/a

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang naglalakad sa harap ng maraming tao. Gusto kong maiyak sa sobrang saya.

Alam kong panibagong yugto na naman ito ng aking buhay, pero hindi ko talaga mapigilang maiyak.

"Congratulations." Bati sakin ng bawat taong kakamayan ko.

After a long years, naka-graduate rin ako sa high school. At napakasaya ko. Kinawayan ko at nag bow ako sa harap ng maraming tao, lalo na sa mga taong pumunta talaga dun para sa akin.

Hindi na ako inilipat nila mama at papa ng iba pang school. Nakumbinse ko sila na doon na lang mag-aral, at kasama ko si Prince sa pangungumbinse sa kanila.

Barkada na ang turing sa akin ng mga kaibigan ni Prince, ganoon din ako sa kanila. Madalas na rin kaming magkita-kita, at masaya ako na dahil dun, nakalimutan ko na ang tungkol kay Justin.

Hindi naman lahat nakalimutan ko, pero isa lang ang sigurado ako, malaya na ako mula sa kanya.

And as for ate Ariana, close na rin kami. Hindi naman nya alam ang mga kalokohang nagawa ko nung mga time na nakasanib sa katawan ko si Justin. At wala na akong balak pang sabihin iyon.

At kung tungkol naman kay Prince. Well... We're still not dating. Hindi ko pa kasi alam kung kaya ko na bang pumasok sa panibagong relasyon. Pero supportive naman sya sa lahat ng ginagawa ko. At hindi na nya ipinagpipilitan pa ang sarile nya sa akin.

Wala man akong kahit na anong award na natanggap, at hindi man ako kabilang sa mga honor student. Masaya pa rin ako dahil marami namang taong nadagdag sa buhay ko.

Dala ang napakalaking ngiti sa aking labi, bumaba na ako sa stage upang hintayin ang pagtatapos ng seremonyas.

Ito ang taon, na kahit kaylan ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Natapos ang ceremony sa isang palakpakan, masaya akong tumalikod upang harapin ang mga taong naghihintay sakin. Malayo palang ay kita ko na sila Prince kasama ang mga kaibigan namin. Nasa tabi ng mga ito ang mga magulang ko.

Halos bawat estudyanteng madaanan ko ay nagbabatian sa isat-isa, ang iba naman ay dumiretso na sa kani-kanilang pamilya.

Wala mang bumati sa akin, wala mang nagbago sa pakikitungo ko sa mga kamag-aral ko. Nagpapasalamat pa rin ako dahil naging parte rin naman sila ng buhay ko.

"Congratulations!" Sabay-sabay nilang bati sa akin.

Nagulat pa ako dahil may tarpaulin pang hawak-hawak si Ara at Mika. "Wow." Tanging nasabi ko dahil sa sorpresa.

Kahit na tarpaulin lang yun malaking bagay na sa akin yun, kahit na kaylan ay walang naggawa sa akin nun kundi sila lang.

"Thanks." Sabi ko sa mga ito.

"Congrats anak." Sabi ni Mama.

Lumapit ako dito at yumakap, ganoon din kay Dad. Napaka-thankful ko kasi, sobrang supportive ng parents ko sakin.

"May salu-salu kaming hinanda para sa gradation ng aming anak, sa bahay nalang kayo magkwentuhan." Si papa.

"Opo." Sabay-sabay nilang sinabi.

"Saktong-sakto. Gutom na po ako." Nakahawak sa tyan na sabi ni Anthony.

"Ano bang bago Anthony? E palagi ka namang gutom." Pang-aasar naman ni Lance.

"Grabe kayo sakin." Naka-pout na sabi ni Anthony.

"Totoo naman kasi." Si Mika.

"Ara babes. Tingnan mo oh, pinagtutulungan nila ako." Pagsusumbong nito kay Ara.

"Totoo naman yung sinasabi nila, ano pa yang inuungot-ungot mo dyan?" Si Ara, dala ang dati nyang palabang awra para kay Anthony.

"Pati ba naman ikaw."

"Hay naku, ewan ko sayo. Tara na nga." Naiinis na sabi ni Ara at nauna ng maglakad papaalis sa amin.

"Ara babes." Sigaw nito at humabol na kay Ara. Mukhang may menstruation si Ara ngayon ah.

