CHAPTER 6

Chapter 6

"Lirabelle," tawag sa akin ni Gian.

"Oh?"

"Alam mo ba may alam akong verse?" ngumiti pa siya sa akin na parang may ipinagmamalaki. "Verse tree."

Nagpipigil ng tawa ang ilan sa classmates kong nakarinig. Nangunot ang noo ko.

"Birch tree ata 'yon." they laugh.

Mas natawa naman si Gian dahil wala akong naging reaksyon sa jokes niya kuno.

"Gutom lang 'yan, Gian." I said.

Tumulong ako sa mga gumagawa ng props para sa gagamitin sa intrams. Tatlo yata ang banners na ginawa nila para sa pageants and basketball. Meron pang mga red na lobo at headbands. Red team kasi ang sa department namin kaya naka-red kami ngayon.

Una kasing gaganapin ang pageants ng mga muse and escort kaya nakahanda na ang gagamitin nila for cheering.

Nagsuot lang ako ng checkered blazer na red and white top, paired with fitted black pants. Wala kasi akong shirt na red at marami din naman sa amin ang hindi pure red ang suot. Pinasuot din ni Lea sa akin ang isang headband na may nakadesign na section three.

"Lira, ito ang camera." inabot ni Jho ang camera na ipinapahiram niya sa akin. "Tawagin mo nalang ako if you need help ha."

I smiled at her. "Sige. Thank you."

Nang pumunta na ako sa may gymnasium kung saan gaganapin ang pageants ay tumayo nalang ako sa gilid ng mga kaklase ko. Tatayo rin naman ako sa pagkuha ng picture mamaya kaya hindi na ako naupo.

"Hinahanap ka ni Jarren kanina." tumabi sa gilid ko si Kiel. "Picturan mo nga ako ng isa dito." at nag-pose pa siya sa may poste sa gilid.

"Siraulo. Mahiya ka kay Jhoana, baka masira agad ang camera."

Luminga ako sa paligid. I didn't see Jarren, three days till now. Hindi rin kami nakakapag-usap pa kahit sa chat. Pero, I still chat him kanina for good luck. Naging busy siguro sa practice ang bata.

"Nakita mo si Jarren?" I asked Kiel. Mukhang nagtaka pa na siya ang tinanong ko.

"Oo, nasa HUMSS faculty kanina ang dalawa ni Zeph. Ang sweet nga nila e." he tried to hide his smirk but I saw it.

I sigh. "Hindi siya kinakabahan?"

Napatingin sa akin si Kiel ng deretso. "Aba, ay malay ko do'n. Baka nga nagi-enjoy pa 'yon eh."

Nagsimula na ang pageant and lahat ng muse and escort ay nakasuot ng sport attires nila. Jarren and Zeph are wearing their jerseys. Maayos naman ang ngiti niya sa unahan pero halata na tinatamad siya sa ginagawa.

"Sabi sayo eh, nagi-enjoy pa 'yang tropa ko." ngiting ngiti pa si Kiel habang sumasali sa panunukso kay Jarren nang rumampa na ito.

They looked acting like a couple when they look at each other. Humawak pa sa bewang ni Zeph si Jarren. Nangunot ang noo ko. Tuwang tuwa namang ang president namin. Siguro ay siya ang nagturo sa dalawa ng mga ganun.

Matapos nilang magpakilala ay sumabak naman sila sa talent portion. Nakasunod lang sa akin si Kiel habang kumukuha ako ng ilang picture.

"Maupo kana kaya do'n?" I told him.

"Wag na! Baka mamaya mapagkamalan ka pang muse. Hindi naman ako papayag kung hindi ako ang escort."

Tiningnan ko lang siya sa paraang parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"At sinong may sabi sayo na papayag ako?"

Parang gago naman na basta nalang sumulpot si Jarren sa gilid ko. I almost drop the camera in my hand.

"Magpapaalam ba ako sayo?" tanong din ni Kiel. What the hell is wrong with these people?

Pareho ko silang sinamaan ng tingin at lumipat na ng pwesto. Sumunod naman ay si Jarren.

"Bakit ba nandito ka? Baka nakakalimutan mong kasali ka sa pageant?" sabi ko dito.

"Kitang kita ko ang kunot ng noo mo kanina ah. Pakana lang 'yon ni Lex. Napilitan lang naman ako."

"Hindi ko naman tinatanong."

"Share ko lang."

Mahina siyang tumawa nang makita akong ngumiti. Binawi ko rin naman agad ang ngiti ko nang mas lumapit siya sa akin. Napakaraming tao dito sa gym at may ilang nakatingin sa amin. I got shy while looking at those people.

"Okay ka lang dito?" he concernedly ask.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kung paano niya basahin ang ekspresyon ng mukha. Tumingin na ulit ako sa unahan.

"Okay lang."

"Kakanta ako mamaya. And I just want you to know that the song I will sing is for you." he said in serious tone.

Muli akong napatingin sa kaniya. Hinampas ko agad siya sa braso nang mahuling nakangisi.

"Talandi ka! Nahahawa kana kina Sean!"

Nagpaalam na siyang babalik sa unahan pagkatapos. Tumingin ako sa gawi ng mga kaklase ko at nakitang naupo na si Kiel sa tabi nila Lea. Nakatingin din sila sa akin habang nagbubulungan.

Mag-iisip pa ba ako kung anong pinag-uusapan nila? Malamang! Kami lang ni Jarren.

