f
Tahimik lang akong naglalakad ngayon palabas ng school. Iniisip at binabalikan parin ang mga bagay na napag-usapan namin ni Justin kanina lang.
Ano bang problema nya. Crush lang naman masyado syang over reacting. Ayaw pa kasi akong diretsahin, kung ano-ano pang paligoy.
Saan ba ako masasaktan? Eh nasasaktan na nga ako ngayon kasi lapit sya ng lapit sa akin pero sya naman itong nagpapalayo sa akin.
Nang makarating na ako sa parking area ay nakita ko na nakatayo na kaagad doon si Princeton habang nakasandal sa kanyang hatchback.
Gwapo ang kaibigan ko? Oo. Pero hindi ko makita yung sarili ko na mahalin pa sya higit sa kaibigan. Dahil para sakin. Kapatid ko na sya.
"How's your day?" Tanong nito ng makalapit na ako.
"It's fine." Tanging sagot ko.
Nakangiting ginulo naman nito ang buhok ko bago dumiretso sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangiting pumasok naman ako sa loob. Nang maisara na nya yon ay pumunta na sya sa drivers seat at pinaharurot kaagad ang sasakyan.
Tahimik lang ako sa byahe at walang imik. Nababahala parin kasi ako sa napag-usapan namin ni Justin. Nasan na kaya sya? San kaya sya umuuwi? May nagpapakain ba sa kanya? Puno ng tanong ang isip ko sa mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip simula palang.
"Hey! May problema ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Princeton na ang tingin ay nasa kalsada.
Isang sulyap lang ang iginawad ko dito bago ibinalik ang tingin sa tabing kalsada. "Wala, napagod lang." Sagot ko.
Hindi narin ito umimik. Namalayan ko nalang na nasa tapat na pala kami ng isang restaurant ng hindi ko namamalayan. At nasa tapat ko na si Princeton at hinihintay na makalabas ako ng kanyang sasakyan.
Nagtataka naman na tumingin ako sa kanya. Inaalam kung anong gagawin namin dito kahit obvious naman na. Napapakamot sa ulo na nagsalita ito.
"Sorry, hindi ko na nasabi sayo. Mukhang malalim kasi ang iniisip mo. Pero don't worry, nagpaalam nako sa dad mo." Pakiwanag nito at binigyan ako ng nahihiyang ngiti.
"Okay." Tanging sabi ko bago lumabas sa kanyang kotse. Sa isang thai restaurant nya ako ngayon dinala.
Hinintay ko itong maisarado ang pinto at sabay na kaming pumasok sa loob. Agad na may lumapit sa aming waiter pagkaupo namin doon. Binigyan kami nito ng menu pero ibinaba ko nalang yung akin. Wala naman kasi akong alam sa mga pagkain dito.
"Ikaw nalang ang um-order para sakin." Sabi ko dito ng makitang may pagkalito sa tingin nito.
Napatango-tango nalang ito bago tuminging muli sa menu. Nang makapili ay sinabi na nito ang order namin at umalis na ang waiter matapos ulitin ang order.
Nang bumaling itong muli sa akin ay nagpaalam itong mag-cr muna. Tumango nalang ako at ng makaalis sya ay tumingin nalang ako sa labas.
"What's on your mind?" Tanong ng lalaking naupo sa inuupuan ni Princeton kanina.
Hindi na ako nagulat ng malamang sya iyon. Ni hindi ko na nga sya nilingon. Ganyan naman kasi sya. Susulpot nalang kahit saan. Kahit anong oras man nya gugustuhin. At aalis ng walang ibang nakakapansin maliban sa akin.
"Ikaw." Sagot ko dito ng hindi manlang nililingon.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. At nakakainis yun. Dahil kanina lang umiyak pa ako sa harapan nya dahil sa mga sinabi nya. Tapos ngayon tatawanan lang nya ako?
Inis na nilingon ko ito at hindi manlang kakikitaan ng gulat. "Yung totoo? Ano bang problema mo? Pinapalayo mo ako sayo, tapos ikaw naman tong lapit ng lapit sa akin. Kung ayaw mong magustuhan kita. Please lang. Wag ka nang magpakita pa. Kasi hindi ko naman alam kung san ka nakatira, at ikaw lang makakaiwas sating dalawa. So stop being with me. It's annoying." Inis na bulalas ko dito.
Totoo naman nakakainis. Kung saan-saan nalang nasulpot. Oo pinangako ko sa sarili ko na hindi ko sya susukuan. Pero mainit parin ang ulo ko sa nanyari kanina.
"I think I can't. Pinipigilan ko rin ang sarili ko, pero hindi ako makatagal ng mahabang oras ng hindi ka nakikita. I think we have the same feelings. And it scares me, knowing that you might hurt. But I can't hide it to you, that I am totally falling for you too." May pagka-emosyonal na sabi nito.
