k

Agad naman akong tumalikod ng marinig ko ang mga sinabi nito. Hindi ko kayang tanggapin kung ano man yun.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa balikat ko. "Ayos ka lang ba Karen?" May pag-aalala sa tinig nito.

Pinunasan ko naman ang tumulong luha sa pisngi ko bago lumingon at sumagot sa kanya. "Yeah. I'm fine. Sumama lang yung pakiramdam ko. Siguro kaylangan ko ng umuwi." Sabi ko dito.

Worried is all written on her face. She's looking at me straight in my eyes but I can't look back, knowing that she's the sister of my lover's girlfriend.

"You sure? Tatawagin ko lang si Princeton." Pagkasabi nito niyon ay mabibilis ang mga hakbang nito na bumalik sa teresa.

Ako naman ay muling ibinalik ang atensyon sa mga larawan. Kung saan lahat yata ng kuha ay masaya. They look happy together. Parang hanggang ngayon masaya parin sila. Pero yung samin? Ano yung samin? Niloloko nya lang ako.

Isang patak ng luha ang lumandas sa pisngi ko. Agad ko iyong pinunasan ng maramdaman kong papalapit na sa akin si Prince. Nag-aalala ang mga titig nito.

Nginitian ko naman ito para iparating na okay lang ako. "Are you okay?" Tanong nito.

Tumango ako at bumuntong hininga. "Hmm. Sumama lang yung pakiramdam ko." Sabi ko dito.

"Sige. Uuwi na tayo." Sabi nito habang ang mga kamay ay lumandas sa bewang ko. Inaalalayan ako sa paglalakad. Hindi ko na ito kinontra para hindi na makahalata.

"Magpapaalam muna ako." Sabi ko ng maalalang hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa mga kaibigan nya.

"No need. They understand." Simpleng tugon nito.

Tumango nalang ako nagpaakay sa kanya papalabas ng bahay. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Tanging tunog ng mga sapatos, at hininga namin ang maririnig.

Habang pababa na kami ay nakarinig ako ng iba pang tunog ng sapatos na nagmumula sa sala. Sinundan ko ng tingin ang pinagmumulan nito. Dinala nito ang mga mata ko sa sala kung nasaan nandoon ang isang magandang babae na nakapang office attire pa. Papaakyat ito sa hagdan.

Nang mapansin nito kami ay tumigil ito sa paglalakad at mataman kaming tiningnan lalo na ako. Pero hindi rin nagtagal yun at ngumiti ito sa amin, at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Princeton. Tapos na ba party nyo?" Tanong nito ng makarating sa harapan namin at tumigil sa paglalakad.

Umiling naman si Prince na hindi parin iniaalis ang kamay sa aking bewang. "Hindi pa po, Ate Ariana."

Napalingon naman ako dito dahil sa pangalang sinabi nito. Umawang ang labi ko at tila tinambol ng napakalakas ang puso ko. Hindi makapaniwalang ang nasa harapan namin ay tunay na girlfriend ni Justin.

"Sumama lang po ang pakiramdam ni Karen kaya mauuna na po kami." Dagdag pa nito.

Nilingon ko namang muli si Ariana na ngayon ay nakatingin na rin sa akin at nakangiti.

"So, you are Karen? Nice meeting you, palagi kang kinukwento sa akin nitong si Princeton eh." Tila galak na galak itong makita ako.

Naiilang na ngumiti naman ako dito. Kabado at hindi alam ang gagawin. Paano kung malaman nito na pinagtataksilan namin sya ng boyfriend nya. Magiging mabait pa kaya ito sa akin? Ngingiti pa kaya ito sa akin?

"Mahiyain ka pala talaga no?" Sabi pa nito.

Naramdaman ko naman ang mas paghigit ni Prince sa bewang ko. Nakita ko namang nilingon ito ni Ariana, pero ibinalik din kaagad sa akin ang paningin.

"Sige mauna na kayo, at ng makapagpahinga kana."

"Salamat po Ate Ariana."

