d
Dumiretso kaagad ako sa aking kwarto pagkapasok ko sa bahay. Samantalang si Princeton ay nasa guestroom.
Naligo at nagbihis rin ako agad upang saluhan sila sa hapunan. Hindi parin natila ang ulan at patuloy parin ang malakas na pagbuhos nito. Nang makarating ako sa dining area ay nandoon na sila at tila ako nalang ang inaantay.
"Oh. Maupo ka na anak at ng maumpisahan na natin ang pagkain." Itinuro pa nito ang katabing upuan ni Princeton.
Agad naman akong umupo at nag-umpisa ng magsandok. Tahimik naming tinapos ang pagkain at dumiretso na muna kaming dalawa ni Princeton sa sala upang magpatunaw ng kinain. Samantalang umakyat na sa kwarto Sina Mama at Papa upang tapusin ang kani-kanilang trabaho.
"Papasok ka na ulit bukas." Pambabasag nito sa katahimikan.
Nalungkot naman ako ng maalala ko iyon. Sapagkat naisip ko ang mga pagbabagong mangyayari sa pagbabalik ko. Halos kalahati ng mga kamag-aral ko ang nasawi. Hindi pa kasama doon ang mga kalapit na building.
"Oo nga eh. Paniguradong sobrang tahimik ng school bukas." Napabuntong hininga naman ako at sumandal sa couch.
"Pero sanay ka naman sa tahimik ah. Wala ka ngang kausap sa school." Pang-aasar nito.
Sinamaan ko naman ito ng tingin bago sumagot. "Sanay nga ako sa tahimik. Pero hindi ako sanay na tahimik ang school." Depensa ko.
Tumawa lang ito at bigla ng sumeryoso. "Bat ba kasi hindi ka nalang lumipat sa school kung nasan ako?" Medyo iritableng sagot nito.
"Kasi nga po. Ayoko nung lagi mo nalang akong pinagtatanggol. Gusto ko naman patunayan na kaya ko ring ipagtanggol yung sarili ko. Hindi naman ikaw laging nandyan sa tabi ko." Nakasimangot na ako para wala na syang masabi. Pero joke lang lang yun.
Napabuntong hininga naman sya sa sinabi ko. "Wala naman sakin yun eh. As long na nakikita kitang safe mapapanatag ako. Hindi yung mag-isa ka nga. At nagagawa lahat ng gusto. Di ka naman safe. Ang arte kasi. Kala mo kagandahan."
"Anong sabi mo?"
Tumingin ito sa akin ng may pang-asar na ngiti. "Sabi ko maganda ka ba? Para mag-inarte ka."
Tinaasan ko naman sya ng kilay. Abat! Inulit pa. Ang mokong tinawanan lang ako. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit na sa kanya at pinaghahampas sya sa braso. Panay iwas lang ang ginagawa nito at pagtawa.
Nasa ganoon kaming eksena ng may marinig kaming busina mula sa labas. Sabay kaming napalingon at napahinto sa gawing pinto.
"Yan na yata ang sundo mo." Sabi ko sabay lingon sa kanya.
Tumayo naman na ito at inayos ang nagusot nyang damit. Tumayo narin ako para maihatid na sya.
"So pano. Bukas? Ako ang maghahatid sayo sa school?"
"Sige ba!" Pagsang-ayon ko kaagad dito.
Napangiti naman sya ng makita ang excitement sa mukha ko. Tahimik kaming naglakad sa may pinto. Pumasok na ang kanilang family driver sa loob ng gate dahil hindi naman ito nakasara. Binigyan nito ng isang transparent na payong si Princeton at sabay na silang naglakad palabas.
Nagkawayan nalang kami bago ito pumasok sa loob ng kotse. Tinanaw ko nalang ito hanggang sa mawala sa paningin ko. At pumasok na sa loob ng bahay.
Mabilis na dumaan ang magdamag at hindi ko manlang naramdaman ang presensya ni mysterious guy. Siguro dahil maulan? Ewan. Parang nakakatawa ang ganung isipin. Tsaka isa pa. Ang sabi nya ay hindi naman daw sya ang nagpaparamdam sakin.
