m

Sabay silang napasingahap sa naging sagot ko. Dismayado. Gumuhit ang lungkot sa mga mukha nito na ipinagtaka ko.

Ganun ba nila kagusto na maging kami in Prince? Bakit ba laging nilalagyan ng malisya ng ibang tao ang pagkakaibigan naming dalawa. Bawal na bang maging mag-bestfriend ang lalaki at babae?

"Sayang naman kung ganun." Malungkot talaga na sabi ni Ara. "Alam mo bang hindi ko pa nakitang nanligaw yang si Prince mula ng makilala ko yan. Minsan nga iniisip ko nalang na baka, bakla sya eh."

Hinampas naman sya ni Mika sa balikat. "Ano ka ba. Bat mo ba naiisip yan sa kaibigan natin? Di mo ba naalala yung sinabi nya? Na hihintayin na muna nyang magmahal yung taong nambasted sa kanya. Bago sya magmove on at manligaw ulit?"

Natigilan naman si Ara sa narinig. Maging ako. Hindi ko manlang alam ang tungkol doon.

Kaya ba hanggang ngayon ay wala pa syang nililigawan, dahil hinihintay nya muna akong magmahal? Kaya ba hanggang ngayon hindi pa sya naka move on, at umaasa pa rin na magugustuhan ko sya? Bakit ako nalang lagi ang iniisip nya?

"Ikaw ba Karen. Kilala mo ba kung sino ang babaeng yun?" Tanong ni Mika.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kanilang ako yun? Nakakahiya naman. Baka paulanan pa ako ng tanong ng mga ito.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi naman kasi sya nagkukwento sa akin eh. Kaya hindi ko rin alam."

"Napakamalihim talaga nyan ni Ton. Alam mo bang sa halos anim na taon na naming kaibigan yan, ay hindi manlang namin nabalitaan na nagka-girlfriend yan," si Mika.

"But for sure. Kung sino man yung babaeng inaalalayan ng pagmamahal ni Ton sa ngayon, paniguradong magsisisi sya kapag nakahanap na ng bago si Ton." Nakangusong sabi naman ni Ara.

Sa narinig kong iyon ay tila ba nanikip ang dibdib ko. O baka naman iniisip ko lang na, baka mawalan na ng oras sa akin si Prince, once na magkaroon na sya ng girlfriend?

"Ahm, magbibihis lang muna ako ha? Nanlalagkit na pati ako eh." Sabi ko sa mga ito.

Pinasadahan naman nila ako ng tingin, at tila doon lang na realize na naka school uniform pa rin ako.

"Oh, sure. Pasok kalang sa C.R. may unused towel na rin dyan," si Ara.

Tumango naman ako bago hinalungkat ang bag ko at hinanap ang mga damit ko doon at dumiretso na sa banyo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin na, napakamanhid ko.

Nag-iisa na nga lang ang best friend ko, hindi ko pa alam kung ano ba yung mga pinagdadaanan nya, at ang mas masakit pa doon sa part ko, ay sa ibang tao ko pa nalaman. Hindi ba dapat, na kahit wala na syang sabihin, alam ko na yun, kasi kung meron mang mas higit na nakakakilala sa kanya, bukod sa magulang sya, ay ako yun.

Habang nagsasabon, ay hindi ko mapigilang maisip na sana, sa pagkatanggal ng dumi sa katawan ko, ay pagtanggal din nito ng mga bagay na bumabagabag sa kaibigan ko.

Ayoko syang masaktan, pero ako yung dahilan, kung bakit sya nasasaktan.

Nang matapos na sa pagligo ay sinuot ko na ang paborito kong dress. Napangiti akl sa isiping, kahit na laging wala sa bahay si mama, ay alam pa rin nito kung ano ang mga paborito ko.

Habang nagtutuyo ng buhok ay narinig kong may kumatok sa pinto ng cr. Napalingon ako dito. "Karen, living room lang kami. Sunod ka nalang dun." Boses ni Ara.

"Okay." Tanging sagot ko at nagpatuloy na sa ginagawa.

Kumpleto ang gamit ko sa bag. Nandoon ang lotion, face cream, and my perfume. Hindi ko kasi dinadala ito dahil once lang naman akong maglagay sa damit na sinusuot ko.

Nang matapos ko ng gawin ang lahat ay lumabas na ako ng banyo na nakalugay ang buhok na tanging kamay lang ang ginamit na pangsuklay.

Nagulat pa ako ng madatnan kong nandoon si Prince, nakaupo sa kama at halang hinihintay akong lumabas. Nakangiti ito tumayo ng makita ako. Agad akong lumapit dito.

"Oh, kala ko nasa living room kayo." Sabi ko.

