h

Nag-umpisa ang klase pero nanatili akong lutang. Wala ang atensyon ko sa itinuturo ng guro. Pero hindi ko ipinahata na hindi ako nakikinig dito. Kaya naman ng mag break time na ay sumigla ako ng konti. Nanlalambot na lumabas ako ng classroom at nagtungo sa cafeteria.

Nang makarating doon ay agad akong um-order. Nang makuha ko na ang aking order ay naghanap kaagad ako ng mauupuan. Luckily, may bakante sa bandang dulo ng cafeteria at doon na ako naupo.

Tahimik lang akong kumain ng mag-isa at walang pakialam sa aking paligid. Nasanay na akong ganito, piling ko, trinain ako sa mga ganitong klase ng buhay.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain ng maramdaman kong may naupo sa bakanteng upuan sa aking harapan. Nakakunot-noong binalingan ko ito ng tingin.

Halos nanlalaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon. Halos mabitawan ko na rin ang kinakain ko. Anong ginagawa nya dito?

Tumingin naman ako sa paligid at busy ang lahat sa kanilang pagkain. Nagugulat na tiningnan ko ulit ang nasa harapan kong si Justin. Maganda ang pagkakangiti nito sa akin na tila ine-expect na nyang magiging ganito ang reaksyon ko.

"May nakakagulat ba?" Pang-aasar nito sa akin.

Tumikhim naman ako bago ibinaling ang paningin sa aking kinakain. "Hindi. Wala naman. Hindi ko lang kasi inakala na pumupunta ka pala dito." Sagot ko na hindi na ibinalik ang tingin sa kanya.

"Bakit? Bawal ba ako dito. School canteen to. Saan mo ako ine-expect na kumain?"

Muli ko namang ibinaling ang tingin sa kanya at bumaba ang mga ito sa kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa.

"Wala ka namang dalang pagkain."

Napangiti naman ito sa sinagot ko. "Wala ako dala. Dahil tapos na ako. Pwede na bang dahilan yun?"

Sa totoo lang. Naasar na talaga ako sa kakangiti nya. Pero wala naman syang kasalanan para singhalan sya. So I remained to compose my cool.

"Kung tapos ka na bakit nandito ka pa rin?" Nakangiming sabi ko. Pinipigilan ang pagkainis.

"Gusto kitang makasama eh." Naging malambot at malambing na ang boses nito.

Funny thing is, nawala na rin ang inis ko sa kanya. Tiningnan ko ito ng may pigil na ngiti sa mga labi.

"Bakit? Hindi ka ba pupunta sa amin mamaya?" Nalungkot ako sa isiping iyon. Pero hindi ko pinahalata.

"Pupunta. Mas gusto ko lang ng mas mahabang oras na kasama ka." Malambing na sagot nito.

Tila inilipad naman ako sa alapaap sa katotohanang gusto nya akong makasama ng matagal. Hindi ko na naitago pa ang aking mga ngiti. At piling kk ay namumula na ako ngayon sa katotohanang nakita nya iyon.

"It looks like, someone is happy." Pagpuna nito.

Binigyan ko naman ito ng galit na tingin, pero mas nang-asar pa lalo ito. "You're so cute when you blush." Dagdag nito.

"Tigilan mo ako Justin ha. Kumakain ako." Banta ko dito pero mukhang hindi manlang ito natinag.

"I wonder what you look like when you get jealous."

Sisinghalan ko na sana ito ng marinig ko ang maingay na bulungan sa paligid. Ang dating tawanan ay napalitan ng nagtatakang mga bulungan. Ang mga matang wala sa akin kanina ay halos nakatutok na ngayon sa akin ng may pagtataka.

Naguguluhang ipinalibot ko ang tingin sa mga ito. At tulad nila ay naguguluhan din ang kanilang mga ekspresyon. Dahil may kasama na akong kumain. Nasanay ba talaga sila na mag-isa lang ako. Sikat ba si Justin para hindi ko ito pwedeng makasama? Para saan ba ang mga tinging iyan?

Bigla namang hinawakan ni Justin ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa at nabaling doon ang paningin ko.

"Don't mind them. Just finish your food." Sabi nito.

Sa hindi malamang kadahilanan ay may tumulong luha sa aking kanang pisngi agad ko naman itong pinunasan at kinagatan ko ang hawak na pagkain

Nilingon ko naman sya ng namumugto ang mga mata. I was about to say something but he already cut my words.

"Just eat. And don't talk."