And it let my mouth open in surprise. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko talaga sya maintindihan. Maybe hes a lunatic.
Nang hindi ako makasagot ng ilang segundo ay tumayo na ito at naglakad papaalis. Pipigilan ko na sana sya sa pag-alis ng bigla namang naupo na sa harapan ko si Princeton. May pagtataka sa mukha nito.
"You okay?" Kaagad na tanong nito.
Tumingin pa ako ng iang beses kung saan naglakad papalabas si Justin bago intinuon ang atensyon sa kasama.
"Hmm. Ayos lang."
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din ang aming order. Medyo madilim na sa labas ng umpisahan naming kumain, tahimik lang kami habang ine-enjoy namin ang masarap na pagkain.
It was him who broke the silent. "Uhm. May gagawin ka ba this Sunday?" Alanganing tanong nito matapos tumikhim.
Napaisip naman ako at napailing. Lagi namang wala akong ginagawa every weekend so, my answer was, "nothing," that made him smile.
"Good. I want you meet my other friends, and this coming Sunday is the best day to introduce you. Because it's my friend's birthday and all of us will come." Masayang sabi nito.
Pero hindi ako komportable sa ideyang iyon. I hate others attention, mas okay na sa aking mag-isa at walang kausap kaysa maraming taong makasama.
"Princeton... You know that I'm not comfortable being with others." May iritasyon pero nagpapaintinding sabi ko.
"I know. Gusto ko lang naman na makilala ka nila."
"Pero ayoko namang makilala sila."
Princeton let out a deep sight. I can see sadness in his eyes.
"Okay then. I won't force you." He said then gave me a genuine smile. "But if you change your mind, just say it. Para masundo kita sa inyo."
Isa ito sa mga gusto ko sa kanya. Hindi nya pinipilit ang mga bagay na ayaw ko. Kahit na sobrang close namin, ni minsan hindi ko pa nagawang mainis dahil sa pinipilit nya ako sa isang bagay. Kahit na ako ay lagi ko syang pinipilit kahit ayaw nya, at sa huli ako pa rin ang nasusunod.
"Thank you."
Tahimik naming tinapos ang pagkain at ramdam ko na nagtatampo pa rin sya pero hinayaan ko nalang. Alam ko naman na bukas ay wala na rin yan. Hindi ko lang talaga kayang makisama sa ibang tao dahil, hindi ako sanay.
Nang makabalik na kami sa kanyang sasakyan ay pinagbuksan ako nito ng pinto at ngumiti kahit alam kong pilit. Nang maisara na nya ito ay napabuntong hininga nalang ako.
Hanggang sa makarating sa bahay ay tahimik parin kami. Kaya ng tumigil na ang sasakyan ay agad akong bumaba upang hindi na nya ako pagbuksan pa. At kong tinungo ang drivers seat at dumungaw sa nakabukas nyang bintana.
"Pano? Una nako? Salamat sa paghatid." Nakangiting sabi ko dito. Ngumiti lang din ito.
"Thanks for the night."
"Welcome. Ingat sa byahe." Sabi ko sabay kaway.
Bumuntong hininga lang ito at ngumiti bago pinaharurot ang kanyang sasakyan papaalis. Nang makita kong malayo na ito ay doon ko lang pinakawalan ang malakas kong buntong hininga.
Naiiling na pumasok ako sa loob ng bahay. For sure wala pa ang mga magulang at siguradong nasa trabaho pa ang mga ito. Nang makapasok ako sa bahay ay ilang mga kasambahay ang naabutan ko sa sala at binati nila agad ako ng makita.
Tinanguan ko nalang sila at hindi na sumagot pa. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko dahil alam kong malungkot ngayon ang best friend ko. Pumasok kaagad ako sa aking kwarto at nagbihis. Since wala naman akong gagawin. Inilabas ko nalang ang aking cellphone at nag browse ng kung ano.
Hanggang sa may kumuha ng atensyon ko. Napatigil ako sandali at tinitigan ito. 'Ghost touching. How the imaginary body of cognition makes invisible contact with people and things.' Ilang segundo ko pa itong tinitigan bago pinindot upang mabasa ang laman.
