a
Halos mapabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng magising ako dahil sa isang napakasamang panaginip.
Hindi ko alam pero parang natatakot ako dahil sa lalaking napanaginipan ko.
Hindi ko lubos na maisip na magkakaroon ng isang novels sa isang panaginip.
Pero for sure hindi totoo yun dahil sabi nga nila, kabaliktaran lang ng mangyayari ang panaginip. Sana nga.
Maya- maya pay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto at pumasok doon sila mama at papa na halatang nag- aalala ang itsura.
"Anak ayos ka lang ba, anong nangyari, bakit sumisigaw ka." Nag- aalalang tanong ni mama tsaka sila naupo sa aking tabi.
Medyo napaisip ako sa sinabi ni mama kanina. Sumisigaw ako. Parang hindi naman ah.
"Wala po ma, nanaginip lang po ako ng masama." Medyo nanghihinang sabi ko.
Mas lumapit sa akin si mama tsaka inayos- ayos ang aking gulong buhok.
"Ano namang napanaginipan mo anak?" Seryosong tanong ni papa na halatang nag- aalala.
"Ah, wala po, siguro po masyado lang akong napagod sa school." Pagdadahilan ko.
"Sige anak. Basta kapag may kaylangan ka katukin mo lang kami ng papa mo sa kwarto namin." Sabi naman ni mama.
Isang tango nalang ang ibinigay ko sa kanila bago sila umalis at iwan akong mag-isa.
Iniisip ko parin ang lalaking aking napanaginipan. Para kasing nakita ko na sya sa school, hindi ko lang maalala kung kaylan.
Maya- maya pay bigla nalang humangin ng malakas kaya namay ang puting kurtina sa may pintuan ng terrace ay natangay na.
Halos hindi na huminto sa pag- ihip ang hangin kaya napahawak nalang ako sa aking dalawang braso.
Nang mahihiga na sana ako ay bigla nalang akong may napansin na isang tao ang nakatayo sa may pintuan ng terrace.
Diretso itong nakatingin sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na yun kaya wala na akong ibang nagawa kundi titigan nalang ito.
Para akong naistatwa sa sobrang kaba. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng lakas para sumigaw. Pero matapos humangin ng malakas at matakpan na ng kurtina ang kanyang pwesto ay nawala narin ang lalaki sa may pinto.
Sa di ko malamang dahilan ay bigla nalang tumulo ang luha ko at bigla nalang napabagsak ang aking likod sa aking malambot na kama.
Bakit parang ganun. Ang misteryosong lalaki na lagi kong nakikita sa school. At ang lalaking gumawa ng nobela sa aking panaginip. At Yung lalaking nakita ko sa may terrace.
Ay parang iisa. Sino ka ba talaga. Gusto kitang makilala. Kahit nakakatakot kapa.
MAG-ISA lang akong naglalakad sa may corridor habang binabasa ko ang libro ng science para makapag- review.
Ngayon na kasi ang exam. Pero halos wala ka nang makikitang mga estudyante na gagala- gala sa school dahil malamang sa alamang busy rin silang lahat sa pagrereview.
Habang binubuklat ko ang page ng libro ay may nahulog ditong isang yellow paper. Sandali akong napatigil ng makita ko ang isang napakagandang sulat kamay sa papel.
Itiniklop ko na ang libro ng hindi natingin dito tsaka dahan-dahang naupo at inabot ang papel.
Pagkatapos kong makuha ang papel ay tumayo narin ako agad at pinagmasdan ang nakasulat doon. It was an essay.
Akmang babasahin ko na sana ang nakasulat doon ng bigla namang humangin ng malakas. Kaya medyo natiklop ang papel.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa may nararamdaman akong kakaiba. Ito yung nararamdan ko sa tuwing nakikita ko ang mukha nya kahit san man ako magpunta. Kahit sa panaginip ko man.
Kaya naman napatingin ako sa dulo ng hallway dahil ramdam kong nandoon lang sya.
Hindi nga ako nagkakamali, dahil seryoso na naman syang nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Diba gusto ko syang makilala, pero bakit hindi ko sya kayang lapitan.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang pagkakahawak sa dala kong libro at nakipagtitigan sa kanya. Isang hakbang palang ang nagagawa ko papalapit sa kanya ay nahulog na ang papel na nasa kamay ko kaya napatingin ako saglit dito bago ibalik ang tingin sa lalaki.