Tumango nalang ako at pinigilan ang sarili na mapahikbi. Hindi talaga ako sanay sa atensyon ng maraming tao. Kaya ko bang pumunta sa birthday party ng kaibigan ni Princeton? Napabuntong hininga nalang ako sa isiping iyon.

Naka-oo na ako. At malulungkot ito kapag sinabi ko hindi na ako sasama. Bakit ba kasi napaka allergic ko sa mga tao?

Tulad nga ng sinabi ni Justin. Hindi na ako muling nagsalita pa at pinokus nalang ang sarili sa pagkain. Naramdaman ko ring wala na sa akin ang paningin ng mga tao sa paligid.

Nang matapos na ako sa pagkain ay binalingan ko ng tingin si Justin. Hindi pa rin ako nagsasalita. Nginitian lang ako nito at habang tumatayo ay nagsalita ito. "Let's go?" Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Nasa unahan ko sya at nasa likuran nya ako. The space between us is overwhelming. Piling ko kapag mas nagkasabay pa kami sa paglalakad ay mas lalong matutuon ang atensyon sa amin ng mga tao.

Nang makarating na kami sa dulo ng hallway ay tumigil ito at humarap sa akin. Wala pang tao sa building na to dahil hindi pa tapos ang break time. Naguguluhang tiningnan ko ito.

"Are you okay?" May pag-aalala sa tinig nito.

"Yeah. Hindi lang talaga ako sa sanay sa atensyon ng iba." Sagot ko habang ibinaling ang tingin sa kabilang dulo ng hallway.

"Kaya nga gusto ko na makipag-bonding ka sa iba kasama ang best friend mo. Dahil sigurado ako na hindi ka pababayaan nun. At kung sakali mang may hindi magandang gawin sayo ang mga kaibigan nya. P aniguradong ipagtatanggol ka nun. Walang lugar para sa takot Karen. You have to be brave. That is one of those rule in life. You have to be brave." Mahabang litanya nito.

Kung titingnan mo mukhang hindi naman sya nahirapang huminga sa haba ng sinabi nya. Pero hindi ko na pinagtuuan ng pansin pa iyon. Tama sya. Hindi ako papabayaan ni Princeton. Wala dapat akong ikatakot. Dapat, minsan man sa buhay ko, maging matapang din ako, hindi nalang ako yung laging pinagtatanggol.

Agad na namuo ang luha sa aking mga mata at naiiyak na nilingon ko sya. Dahil nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking mga luha ay agad ko nang hinakbang ang pagitan naming dalawa at mahigpit na niyakap sya. Pinunas ko ang mga luha ko sa balikat nya.

Natigil lang ako sa aking ginagawa ng marinig ko na ang mga estudyante na paakyat dito sa third floor. Agad akong bumitiw sa pagkakayakap at pinunasan ang aking mga luha.

"Una ka na." Sabi nito.

"Hmm. Salamat."

Tinapik lang nito ang balikat ko at nginitian ko nalang. Bago ako naglakad papunta classroom. Naupo lang ako doon at hinintay na mapuno ng mga kaklase ko ang buong silid.

Buong maghapong napapansin kong napapatingin sa akin ang mga kaklase ko. Hanggang sa mag-uwian ay may mga matang nakasunod pa rin sa akin. I find it weird, pero hindi ko nalang pinansin.

Thankfully, nandoon na kaagad si Princeton sa parking kaya lumapit kaagad agad ako at hindi na hinintay pa na magsalita sya at pagbuksan pa ako ng pinto. Agad akong pumunta sa passenger seat at naupo doon.

Alam kong nagtataka ito sa inakto ko pero pumasok nalang ito sa loob at pinaandar ang sasakyan paalis na lugar na iyon. I let out a heavy sigh. Tila nakahinga ako ng makaalis sa lugar na iyon. Students their is suffocating. Bakit ba sila biglang nagkaganon? Wala naman akong ginagawang masama? Is it that bad to talk to a handsome man now? I dont think so.

"Is there any problem?" He asked.

"Wa-"

"I Know their is. Hindi mo na ako maloloko. I've been with you since where kid, kaya alam ko kapag ganyan ang itsura mo na may problema ka. Tell me. What is it?" Sabi nito habang nasa kalsada ang paningin.

Napabuntong hininga naman ako. I know him too. At kapag ganito na sya, I'm sure hindi sya titigil sa pangungulit hanggang hindi ko nasasabi sa kanya ang problema. And worse, he's going to tell it to my parents, mapaamin lang ako.