Language provides humans with an imaginary physiology of thought and social interaction which is reflected in a number of fixed form expressions. Scenes of perception, socio-physical contact and interpersonal manipulation are routinely evoked in which humans interact with other humans or objects. The interactions are set in fictive conceptual or social space. Thus language makes it possible for speakers-cognizers to touch or make (physical, mental, social) contact with people and things (real or imaginary, concrete or abstract). A corpus study of the socio-physical uses of touch in English, and its derived adjectival or participial forms, reveals the extent to which primary sensory-motor scenes have been recruited to code other scenes in the pragmatic and epistemic domains. Language plays a crucial role in this socio-cognitive process since it is the symbolic apparatus of language that shapes and controls the idealized (or imaginary) body of cognition (IBC) - the invisible body involved in a repertoire of ghost perceptions and motions (like sensing, seeing, grasping, going, moving, shifting, etc.). Fictive acts of touching are part of this repertoire. Here as elsewhere, the imaginary sensory-motor activity of the IBC follows the strict stage-directions layed out by language. The moves and attitudes typically involve the hands, fingers, eyes and feet. After a detailed examination of lexical expressions coding socio-physical contact, the discussion shifts to grammatical manifestations of this cognitive mechanism with special attention devoted to the performative contact principle, as revealed by the syntax of pidgin or child language (e.g. Me do it!). The article closes with a demonstration of how scenes of manipulation and touching can be acted out to make sense of language structure and functioning.
Hindi ko alam, pero habang binabasa ko ang article na ito, isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Pero agad ko ring iniiling ang ulo ko. Hindi matanggap at ayaw tanggapin ng isip ko.
Kaya naman bago pa ako masiraan ng ulo ay isinara ko na ang article na iyonn at pinatay ang cellphone ko. At pabagsak na nahiga sa kama. Tumitig lang ako sa ceiling at inisip ang taong nagpaiyak sa akin kanina.
Inisip ko lahat ng sinabi nya. Wala syang bahay, na imposibleng manyari. Dahil paniguradong hindi sya makakapasok sa school na yon kung ganoon man. Maybe he's adopted? Pero may bahay parin yun. Nasa orphanage kaya?
Naalala ko rin yung pagiging parehas namin ng year level pero ni minsan hindi ko manlang sya nakita. Nito lang nung simula ng may napapanaginipan at nakikita sa labas ng kwarto ko.
Yung malamig na kamay nya. Posible ba yun? Pero hindi naman sya maputla. Malamig lang.
Is he my imaginary only? But no. Hindi pa ako baliw. I'm not even a psycho.
Tumayo na lamang ako sa aking pagkakahiga at lumapit sa teresa ng aking kwarto. Binuksan ko ang pinto at lumapit sa may railings at kumapit doon. Hinayaan ko lang na tangayin ng hangin ang buhok ko, at nagbabakasakaling matangay din nito ang mga isipin ko.
Nasa ganoon akong posisyon ng may marinig akong sumisitsit sa akin. Ipinalibot ang paningin sa may baba, pero wala akong nakita. Narinig kong muli ang sitsit at tumingin ako sa loob ng kwarto ko. Papasok na sana ako ulit ng marinig ko ang sitsit mula sa likuran ko.
Pero wala parin akong nakita. Hanggang sa may nagsalita na talaga mula roon.
"Karen. Dito." Sabi nang boses.
Agad naman na kumunot ang noo ko ng makilala ko ang boses. Kaya agad akong bumalik sa dulo ng terrace at dumungaw doon. Tama nga ang hinala ko. Nandoon si Justin at nakatungtong ito sa may hagdan na halos maabot na ang kwarto ko.
Paano naman nya nabuhat yang hagdan na yan. Hindi kayang buhatin ng isang tao yan. Agad ko namang ipinalibot ang paningin ko at baka may makakita pa sa kanya. Walang tao sa labas. Madilim na rin at lumubog na ang araw.
"Titingin ka nalang ba dyan? Hindi mo ba ako tutulungan?" Tanong nito na nakalahad pa ang kanang kamay sa akin.
Kumunot namang muli ang noo ko dito. Kung makaasta naman ang isang to parang walang nangyari iyakan kanina. Sa takot na baka may makakita pang iba sa kanyang iba ay inabot ko na lang ang kamay nito.
Ilang segundo akong natigilan ng maramdamang muli ang malamig na kamay nito. Pero iniiling ko nalang ang ulo ko at buong pwersang hinila sya paakayat.
Nang nasa loob na ito ay pinagpagan pa nito ang sarili. Binigyan ko naman ito ng nagtatanong na tingin ng bumaling ang paningin nito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko dito.
Nakangiti naman akong nilingon nito at nagkibit balikat.
"Well. Naisip ko lang wala naman akong ginagawa. Bakit hindi nalang kita bisitahin." Naglakad ito papunta sa upuan at naupo doon.
Sinundan ko lang iti ng tingin. "Pero pano mo nalaman na dito ako nakatira? Hindi ko sinabi sayo kung san ako nakatira?"
Kita kong natigilan ito sa tanong ko. Pero agad din namang ngumiti. "Instinct, maybe." Nagkibit balikat muli ito.
"Pero yung hagdan. Sure ako na wala yun doon kanina. Pano mo nabuhat yun mag-isa. Hindi kayang buhatin ng iisang tao yun." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kabilang upuan sa tapat nya naupo doon.
