CHAPTER 2
Chapter 2
"Wala pa ba si Lisa?"
Tumingin lang ako saglit kay Mama. Kararating lang niya ng bahay galing sa pinagtatrabahuhan niyang resto.
"Wala pa, Ma."
Narinig ko agad ang singhal niya. "Iyong Ate mo, kung saan saan na naman siguro pumupunta."
"Baka naman may klase pa o may ginagawa pa sa school, Ma."
Kadalasan ay late talagang umuwi si Ate. Siguro ay ganun talaga pag college. Maraming school works eh.
"Aba, ay anong oras na? Magdidilim na, tapos mamaya may maghahatid na naman dun na lalaki. Tapos anong idadahilan sakin bakit nagpahatid? Dahil gabi na! Hay naku, bakit ba hindi makatiis sa kakatihan ng katawan ang mga kabataan ngayon." deretsong litanya niya.
I just remained silent. Kahit gusto kong ipaalala sa kanya na anak niya iyong sinasabihan niyang iyon.
Paano kung maririnig iyon ni Ate? Anong mararamdaman non? Lalo lang sasama ang loob non at magtatago ng kung ano-ano.
Hindi lingid sa kaalaman ko na boyfriend ni ate iyong naghahatid sa kanya tuwing late siyang nakakauwi. Pero never niya iyong ipinakilala sa amin, lalo na kay Mama. Gets ko naman siya kung bakit e. I don't wanna tolerate what she's doing pero sa araw-araw ko na naririnig ang mga pinagsasasabi ni Mama, parang tamang desisyon pa sa ngayon ang ginagawa ni Ate.
Grabe 'no? Hindi naman masama na maging strict parent pero 'yong sobrang strict, to the point na natuto ng magtago at magsinungaling ang anak dahil lang sa takot sa magulang. Parang mali na.
Sa halip na nagiging open sa kanila ang anak nila ay hindi.
Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Nakita ko si Eydel, bunso kong kapatid na may inaayos sa bike niya.
"Bakit diyan ka nag-aayos niyan? Pwede naman don sa may teres." naupo ako sa tinatambayan kong upuan dito sa may manggahan namin.
"Bakit ba nakikialam ka?"
"Amputa!" naibato ko tuloy sa kaniya ang nahagip kong lata. "Parang hindi ka humihingi sakin ng baon ah!"
Nag-peace sign siya sa akin. "Jok lang, hindi na mabiro."
Inirapan ko nalang siya. Hinayaan ko nalang siyang magkalikot ng bike na at may pa-music pa ang bata.
Nagbukas nalang ako ng cellphone. May nagnotif agad sa akin pagkabukas ko palang ng data. I opened my Facebook app. New friend request?
Jarren Dave Alferez
Napalunok ako.
Why did he add me? Anong kailangan nito?
Naalala ko, last time sabay kaming umuwi. Hindi ko siya kinausap hanggang sa makababa na siya ng tricycle. Libre niya ang pamasahe ko pero ni thank you ay hindi ko nasabi sa kanya.
I don't know what's with me that day. Nasira yata ang araw ko dahil sa sinabing hindi siya interesado sakin dati. Bakit parang na-offend ako don? Eh ano naman kung hindi siya interesado sakin?
Marami namang hindi interesado sakin pero pag sa kaniya nakaka-offend? Ano 'yon, Lirabelle?
I bit my lower lip as I click the accept. Wala namang masama kung i-add ko ang Alferez na 'to.
Umalis na ako sa facebook at nag-scroll nalang sa tiktok. Two minutes palang ang nakakalipas ay messenger ko naman ang tumunog.
Si Jarren?
May chat siya?!
Jarren Dave Alferez
Uys
Gawa mo po?
Napataas ang kilay ko. Ano namang pake nito sa ginagawa ko?
Pake mo po sa ginagawa ko?
🤨
He just reacted at my emoji.
Why so taray ng Lirabelle na yan?