"It's about the party." Diretsong sagot ko. "Piling ko may hindi magandang mangyayari kapag nagpunta ako doon." Nahihiyang tiningnan ko ito upang malaman kung anong magiging reaksyon nito.

Lumambot ang ekpresyon ng mukha nito ngunit kita ko ang mahigpit na pagkapit nito sa manibela.

"Hindi kita papabayaan. Alam mo yan."

"Alam ko. It's just that. Wala akong tiwala sa sarili ko." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Narinig ko naman ang malalim na paghinga nito na tila nauubusan ng pasensya. Kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Ilang minuto ang lumipas at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hanggang sa makarating kami sa aming bahay. Hindi na muna ako lumabas dahil gusto ko pang malinaw ang mga bagay-bagay sa kanya.

Seconds later, he broke the silence. "If you can't trust yourself, it means... you can't trust me too." Emosyonal ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Tila nasasaktan sa katotohanang hindi ko sya pinagkakatiwalaan. "Sabay tayong lumaki, at alam mo bang parang kapatid na rin ang turing ko sayo simula nung binasted mo ako? Alam mo bang simula ng maging magkaibigan tayo, you already had my trust. And I know you did the same thing. So if your saying that you don't trust yourself. Maybe you didn't trust me at all."

Ramdam ko ang lungkot sa mga salita nito. At parang maiiyak na naman ako sa lahat ng mga narinig ko. Tama sya. Kaibigan ko sya, at tulad ng pagbibigay nya ng tiwala sa akin ganun din dapat ang gawin ko.

Dapat kapag sinabi nyang magiging maayos ang lahat maniwala ako, kasi mas matagal ko na syang kilala kaysa iba. At sigurado ako, na kahit na anong mangyari. Lagi lang syang nasa likod ko.

"I'm sorry." I said while trying to control my tears back. But a soft sob escape from my lips. And the next thing I knew. He's already hugging me.

I cried silently on his shoulder, to make me feel comfortable. Dahil yun naman talaga sya, laging iniisip ang kalagayan ko, para maging komportable ako sa lahat ng bagay. At masaya ako na sya ang taong yun, ang taong laging inaalala ang feelings ko bago ang kanya.

Nang matapos na ako sa pag-iyak ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili. "Fine now?" Nakangiting tanong nito.

"A bit. But thank you. I feel enlighten." I said with the smile.

Bumaba na rin ako sa sasakyan matapos kong sabihin yun. Pupunta sa sana ako sa driver's seat upang makapagpaalam sa kanya ng matanawan ko ang kotse nila mama at papa na papalapit na sa bahay. Kaya nabaling ang buong atensyon ko doon.

Tumabi ito sa sasakyan ni Princeton. At nagbukas ang windshield nito at lumabas doon ang mukha ni papa, nakita ko namang dumungaw si mama upang kawayan kami. Ngumiti naman ako pabalik.

"O uuwi kana ba Ton?" Tanong ni papa kay Prince.

"Opo. Hinatid ko lang po si Karen." Sagot naman nito.

"Bakit hindi ka nalang dito maghapunan? Maaga pa naman." Alok ni papa.

"Oo nga Ton. Mas mabuti pa nga iyon. Matagal ka nang hindi nadalaw dito." Sabi naman ni mama.

Napakamot naman sa kanyang batok Prince at hindi alam ang sasabihin. Tumingin pa ito sa akin na tila nanghihingi ng tulong. Kaya naman sumingit na ako sa usapan.

"Sige na Princeton. Pagbigyan mo na sila mama at papa. Parang hindi ka naman sanay." Biro ko pa dito.

Nangigiting napatango naman ito at ipinarada ang kotse sa loob ng garahe. Ako na ang nagbukas ng gate para sa mga ito. Nang matapos na, ay sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso na muna sa taas sila mama at papa habang kami ni Princeton ay naiwan sa sala.

"Magbihis ka na. Ayos lang ako dito. Hihintayin nalang kita." Sabi nito sa akin.

"Sige. Maupo ka nalang muna dyan. Babalik ako kaagad." Sabi ko at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto.

Nang makapasok na ay agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Nagbihis na rin ako ng damit at sinuklay lang sandali ang buhok ko. Akmang lalabas na ako ng kwarto ng malingunan ko ang terrace.