"Wala ka pa dun eh. Kaya nagpunta muna ako dito."

Napatango-tango naman ako. Sa mga nalaman ko ngayon ay tila gusto ko nalang piliin ang mga salita na dapat lalabas sa bibig ko. Ayokong maparamdam sa kanya, kung ano lang ba talaga sya sa akin. Dahil tulad nga ng sinabi ko kanina, ayokong nakikita syang nasasaktan.

"Baba na tayo?" Aya nito.

"Hmm."

Nauna ito sa paglalakad palabas at sumunod naman ako.

"Ang ganda ng bahay na to. Very modern yung pagkaka-design. Parang sa inyo lang." Puna ko.

Nginitian naman ako nito at ipinalibot din ang tingin sa paligid. "Yeah. Pero maganda rin naman yung inyo. It's like an old mansion, but still, it's have a fashion." Puri nito.

Pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig. Gustong-gusto ko kasing naririnig na pinupuri ang bahay namin. Sa lugar na ito kasi, ay ang bahay nalang namin ang nananatiling luma ang style. Yung iba ay pina renovate na to a modern style. Masarap lang sa feeling na, naa-appreciate parin ng iba ang ganung katandang bahay.

"Ilang beses ka ng nakarating dito?" Tanong ko.

"Marami na. Kapag nagkakayayaan kasing mag-overnight, o kaya'y may projects, dito kami lagi. Napaka peaceful kasi ng bahay nato."

Naalala ko na naman. Sobrang tahimik nga ng bahay na to. I wonder kung ano ang trabaho ng mga magulang ni Ara. At bakit laging wala ang mga ito.

I was about to ask that question ng marinig ko na ang malakas na tawanan sa salas. Marahan lang kaming bumababa sa grand staircase ng bahay. Tila natatakot na mapansin ng iba.

Nang makarating na sa baba ay sabay na kaming naglakad ni Prince patungo roon. Natigil sila sa tawanan ng makita kami. Pero hindi nawala doon ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Uy. Dumating na pala yung dalawang mag secret lovers." Mapanuksong sabi ni Ara habang pahina ng pahina ang bawat pagkakasabi nito ng mga iyon.

Pinamulahan naman kaagad ako at nag-iwas ng tingin. Nahagip naman ng mata ko ang bahagyang pagngisi ni Prince. Tila nagustuhan ang pang-aasar sa amin.

"Naku! Nahiya pa nga si Karen, hahaha. Namumula na sya." Gatong pa ni Anthony dahilan ng lalong pamumula ko.

"Hey. Stop you two." Biglang sabi ni Lance.

Napatingin naman ako dito. Sa wakas, nagkaroon din ng kakampi.

"Baka mamaya mahimatay sa kilig yan dyan. Hahahaha." Dugtong pa nito.

Agad namang sumama ang mukha ko at nag-iwas muli ng tingin.

Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Prince. "Hey. Tigilan nyo na nga. Nahihiya na tuloy. Baka mamaya di na to sumama dito." Banta sa kanila ni Prince.

"Uy, hindi naman. Joke lang yun Karen." Si Mika. "Ganun talaga tong mga to. Mapang-asar."

Pinanlakihan nya ng mata ang mga ito. Sabay-sabay pang tumango. Mas mabilis nga lang ang kay Ara.

Ang hiya ko kanina ay napalitan ng pagtawa. "Seriously, hindi ako ganun. Tinatakot lang kayo nitong si Prince." Sabi ko sa mga ito.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan matapos noon. Tulad ng last time na kasama ko sila. Random talks lang. Pero masaya. Magaan silang kasama.

Hanggang sa tawagin na kami ng katulong upang kumain. Sabay-sabay kaming nagtungo sa dining room. May long table doon. Nakaayos na rin ang lahat. Nakalagay na ng ayos ang mga kutsara at tinidor. Meron pang mga kutsilyo. Maayos din ang pagkakalagay ng mga baso.

Nang makaupo na kami ay isa-isa ng nilagay ng mga katulong ang mga pagkain. At sinalinan pa ng juice ang mga baso namin. Di bale dalawa ang baso ng bawat isa. Ang isa ay juice ang laman, samantalang ang isa naman ay tubig lang.

Napalunok ako ng makita ang mga nakahain. Pawang mga seafoods lahat iyon. Tatlong putahe na talaga nga namang ikakatakam mo. Agad kong napansin ang Tuna noodle casserole, isa sa mga paborito kong kainin kapag nasa restaurant kami.

Bago pa ako makakuha ng pagkain ay nilingon ko muna si Prince na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at excited na binalingang muli ang mga pagkain. Meron na silang pagkain sa kanilang mga pinggan kaya kumuha na rin ako ng gusto ko.