Nagtawanan nalang kaming mga natitira at sumunod na rin.

"Ano? San ka sasabay anak?" Tanong ni Papa.

Napalingon naman ako sa lalaking katabi ko. Parang nagmamakaawa ang itsura nito na sa kanya ako sumabay. Kaya naman natatawang nilingon kong muli ang mga magulang ko.

"Kay Prince nalang po pa."

Tumango-tango naman silang dalawa, habang mayroong nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.

"Ma, Pa. Ano na naman yang iniisip nyo?" Naiinis kong tanong.

"Wala naman kaming iniisil anak ah. Ano bang gusto mong isipin namin?" May pang-aasar sa tinig ni Mama.

"Hay! Ewan ko po sa inyo. Tara na nga." Naiinis ko pa ring sabi bago hinawakan ang kamay ni Prince upang hilain ito palayo.

"Uy-uy. Teka lang, bat ka ba nagmamadali?" Nagtatakang tanong nito.

Nang malayo na kami kila mama at Papa ay tsaka lang ako tumigil at binitiwan ang kamay nya.

"Sila Mama at Papa kasi eh."

"Ano namang mero sa kanila?" Nagtatakang tanong nito.

"Basta!" Inis na sabi ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Hindi kasi nito alam, na kapag kami-kami lang sa bahay ng magulang ko. Palagi akong inaasar ng mga ito sa kanya. At nakakahiya kasi matalik na kaibigan ko si Prince.

Pagkarating namin sa parking ay inabutan pa namin ang apat. Halatang nag-aantay ang mga ito.

"Bakit hindi pa kayo umalis?" Tanong k o sa mga ito.

"Hinihintay ka namin, nakakahiya naman kung kami pa ang mauuna sa bahay nyo." Sabi ni Mika.

"May hiya pala kayo." Bulong ni Prince.

Pero mukhang narinig pa ito ng apat. Kaya naman muli silang nag-asaran doon.

Natigil lang sila ng dumating na sila Mama at Papa. Kaya ang ending, sila mama ang nauna at kami ang nasa likod nila.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang maitapik ang aking mga darili sa kinalalagyan nito dahil sa magandang beat ng kanta. You belong with me ang title.

'If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along, so why can't you see
You belong with me
You belong with me'

Ganoon na lamang ang gulat ko ng biglang sabayan ni Prince ang kanta. Hindi ko inakala na alam nya pala ang kantang ito. Akala ko kasi ay more on rocks ang mga gusto nyang kantahin.

Namamangha ko lamang syang pinapanood na kumanta habang nakangiti pa. Hindu ito lumilingon sa akin, pero alam ko na pinapanood nito ang paghanga ko sa kanya.

'Can't you see that I'm the one who understands you?
Been here all along, so why can't you see
You belong with me
Standin' by and waitin' at your back door
All this time, how could you not know, baby
You belong with me
You belong with me
You belong with me
Have you ever thought just maybe'

Pabagal ng pabagal ang pag-andar ng sasakyan, pero wala akong oras para lingunin kung nasaan na ba kami. Abala na ako sa panonood kay Prince.

'You belong with me '

Tuluyan ng tumigil ang sasakyan, hanggang sa lumingon na ito sa akin at bigkasin ang huling lyrics ng kanta.

'You belong with me'

Halos mapaatras naman ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Masyadong malakas ang dating nya sa akin ngayon. Mukhang hindi ito tama, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng kumindat ito. Pero ang loko, natatawang iniiwas lang ang paningin sa akin.

Ni bend nito ang kanyang katawan at tila may kinukuha ito sa backseat. Nagtataka ko lang syang pinanood hanggang sa bumalik na sya sa kanyang pagkakaupo.

May hawak na itong isang box na kulay itim. Iniabot nito sa akin iyon. Nanlalaki naman ang mga mata kong tinitigan ang hawak nya.

"Para sakin?" Nagugulat kong tanong.

Tumango ito. "Oo. Graduation gift ko." Nakangusong sambit nito.

Nanggigigil ko namang kinurot ang magkabilang pisngi nito bago tinanggap ang kanyang regalo.

"Aray ko naman." Rinig ko pang reklamo nito.

Pero wala na sa kanya ang atensyon ko. Nakatitig na lang ako sa box na pahaba. Tela ang balot noon at paniguradong mahal kung ano man ang laman nun.

