akong ma-miss." Pang-aasar ko dito.

Tinawanan naman ako nito sa kabilang linya. "Paano kung sabihin kong oo? Ililibre mo ako ng lunch the whole week sa paborito kong restaurant?"

"Asa." Sabi ko habang papalabas na sa room ko.

"Di nga. Punta ka dito sa tabing dagat. Lumakad ka pa-kanluran tas hanapin mo ko. May sasabihin ako sayo."

Kumunot naman ang noo ko dahil dito, ano namang sasabihin ng mokong nato? Magsasalita na sana ako ng bigla na nyang pinatay ang tawag. Kaya naman napapailing ko nalang na tiningnan ang phone ko at naglakad na papalabas nitong resort.

Sa labas ay nakasalubong ko pa sila mama at papa kasama yung mga parents ni Prince. Sinabi ko nalang dito na pupuntahan ko na muna si Prince na ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang ine-enjoy ang malakas na simoy ng hangin. Maganda rin sa paningin ang papalubog na araw kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako kung nasaan si Prince.

Nakita ko sya na nakaupo sa mga malalaking bato. Malaki ang pagkakangiti nito habang nakangiti sa akin.

Nakita ko na tumayo ito mula sa pagkakatayo at bumaba sa mga bato at lumapit sa akin. Wala rin naman kasi akong balak na lumapit sa kanya doon.

"Napagod kaba?" Tanong nito ng makalapit na.

Umiling naman ako. "Nag-enjoy nga ako eh." Sagot ko.

Napansin ko naman na parang naiilang ito dahil sa kinikilos nito. Hindi pa ito makatingin ng diretso sa akin at kanina pa nito hinkhimas ang sariling batok.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Naihilamos naman nito ang parehong palad sa mukha at tumalikod pa sa akin. "Paano ko ba sisimulan!!!" Rinig ko pang bulong nito.

"Hey ano ba talagang problema? Pinapakaba moko."

Hahawakan ko na sana ito sa kanyang balikat mg bigla itong humarap sa akin. Nakangiti na ito pero nasa mata parin ang pagkailang. 'what is wrong with this guy?'

"Can you promise me na, hindi magbabago ang friendship natin sa sasabihin ko sayo nganyon?"

Nagtataka man ay tumango nalang ako. Halatang hindi parin ito kumportable sa sasabihin nito sa akin. Kaya naman tinawanan ko nalang ito.

"Sabihin mo na. Ngayon ka pa ba mahihiya. Tsaka, kahit na ano namang sabihin best friend parin tayo. Hindi iyon magbabago."

Bumuga ito ng malakas na hangin bago nagsalita.

"Alam ko naman na best friend tayong dalawa simula palang nung mga bata pa tayo. Nung una ayaw ko sananh sabihin sayo to kasi baka dito masisira yun. But I wanted to take a risk." Itinagilid pa nitl ang ulo na tila mababasa nya ng ganun kung ano man ang laman ng isip ko.

"Karen, siguro hindi mo pa alam to pero, matagal na kitang gusto." Napapikit pa ito ng mariin matapos sabihin ang mga hulung salita ng sobrang bilis.

Tila biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Tila tumigil ito sa pagtibok. How can be my best friend like me? Pwede pala yun?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihi, at wala akong mahanap na tamang salita. Nanatili rin naman syang nakapikit kaya hindi ko talaga alam ang gagawin.

Marahan nito binuksan ang kanyang kanang mata at tiningnan ang aking mukha. Tila inaral nito ang gulat na ekspresyon ko.

Nang walang makuhang salita sa akin ay mabilis itong nagmulat ng mga mata at lumapit ng bahagya sa akin.

"Hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo rin ako pabalik. Gusto ko lang malaman kung may chance ba? Kung hahayaan mo'kong ligawan ka?" Hope filled his voice.

And I don't want to give him hope. Yeah, gusto ko sya, but as a friend. At hindi ko makita ang sarili ko to take another step on our relationship. Siguro nasanay nako na kaibigan sya. Kaya ayoko ng ganun?

Mabilis ko namang iniba ang ekpresyon ng mukha ko. Mula sa pagkabigla ay naging hilaw na lamang ang mga ngiti ko. I didn't know about this. Bakit hindi ko kaagad napansin?

"Prince." Pagtawag ko sa kanya. Agad namang nabalot ng pangamba ang kaninay masaya nyang mukha. Ayokong masaktan sya, pero kaylangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

"I'm sorry." Yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin sa ganitong sitwasyon.

Napatango-tango naman ito na tila naiintindihan na ang ibig kong sabihin. Nakita ko pa na may namuong luba sa mga mata nito. At bago pa man yun tumulo ay tumalikod na ito sa akin.

"Prince sorry talaga." Sabi ko pa upang maibsan manlang yung sakit na nararamdaman nya.

Muli itong humarap sa akin ng maayos na nito ang sarili nito. Kita ko pa sa mga mata nito ang lungkot, at halatang umiyak ito dahil namumula pa ang mga ito.

"Okay lang. Sinabi ko naman na okay lang kahit hindi moko gustuhin pabalik. Gusto ko lang namang malaman kung may chance ba ako." Paliwanang nito habang nakangiti.

Parang hindi sya nasaktan kanina sa inaasal nya ngayon ah.