Natapos nang magperform ang ibang strands at kami naman ang sasalang ngayon. I don't know but I was waiting for our section. And when Zeph and Jarren came out from the backstage everyone gasped and cheer them.

Maganda si Zeph. Malinis tingnan at mukhang elegante lalo na sa suot niya ngayong red fitted dress. And Jarren...he's wearing a red polo shirt and white pants but the guitar gives him different aura.

Malakas maka-attract ang lalaking marunong mag-gitara. Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa students ngayon ay nagtitilian. Ang karamihan kasi sa nagperform ay halos sayaw...at ilan lang ang kumanta. Pero overall, si Jarren lang ang may dala pang gitara.

Nahagip ng mga mata ko ang pagngiti ni Jarren sa akin. He even winked. Hindi ko nalamang iyon pinansin.

He strum the guitar. Napaawang ang labi ko nang mawasto na pamilyar ang tinutugtog niya sa gitara.

Kiss me? By Sixpence None The Richer?

I gues it right.

I also wrote that as my favorite song in my diary note. Malamang sa malamang ay nabasa niya iyon kaya sinabi niyang para sa akin ang kakantahin niya.

Kiss me out of the bearded barley
Nightly beside the green, green grass
Swing, swing, swing the spinning step
You wear those shoes and I will wear that dress
Oh kiss me, beneath the milky Twilight
Lead me, out of the moonlit floor
Lift your open hand
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon sparkling...so kiss me...

Magka-duet nilang kinanta iyon. I love that song. It's just too catchy for me.

The pageant just went on and they are now announcing the winner of each strand. Zeph and Jarren, they just look calm. Parang balewala sa kanila na nasa harap sila ng maraming estudyante.

"And for HUMSS department...first, for all the sections thanks for putting a lot of efforts in this kind of event. Lahat kayo ay mahusay but...we have to choose one pair to represent your strand in the finals...and that is you...Janna Marie Estobal of section one! With your escort from section three Jarren Dave Alferez!"

Nagsigawan ang mga classmates ko kasama ang section one. Zeph looks dissapointed with the result. Kita ko kung paano siya aluin ni Jarren.

Ibig sabihin niyan ay rarampa pa ulit ang aming Jarren Dave, the pride of section three.

I took a picture of them. I was teasing him while taking a picture.

"Kuya, isa pa. Move closer pa po kay Janna." I asked him.

Napangiwi naman siya.

Matapos kumuha ng ilang litrato ay lumapit na siya sa akin.

"Hindi pala gagalingan ha." naaalala ko pa kung paano siya tumanggi nung nakaraan. Sinabi niya pang magpapatalo siya 'wag lang ilaban sa finals. Talaga lang ha?

"Wala 'yon. Warm up palang 'to." pagyayabang niya.

Panay pa ang asaran namin. Sinabi niya pang pabor sa kaniya na hindi si Zeph ang nanalong muse para hindi na siya pakialaman pa ni Lex. Ayaw daw niya kasing napi-pair sa taong hindi niya gusto.

"So gusto mo si Janna?" tanong ko sa kaniya.

Muntikan pa siyang mabilaukan sa kinakain niya at humarap na sa akin. "Hindi! Hindi ko nga 'yon masyadong kilala."

"Edi pag nakilala mo na. Magugustuhan mo 'yon. Hindi 'yon suplada balita ko sa section one."

Ngumiwi siya. "Paano kung kasing suplada mo ang type ko?"

"Katanungan para sa sasapit na sakuna." humagalpak ng tawa si Gian nasa tabing table lang namin.

Magkakasama sila sa isang table at kami lang dalawa ni Jarren sa table namin.

Uminom ako sa coke ko bago siya tinaasan ng kilay.

"Paano kung mas type ko 'yong tumataas ang kilay?" he chuckled at me.

"Sapakin kaya kita?" inamba ko sa kaniya ang kamao ko.

Tinutukso lang kami ng mga kasama namin. Parang hindi naman natinag ang lalaking ito. Nanalo lang na escort hindi na takot sa akin?

"Oh isang karangalan na masapak ng aking irog."

Tawang tawa naman sina Lea at Aubrey sa trip ng lalaking ito. Napabuntong hininga ako. Calming my temper.

"Grabe, ang ganda ni Janna Marie." sabi ko nalang.

"Mas type ko 'yung mataray ang mata, medyo chubby ang cheeks tapos... Naka checkered blazer ngayon."

Tumingin ako sa suot ko bago siya hinampas. Pinagtatawanan nila ako.

"Grabeng aminan naman 'to!" si Lea.

Hinawakan ako ni Jarren sa magkabilang balikat at iniharap ng ayos sa kaniya. Tinitigan niya ako.

"Let me confess this way..."

"Oh my gosh!" tili ng dalawang babae.

"Ayos ka, bro!" Gian tap his shoulder.

Nilabanan ko ang titig niya. I know he's not damn serious. A teasful smirk crept on his lips.

I told yah, he's not serious.

Ngumisi din ako.

"Paano kung ikaw ang crush ko?" he even softened his voice. Akala mo ay maniniwala ako.

"Paano kung hindi ikaw ang type ko?" I smiled. Trying to hide laughter when I saw his reaction.

Namula ang mukha niya lalo na nang pagtawanan siya ng kasama namin. Nagkibit balikat siya at humarap na sa pagkain.

"Okay lang. Ikaw parin ang happy crush ko."

Napataas ang kilay ko nang ngumiti pa siya sa akin. What the?!

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top