Marahan kong iniangat ang pang-ibabaw na takip nito. At tumambad sa akin ang isang silver necklace na may diamond sa gitna.

Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa takip at napatakip sa king bibig. Naluluha kong nilingon si Justin na na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Muli kong ibinalik ang paningin sa kwintas, napakaganda nun, hindi ako makapaniwala na may ineregalo lang sa akin iyon.

"Nagustuhan mo ba?" Rinig kong tanong nito.

Naluluha ko syang muling nilingon at tumango. "Oo naman, sobrang ganda." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.

Ngumiti ulit ito ng napakatamis sa akin at kinuha ang kwintas sa lalagyan nito. "Isusuot ko sayo?" Paalam pa nito.

Tumalikod na lamang ako at kagat-labing hinawi ko ang buhok ko pakanan, upang maisuot nya iyon sa akin ng maayos.

Muli akong napalingon at napangiti sa kwintas ng maramdaman kong dumampi sa balat ko ito. Kahit saang anggulo ko tingnan, napakaganda nya talaga.

Nang mailagay na ni Prince ay hinawakan ko ito para titigan. Pero natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Prince malapit sa aking tainga.

"Congratulations." Malambing at namamaos ang tinig nito.

Nakaawang ang mga labing nilingon ko sya, nararamdaman ko ang mainit at amoy menthol nitong hininga sa aking mukha. At nakalalasing sa pakiramdam iyon.

Kita ko ang marahang pagbaba ng paningin nito sa aking labi, ganoon din ang ginawa ko. Tila nag-init ang aking pisngi ng pag-angat ko ng paningin ko ay nakatitig na rin pala ito sa akin.

"Should I kiss you?" Tanong nito sa sarili.

Mapupungay na ang mga mata nito. At tila lasing na lasing sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi ako sumagot sa sinabi nito, bagkus ay marahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya at binigyan sya ng isang marahang halik sa labi.

Inilayo ko kaagad ng isang pulgada ang aking mukha sa kanya. Tila mas gusto kong ilapat ang aking labi sa kanyang labi dahil sa ginawa ko.

Sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, habang nakatitig sya sa akin. Kaya hindi na ako nagulat pa ng hawakan nito ang aking batok at itulak palapit sa kanya.

Agad na napapikit ang aking mga mata at ginantihan ang mainit nitong halik. Medyo iniharap ko ang aking sarili sa kanya upang hindi sya mahirapan sa aming pwesto.

Tila kinukulangan ako sa ginagawa nya kaya naman kumapit na rin ako sa batok nito at idiniin pang lalo ang kanyang mukha.

Sabay lang kaming natigil ng makarinig ng katok sa labas. Agad kong naitulak sa Prince at hindi makatingin sa kanya ng direso. Hiyang-hiya ako. Ano ba tong ginawa ko?

Agad akong tumalikod dito at binuksan ang pinto ng sasakyan. Mabuti nalang at tinted ang sasakyan. Kaya kampante ako na walang nakakita sa ginawa namin.

God mukhang babawiin ko yung sinabi kong hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.

"Oh? Antagal nyo yatang lumbas?" Nagtatakang mukha ni Ara ang sumalubong sa akin, katabi nito si Mika. Samantalang ang dalawang boys naman ay nauna na sa loob ng bahay.

"Ah-eh." Sheez... Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Inabot ko pa kasi sa kanya yung regalo ko." Napahinga naman ako ng maluwag ng marinig kong nagsalita si Prince mula sa likuran ko.

"Ah... Kala ko kung ano na ang ginawa nyo eh." May tinig ng panunukso na sabi ni Mika.

Pinandilatan ko ito ng mata. Pero ang loka, nandilat lang din ng mata.

"Mukhang nakaistorbo pala kami sa inyo." Si Ara, sabay baling kay Mika. "Sabi ko naman kasi sayo mauna na di tayo doon eh."

"At ako pa ang may kasalanan. Eh halos kaladkarin mo ako papunta rito." Pagdedepensa naman ni mika sa sarili.

"Hay! Tara na nga." Huling sinabi ni Ara bago hinatak muli si Mika.

Tatakbo na rin sana ako pasunod sa dalawa ng may biglang humawak sa kamay ko. Napatigil ako sa binabalak ko at hinarap ko ito.