Hayst, tagal mag monday
Grabe naman 'to. Sabado palang gusto na agad maglunes?
Aral na aral ah.
May chicks ka siguro sa school?
Nag-reply agad siya.
Hindi na chicks. Rooster na.
Napapitlag ako nang biglang sundutin ng kapatid ko ang tagiliran ko. Walangya naman oh.
"Ano ba?!"
"Active ang chats natin ah? Yan ba 'yung nakita kong kasabay mo sa tricycle nung isang araw?" nakangisi pang tanong niya.
"Ano naman ngayon?" I arched my brow.
"Wala naman." tinapik niya ang balikat ko. "Bibigyan mo parin ako ng baon kahit magjowa kana ha?"
"Hoy! Hindi ko naman 'to jojowain!"
Ngumisi pa siya sa akin at lumipat ng upo sa may harap ko.
"I don't believe you, Ate. Ngayon ka nga lang tumambay ng Messenger eh."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, tapos?"
"Ilang minuto ka nakatigil sa convo niyo. Samantalang dati, pag may nag chat sayo ng hi, kulang nalang ibato mo sakin ang phone mo sa bwisit." umiling iling pa siya.
Daming alam nitong kapatid ko. Pati ba naman iyon ay may malisya sa kanya?
Pareho kaming napatingin sa may labas nang may tumigil na motor sa tapat ng bahay namin. Nagkatinginan kami ni Eydel nang bumaba doon si Ate, kasama iyong jowa niya.
Dumeretso na si Ate sa loob ng bahay pagkaalis nung motor na sinakyan niya. And as what we expected, narinig na namin ang bunganga ni Mama.
Nagkatitigan lang kami ni Eydel at sabay napabuntong hininga.
Hindi sumasagot si Ate tuwing pinagsasalitaan siya ni Mama. Kahit pa minsan ay below the belt na ang nasasabi ni Mama, wala parin siyang salita.
The next morning, I decided to go out. Maglalakad lakad lang hanggang sa tumirik na ang araw.
Tumambay muna ako sa labas ng 7/11 pagkatapos kong bumili ng inumin. I looked at my wrist watch and it's already seven in the morning.
"Pst!"
Napalingon ako sa pinagmulan niyon. Si Jarren na naman. Bakit ba lagi ko itong nakikita?
"Oh?! Ginagawa mo dito?"
Lumapit siya sa akin at pinagsiksikan ang sarili sa inuupuan ko.
"Bakit ba ang suplada mo? Ang aga aga pa." he tsk-ed.
"Bakit? May oras ba dapat ang pagsusuplada?" tinaasan ko siya ng kilay. "At saka, hindi ko talaga ma-gets kung bakit lagi tayong nagkakatagpo, 'no?"
Tumawa lang siya sa akin. "Malay ko din."
We went silent after that.
Linggo nga pala ngayon. Kaya pala ang daming taong dumadaan. Karamihan siguro sa kanila ay galing simbahan.
Hindi ko alam kung kailan ako huling beses na nagsimba. I'm not that religious or fan of religious act na kagaya ng iba ay pumupunta sa simbahan kada linggo. Pero hindi naman ibig sabihin non ay hindi na ako maka-Diyos.
For others kasi, if you do not go to church they will say na hindi mo kinikilala si God. They will say you never give time for Him. Pero little did they know, kalimitan mas may respeto pa sa Diyos ang mga taong hindi palasimba. Dahil they prayed at home, they talked to God in silent. Hindi na kailangang ipangalandakan sa iba na pumupunta sa church just to be called religious.
Aminin natin, marami tayong kilalang ganun. Iyong kung umasta pagnasa simbahan ay napakabuti, pero kapag nakalabas na sa simbahan, panay ang judge at kenemerot sa ibang tao.
Hayst. Nahuhugasan ba talaga ng simbahan ang kasalanan?
I tilted my head.
"Tapos ka ng mag-isip?"
