CHAPTER 4

Chapter 4

Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. He's teasing me because I'm thinking about love, really?

Inirapan ko siya. Namumula na yata ang mukha ko sa pagkailang dahil sa tagal ng titig niya sakin.

Hinampas ko sa braso niya ang nilalaruan kong notebook.

"Ayan kana naman sa pagiging sadista mo! Para san ba 'yon?!" natatawa pang tanong niya.

"Kaya tayo tinutukso ng mga 'yon eh! Gaganyan ganyan ka!"

Bahagyang lumaki ang mga mata niya ngunit hindi nawala ang mapang asar na tawa. "Bakit? Anong ginawa ko na naman?"

"You're obviously teasing me!" tinarayan ko siya.

"Eh ano?"

Nangunot ang noo ko. "Anong ano ka dyan?!"

"Ano ngayon kung tuksuhin nila tayo? Ayaw mo ba?" he asked.

Napataas ang kilay ko. "Should I state the obvious?"

Sobrang nakakailang iyong ganun. Imagine na araw-araw akong papasok sa classroom na puro pang aasar ang sasalubong sakin? Ahh! I can't stand a day with that.

Napatingin ako sa kaniya nang mapansing hindi na siya mukhang nang aasar. Nakangiti nalang siya ngayon. Napalunok ako at matalim na tumitig sa kaniya.

"Don't tell me...gusto mo 'yon?"

"Should I state the obvious?" pang-gagaya niya sa sinabi ko.

Napaawang ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. He really say that?

He winked at me before going outside our room.

Mas gugustuhin niya pa talagang sabayan ang trip nila Lea.

Napabuntong hininga ako.

Naguguluhan ako sa pagkatao ni Jarren. Iba talaga ang trip niya. I just miss the Jarren I met nung first week palang ng school. Iyong tahimik lang at tamang ngiti lang. Ngayon, lumalabas na ang kakaibang side niya.

Lumabas ako para sundan sila. Nakaupo sila sa may court at nanonood ng basketball try outs. Nandito rin ang ibang section sa department namin. Kaya pala ang tahimik ng hallway kanina.

Mauupo na sana ako sa dulo katabi ni Kiel pero nagsi-atrasan ang mga ito para magbigay ng space sa tabi ni Jarren. He obviously likes playing the game.

Naupo na ako sa tabi niya at pinakitaan siya ng bad finger. Mahina siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko para itago iyon.

"Ay! May holding hands na bii!" ofcourse, it's Lea. Nag-apir pa sila ni Aubrey.

"Uy, Lea. Ang ingay niyo." saway ni Kesha na nasa may baba namin.

Napatingin ako kay Lea na ngayon ay palihim na tinatarayan ang babae.

"Makasaway naman parang hindi nangunguna sa kaingayan pag nasa room." she whispered.

Kinurot ko ang binti niya. "Pag ikaw narinig niyan."

"Edi marinig!" nilakasan niya pa. Napalingon tuloy ang nasa baba namin.

Umiwas ako ng tingin habang ang mga boys naman ay natatawa sa babae. Mukhang may inis yata ito sa babaeng nasa baba ah.

Malapit na nga pala ang intrams kaya may mga tryouts ng nagaganap. They already has the list ng mga kasali sa iba't ibang sports pero ni isa ay wala akong sinalihan. I'm not sporty. Lalo pa at takot ako sa bola.

Kung siguro kagaya ng sa elementary ang intrams dito at merong mga long jump, baka may chance pa na sumali ako.

Nang mag-uwian na ay sabay ulit kaming nag-aantay ni Jarren ng tricycle. Malimit pa naman naming masakyan ay tricycle ni Kuya Ed. Kaya minsan ay nakakadaan pa kami sa mga tindahan ng street foods.

"Kailangan nga pala ng muse at scort sa intrams. Ikaw nalang kaya ang sa section natin?" I asked him.

Napanguso naman siya. "Magi-scort lang ako kapag ikaw ang muse."

"Ako?" hindi ko napigilang mapatawa. "Sa itsura kong 'to?"

Okay lang na siya ang scort dahil no lies, he has the looks. Matangkad, at bagayan din ng kahit anong porma. Eh ako? I don't even know how to dress or to style myself dahil hindi rin naman ako bagayan.

Tumitig siya sa akin. "Maganda ka naman ah." he held my chin up. "Ang ganda nga ng kilay mo, ang kapal oh. Tapos ang mata mo...rawr! Tiger looking 'yan?"

Sinanggi ko na ang kamay niya. "Hindi ko alam kung compliments 'yan o inaasar mo lang ako."

"Hindi ah, seryoso. Kamukha mo 'yong mga model sa magazines."

Karamihan ng mga nakakasalamuha ko ay pinagkakamalan akong mataray dahil sa mata ko. It's always look serious lalo na kapag tumititig ako. Pero kapag ngumingiti naman ako ay sumisingkit ito. I love my eyes tho.