Matapos noon ay dumiretso na kami papalabas. Isang tipid na ngiti lang ang iginaqad nito sa amin. Nang makalabas na sa bahay ay tila nakahinga ako ng maluwag. Piling ko ay ang sama-sama ko dahil nakuha ko pang humarap sa mga taong pinagtataksilan ko, na wala namang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin.

Pinagbuksan muna ako nito ng pinto bago ito nagtungo sa driver's seat. Tahimik nitong minaobra ang kotse at swabeng lumabad sa malaking gate ng bahay na iyon.

Tahimik lang ako sa byahe. Hindi rin naman nagsasalita si Prince kaya mas nakakapag-isip ako ng tama. Kung ano ba talaga ang nangyayari. Kung ano ba talaga yung pinasok ko.

Kaya ba nananatiling no label ang relationship namin, dahil meron na itong girlfriend? Kaya ba nagpapakita lang ito sa iba na kasama ako kapagka sigurado ito na walang nakakakilala dito? Bakit sya naghanap ng iba, gayong mukhang mabait naman ang girlfriend nya?

Hindi ko lubos na maisip na matagal na pala nya akong niloloko. Na pinaglalaruan nya lang ako. Hindi ko lubos na maisip kung anong nararamdaman nya. Pinagtatawanan ba ako nito dahil naloko nya ako? Minahal ba talaga ako nito?

Malakas akong napabuntong hininga kasabay ng pagtulo ng luha sa aking kanang pisngi. Agad ko iyong pinunasan at bumuntong hiningang muli.

Tila napansin iyon ni Prince dahil naramdaman ko ang paglingon nito sa gawi ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtingin sa madilim na kalsada.

"May problema ka ba?" Tanong nito.

Hindi ako kumibo. Malalim pa rin ang iniisip.

Narinig ko nalang ang malalim na paghinga nito at hindi na muling nagtanong pa.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan nito. Nilingon ko kaagad ang labas at nakita ko na ang malaki naming bahay, na tanging ang ilaw lang sa loob ng bahay ang maliwanag. At may kadiliman naman sa labas kahit na sampung ilaw na ang nakalagay doon.

"Were here." Narinig kong sinabi ni Prince.

Nilingon ko ito at kita ko ang pag-aalala sa titig nito. I smile gently, to assure him that I'm okay.

"Salamat sa paghatid." Tugon ko. "And thank you, I enjoy the night." Sinsero kong sinabi.

Totoo naman iyon. Kung hindi lang dahil sa nakita ko ay hindi ko pa sana gugustuhing umuwi, hindi lang talaga ako makakatagal sa lugar, kung saan nandoon nakatira ang mga taong naloloko ko.

"Well. I told you so. Just trust me." Pinakatitigan ako nito na halos pati kaluluwa ko ay matunaw.

Ngumiti nalang ako at nag-iwas ng tingin. "You are really my best friend." I said, before looking bact to his eyes.

I saw pain, and sadness their. I don't know why. He told me that he already move on, or maybe not?

Napatango-tango ito at nagbaba ng tingin, ang ulo ay nakaharap parin sa akin. "Yeah. I'm your best friend. That's why I only want, what's best for you." Malungkot ang tinig nito, pero hindi ko na pinansin. Humarap na itong muli sa kalsada at humawak sa manibela.

"Mauna na ako." Sabi ko dito, bago binuksan ang pinto at lumabas na.

Isang patak ng ambon ang dumampi sa balat ko, pero hindi ko ito pinansin. Diretso akong naglakad sa gate at tumayo lang doon at hinantay ang kanyang pag-alis. Ilang segundo lang ang itinigil nito doon bago pinaharurot ang sasakyan.

Muli, hindi lang isa ang pumatak sa akin. Padami na ito ng padami. Nang hindi ko na makita ang kotse ni Prince, ay tsaka lang ako pumasok sa loob ng gate.

Ngayon, ramdam kong uulan na talaga. Dahil habang sinasara ko ang gate ay halos mabasa na ng ambon ang bunbunan ko. Kaya naman nagmamadali kong isinara ang gate at madaliang tumalikod dito.

Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng pagharap ko ay nandoon na ang taong kanina lang ay iniiyakan, at kinaiinisan ko. Hindi ko na naipagpatuloy pa ang pagpasok sa bahay dahil sa kanya. Basa na rin ako ng ulan gayun din sya.

Naglakad ito papalapit sa akin ng may ngiti sa mga labi. I smiled sarcastically, and look to other direction. Naramdaman kong tumigil ito sa paglalakad. Nilingon ko ito at kita sa mga mata nito ang pagtataka.

"Karen." Nag-aalangan ito kung lalapit ba sa akin o hindi.

"Sinabi mo sakin diba? Na mahal moko?" Tanong ko dito, at kahit na hindi nito nakikita, ay alam kong tumutulo na ang luha ko.

Kumunot ang noo nito at puno ng pagtataka at pangamba ang mga mata. Tumango lang ito at hindi nagsalita. Habang ang ulan ay hindi parin tumitigil. Mas lumalakas pa ito, pero wala namang dalang hangin.

Sa nanginginig kong katawan at labi ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Kung mahal mo ako, bakit? Bakit Justin?" Tanong ko ulit.

Dapat unang tanong ko palang dito alam na nya dapat ang tinutukoy ko. Pero hindi, hindi manlang nagbago ang ekpresyon ng mukha nito, at mas lalo lang kumunot ang noo nito.

Ganoon na ba ito kagaling umarte? Ganoon na ba ito kabihasa sa pagtatago ng mga sekreto? Paano nakakaya ng konsensya nya ang manloko ng mga tao? Akala ko mabuti syang tao. Inaamin kong hindi ko sya kilala, at ngayon, mas hinding-hindi ko sya makikilala.

"Ano? Hindi ka sasagot?" Muling tanong ko. Naiinis na. Kaya humakbang ako papalapit at itinulak ang kaliwang balikat nya. "Ang galing mong umarte. Napaniwala mo akong hayop ka! Ano? Masarap bang panoorin ako na halos mabaliw sayo? Masarap ba sa pakiramdam na dalawa kaming nagmamahal sayo? Masaya ba? Nag-enjoy ka ba?" Umiiyak na sabi ko.

Lumambot ang mukha nito pero ang pagtataka ay nandoon padin.

"Napipe ka na ba? Ha? Sumagot ka!"

Sa inis ko ay nasampal ko sya. Tumabingi lang ulo nito at tila hindi naramdaman ang sakit na dulot ng sampal ko.

Halos ibuhos ko na lahat ng lakas ko sa sampal na yun, samantalang sya? Parang wala lang? Ano? Hanggang dito ba naman ako parin ang dapat masaktan?

"Sana hindi nalang kita nakilala. Pinagsisisihan kong minahal kita." Napapailing na sabi ko. "Loving you was eerie."

Matapos kong sabihin yun ay naglakad na ako at tinalikuran sya. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita sya. Kung gusto nyang mag-explain dapat kanina pa.

Nakakalimang hakbang pa lamang ako ng marinig ko itong magsalita. Pero hindi ko itinigil ang paglalakad at nagpatuloy lang.

"I already told you before. You will be hurt, if you choose to love me."

Napatigil ako sa paglalakad at tumawa ng mapakla.

"Yeah right. You already warned me. Pero hindi ko akalaing sa ganitong paraan mo ako sasaktan."

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad, pero mga pitong hakbang palang ay tumigil na akong muli at nilingon ang direksyon nya. But he's already nowhere to find. Hindi ko alam kung san sya dumaan, o kung san sya lumusot.

Pero ano nga ba ang nakakapagtaka sa kanya. Sumusulpot nga sya kahit saan. Naakyat nga nya yung kwarto ko kahit walang hagdan. Binuhat nga lang nyang mag-isa yung malaki naming hagdan. Ano pa kaya yung umalis lang sya sa bahay nung taong niloko nya?

Nahihirapan mang ihakbang ang mga paa, dahil sa nanginginig na rin ako dahil sa lamig, ay pinilit ko parin. Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob para mabuksan ang pinto.