Mahangin sa labas at tila ibabagsak na nito ang mga puno. Anong oras kaya dadating si Justin? Mukhang hindi ko sya makakausap ngayon ah. Sa isiping iyon ay lumabas na ako ng kwarto.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Papa at Princeton na nag-uusap sa sala. Nang malingunan ako ng mga ito ay tumigil ang mga ito sa pag-uusap.

"Anong pinag-uusapan nyo?" Takang tanong ko na may pagtataka dahil bigla nalang silang tumigil na dalawa sa pag-uusap

Nagkatinginan pa ang mga ito at tinatantya pa kung sasabihin ba ang totoo.

"It's a boy's talk baby. Wag mo ng alamin." Nakangiting sabi ni Daddy.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Kahit curious ay hindi na ako nagtanong. Alam ko namang hindi rin nila iyon sasabihin. Or worst. Baka magsinungaling pa sila sa akin.

"Nasan nga po pala si mama?" Tanong ko kay papa.

"Nasa kusina. Sya ang nagluluto ngayon." Daddy said.

"Ah. Tulungan ko na muna po si mommy." Sabi ko nalang bago naglakad patungo sa kusina

Doon ay naabutan ko si mama na hinahalo na ang gulay sa niluluto. Base sa amoy nito sa tingin ko ay sinigang ang niluluto ni mama.

Nang mapansin ako nito ay ngumiti ito sa akin and I did the same. "Where's the two?" Tanong kaagad nito.

Lumapit naman ako sa tabi nya at tiningnan ang niluluto upang kumpirmahin ang aking hinala. Napangiti naman ako ng tama ito.

"Nasa sala po sila. Mukhang may pinagkakasunduan at ayaw sabihin sa akin. Boy's talk po daw." Nakangiting sabi ko habang pinapanood si mama na haluin ang niluluto.

"Hayaan mo na sila anak. Ganun talaga ang mga lalaki. Masyadong masikreto. Akala naman nila hindi malakas ang pakiramdam nating mga babae." Mom giggle after saying that.

"Patapos na po ba kayo? Maghahain na ba ako ng mga plato?" Tanong ko dito na halatang ikinagulat nya.

Hindi naman kasi ako madalas na tumulong sa kusina. Or should I say, ngayon lang talaga ako tumulong.

"Hmm. Mukhang sinisipag ang baby ko ah. Sige. Maghanda ka nalang ng mga pinggan sa lamesa at kutsara." Sabi nito sa akin at inilinga pa ang paningin na tila may hinahanap. "Manang, kayo nalang po ang bahala sa tubig." Utos pa ni mama.

Yun nga ang ginawa namin. Naglagay ako ng pinggan at mga kubyertos para sa amin at si manang naman ang sa tubig. Nang matapos ni mama ang niluluto ay ako na rin ang tumawag sa dalawa.

Nagtatawanan ang mga ito ng abutan ko. Tulad kanina ay natahimik na naman ang mga ito ng makita ako. Pero hindi ko na pinansin iyon. Niyaya ko nalang silang dalawa na magpunta na sa dining area ng makakain na.

Nang makarating doon ay nakahanda na ang lahat at kakain nalang. Sa umpisa ay tahimik lang kaming kumakain ng basagin ni papa ang katahimikan.

"We already put CCTV in every part of the house to secure you baby." May lambing sa tinig nito.

Natigilan naman ako sandali at napatitig sa kaniya. Kung ganoon. Hindi malabong mahuli nila si Justin pag nagpunta itong muli rito.

"Especially in your room." Dagdag pa nito.

Mas natigilan ako. Paano na yan? Mas mahuhuli ako.

"Pati po sa loob ng kwarto ko?" I asked.

Sumubo na muna si papa ng pagkain at uminom ng tubig bago ako sinagot. "Nah. No. Sa labas lang ng kwarto mo. At may kababalaghang nangyayari doon." Sagot nito at bumalik na sa pagkain.

Ibinalik ko na rin ang atensyon ko sa pagkain ng may konting pangamba sa aking dibdin. Nang mapansin kong busy na sila mama at Papa sa pag-uusap about business ay pasimpleng humarap ako kay Princeton.

"Anong sinabi sayo ni papa kanina?" Bulong ko rito.

Pinaningkitan naman ako nito ng mata at pasimple ring sumulyap kay daddy, bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Nah. It's nothing. And Tito already told you that it's a boy's talk. Your not allowed to know it." Sabi na nito at binigyan pa ako ng nang-aasar na tingin at ngisi.