Sabagay. Napakataas ng puno kung aakyatin man nya ito. Tas may gate pa kami na lagpas tao. Wala namang sira yung mga bakod kaya siguradong hindi sya yun. Baka nga imahinasyon ko lang yun.
Nandito ako ngayon sa sala at inaantay nalang na sunduin ni Prince. Matapos ang mahigit isang linggo na pahinga ay ngayon nalang ulit ako makakapasok. Hindi ako sigurado kung sino sa mga kaklase ko ang makakasama ko nalang hanggang dulo ng taon.
Makalipas ang ilang sandali ay may narinig nakong bumusina sa labas. Tumayo na kaagad ako at lumabas ng pinto. Wala na sa bahay sila mama at papa dahil maaga silang umaalis dahil sa kanilang trabaho.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Princeton sa labas ng aming bakuran habang nakasandal ito sa dalang kotse kaya napangiti narin ako. Tila nahawa sa good vibes nito.
"Kumain kana?" Tanong nito matapos umalis sa pagkakasandal sa kotse.
Tango na lang ang naisagot ko dito. Hindi mawala ang ngiti sa labi.
"By the way good morning." Pahabol pa nito sabay kamot sa kanyang batok.
Natawa nalang ako sa reaksyon nito. Tila nakalimutan nitong iyon dapat ang una nitong sinabi sa akin.
"Hmm. Good morning." Masayang bati ko.
Binuksan naman na nito ang front seat para sa akin. Mahinhin na pumasok ako sa loob ito at hinintay na isara nya ang pinto. Agad itong dumiretso sa driver's seat at nakangiting nilingon ako. "Ready?" Tanong pa nito na tinanguan ko nalang, tsaka inumpisahang magmaneho.
Habang nasa byahe ay nagtanong ako. "Wala ka bang gagawin ngayon?" Saglit akong nilingon nito at ibinalik din kaagad ang mata sa kalsada.
"Well. Dahil wala ka naman sa inyo. Siguro wala rin akong gagawin. Hintayin ko nalang na mag-uwian kayo. Then susunduin ulit kita." Nakangiting tugon nito sabay sandaling sulyap sa akin.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming kaibagan ang best friend ko. Alam ko rin na bukod sa akin ay may iba pa syang kaibigan na kapatid na rin ang turing nya. Hindi naman ako nagseselos doon dahil halos lahat naman ng atensyon nya ay nasa akin. At hindi ko maiwasang maisip na napakaswerto ko na may kaibigan akong kagaya nya.
"Ayaw mo bang gumala kasama ang ibang kaibigan mo?" Tanong ko uli rito.
Sandali itong natigilan at nagdadalawang isip na nilingon ako. Ngumiti nalang ako sa naging reaksyon nito.
"Ano ka ba. Hindi mo naman ako kaylangang ihatid sundo. Alam ko namang may iba ka pang mga kaibigan at nagtatampo na iyong mga iyon sayo. Tsaka. Kasama naman kita kahapon. Di ka pa ba nagsawa sa mukha ko?" Natatawang sabi ko.
Tinitigan ko ang naguguluhang mukha nito. Isang mabilisang paglingon at ngiti lang ang iginawad nito sa akin. At makalipas ang ilang segundo ay sumagot na ito.
"Alam mo namang mag-uumpisa na ang klase namin next month. At makakasama ko sila sa school halos araw-araw. Kaya hanggat hindi pa nag-uumpisa ang klase namin, ay gusto kong ikaw muna ang makasama ko." Ngayon ay maaliwalas na ang itsura nito. Tila nakahanap ng palusot.
"Ikaw ang bahala."
Hindi na ako nagsalita buong byahe at tumingin nalanga ako sa labas at inaliw ang sarili sa sebilisadong lugar. Makalipas ang ilang minuto ay narating narin namin ang school. Hindi ko na ito hinayaang bumaba pa at ipagbukas ako ng pinto.
Dali-dali na akong bumaba at lumabas sa kanyang kotse. Ibinaba nalang nito ang windshield ng kotse at doon kami nagpaalam sa isat-isa.
Agad akong pumasok sa loob ng school na halos wala pang gaanong estudyante. Napaaga marahil ako. Napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa hallway kung saan una kong nakita si mysterious guy. Gusto kong malaman kung ano ang pangalan nya.
