n
Naabutan kong tulog na ang dalawa sa kama ng makapasok ako sa kwarto. Nahiga na lamang ako sa kanang bahagi ng kama kung saan wala pang nakapwesto.
Marahan ang naging paghiga ko upang hindi na magising ang mga katabi. Hinila ko ang kumot at hinayaang mainitan nito ang katawan ko.
Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Ara at natawa na lang ako sa isiping, baka ganoon din ako kapag tulog.
Tumagilid ako patalikod sa kanila at pinagmasdan ang ulan na patuloy lamang sa pagbagsak sa labas ng bahay.
Habang pinapanood ko ang pagbuhos ng ulan ay kasabay nito ang pagdaan ng alaala naming dalawa ni Justin.
Naalala ko lahat simula ng magkakilala kami, at maging close sa isa't-isa. Kung saan sinabi namin na mahal namin ang isa't-isa, pero nananatiling walang label ang relasyon naming dalawa. Kung saan pinapalayo na nya ako sa kanya, pero sya parin naman itong lapit ng lapit sa akin. Yung mga nagiging pag-aaway namin, ng matatapos ang araw na hindi kami nagbabati. Pero isang pakita lang nya ulit sakin, ayos na lahat.
Na kahit na anong sama ng loob ko, hindi ko pa rin sya kayang tiisin.
Sa aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko. Lalo na ng maalala ko ang sinabi nito na, dapat magmahal ako ng iba kapag nalaman ko ang totoo? Ano ba talaga ang totoo?
Napatihaya ako ng higa dahil sa frustration. Di ko na alam kung ano ba talaga ang gagawin, o paniniwalaan.
Muli kong nilingon ang mga katabi ko na ngayon ay sobrang himbing na ng pagkakatulog. Naupo ako sa pagkakahiga at nag-isip ng maaaring gawin dahil hindi ako makatulog.
Sa huli ay napagpasyahan ko na lumabas muna ng kwarto at mag-iikot na lamang ako sa pasilyo. Hindi naman siguro nila ako mapagkakamalan na magnanakaw kung sakali man.
Tulad nga ng plano ay lumabas ako ng kwarto habang nakayakap sa aking sarili. Madilim na sa gawing ito ng bahay at tanging ang chandelier nalang sa sala ang nagsisilbing liwanag.
Marahan akong naglakad sa bawat saradong pinto ng kwarto at tiningnan ang mga ito kahit na halos pare-pareho lang naman ang disenyo.
Natigil lamang ako sa paglalakad ng makarating ako sa kwarto kung saan ginanap ang dinner party ni Ara. Dito ko rin natagpuan ang mga larawan ni Justin, at dito ko rin nalaman na may girlfriend na pala sya. Na hanggang ngayon ay pilit nyang itinatanggi.
Gusto kong pasukin ang loob niyon at muling tingnan ang mga larawan, pero hindi ko alam kung may karapatan ba akong gawin iyon.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo doon at nakatitig sa pinto, basta nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Karen? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nito. Si Ate Ariana.
Nagugulat naman na nilingon ko ito at hindi alam ang gagawin. Kinakabahan kahit na wala namang kasalanan.
"W-wala po. Nagpapaantok lang." Isang pilit na ngiti ang iginawad ko dito.
Mga ilang hakbang ang ginawa nito bago muling nagsalita. "Hindi ka ba makatulog?" Muling humakbang ito palampas sa akin.
Sinundan ko lamang sya ng tingin hanggang sa pihitin nya ang seradora ng pinto at buksan iyon. Pumasok sya sa loob at iniwang bukas ang pinto. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumunod o hindi. Sa huli ay napagdesisyunan kong pumasok narin, dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyari.
Naabutan ko itong nakatayo sa harap ng lamesa kung saan nandoon ang pulos larawan nilang dalawa ni Justin. Kita sa glass door ang malakas na buhos ng ulan.
Napatigil lang ako sa paglalakad, ilang hakbang ang layo sa kanya, ng bigla syang magsalita.