Nanginginig ang katawan na inihakbang ko ang mga paa upang makapasok sa loob. Hindi ko na napansin kung may tao o wala ba sa sala, nagulat na lamang ako ng salubungin ako ni mama, samantalang si papa ay nanatiling nakatayo sa may malapit sa sofa.

Nagpakuha ng tuwalya si mama sa isa sa mga katulong at iginiya naman ako ni mama papunta sa may sofa, at doon ay naupo kami.

Nang makarating ang katulong ay iniabot nito kaagad sa akin ang hawak na tuwalya, pero si mama na ang nagpunas sa akin. Habang nagpupunas ay kinausap ako ni mama at papa.

"Ano bang nangyari. Bat basang-basa ka naman ng ulan? Hindi ka manlang tumawag sa amin para sunduin ka sa labas. Tsaka si Ton. Bat hindi ka nya inihatid dito eh alam nyang umu-" I cut her words.

"Ma. Walang kasalanan dito si Prince. Wala pang ulan kanina ng dumating kami dito." Paliwanag ko.

Nagkatinginan silang dalawa. Na para bang may mali sa sinabi ko.

"Kung gayon... Bat basang-basa ka ng ulan?" Tanong ni Papa.

Napaiwas naman ako ng tingin. Naiipit sa desisyon kung sasabihin ba ang totoo o hindi. Sa huli, I chose to lie.

"Na miss ko lang po kasing maligo sa ulan. Alam nyo na. Childhood memories." Nakangiwing sabi ko.

"Anak, hindi ka naman naliligo sa ulan noon pa." May pagtataka sa tinig nito. "Kahit lagi kaming wala dito sa bahay, alam namin yun dahil sinasabi sa amin ni Ton lahat ng ginagawa nyo buong maghapon."

Napaiwas ako ng tingin. Totoo yun. Hindi ako mahilig maligo sa ulan. Lamigin kasi ako. Pero may isang beses nakaligo ako sa ulan, yun yung time na inabutan ako ng ulan sa may park.

"I just want to experience it." Sabi ko nalang.

Muli silang nagkatinginang dalawa at sabay pang nagbuntong hininga. Bago nag-iba ng topic.

"So, how's the party?" Si mama.

"Parang hindi naman sya party. It's more like a simple dinner. Mga close friends lang ang imbitado."

"You have fun?" Mom asked again.

I nodded as a response, with a genuine smile formed in my lips. They both smile at me. Happy. That I enjoyed the party.

"Pagpahingahin mo na ang anak natin Kristen. Napagod yan." Sabi nito kay mama, at bumaling naman sa akin. "Magbihis ka na rin anak at baka lagnatin kapa."

Tumango nalang ako bilang sagot. I kissed them on their cheeks and said goodnight.

Dumiretso na ako sa aking kwarto habang ang tuwalya ay nasa balikat ko. Agad akong naligo at nagpalit ng damit. Nang matapos na akong gawin ang mga dapat gawin ay nahiga na ako sa kama.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Basang-basa ito. Sinubukan ko itong buksan, pero hindi na gumagana. Siguro ipapaayos ko nalang. May mga mahahalagang bagay kasi akong itinatago dito sa cellphone ko.

Inilapag ko sa study table ang phone at nahiga na sa kama. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay ng pag-agos ng aking mga luha.

Muli ko na naman kasing naalala yung mga nalaman ko kanina. Masakit sya, lalo na't ngayon ko palang naranasan ang magmahal ng ganito. Halos ibigay ko ang lahat sa kanya, tapos niloloko nya lang pala ako.

Marahan kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mukha, at minulat ang aking mga mata. Tinitigan ko lang ang kisame, at iniimagine na, kaharapan ko doon si Justin. Kahit na sobra nya akong nasaktan. Mahal ko parin sya.

Muli kong pinunasan ang isang patak ng luha na pumatak sa aking mata. At muling ipinikit ang mga mata. Agad kong naramdaman ang pagod at antok. Pero bago pa man ako lamunin ng kadiliman, ay isa ang sigurado ako sa mga oras na ito.

At yun ay, hindi ko sya kayang kamuhian, at limutin ang isang tulad nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top