May iilang mga estudyante akong nakakasalubong. May mga nagkukwentuhan. At mag-isa lang kagaya ko na naglalakad. Sa gitna ng aking paglalakad ay naramdaman ko na may nagmamasid sa akin di kalayuan. Kaya tumigil muna ako sandali at inilinga ang aking mga mata. Nang walang makita ay ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.
Ganun parin ang pakiramdam ko ngunit inignora ko nalang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako roon.
Sa pinakangdulo ng pasilyo ako namalagi at naupo sa bato sa labas na ng hallway. Habang lumilipas ang segundo ay naisip ko na hubarin ang aking sapatos upang madama ang lamig ng malambot na damo. Napangiti ako sa sarap ng pakiramdam na nadama ko ng maramdaman ko ang lamig ng damo sa paanan ko.
Inihahawak ko pa ang aking kamay at pinaglalakbay kung hanggang saan ang maabot nito. Nasa ganoon akong posisyon ng maramdamang may naupo sa damo di kalayuan sa akin.
Tinigil ko ang ginagawa at dahan-dahan nilingon ang gawing yun. Napaawang na lang ang labi ko ng makita ko si mysterious guy na prenteng naka Indian sit at nakaharap sa akin. Walang emosyon ang mukha nito. Nagdalawang isip pa ako kung babatiin ko ba ito ng good morning o hindi. Sa huli ay napagdesisyunan kong batiin ito.
I cleared my throat first. "Uhm... Hi?" Nag-aalangang sabi ko.
Wala manlang nagbago sa ekspresyon nito. Tila may galit na sa ekpresyon nito. Pero binalewala ko ito. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Kamusta?" Kabadong tanong ko. Medyo itinutuwid ang balikong pagkakaupo.
Bumuntong hininga ito at nag-iwas ng tingin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito bago bumaling sa akin.
"Ikaw. Kamusta? Mukhang masaya ka ah?" Pang-iignora nito sa sinabi ko.
Napatikhim naman ako bago sumagot. "Ayos lang ako. Magaling narin ang mga sugat ko." Naiilang na sagot ko. Na hindi malaman kung titingnan ba sya sa mata o iiwas na lang.
Nang hindi ito magsalita ay aligagang humanap ako ng panibagong sasabihin. "Ah... Salamat nga pala last time... Dun sa pagsagip mo sakin." Tiningnan ko ang mukha nito. Maaliwalas na.
"I think it's my work. And I think, it will be my work now." Nakangiting sabi nito.
Tila nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nakangiti na ito. Kinilig pa nga ng kaunti.
"What do you mean?" Medyo naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang ito.
"Pwede bang dito ka nalang kumain lunch mo mamaya?" Nahihiyang tanong nito.
Naguguluhan man ay um-oo nalang ako. Napangiti ulit ito na lalong nagpagwapo sa kanya. Hindi ko maiwasang matulala sa nakikita ko. Kaya ng mapansin kong binibigyan na ako nito ng pang-asar na tingin ay iniba ko kaagad ang direksyon ng mata ko.
"Nga pala," sabi ko sabay lingon muli sa kanya, "ano nga palang pangalan mo?" Naitanong ko narin ang matagal ko ng gustong itanong sa kanya.
Natigilan naman sya at hindi malaman kung ano ang isasagot. Sa huli ay pabuntong hininga ulit itong nagsalita.
"Bakit gusto mong malaman?" May pag-aalala sa tinig nito.
Nagkibit balikat naman ako. "Well... Hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo. At hindi naman sa nag-aassume ako. Pero mukhang mas mapapadalas ang pagsasama nating dalawa simula ngayon." Nahihiyang sabi ko. Well. Nakakahiya naman talaga kasi in-assume ko lang naman na magkakasama na kami palagi. Pero wala na eh. Nandyan na. Panindigan ko nalang.
Napangiti naman ito sa sagot ko pero hindi maitago ang pag-aalinlangan. "Sa ngayon palang, sinasabi ko na sa iyo na, pagiging kaibigan lang ang maibibigay ko sa iyo. Ayokong masaktan ka." Sincere na tugon nito. Nawala na ang saya sa mata.