"Si Justin. Sya yung taong minahal ko. At hindi ko alam kung bakit? Meron kasi syang charm na hindi ko matukoy kung ano?" Sex appeal nya yun. "Alam mo bang," hindi, sabi nito sabay lingon sa akin, "una ko syang nakilala noong nasa sixth grade ako?" Ano bang pake ko sa past nyo? "Yung time na yun kasi, pinapagalitan ako ng teacher namin dahil hindi daw ako marunong magtanim ng mga halaman." Buti pa ko marunong, namamatay nga lang. "Tapos dumating sya. Sinabi nya na hindi ko naman daw kasalanan yun dahil ngayon lang naman daw tinuro yun nung teacher namin. Tapos doon ko din nalaman na, anak pala sya ng may ari ng school, kaya pala biglang natahimik yung teacher nung dumating sya." Talaga? Ang sweet naman, pati sa kabit sweet.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong lamesa. Nasa ayos ang lahat ng larawan. Kung titingnan mo, magkakasunod ang bawat larawan. Siguro ang una ay yung sixth grade sila. Hanggang sa mag high school.
Pero ang napansin ko lang. Bakit parang hanggang dun lang? Parang hindi na nadadagdagan? Ang itsura ni Ate Ariana ngayon, ay malayo doon sa itsura sa last picture.
Sobrang bata pa nito dito at ngayon ay... Well maganda pa rin naman sya ngayon, pero halata mong matured na. Anong nangyari?
"Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Halos araw-araw na sya noon dito pumupunta. Halos dito na nga rin matulog. Kaso hindi pinahihintulutan nila mama at papa. Ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit." Malungkot na napabuntong hininga ito bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ramdam ko rin na parang ayaw nila kay Justin. Isa sa mga bagay na hanggang ngayon ay hindi ko alam. Pero hindi nun napigilan ang pagkakaibigan naming dalawa. Kung hindi man sya makapunta dito sa bahay, ako ang dadayo sa kanila. Wala namang atraso sa pamilya nya kung nandoon ako palagi. Mas masaya pa nga sila dahil may kaibigan na daw ang anak nila.
"Doon ko din nalaman ang ibat-ibang personality ni Justin." Tumingala pa ito na parang bang may inaalala. "Palabiro sya. Lagi pang nakangiti. At totoo sya sa mga sinasabi nya." Muli itong lumingon sa akin. "Naalala ko pa noon na, gumagawa sya palagi ng paraan para lagi kaming magkita. Para hindi ako malungkot. Yun din yung time na, nagustuhan ko sya. Hindi dahil sa gwapo sya. Kundi dahil sa... minahal ko sya dahil sa pagiging totoo nya sa sarili nya."
Habang sinasabi nya yung mga yun ay tila umulit sa akin ang lahat. Mula umpisa hanggang sa huli naming pagkikita.
Kung totoo sya sa mga sinasabi nya? Ibig bang sabihin nun? Iiwan nya talaga ako? Pero bakit? Bakit ako lang ang masasaktan. Samantalang sya, meron pang babalikan. At si Ariana yun.
Naglakad itong muli, this time patungo na sa glass door. Sinundan ko sya ng walang imik. Tumigil sya sa harap nito at tumingala sa madilim na kalangitan. Tumabi ako sa kanya at ginaya ang ginawa nya.
Nagre-reflect sa mukha namin ang buhos ng ulan dahil sa kaunting ilaw sa labas.
"Yung simpleng pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko inaakala na, mamahalin ko na sya. Yung tipong, ayaw ko ng mawalay sa tabi nya. Yung gusto ko nalang palagi syang nakikita. Kausap, katawagan. Hindi ako nagsasawa kahit na wala na kaming mapagkwentuhan. Basta pag sya ang kausap ko, kahit wala na akong masabi, hindi ako nakakaramdam ng pagkailang. Nakakakilig pa nga."
Sa bawat salitang binibitawan nya ay tila sinasaksak ng paulit-ulit ang aking puso. Hindi ko akalain na, hindi lang pala ako ang espesyal na tao sa buhay nya. Na kumakapit nalang ako sa mga pangako nya na, tila pawang kasinungalingan lang ang lahat.