I forgot that Jarren was on my side. Napatingin ako dito. He was just looking at me too.
"Tara mag-milk tea." tumayo siya at pumunta sa harap ko. "Diyan lang naman sa malapit."
"Milk tea?" inulit ko pa. "Ang shala mo naman. Mag-milo kana lang!"
"Cravings ba."
Napangiwi ako. Parang buntis naman 'to. May cravings pang nalalaman.
"Ang mahal naman ng cravings mo uy!"
He smiled at me. "Samahan mo na ako. Treat ko."
Hinila na niya akong patayo matapos magpa-cute. Amputa. Yayamanin ba talaga 'to? Ako kasi nagmi-milk tea lang pag may extra allowance ako, pero ito? Nanlilibre pa talaga?
Malapit lang sa 7/11 ang milk tea shop na pinuntahan namin. May takoyaki rin silang tinda. Bumili din siya non.
"Sa bahay nalang natin kainin."
"Ha?" napalakas ata ang pagkasagot ko kaya pati ang vendor ay napatingin sa akin. I looked at Jarren to gave him a confuse look. "Anong sa bahay?"
"Sa bahay ko." pinasingkit niya ang mga mata niya. "Kung gusto mo...sa bahay niyo."
I cussed. "No way! Pag sa bahay ka namin pumunta, baka kahit ref ay mabuhat ni Mama maihagis lang sa mukha mo!"
I can imagine that.
He just chuckled. Akala yata ay nagbibiro ako.
"Edi sa bahay ko nalang. Hindi nanghahagis ng ref si Mama."
Napangiwi nalang ako. Pati si ate vendor ay napapangiti sa amin.
Dalawang oreo cheesecake milk tea ang in-order niya. Ginaya niya lang naman ang sinabi kong flavor. Tapos iyong takoyaki na binili niya.
Siya ang may bitbit ng binili niya at nakasunod lang ako. Nakamasid lang ako sa paligid. Iniisip kung bakit ako napapayag nitong sumama sa kaniya.
He seems nice naman. Pero, how can he easily make me accept everything? Hindi ko nga ma-imagine na pupunta ako sa bahay nila, pero deretso lang naman akong nakasunod sa kaniya. Kung makikita ako ni Eydel, jusko! Sigurado akong tatawa tawa na naman iyon.
Nasa tapat na kami ng bahay nila. Kulay white ang pintura ng bahay nila at sakto lang ang laki nito. Pagkasarado niya ng gate ay napamasid ako sa paligid.
Their house is giving childhood core. Iyon bang pagmasdan mo lang ang paligid ay lahat ng alaala sa kabataan mo ay maalala mo, yung masaya hanggang sa malungkot na alaala.
"Medyo malayo na sa moderno ang bahay na 'to. Pero wala akong balak ipa-renovate." he said.
Napatingin ako sa kaniya. "Bakit parang ang tahimik ng bahay niyo?"
Ngumiti lang sya. "Matagal ng tahimik dito."
Inaya na niya akong pumasok sa loob ng bahay nila. I was kind of hesitant at first, pero inaya niya akong pumasok.
The inside of their house looks good for me. Malinis lalo pa at puti rin ang pintura. Tapos iyong mga gamit nila, antique.
"Lirabelle, inumin mo na ang milk tea mo." he called me. Nasa kusina pala siya.
Namangha rin ako sa kusina nila. Ang cute ng table at mga upuan. It looks old but classy. I love a furnitures like this.
Naupo ako sa upuan katabi niya at saka tinusok ng straw ang milk tea ko.
"Kaya pala ang tahimik dito, ikaw lang ang tao." tumingin ako sa kaniya. "Nasan ang parents mo?"
Sinubo muna niya ang takoyaki bago tumingin sa akin. "Nasa sementeryo."
Tumango tango ako. "Ah, may dinadalaw?"
"Six years na sila doon."
Para akong nag-frozen sa kinauupuan ko.
"H-ha?"
He took his look away.
"They are dead."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top