"Hindi ako bagayan ng damit."

Isa iyon sa problema ko. Kahit anong isuot ko, feeling ko hindi bagay sa akin.

Tinapik niya ang balikat ko. "Okay lang 'yan. Bagay ka naman sakin."

Kinurot ko ang braso niya ng sobrang nipis.

"Aw! Lirabelle, masakit!" binitawan ko na ang braso niya at bakat doon ang pagkakurot ko.

"Ayan ang bagay sayo!" umirap ako sa kaniya bago sumakay sa katitigil lang na tricycle ni Kuya Ed.

Sumunod naman siya sakin na patawa-tawa pa.

Mabilis akong nakarating sa bahay dahil wala na naman akong dinaanan. Dumeretso na ako sa kwarto para magbihis.

Infairness ha, kompleto kami ngayon sa bahay. Maaga yatang nakaalis si Mama sa resto, si Ate Lisa naman siguro ay deretso uwi din ngayon. Pero ang pinagtataka ko, si Eydel?...paano nangyaring alas kwatro palang ng hapon ay nandito sa bahay ang batang iyon?

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin si Eydel.

"Ate, may apron ka? Gagamitin namin bukas sa TLE." sabi niya. Dumeretso pasok pa siya sa kwarto ko at humilata sa kama ko. "Magluluto kami, 'yong kasing sarap ko."

Namangha ako sa sinabi niya. "Aba, magluluto sa school pero sa bahay hindi nagluluto!"

"Syempre sa school may grades, dito sa bahay kahit anong gawin mo wala." Sabi niya pa. "Isa pa, sa school kailangan kong magpa-impress. Dito sa bahay, kahit anong gawin kong pagpapa-impress hindi naman makikita 'yon dahil pasaway palagi ang tingin sakin."

Nginiwian ko siya pero gets ko ang pino-point out niya. Mahirap talaga dito sa bahay, dahil hindi ka kailanman mapupuri dito. Mapapagalitan, oo madalas.

"Drama mo!"

Kinuha ko sa drawer ko ang apron na ginamit ko din nung junior high. Ibinato ko iyon sa mukha niya kaya napabangon siya.

"Speaking of kadramahan, sayang medyo late kang umuwi. Hindi mo naabutan." pinagpag niya ang apron na binigay ko. "Ganda naman ng apron ng ate ko, iyong sa kaklase ko may tatak pa na Del Monte." he chuckles.

Nangunot ang noo ko. "Anong hindi ko naabutan kanina?"

Umayos siya ng upo matapos tumingin sakin. "Galing dito si Papa kanina."

"What?"

"Ano pa bang ine-expect kapag nagharap ang dalawa? Edi away!" he sighed. "Kababalik bayan lang daw ni Papa, tapos ayon umaasa na naming kahit isa sa atin ay makuha niya. Pinagpipilitan tayong makuha e. Kahit si ate man lang daw, o ako o kaya ikaw."

"Anong sabi ni Mama?"

Umiling siya. "Wala. Ayaw tayong ibigay ni Mama. Hindi ko alam kung bakit. Hirap din naman si Mama sa atin pero ayaw niya tayong ibigay."

Alam namin na mas nakakaluwag si Papa dahil nag-ofw ito, isa pa ay may kaya rin naman ang pamilya ni Papa. Pero si Mama, hindi ko alam kung bakit panay ang reklamo niya sa hirap sa aming tatlo pero hindi niya kailanman ginustong mapunta kami kay Papa.

"Alam mo, Ate Lira. Napaisip ako kanina. Ano kaya kung sumama ako kay Papa? Makakapag-college kaya ako?"

Napatingin ako kay Eydel. Sincere ang pagkakasabi niya non. Seryosong seryoso ang bata ngayon.

"Mapapagtapos ka ni Papa, oo. Pero hindi mo kakayanin na makisama sa bagong pamilya niya. Kaya 'wag mo ng balakin."

Nakangisi siyang lumingon sa akin pagkasabi ko non. "Asus naman, ayaw mo lang akong mawala sa puder niyo eh!"

"Feeling ka naman!"

I just rolled my eyes at him. Lumabas na siya ng kwarto.

Sa totoo lang, ayaw kong mawawala sa amin si Eydel. Kahit pa ganun iyon kapasaway ay hindi ako mapapakali kung sakaling maisipan niyang sumama kay Papa. Baka apihin lang siya ng bagong pamilya ni Papa. Hindi maari sakin 'yon.

But to think na gusto niyang sumama kay Papa sa dahilan na gusto niyang makapag-college.

I bitterly smiled.

Kailan kaya aayon sa amin ang panahon? Sana ay dumating ang araw na iyon para hindi na maisip ni Eydel na lumayo samin.

__
cessias

Eyy muna 🤙

#masyadong invested si author pbb kaya pati names ng characters 🥹

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top