Dahil sa gigil ay pasimple ko itong kinurot sa tagiliran at umarko naman ang katawan nito pataas at pinipigilan ang mapasigaw.

"Naglilihim ka na sa akin ha." Pabulong na sabi ko matapos ko syang kurutin.

Hinimas naman nito ang tagiliran nyang kinurot ko at tatawa-tawang nilingon ako. "It's because I already said my promise to Tito. So wether you like it or not, I'll keep that secret." Nakangiti pa ring sabi nito.

Inirapan ko nalang ito at uminom ng tubig bago lumingong muli sa kanya. " Bahala ka sa buhay mo."

Nang matapos na kaming kumain ay dumiretso kaming dalawa ni Princeton sa sala at sila mama at pala naman ay sa kwarto nila.

"So. Anong pangalan nung may birthday na pupuntahan natin?" I asked. Well, I wanted to know his friends so, para hindi ako masyadong ma out of place sa kanila kapag nandoon na ako.

Nagtataka naman na nilingon ako nito na may pangamba sa mga mata. Ngunit mas piliin nitong sagutin ang tanong ko matapos humugot ng isang malalim na hininga.

"She's Ara." Maikling sagot nito. Tumango-tango naman ako sa kawalan ng masasabi. "Is there a problem?" May pag-aalala sa tanong nito.

I shook my head as my answer. "Wala naman. Natanong lang." Sabi ko nalang.

Hindi naman na sya nag-usisa pa at pinalipas nalang namin ang oras. Nag-usap lang kami ng kung ano-ano. Mga kalokohan pulos ang naging topic namin. Nang bumaba na ang kinain nya ay naglaalam na ito sa akin. Naglalakad kami patungong pinto.

"Kita nalang tayo sa Sunday. Wala rin kasi ako dito bukas at may family bonding kami eh." Sabi nito habang palabas na kami ng pinto.

Ako na ang nagbukas nito at pinanood lang syang lumabas.

"Sure. Hintayin kita. Text mo nalang ako." Nakangiting sabi ko dito.

"Okay. Goodnight." Sabi nito at mabilis na inilapat ang mga labi nya sa pisngi ko. "Bye. Una nako." Mabilis itong naglakad patungo sa kanyang sasakyan na tila walang nangyari.

Samantalang ako ay nakatulala pa rin sa mga nangyayari. Pinagbuksan ito ng isa sa mga kasambahay namin ng gate, at bago pa man ito makalabas ay kumaway na muna ito. Hindi ko na nagawa pang suklian ang kaway nito dahil sa pagkabigla.

Nang hindi ko na makita ang sasakyan nito ay doon ko lang naigalaw ang kamay ko at inihawak iyon sa pisngi ko na hinalikan nya. Hindi naman nya yun ginagawa dati. Ngayon lang.

Lutang naman na naglakad ako paakyat sa aking kwarto. Hindi parin makapaniwala sa ginawa ni Princeton. Hindi pa ba ito naka-move on sa akin? Ang tagal na nun ha.

Nang makarating sa tapat ng pinto ng aking kwarto ay binuksan ko kaagad ito at pumasok doon. Nakaharap parin ako sa likod ng pinto at hindi talaga makapaniwala. Simpleng kiss lang naman yun. Baka friend kiss lang yun. Pero may ganun ba?

Ilang sandali pa ng pagkakatayo ko doon ay may naramdaman akong naglalakad mula sa likuran ko. Akmang lilingon na ako ng bigla itong yumakap sa akin.

Kahit na wala akong maamoy, sa lamig pa lang ng kamay nito na yumakap sa bewang ko ay kilala ko na kung sino ito. "Justin." Tanging nasabi ko.

Isinandal naman nito ang kanyang baba sa aking balikat at napabitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa doorknob. May pag-aalala na hinaplos ko ang pisngi nito.

"I'm jealous." Malungkot na sabi nito.

Umawang naman ang labi ko dahil sa narinig. Kinilig ng konti. So. Nakita pala nito ang ginawa ni Princeton sa kanya. O baka may iba pang dahilan.

"What do you mean?" Maang na tanong ko.

"Why did you let him to kiss you?" Balik na tanong nito.

Napangiti naman ako dahil nararamdaman ko na nagseselos nga ito. Tinanggal ko naman ang pagkakayakap nito sa akin at humarap sa kanya. Hinaplos ko ang magkabila nitong pisngi at tinitigan sa mga mata.