Madami ang kinuha kong ulam at konti lang ang kanin. Para hindi masyadong halata.

"Paborito mo pala talaga yan? I asked Ton kasi about your favorite food. And he said that, that one is your favorite. So isa yan sa mga pinaluto ko." Nakangiting sabi sa akin ni Ara.

Wala namang espesyal sa sinabi nya. Pero piling ko na touch ako. Knowing na pinaluto nya pa talaga to, dahil lang sa nalaman nyang isa ito sa mga paborito kong pagkain.

I smiled genuinely at her. "Yeah. Thanks by the way." I said.

Ngumiti rin ito pabalik. "Wala yun. I'm your friends right?"

Tumango naman ako sa tanong nito at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Naging tahimik kami ng mga sandaling iyon. Pero lara sa akin ay wala lang iyon. Sanay naman na kasi ako sa tahimik.

Nang matapos na kami sa pagkain ay nagkaayaan sila na manood ng movie, since maaga pa naman daw. Sa sala kami manonood ng movie kasi mas maganda daw na makita namin ang ulan para mas dama daw.

I think love story yung nakasalang, hindi naman kasi ako familiar kasi foreign yung mga bida. Hindi ko rin inakalang mahilig pala ang mga boy's sa gantong klase ng movie.

Mukha din namang exciting ang movie kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang Pee Mak. Yan kasi ang title nung movie. Lumipas ang oras at namalayan ko nalang ang sarili ko na malakas na tumatawa kasabay nila.

Sa mga sandaling iyon ay tila nakalimutan ko kung ano man ang meron sa pagitan naming dalawa ni Justin. At nagpapasalamat ako sa mga bagong kaibigan ko dahil kung hindi dahil sa kanila, malamang sa malamang. Baka mamatay na ako sa kakaisip ngayon kung ano ba ang mga pinagsasabi sa akin ni Justin kanina.

Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng maramdaman ko ang marahang pagtagilid ng ulo ni Prince sa gawi ko. Hanggang sa maisandal na nya ang ulo nya sa balikat ko. Naramdaman ko din na marahan nyang hinahawakan ang kamay ko, at hindi ko alam kung bakit hindi ko sya pinipigilan?

Siguro nabilisan lang ako sa nangyari kaya hindi na ako naka-react. Nilingon ko ang gawi nito, nakapikit na ang mga mata at hindi ako sigurado kung tulog na ba sya.

At this moment. I'd found him cute. Madalas kasi, gwapo lang impresyon ko sa mukha nya, pero cute pala sya pag tulog.

Kahit naman kasi na childhood friend kami, never ko pa syang makatabing matulog. Never ko rin syang nakitang matulog, madalas kasi pag nakikitulog sya sa amin, sya ang laging unang nagigising. Kaya hindi ko na inaabutan ang pagtulog nya.

Nang ibalik ko na ang tingin ko sa TV ay halos patapos na ang pelikula. Hindi man ako maka relate, pero, parang nararamdaman ko yung feelings nung bida?

Hindi ko rin naman alam na posible pala yung mangyari. Na maari mong makasama ng normal ang isang taong patay na, o kaya ay multo na. Pero sabagay, fictional lang naman sya.

Hanggang sa matapos ang movie ay nanatili si Prince sa posisyon nya. Hindi ko rin naman na inabala pa na gisingin sya. Baka pagod sya ngayong araw.

Nang tumayo na ang mga kasama namin ay napagdesisyunan ko na rin na gisingin sya.

"Oh. Nakatulog na pala yan?" Tanong ni Mika.

"Di na kayo nasanay sa ugali nyan ni Ton. Kaylan ba yan hindi natutulog kapag nagmo-movie marathon tayo?" Sabi naman ni Anthony.

Sabay-sabay silang tumawa at napailing. "So, ikaw na muna ang bahala sa kanya Karen. Sumunod ka nalang sa amin sa taas. We're sleepy na rin kasi eh," si Ara.

Tumango naman ako bilang sagot. "Sige. Ako ng bahala. Mukhang mahihirapan ako." Biro ko pa.

"Anong mukha? Mahihirapan ka talaga." Sabi ni Anthony sabay tawa.

Binatukan naman sya ni Lance kaya sinamaan nya ito ng tingin. "Hmm. Nanakot kapa. Tara na nga lang. Matulog na tayo." Sabi nito sabay hila na sa kamay ni Anthony.

"Bitiwan mo nga ako. Baka isipin ko pang may gusto ka sa akin eh." Asar pa ni Anthony sabay hila sa kamay nya.

"Uy. Piling ka naman."

Yun nalang ang huling salitang narinig ko bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Muli ko namang ibinalik ang atensyon ko sa ngayon ay tulog na tulog na si Prince. Nakadantay pa rin ang ulo nito sa balikat ko habang magkahawak parin ang aming mga kamay.