Mataman ako nitong tiningnan bago sumagot. "Don't underestimate the man's strength, sweetie." Sabi nito sabay kindat sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa naging kilos nito. "Anong sweetie-sweetie ka dyan? Nababaliw ka na ba?" Inis na sigaw ko dito.
Tumawa naman ito habang napapailing-iling pa. "Masyado ka kasing seryoso. Pinapatawa lang kita."
"Pwes. Hindi nakakatawa. Nakakainis ka. Alam mo ba yun?" Natigil naman ito sa pagtawa ng maramdaman nga ang inis ko.
Seryoso itong tumingin sa akin. "What should I do para mawala ang inis mo sakin?" Sinserong tanong nito.
Parang lumambot naman ang puso ko at ang kaninang nakakunot na noo ko ay umamo na ngayon. Yes. Ganyan na ang epekto nya sa akin, pero ayaw ko paring umiwas. Lagi nalang kapag nandyan sya, masaya ako. Nakakabobo yung ganitong set-up.
"Tell me, Karen. I'll do it for you."
Imbes na sumagot ay tumitig lang ako dito. Wala naman kasi syang dapat na gawin eh. Kasi makita ko lang sya, ayos na.
"Bakit?" Tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
Sandaling namayani ang katahimikan bago ito nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?"
Sa pagkakataong yun ay lumingon akong muli sa kanya. May nagtatakang tingin. "Ito! Bat mo ginagawa to. Bat pinapalayo mo ako sayo tapos ikaw naman tong lapit ng lapit. Alam mo bang nakakabobo ka? Alam mo ba yun? Kasi kung hindi... Puta," nasapo ko ang noo ko at isinabunot ang palad sa buhok ko bago itinukod ang siko sa lamesa at umiwas ng tingin sa kanya, "hindi ko na alam Justin. Kasi kung patuloy kang ganito, hindi ko alam kung makakalayo pa ako-"
"Edi wag kang lumayo. Stay." Dahan-dahan ko namang iniangat ang mukha ko upang tingnan kung anong reaksyon nya. May pagmamakaawa, at lungkot. "Kung nahihirapan ka, dahil ayaw mong lumayo sa akin. Edi wag mong gawin. Kung yun ang gusto mong gawin, gawin mo lang. Because from now on. I promise you. I will not push you away anymore."
Pagkatapos nyang sabihin yun ay may isang patak ng luha ang tumakas sa aking mata. Mataman ko lang syang tinitigan. Ninanamnnam ko pa ang bawat salitang binitawan nya sa akin ngayon lang.
Ilang sandali pa ay tumayo ito sa kinauupuan at naglakad papalapit sa akin. Sinundan ko sya ng tingin at tumigil ito sa gilid ko. Tinitigan ko lang ito at hinintay ang susunod nyang gagawin.
Iniangat nito ang kanang kamay upang haplusin ang pisngi ko na pinaglandasan ng aking luha. Ipinikit ko naman ang aking mga mata upang damhin ang walang kasing lamig nyang kamay.
Tahimik lang kami ng mga sandaling iyon. At naisip ko. Ito na ang pinakamasayang sandali nang aking buhay.
Nang hindi parin nya inaalis ang kanyang kamay ay inabot ko ito at hinawakan bago iminulat ang aking mga mata upang lingunin sya. Isang ngiti ang ibinigay ko dito.
"I'm happy." Yun lang ang sinabi ko at ngumiti na sya sa akin at hinaplos pang muli ang aking pisngi.
"Masaya ako na malaman kong masaya ka. And I will tell you this. Ngayon na lang ulit ako sumaya."
Dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin sya. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Ilang sandali ay naramdaman ko na rin ang pagyakap nito sa akin.
Nang mga sandaling iyon ay naramdaman ko na, walang tumitibok na puso sa bandang dibdib nya. Hindi iyon normal. Pero wala akong pakialam. Normal man o hindi. Ang mahalaga masaya ako.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago ako tumingala upang lingunin sya. Hinaplos naman nito ang likod ng buhok ko, kaya napangiti ako.
"Mahal kita."
Alam ko na iilang beses palang kaming nagkakasama. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko sa ngayon. Higit pa sa pagkagusto ko sa kanya. Mahal ko na sya, at sigurado ako roon.
"ฉันก็รักคุณเหมือนกัน," I love you too.
Then slowly. He leaned in, to softly kiss me on my lips. I closed my eyes to feel every part of his lips. Then seconds later.
Wala na ang labi nya sa labi ko. Pero hindi ko naramdaman na humiwalay sya ng halik sa akin. Then, slowly again, I opened my eyes. Pero wala na sya doon.
Nang mga sandaling yun. Isa lang ang alam ko. Hindi sya tao. Hindi rin sya imahinasyon ko. Pero isa lang ang sigurado ako. Mahal ko Sya, at wala akong pakialam kung ano man sya. Basta ang mahalaga, masaya ako, sa piling nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top