Pinamulahan naman ako dahil sa sinabi nya. "Uy! Hindi ah. Anong akala mo? May gusto ako sayo. Gusto ko lang magkaroon ng isa pa kaibigan. Kasi kung napapansin mo naman. Wala akong ibang kausap dito sa school maliban sayo." Depensa ko upang maitago ang hiya.
"Mas maigi na yung sigurado." Tanging sabi nito bago tumayo at naglakad papunta sa harapan ko. Nagulat pa ako ng ilahad nito ang kamay para sa akin. "Well... Call me Rak. Para hindi ka na mahirapan." Nakangiting sabi nito.
Nag-aalangang tinanggap ko ang kamay nito. "Karen." Pakilala ko rin sa sarili ko.
Napatigil ako ng maramdaman ko ang kakaibang lamig sa paghawak ko sa kamay nya. Tila kasing lamig ng yelo. Nang mapansin nito ang ekpresyon ko ay sya narin ang bumawi ng kanyang kamay. Nag-aalangan na nilingon ko ito. Hinihimas na nito ang sariling batok.
"Pano bayan. Mukhang kaylangan mo nang pumasok," pag-iwas nito, "dumadami na pati ang mga estudyante." Sabi pa nito habang iniikot ang paningin.
"Hmm. Sige." Sabi ko sabay yuko upang maisuot na ang sapatos.
Nang akmang kukunin ko na ito ay may kamay ng dumampot dito. Natigilan ako at nilingon ito. "Ako na." Sabi nito at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nito talampakan ko.
Sa ikatlong pagkakataon ay naramdaman ko na naman ang malamig na kamay nito. Pero hindi nako nag-usisa pa. Namamangha kong pinanood ang kilos nya. Napakapino. Tutok na tutok sya na animo isang napakaimportanteng bagay ang kanyang ginagawa.
Napapangiti na lamang ako sa mga nangyayari. Kahit hindi ko man aminin. Alam ko naman na sa sarili ko na mayroon na akong kaunting pagtingin sa kanya. Pero ginagawa ko ang lahat para pigilan ang nararamdaman kong ito. Dahil tulad nga sabi nya, ayaw nyang masaktan ako.
Siguro hindi nya pako gusto. At umaasa ako na magustuhan rin nya ako. Hanggang sa matapos ito ay nakangiti parin ako. Nginitian rin ako nito at tumayo na. "Let's go?" Anyaua nito sa akin.
Parang nagdadalawang isip pa ito sa dapat nyang gawin. Pero bago pa man ang lahat. Tumayo nakona nakapagpagaan sa problemadong ekspresyon nya.
Sabay kaming naglakad patungo sa kabilang dulo ng canopy. "So... Mamaya." Tanong nito sa nasa daan ang paningin.
"Hmm. Hintayin moko ah?"
"Oo naman." Paniniguro nito.
Nang makarating na kami sa dulo ay tumigil na ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Pano, mauna ka na."
"Hindi ka ba sasabay." Hindi ko naitago ang panghihinayang sa tono ko.
Ngumiti lang ito. "Hindi na. May dadaanan pa kasi akong iba eh." Tanging sinabi nito.
Tumango-tango nalang ako bago sumagot. "Okay." Nagdadalawang isip pa ako kung aalis naba ako o hindi. Ikinaway nito ang kanang kamay sa akin dahilan kung bakit nangigiting umatras ako at dahan-dahang tumalikod sa kanya. Mga tatlong hakbang ay humarap akong muli kung saan naroon sya.
Ngunit wala na akong makita doon na kahit na ano. Inilinga-linga ko pa saglit ang paningin ko. Nang makitang wala na nga sya ay nagpatuloy na lang akong muli sa paglalakad.
Lagi naman syang ganun eh. Lilitaw nalang basta kung saan, tas mawawala nalang ng biglaan.
Maglalakad na sana ako papunta sa aming building ng maalala ko na nasira nga pala ito. Merong isang guro na nakapansin sa akin marahil ay nakilala ako nito saan ako kabilang na section. Pinasunod ako nito sa kabilang building at doon ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha ng aking mga kaklase.