Marahan akong gumalaw upang matapik ang kanyang pisngi. "Prince. Gising na. Lumipat kana sa kwarto nyo."

Marahan lang itong gumalaw at mas isiniksik pa ang sarili sa akin. Naiusog ko naman paatras ang mukha ko dahil sa ginawa nito. Naramdaman ko rin ang mas paghigpit ng kapit nito sa kamay ko.

"Pwede bang ganto na muna tayo?" He asked huskily.

May kung anong kiliti naman akong naramdaman ng marinig ko ang boses nito. Ganito ba talaga ang boses nya kapag bagong gising? Shit! Hindi ko alam.

Tumikhim naman ako upang makapagsalitang muli ng maayos. "Hindi pwede. Inaantok na rin kasi ako eh. Tsaka, ang bigat kaya ng ulo mo." Kunyaring inis na sabi ko dito.

Nakanguso namang lumingon ito sa akin. I found it cute, but, nakaramdam ako ng pagkailang kaya iniiwas ko nalang ang tingin ko dito.

"Ganyan ka na sakin ha? Parang hindi mo ako best friend." Nagtatampong sabi nito.

"OA nito!" Sabi ko sabay tulak sa mukha nya.

Kinuha ko ang pagkakataon na yun para makatayo. Ngunit napaharap akong muli sa kanya dahil hawak parin pala nito ang kamay ko.

"Hey. Stand up." Nakakunot ang noong sabi ko.

"Ayaw." Pagmamatigas nito.

"Para kang bata." Kunwaring inis na sabi ko, pero sa kaloob-looban ko ay nangingiti na ako.

"Hindi mo na talaga ako best friend."

"Wag ka ngang magdrama dito. Wala tayo sa bahay no."

"Hindi mo na kasi ako nilalambing." Nakangusong saad nito.

Sandali akong natigilan sa nakita ko. Hindi ko alam, pero may iba akong naramdaman. Something like, my heart beats fast, and I don't know why?

"Sige na nga." Nakanguso paring sabi nito sabay hila sa kamay ko upang makatayo sya.

Pero dahil sa pagkabigla ay nawala ako sa balanse at natumba sa harap nya. Sobrang bilis ng pangyayari, halos hindi ko na namalayan.

No slow motions, it's just that. Everything happened so fast.

Pero ang ipinagtataka ko. Dapat sa mga oras na ito ay nagsusumigaw na ako sa inis at pinagpapalo sya hanggang sa magmakaawa syang tigilan ko na sya.

Pero hindi. Nanatili lang ako doon at tila nagugustuhan ko kung ano man ang posisyon namin ngayon.

Bumalik lang ako sa aking sarili ng maramdaman ko ang hininga nito na bumabalot sa aking leeg. Kakaibang init ang dulot niyon sa katawan ko kaya naman agaran akong tumayo at inayos ang damit ko na nagusot.

Hindi naman ito makatingin ng diretso sa mata ko at isinandal lang ang dalawang kamay sa handle ng sofa.

"Ehem. Let's go?" Pag-aaya ko ulit dito.

Tumango naman ito at kusa ng tumayo. Itinuro pa nito ang daan na tila gusto akong paunahin sa paglalakad. Sinunod ko na lamang ang gusto nitong mangyari at nauna na nga ako sa paglalakad.

Tanging ang malakas na buhos lamang ng ulan sa labas ang maririnig ng mga sandaling iyon. Tila nanunuot sa aking kamay ang lamig ng railing na hinahawakan ko.

Wala ni isa man sa amin ang nagsasalita, pero nararamdaman ko na nasa likod ko lamang sya. Nang makarating na sa dulo ng hagdan ay lumiko na ako kung nasaan ang kwarto na tutuluyan ko.

Nang makarating na sa tapat ng kwarto ay tumigil na ako sa pagalalakad at marahang hinarap ang taong nasa likuran ko.

Nakatingin lang ito sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.

"Matulog ka na rin." Tangi kong nasabi.

Ilang segundo itong natahimik hanggang sa humakbang sya papalapit sa akin. He leaned in closer to me, then the next thing I knew, he's already done kissing my cheek.

"Good night. Sweet dreams." He said, then he left.

Naiwan naman ako doon na nakatulala at hindi pa maprocess kung ano ba ang nangyari. Marahan kong iniangat ang aking kaliwang kamay upang haplusin ang parte ng aking pisngi na hinalikan nya.

Pangalawang beses na nya iyong ginagawa sa akin. At hindi ko parin mapigilan ang aking sarili na pamulahan sa tuwing mangyayari iyon.

Ano na bang nangyayari sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top