"Wag mo nalang isipin yung sinabi ko. Isipin mo nalang na wala akong ipinagtapat sayo para hindi ka mailang sakin."

Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon. Ayoko naman kasing masira ang pagkakaibigan namin dahil lang dito. Pero hindi ko alam kung hindi na ba ako maiilang sa mga sandaling magkasama kaming dalawa. Ngayong nalaman ko pa na may gusto pala sya sa akin.

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay agad na kaming bumalik kung nasaan ang aming pamilya. Mukha namang ayos lang si Prince dahil dahil masaya naman sya habang kausap ang pamilya namin.

Hindi rin naman nagbago yung trato nya sakin. Ako lang talaga itong naiilang kapag nasa akin na atensyon nya.

Lumipas ang araw at ganun pa rin. Hindi na namin napag-usapan pa yung aminang nangyari sa beach. Kaya napagdesisyunan ko nalang din na tigilan na itong kapraninang ko. Parang ako lang talaga yung apektado sa pangyayaring yun.

Kaya simula noon. Iniiwasan na naming mapag-usapan yun, dahil sobrang awkward talaga kung sakali man.

"Hanggang ngayon nga iniisip ko parin kung anong wala sakin, bakit hindi moko magustuhan."

Napalingon naman ako dito ng muli itong magsalita. Diretso ang tingin nito sa daan habang patuloy kaming naglalakad.

"Iniisip ko nalang na, siguro, kung hindi ako nakipagkaibigan sayo. Magugustuhan mo kaya ako? Kasi pinagsisisihan ko na masyado akong napalapit sayo. Kaya ayan tuloy, parang kapatid nalang ang turing mo sakin."

Tila may kumurot naman sa puso ko sa pag-amin nito. Parang pinaparating nito na sana, hindi nalang nya ako naging kaibigan. At mas pipiliin nya ang magkagusto ako sa kanya. Paano yung gusto ko?

"Parang ang unfair naman yata." Sabi ko at tumingin sa kabilang direksyon ng kalsada.

"Iniisip ko lang naman kasi na, paano kung-"

Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin dahil tumigil na ako sa paglalakad at marahas na lumingon sa kanya.

"So pinagsisisihan mo na naging kaibigan mo ako? Mas importante pa sayo yang pagmamahal mo? Hindi mo iniisip yung nararamdaman ko, kala ko kaibigan kita? Bakit ngayon ganyan ka?" Sunod-sunod na tanong ko.

Nakita ko naman na nagulat sya dahil sa pagsigaw ko. Pero nakakainis na kasi eh. Bakit ba lagi nyang inuungkat tong tungkol sa pagkagusto nya sakin. Hindi pa ba malinaw sa kanya na ayaw ko? Na walang pag-asa.

"Kaibigan mo nga ako. Pero alam mo yun? Nakakasawa na. Paulit-ulit nalang. Gusto ko na kahit minsan umusad manlang. I'm the one who's always chasing you, at napapagod na ako." Reklamo pa nito.

"Wala namang nagsabing habulin mo ako. Kasi simula palang sinabi ko na sayo na wala nang pag-asa. At kung napapagod kana, tumigil kana. Dahil kapag hindi ka gusto ng taong hinahabol mo. Hindi yun titigil sa pagtakbo para maabutan mo." Frustrated na sabi ko.

Natigilan naman sya at bumalot ang matinding lungkot sa mga mata nito. Pero agad din iyong naglaho ng iiwas nya tingin sa akin at napatango-tango.

"Akala ko kasi, kapag sinasabi mong mahal moko. May ibang meaning yun, iniisip ko na baka nahuhulog ka narin sakin. Kasi mahal moko eh, pero kasi... tangina lang, hanggang kaibigan lang pala talaga."

Hindi na nito napigilan pa ang pagtulo ng kanyang luha. Hinayaan nyang makita ko iyon. Nakatitig lang ako sa mga mata nya, ganun din naman sya.

"Minahal mo na ko bilang kaibigan mo, sana naman mahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal mo dun sa gagong yun." Sabi pa nito.

Tila naman nag-init ang ulo ko sa narinig. Anong karapatan nyang sabihan ng ganun si Justin? Hindi pa naman nya iyon nakikilala?

"Makontento ka nalang kung ano yung kaya kong ibigay sayo. Hindi ko kayang magmahal ng isang taong masyadong mapaghangad sa buhay." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Doon na din tumulo ang mga luha ko. Hindi ko akalain na magiging ganito sya. Ano ng nangyari? Kanina lang masaya pa kami, bakit biglang nagkaganto?

"Karen." Rinig kong sabi nito at naramdaman ko nalang ang paghawak nito sa palapulsuhan ko. At muli akong iniharap sa kanya. "Please, piliin mo naman ako oh. Ako naman. Kahit ngayon lang, piliin mo ako." Pagmamakaawa pa nito.

Umiiyak at nanginginig ang mga kamay na tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa akin.

"Mahal nga kita, pero hindi sapat na dahilan yun para piliin kita." Humahagulhol sa pag-iyak na sambit ko.

Nang hindi na ito makapagsalita ay nagpatuloy na ako sa paglakad. Ang bawat hakbang ko palayo sa kanya, ay parang may hinihigit akong tali. Na kapag umabot na ako sa dulo, ay mapuputol na ito at tuluyan ng hindi na maikakabit pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top