Hinayaan ko lang na tumulo ang aking luha pababa sa aking baba. Parang nawalan na ako ng lakas para punasan pa ito. Sobrang tamis ng bawat kwento na naririnig ko, pero dinudurog nito ang puso ko.
"Pero ang problema. Hindi ko maamin sa kanya ang aking nararamdaman. Pagdating sa kanya, naduduwag ako. Pero alam ko sa sarili ko, na mahal nya rin ako. Pero siguro, katulad ko naduduwag din sya."
Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha na umagos sa aking mukha. Walang hikbi, tanging patak lang ng luha ang aking nagagawa ng mga sandaling iyon.
"Pero isang araw, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko. Buong gabi kong inipon ang lakas ng loob na meron ako. Pinagpuyatan ko rin ang paggawa ng sulat para sa kanya. Balak ko na, ipabigay sa kanya ang sulat, oras na matapos na ang klase. Gusto ko kasi na, bago grumaduate ng highschool, masabi ko na sa kanya kung anuman ang nararamdaman ng puso ko. Sinabi ko sa sulat kung gaano ako ka thankful na naging kaibigan ko sya at kung gaano ko sya kamahal.
"I also confess my feelings their, towards him. Sinabi ko pa sa sulat na, kung gusto mo rin ako, higit pa sa kaibigan, puntahan mo ako sa tambayan nating dalawa. Pero hindi ko inakala na, una palang matatapos ang klase nila kaysa sa amin. Nakita ko pa ng basahin nya ang sulat na ipinabigay ko sa kanya. Nung una kinakabahan ako kasi baka nagalit sya. Pero ng makita ko ang saya na gumuhit sa mukha nya, nawala yung pangamba ko.
"Kaya tumakbo na ako palapit sa kanya, para sana hindi na sya magpunta sa tambayan naming dalawa. Pero nahuli ako, nakatakbo na sya, at ni isang lingon, sa pagtawag ko hindi nya nagawa. Kitang-kita pa ng dalawang mata ko ang paglabas nya sa gate ng school. At pinagsisisihan ko na isinulat ko pa yun nung araw na yun. Hindi sana yun nangyari sa kanya."
Napalingon ako sa kanya dahil sa huling sinabi nya. Hindi ko maintindihan. Anong ibig nyang sabihin?
Diretso lang ang tingin nito at hindi manlang nag-abalang lingunin ako. Pero kita ng dalawang mata ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Nandun yung lungkot, sakit, at panghihinayang. Hanggang sa may pumatak ng luha sa kanyang mga mata na agad nya ring pinunasan.
"I hope that he's still here. Hugging and loving me, not just a friend, but he's lover. But that will never be happen. Because he's already-"
"Karen? Ate? What are you guys doing here?"
Sabay kaming napalingon ng may magsalita sa likod namin. Nagtatakang mukha ni Ara ang nalingunan namin. Nilingon ko naman si ate Ariana na, parang wala lang dito ang presensya ng kanyang kapatid.
"Wala. Di kasi ako makatulog eh. Naisipan ko lang naman lumabas para sana magpaantok. Tas nakita ko yung ate mo." Paliwanag ko dito.
May pagkailang naman na lumingon ito sa ate nya, at mabilis din na ibinalik sa akin ang atensyon.
"Ganun ba? Hindi ka pa rin ba inaantok?" Tanong nito.
Saglit na muna akong lumingon kay ate Ariana bago sumagot. "Matutulog na rin ako."
"Sige. Una na kami Ate." Paalam pa nito dito.
Tinanguan lang kami nito at ngumiti. Sumabay na ako sa paglabas kay Ara. Nakita ko pa ang marahan nitong pagsara sa pinto ng kwarto.
Isa lang ang napansin ko sa kanilang dalawang magkapatid. Hindi sila closed. Hindi ko nalang tinanong kung bakit dahil ayoko namang magmukhang pakielamera.