Humakbang pako ng isa para makuha ang papel pero ganun nalang ang gulat ko ng pagyuko ko ay may isang kamay na ang nakahawak dito at dahan-dahan iyong inangat kaya isinunod ko paningin ko dito.
Nang makatuwid na ako ng tayo ay nasa papel padin ang tingin ko, at sa hindi malamang dahilan ay di ko kayang tingnan kung sinuman ang nasa harapan ko.
Nakaabot ito sa akin pero ayaw kong kunin. Tila naestatwa nako sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong posisyon pero hindi naman sya nangalay.
Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa lalaki at ganun na lamang ang pagkamangha ko sa itsura nito. Grabe, nakaka hypnotized ang titig nito. He's like a Greek God.
Walang nagbabago sa itsura naming dalawa maliban nalang sa pagpikit ng aming mga mata.
Dahan-dahan kong iniaabot ang papel na hawak nya ng hindi inaalis ang paningin sa kanya. Nang mahawakan ko na ito ay dahan-dahan ko din itong hinila pabalik sa akin.
Ilang segundo pa ang lumipas ay ito narin ang kusang tumalikod at umalis sa harapan ko.
"Sandale!"
Sigaw ko na nakapagpatigil sa kanya. Di man lang nag aksaya ng panahon para harapin ako. Pero dahil nga sa gusto kagustuhan kong malaman kung sino sya ay dahan-dahan akong lumapit dito.
Nang nasa likod na ko nito mga isang dipa ang layo ay tumigil nako sa paglalakad at kinausap ito.
"Gusto ko lang sanang malaman kung, ikaw ba yung taong nakita ko kagabi sa bahay?" Diretsang tanong ko pero wala manlang nagbago sa posisyon nito.
"Bakit ako naman yung naisip mo na nasa bahay ninyo kagabi? Nagkita naba tayo dati?" Pagbabalik tanong nito sa akin na nasa ganoon parin ang posisyon. At walang pinagbago.
"Hindi ako sigurado pero parang. Parang nakikita na kita dati pa. Dito sa school. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, madalas sa bahay, o di kaya sa... Panaginip ko." Pahina nang pahinang sabi ko.
At doon ay tuluyan na syang natawa pero sa pinakaswabeng paraan. Tila ang paggalaw ng balikat nito ay bumabagal sa paningin ko at ang pagtawa nito ay nagtutunog musika sa aking pandinig.
Kahit na medyo nabastusan ako sa naging akto nya ay hindi ko manlang magawang magalit bagkus ay parang ikinatuwa ko pa dahil narinig ko ang magandang pagtawa nito.
Pero ilang sandali pa ay tumigil na ito sa pagtawa kasabay ng pagharap nito sa akin. Agad naman akong napaatras ng mahigit isang dangkal dahil sa takot na hindi ko alam kung san nagmula.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin at itinapat ang kanyang mukha sa mukha ko. Halos maamoy ko na ang mabango nitong hininga sa sobrang lapit. Nakatitig lang ako sa mata nito at gayun din naman sya.
"San bang parte ng bahay nyo ako nakita? Sa kusina? Salas? O sa loob ng kwarto mo?" Seryosong sabi nito bagamat mayrong konting ngiti sa labi. Hindi parin nito nilalayo ang mukha sa akin.
"Hindi eh. Wala sa nabanggit mo." Nahihiyang sabi ko.
Nang marinig na nito ang sagot ko ay tsaka ito umayos ng pagkakatayo at may pagtatakang tumingin sa akin.
"Kung ganon, saan?" Seryosong tanong nito.
Lumunok muna ako bago sagutin ang tanong nya. "Sa... Labas ng kwarto ko. Sa may terrace. Doon, doon kita nakitang nakatayo. Kagabi lang nangyari yun."
Binigyan naman ako nito ng may pagtatakang tingin. Nakaramdam naman kaagad ako ng pagkahiya sa uri ng pagtingin nito sa akin. Kaya nag-iwas nalang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon sa hawak na libro.