"It's nothing okay? It's just a friend's kiss." Hindi siguradong sagot ko.

Kumunot naman ang noo nito sa sagot ko. Hindi ko rin sigurado kung may ganun nga. Pero sa halip na pansinin nito iyon ay niyakap nalang ako nito at muling isinandal ang kanyang baba sa aking bakikat.

"Next time. Don't let him to kiss you again." Parang bata na sabi nito.

Napatawa naman ako dahil hindi ko alam na may ganoong side pala sya.

"Why are you laughing?" May pagtataka sa boses nito ng lingunin nito ang mukha ko.

"Wala... Natutuwa lang ako dahil sa pagkaseloso mo." Sabi ko bago hinaplos ang buhok nito sa likod at muli nitong isinandal ang baba sa aking balikat.

Ilang minuto rin kaming nagyakapan lang doon at kahit na walang nagsasalita ay hindi ko maramdaman na naiilang ako.

"You sleepy?" He said breaking the silence.

Nasa ganoon parin itong posisyon ng sagutin ko ang tanong nito. "Hmm. A little."

Umalis naman ito sa pagakayakap at tiningnan akosa mga mata. "Rest then." Sabi nito sabay ngiti.

"Tabihan mo ako."

Tumango lang ito bilang pag-sang-ayon at giniya na ako papahiga sa kama. Nakahiga na ako at nakaupo lang ito sa tabi ko, habang sinusuklay nya ng kanyang kanang kamay na nakapatong sa headboard ang aking buhok. Nakayakap lang ako sa bewang nito.

Pinilipilit ko ang sarili ko na may maamoy. Peri kahit na anong pilit ko, wala talaga.

"Are you fine now?" Tanong nito.

Hindi ko alam ang tinutukoy nito, pero ng napag-isip kong baka yung kanina yung tinutukoy nya ay sumagot ako.

"Yeah. I'm fine. Please, let's not talk about it." Sabi ko at mas isiniksik pa ang sarili sa kanya.

"Okay." Sagot nito at naramdaman kong hinalikan nito ang noo ko. "Do you want me to stay here until tomorrow?" Malambing na tanong nito.

Naitaas ko naman ang aking paningin sa kanya sa sobrang excitement. Gusto ko rin kasi syang makasama magdamag.

"Really? Can you do that?" I said excitedly.

He just nodded and smile at me. Ibinalik ko naman ang mukha ko sa packakasubsob sa kanya. Pilit kong hinahanap ang init sa katawan nya pero, wala talaga. Masyado syang malamig.

"Do you want me to tell you a secret?" Bulong nito sa aking tenga.

Tila nagtaasan naman ang balahibo ko dahil sa ginawa nito. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili na ipakitang naapektuhan ako sa ginawa nito.

"Gusto. Kung okay lang sayo?" Sabi ko na hindi na inalis ang pagkakasiksik sa kanya.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Siguro'y nabosesan na ang pagkaantok ko. "Okay then." Mahinang bulong nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Do you remember our first meeting?" Tanong nito na tango na lang ang naisagot ko. "Sinabi mo na ako yung lalaking nakita mo sa panaginip mo pati narin sa may bukana ng terrace nyo. Well, yung sa panaginip mo hindi ko alam yun. Baka sadyang nagagwapuhan kalang sa akin kaya pati sa panaginip mo ay nakikita mo ako." Mahina itong natawa. Nang-aasar.

"Pero... Yung sa terrace. Ako talaga yun." Pag-amin nito.

Gustuhin ko mang idilat pa ang aking mga mata at tanungin sya kung paano nangyari at bakit nya ginawa yun ay hindi ko na nagawa. Dahil sa sobrang antok yung mga sinasabi na lang nya ang naririnig ko at pumapasok sa utak ko.

Marahan nitong sinuklay ang buhok ko at hinalikan ako sa may pisngi. Siguro'y akala nito ay tulog ng talaga ako.

Ilang segundo pa ang hinintay ko para dugsungan ang sinabi nito pero wala na. Iyon nalang. Pilit kong nilalabanan ang antok ko upang tanungin sya. Pero hindi ko na talaga kaya. Bumigay na rin ang talukap ng mga mata ko.

Pero bago pa man ako tuluyan lamunin ng antok ay nagsalita na ito na hindi ko alam kung para saan. At kung bakit patuloy parin ang pagsabi nya nung mga salitang iyon.

"I'm sorry. I will hurt you someday."

Then, slowly. My conciousnes already left me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top