"Mukhang kasundo mo ang ate ko ah?" Biglang sabi nito ng mag-umpisa na kaming maglakad.
She sounded jealous, pero wala naman syang dapat na ikaselos.
"Hindi naman, nagkataon lang."
Tumango-tango naman ito na tila nagustuhan nito ang sagot ko. Kung ano man ang meron sila ng ate nya. Labas na ako dun. Hindi pa kami ganun ka-close para alamin ko ang mga tungkol sa kanya.
Yun na ang huli naming pag-uusap hanggang sa makapasok kami sa kwarto. Nanatiling tulog si Mika ng makapasok kami. Naupo na muna ako sa tabi nito at tinalakbungan ng kumot ang kalahati ng katawan ko.
"Alam kong napapansin mo na, malayo kaming dalawa sa isat-isa." Sabi nito na nasa katulad kong posisyon.
Nilingon ko ito ng may pagtataka, at kita ko sa mukha nito ang lungkot at hirap, na hindi ko maintindihan kung san nanggagaling.
Hindi ako sanay na ganito sya dahil masyadong masayahin ang personality na pinapakita nya sa akin.
"I was eight nung unang ipakilala sa amin ni ate si kuya Justin. Masaya ako, kasi magkakaroon na ako ng ituturing kong parang kuya. Pero sa umpisa lang pala yun." Sandali itong tumigil at tumingin sa akin.
Ngumiti pero, alam mong malungkot talaga sya.
"Cause I didn't know, na that will be the start to have a gap in our closeness. Mas naging malapit pa sya kay kuya Justin kaysa sa akin. She's also willing to break the command's of our parents just to be with kuya Justin. Wala namang problema sa akin si kuya Justin, it's just that. Nang dahil sa kanya, nalayo samin si ate. Kaya heto kami ngayon, di alam kung pakikitunguhan ang isat-isa."
Naglihis na ito ng tingin matapos sabihin yun. I even tried to utter a word, but I remained silent. Di ko alam ang sasabihin ko.
Dalawang tao ang nagsabi ng side nila sa akin ngayong gabi lang na ito. Ano ba dapat ang sinasabi sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam.
"You don't have to say anything. It's okay. I only shared it with you since... Mukhang naguguluhan ka." Nakangiting saad nito.
Tumango naman ako at gumanti ng ngiti. "So... Let's sleep?"
Mahihiga na rin sana ako ng may bigla akong naalalang itanong. "Wait. Can I ask you something. Kung pwede lang?"
Muli itong humarap sa akin ng may pagtataka, pero pumayag na rin.
"Nasan nga pala ang parents mo?"
Mukhang inaasahan nito na itatanong ko iyon, dahil nakangiti pa itong sumagot sa akin.
"States. Don na sila tumira since, I was 12? Di kinaya ang palaban na ugali ni ate." Natatawa pang ani nito.
Nakitawa naman ako para masakyan ang mga biro nito. "Matigas pala talaga ang ulo ng ate mo." Kumento ko.
"Ganun siguro talaga kapag nagmahal. You would risk everything just to be with your love ones." She said smiling sweetly.
Parang bumalik na yung dating Ara na una kong nakilala. Nakangiti na sya ngayon ng natural. Yung walang lungkot. Hindi pilit.
Gumanti na rin ako ng natural na ngiti ko dito. "Pagmamahal nga naman." Bulong ko na alam kong narinig nito.
Sabay kaming napatawa dahil doon.
Naisip ko. Would I risk everything just to be with him? Even though, he already told me that would be impossible? Would I fight? Is he worth for it?
Nang gabing yun. Hinayaan ko nalang na tangayin na rin ng malakas na ulan ang mga iniisip ko.
Kung ano man ang mangyari. Hindi ko na pipigilan pa. Kaylangan kong makuntento sa kung ano man ang mga malalaman ko.
Kung ikakawasak ko. Tatanggapin ko. Pero sana. Yung ikakasaya ko nalang ang mga malalaman ko. At least. Hindi ako natalo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top