"Parang imposible naman yatang mangyari yun miss? Sa pagkakatanda ko kasi ay... Ngayon lang kita nakita. Kaya pano mo nasabi na ako nga yung nakikita mo sa bahay nyo? At pano naman ako napasok sa panaginip mo?" Nagtatakang sabi pa nito. "O di kaya'y sadyang nagagwapuhan kalang sakin nung una mokong makita kaya hindi mo na ako makalimutan, kaya kahit saan ay nakikita mo na ako, hanggang sa panaginip mo affected ka rin sa kagwapuhan ko?" May pagmamayabang na sabi nito.
Napamaang naman ako sa kayabangang nito. "Hoy! Ang kapal mo ha! Anong akala mo sakin obsessed sayo?" Inis na singhal ko dito. "Gwapo nga. Mayabang naman." Mahinang dagdag ko pa.
"Hahahaha. Akala mo hindi ko narinig yung huling sinabi mo?"
Agad naman akong napalingon sa kanya dahil sa malakas na pagkakasabi nito. "Edi inamin morin na nagagwapuhan ka nga sakin." Nakangiting asong sabi nito bago mabilis na inilapit sa akin ang mukha nya. Kaya awtomatiko ko namang naiiatras ang aking mukha.
"H-hindi ah." Maang-maangan ko pa bago inilihis ang aking paningin.
Bigla naman nitong hinawakan ang aking baba at pilit na iniharap sa kanya ang aking mukha. Hinahabol nito ang aking paningin at hindi tumitigil hanggat hindi ako tumitingin sa kanya. Kaya sa huli pigil ko ang aking hininga habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Hindi ka magaling magsinungaling. Simpleng pagsabi lang ng hindi nauutal kapa." Sabi nito sabay ngisi.
Agad nitong binitawan ang aking baba at inilayo na ang kanyang mukha at matuwid na tumayo sa aking harapan. Matapos noon ay napabuga ako ng hangin dahil sa pagpipigil ko sa aking hininga.
Tiningnan ko ito muli sa mga mata ng ilang segundo ang lumipas ng hindi ito nagsasalita. Hindi na ito nakatingin sa akin. Sa malayo na ito nakatingin pero ramdam ko na ang atensyon nito ay nasa akin parin.
Napabuntong hininga na muna ito bago muling ibinaling sa akin ang kanyang paningin.
"May sasabihin ako sayo." Seryosong anito. "Yang mga ganyang ikinikilos mo. Alam ko na yan. May ibang patutunguhan yan. Kaya kong ako sayo. Tigilan mona. Pigilan mo. Kasi pag sa huli nalaman mo yung totoo. Masasaktan kalang. At ayokong sa maraming beses ng pagkakataon. May masasaktan na naman. Nang dahil sakin." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero agad akong pinangiliran ng mga luha dahil sa mga sinabi nito.
"A-ano bang pinagsasasabi mo?" Utal kong tanong habang napapalunok-lunok pa.
"Basta. Tandaan mo nalang." Wala na sa akin ang paningin nito ng sabihin iyon.
Ilang saglit pa ay tinalikuran na ako nito at humakbang na papalayo.
Hindi pwede. Gusto ko pa syang makausap. Ano namang sasabihin ko dito? Mamaya isipin pa nito na naghahabol ako sa kanya. Pero gusto ko talagang maliwanagan eh. Gusto ko pating malaman kung ano ang pangalan nya.
"Sandale la-"
Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad na nitong ikinaway ang kanyang kamay sa ere tanda ng pag-alis nito.
Hindi ko na tinangka pang habulin ito bagkus ay nanatili na lamang ako sa aking posisyon. Lumiko ito sa may hallway pero nandun parin ako. Nakatayo at nakatingin sa nilalakaran nito kanina.
Maya-maya pa ay bigla na namang umihip ang malamig na simoy ng hangin at narinig ko ang maingay na pagsabay ng hawak kong papel. Muli kong tiningnan ang nilalakaran nito at napagdesisyunang buklatin ang papel.
Hindi ko na muna binasa ang content na nakapaloob dito dahil hindi iyon ang nakaagaw sa atensyon ko. Kundi yung codename na nakalagay doon. Binasa ko ang nakasulat sa papel at doon ko lang napagtantong hindi pala ito isang essay. Kundi isang feature writing. At yung codename na nakasulat doon ay yung codename na ginamit ng writer upang sumunod sa rules ng mga sumasali sa Journalism contest.
"Chan Rak Khun."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top