Tinitigan ko ito ng nakakunot ang noo. Pero ng maalala ang ginawa namin kanina ay agad ko rin naman iyong iniiwas.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong dito.

"Yung nangyari kanina? Ibig bang sabihin nun? May pag-asa na ako?" Bakas ang saya sa tinig nito.

Kaya naman muli kong ibinalik ang paningin sa kanya, at para bang may kung ano sa dibdib ko ang biglaan na lang naghabulan.

"A-ano-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng muling angkinin nito ang mga labi ko.

Tila nanlambot ang mga tuhod ko, at wala na akong ibang nagawa kundi ang ipatong ang aking kamay sa kanyang dibdib.

"Your mine. Am I right?" Namamaos na tanong nito.

Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko pa rin ma-process ang mga nangyayari.

"Answer me Karen. Your my girl, and soon to be my wife."

Nanlalaki naman ang mga mata kong tinitigan sya. Asawa agad? Akala ko ba girl muna?

"A-ano kasi..." Tinaas nito ang kanyang kilay. "Nahihiya ako."

Napakurap-kurap naman sya sa naging sagot ko. Maging ako, gusto ko ng lamunin ng lupa dahil doon. Walang kwenta.

"Nahihiya ka pa sa lagay na yun?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Namula naman ako sa tanong nito. Pero tumango rin. Kahit sino naman siguro mahihiya no. At hindi ako exempted dun.

"Edi kung hindi ka nahihiya, tayo na?" He said with a smile from ear to ear.

"Study fir-"

"Hay!" Parang naiinis na sabi nito at inilagay ang kamay sa bewang ko, at hinigit ako papalapit sa kanya.

Tila nilagutan ako ng hininga ng mga sandaling iyon. Napakabilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain. Na sa paglipas ng panahon, maamin ko rin sa sarili ko. Na tuluyan na akong nahulog sa kanya.

"Alam mo bang yan nalang ang palagi kong naririnig, na inirarason ng mga babaeng nililigawan ng kaibigan ko kapag hindi nila gusto ito." Bulong nito.

Muli ko na namang naamoy ang menthol na hininga nito. I wonder kung ano ba ang candy na palaging nasa bibig nya.

"Hindi ba pwedeng maiba ka naman sa kanila. I knew na hindi mo naman kaylangan na magtutok sa pag-aaral dahil katulad ko. Mahina lang din ang utak mo." Nakangising sabi nito.

Nanlalaki naman sa inis ang mga mata ko. Aba! Nanliit pa. But still, after all, mag-bestfriend pa rin kami.

"Kung makapanlait ka ah." Sigaw ko dito.

"Well..." Binitin nito ang sasabihin at mas inilapit pa nito ang mukha sa akin. "That's the truth."

Aba! Talagang sinusubukan ako nito ah. Akala ko naman babawi sya sa mga panlalait nya sa akin, yun naman pala.

Dahil sa inis ko ay sinabunutan ko ito.

"Aray!"

"Bahala ka dyan." Mataray na sabi ko sa kanya bago tumalikod at naglakad papalayo.

"Hoy! Pano yung sating dalawa." Rinig ko pang sigaw nito.

Napangiti nalang ako sa aking sarili. Hay... Kinikilig ako na ewan.

"I LOVE YOU." Sigaw ko dito habang nakatalikod.

"A-ano?"

Nakangiting umirap ako paharap sa direksyon nito. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Na lalo ko namang ikinangiti.

"I love you sabi ko."

"S-so? Tayo na?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Ano sa tingin mo?"

Huling sinabi ko bago tumalikod at tumakbo na papasok sa loob ng bahay.

Narinig ko pa ang pagsigaw nito ng 'YES!'.

"Babe! Hintayin mo ko."

Hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy sa pagtakbo. Ayoko ngang makita nitong namumula ang mukha ko dahil sa kanya.

After all those years, hindi ko akalain na... sa kanya rin pala ang bagsak ko. Na sa kanya ko lang mararanasang sumaya, ng hindi kailangang itago. Na hindi ako dapat matakot na maiwan ulet dahil alam kong anytime may sasalo sa akin.

And it's all because of him.

Justin taught me how to love. But Prince taught me how to be happy while your in love.

And I'm very happy that I finally foundy greatest love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top