Alam kong hindi na dapat akong magulat pa. Pero sa nakikita ko ngayon at talagang nakakagulat. Lilima lang ang nasa loob ng silid at pang-anim ako. Ang iba sa kanila ay halata pa ang mga galos na natamo sa naturang pagsabog. At ang iba ay wala naman, marahil ay absent ng mangyari iyon. Ngunit halatang mga magaling na.
Pawang mga tulala ang mga ito at tila hindi naramdaman ang presensya ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok at naupo malapit sa bintana bandang unahan.
"Talaga nga namang nakakabigla ang nangyari noong nakaraang linggo. Kahit ako ay hindi makapaniwala." Panimula nito. Tila nakuha ang atensyon ng mga kasama ko. "Nalulungkot rin ako sa sa pagkawala ng kapwa ko guro dahil sa nangyari. Alam kong hindi nyo pa kayang balikan ang lahat pero sa ngayon ay magkakaroon ng misa ang ating paaralan para sa mga nasawi ninyong mga kamag-aral pati narin sa mga guro. At pansamantala habang wala pang nakukuhang kapalit na adviser ninyo ay ako na muna ang magbabantay sa inyo mula ngayon. Sa ngayon ay kaylangan na muna nating pumunta sa gym at doon gaganapin ang seremonyas."
Sinenyasan kami nito na lumabas na. Isa-isa naman kaming lumabas at tila mga lutang ang mga kasama ko. Nagulat na lamang ako ng biglang tumabi sa akin ang kaklase kong si Tiffany. Wala itong galos at paniguradong absent ito ng maganap iyon.
"Uy. Wala karing galos na ah. Absent ka rin ba noon?" Curious na tanong nito.
Nilingon ko ito ng may pagkailang. Hindi kasi ako sanay na may kumakausap sakin dito. "Ah... Nandon ako. Di lang masyadong napuruhan." Ilang parin ako.
Nagdere-deretso lang kami sa paglakad at nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. "Mabuti naman. Natakot talaga ako nun ng malaman ko yung nangyari. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil absent ako nung araw na yun. Naawa talaga ako sa mga kaklase natin." Patuloy na sabi nito.
Tiningnan ko lang ito saglit at nginitian. Habang naglalakad ay patuloy parin ito sa pagsasalita at wala yatang pakialam kung hindi pa ako sumagot sa mga sinasabi nya.
Nang makarating na kami sa field ay naupo na kaagad kami sa bakanteng upuan. Hindi naman nagtagal at nag-umpisa narin ang seremonyas. Naging tahimik na ang lahat at ang speaker nalang ang nagsasalita.
Kahit nalulungkot ako sa nangyari ay hindi ko maiwasang mainip dahil sa kagustuhang makasama na ulit si Rak. Weird man ang name nya. Pogi naman sya.
Mga isang oras lang ang itinagal ng seremonyas at mahaba pa ang magiging oras namin para sa lunch time. Napagdesisyunan daw ni Ms. Principal na pagsamahain nalang ang dalawang section na nadamay sa pagsabog.
Kaya ng muling pumasok kami ni Tiffany ay marami na kami. Mga lagpas bente. At dahil nga may kadaldalan itong katabi ko ay nakwento nya pa sa akin na lilipat na sya ng school bukas. Wag daw akong malulungkot sa pag-alis nya. 'close lang?'
Hindi naman nagturo ang mga guro siguro ay hinahayaan na muna kami nito na masanay sa company ng bawat isa.
Nang mag-lunch time na ay agad akong tumayo at isinukbit ang bag sa aking likuran. Si Tiffany naman ay kausap ang mga kaibigan sa labas.
Agad akong naglakad papunta sa may pinto. Nakasalubong ko pa si Tiffany sa paglabas ko. "Uy! Sabay na tayong mag-lunch?" Anyaya nito sa akin.
Nginitian ko lang ito at tumanggi. "Hindi na. Hindi rin ako magla-lunch. Bibili lang ako ng snack." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ikaw bahala." Narinig ko pang sabi nito.
Nakangiti naman akong naglakad patungo sa cafeteria at iniisip kung ano bang magandang snacks para sa aming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top