Loving You was Eerie

อารัมภบท

"Kaylan pa yun?" Nakanguso kong tanong kay Princeton, isang araw habang naglalakad kami pabalik sa bahay.

Nagpaalam kasi ito sa akin na magbabakasyon silang pamilya sa ibang bansa this summer. Hindi naman sa pinagbabawalan ko sya. Hindi lang kasi ako sanay na wala sya sa tabi ko.

"Mga two months lang naman kami dun. Babalik din agad." Ginulo nito ang buhok ko. "Tsaka matitiis ba naman kita? Baka nga isang linggo lang nandito na ulit ako." Biro pa nito.

Hinampas ko naman ang braso nito. Normal na lang naman sa amin iyon. Wala kaming relasyong dalawa, magkaibigan lang. At hindi ko na makita ang sarile ko na hihigit pa doon.

"Pero di nga. Totoong mami-miss kita. Alam mo naman wala akong ibang kaibigan dito kundi ikaw. Sino nalang ang kakausapin ko kapag umalis ka na? Sino nalang kasama kong maglakad-lakad dito? Iniisip ko palang na mag-isa akong maglalakad dito sa subdivision natin. Kinikilabutan na ako." Sabi ko sabay tawa.

"Edi wag kang maglakad. Mag-stay ka nalang sa bahay nyo. Tsaka isa pa. Magsisimula na ang klase nyo ah? Diba dapat mas excited ka dun?" Nilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya.

"Wala naman akong kaibigan dun. Ano namang papasukan ko? Ang boring naman kung puro aral ako no." Nakanguso kong reklamo.

"Dami mong reklamo no. Sige ka. Baka isipin ko na gusto mo na ako nyan." Nakangiting sabi nito sabay kindat.

Tinampal ko naman mukha nito. "Piling ka talaga." Sabay irap.

Nang makita ko na ang bahay namin ay minadali ko na ang paglalakad. "Uy! Nagmamadali sya." Wala itong ibang ginawa kundi ang tumawa habang sumusunod sa akin.

Mabilis kong binuksan ang gate ang tumakbo patungong main door. "Uy. Haha. Nag blush ka ba?" Pang-aasar pa nito.

Tumingin ako dito at umirap. "Tigilan mo ako Prince ha." Pambabanta ko dito.

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong naghahanda na si Mama ng aming hapunan. Napalingon ito sa gawi namin at ngumiti.

"Sakto ang dating nyo. Maghahapunan na. Padespida sa pag-alis ni Ton." Sabay tingin kay Ton.

Tumango naman ang katabi ko. "Naku! Nag-abala pa po kayo tita." Todo ang pagkakangiti nito. Halos mawala na ang kanyang mga mata dahil sa pagkakangiti.

"Karen. Tawagin mo na ang Papa mo. Nasa office mya sya ngayon." Pumunta ulit si Mama sa kusina.

Tiningnan ko naman ang katabi ko na ngayon ay nakatingin din sa akin. Tinaas ko ang kilay ko. Inilapit naman nito ang mukha sa akin, dahilan upang ilayo ko yung akin.

"Hmm. Bat parang lagi ka nalang umiiwas kapag napag-uusapan yun." Mapang-asar nitong sinabi.

Huminga naman ako ng malalim at umatras. "Kasi hindi iyon tamang pag-usapan." Matama kong sinabi. Nawala ang mga ngiti nito sa labi. Naging seryoso bigla.

"Ayokong umasa ka sakin, at isumbat sa akin ang lahat. Ayaw kong mawalan ng kaibigan Prince." Binaba ko ang paningin.

Narinig ko ang pagsinghap nito sabay hawak sa baba ko upang iharap ang paningin ko sa kanya.

"I know. I'm just teasing you. Wag lang masyadong seryoso." Bagamat nakangiti, ay kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko, pero hindi ko ginawa. Bagkus ay tumalikod na ako at duniretso sa office ni Dad upang ayain ito sa pagkain.

Kaya naman ng mga sumunod na araw au naging madalang ang pagpunta ni Prince sa bahay namin. Nagkita lang kami ulit ng paalis na silang pamilya patungong abroad.

"Mamimiss kita." Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

Hinaplos nito ang aking buhok. "Wag ka na ngang madrama. Baka mamaya nyan hindi pa ako makaalis." Tumawa ito.

Bumitis na ako sa pagkakayakap at tinitigan ang mukha nya. Every year naman nilang ginagawa to, pero kada nalang dadating ang time. Nalulungkot pa rin ako. Para tuloy akong girlfriend nya.

Nang dumatin na ang time ng pag-alis nila ay hindi ko na sya napigilan. "Don't be sad okay? I'll be back." Pangako pa nito.

Tumango nalang ako at pinunasan ang aking luhang lumadas sa aking pisngi, habang kumakaway sa kanya.

Nung araw ding iyon ay umuwi na ako diretso sa bahay. Hindi sumama sila mama sa paghatid kasi busy sila sa work.

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Hindi ko na nagawa pang kumain dahil sa sobrang pagod. Diretso tulog na ako ng wala man lang palit-palit ng damit.

Madaling araw na ng maalimpungatan ako dahil nararamdaman kong may nakatitig sa akin. Ipinagsawalang bahala ko iyon sa pag-aakalang baka nananaginip ako.

Pero nagtindigan ang mga balahibo ko ng marinig na nagbukas ang pinto ng terrace ng kwarto ko. Kasabay ng malamig na pagpasok ng hangin sa aking buong kwarto.

Tinatangay rin nito ang mga puting kurtina na nakakabit sa dingding.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na imulat ang mga mata at tingnan ang terrace. Halos maubusan ako ng hininga ng makitang may lalaking nakatayo doon.

Agad akong napaupo sa kama at akmang tatakbo na palabas ng bigla nalang mawala ang imahe ng lalake. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid.

Tumigil na sa pagsayaw ang mga kurtina at wala na rin ang malamig na simoy ng hangin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto ang uminom ng tubig. Simula ng araw na iyon. Walang mintis sa aking panaginip, na hindi ko nakita ang lalaking nakatayo sa aking terrace.

Lagi itong nanggugulo sa aking panaginip, at kung minsan ay hindi ko alam kung panaginip pa ba ang nangyayari sa akin o totoo na.

Masyadong makatotohanan. Mahirap paniwalaan. Sino nga ba sya? Ano ang kaylangan nya sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top