CHAPTER 4

Tap POV





Pagdating ng hapon ay dumiretso agad ako sa room niya. Kahit naman na nasaktan ako mahal ko parin siya.






Sabi nga nila alagaan at ingatan mo ang taong mahalaga at minamahal mo. Kaya gagawin ko iyon upang ipakita kung gaano ko siya kamahal.






Pagdating sa room niya ay naghintay lang ako sa tapat ng pintuan.






"Sige, umuwi ka na malditang Dyosa. Tsaka, ikaw na lalaki ka huwag mong ipunta sa kung saan saan itong babaetang 'to hah, baka mamaya kung ano pang mangyari."






"'Wag kang mag-alala dahil iingatan ko talaga siya." Rinig kong usapan nila sa loob.






Maya maya pa ay lumabas na siya kaya nakangiti ko siyang hinarap ngunit napawi iyon ng makitang magka hawak kamay sila ng lalaking kasama niya kahapon.






"Ahm, hi. I-ihahatid na kita—"  agad niya akong pinutol.







"Huwag na. Tsaka sinabi ko naman na sa 'yo na huwag mo nang gawin iyan. Tsk. Nakakaistorbo kalang ng buhay ng may buhay." Mahahalata ang pagka-irita sa boses niya.






Lumingon ako sa lalaking nakahawak sa bewang niya, nakita ko itong ngumisi kaya nainis ako dala ng pagka-asar sa kaniya. Malungkot ko na lamang na tiningnan siya.






"S-sige."







Nang makaalis na sila sa harapan ko ay umalis narin ako. Wala naman na akong magagawa doon.






Wala naba talaga akong pag-asa sa kaniya? Ayaw ko ng saktan ang sarili ko pero hindi ko naman mapigilan.





Hayst. Minsan nagsasawa na rin ako sa salitang Mahal.





DUMAAN ANG ARAW, linggo at buwan. Hindi ko na inulit ang madalas na pagsundo sa kaniya sa room niya.






Ano pang saysay kung mayroon nang susundo sa kaniya at magmamahal na kayang niyang suklian. Hinihiling ko nalang na sana hindi siya saktan ng lalakeng iyon.






Kung hindi ay haharap siya sa mga kamao ko. Kahit naman babae ako kaya ko parin siyang patumbahin ng ilang minuto lamang.






Kahit naman na gano'n ay mahal ko parin siya. Hindi magbabago iyon. Kaya ko siyang protektahan kahit iba na ang kasama niya.





Tsaka Move on? Hindi ko alam ang salitang iyan dahil binaliw ako ng pagmamahal ko sa kaniya pero kung kaya ko naman. Kaya. Kung gugustuhin ko.





"Yes! Yuhoo! Naka pasa ako." Sigaw ni Eman ng makita ang form niya.






Ngayon ang last day ng pagiging Senior high namin at bukas na ang Graduation.







Masaya ako para sa aming dalawa dahil pareho kaming nakapasa. Hindi ako makapaniwala na matatapos ng gano'n kadali ang pagiging senior namin.






Pagkatapos ng graduation ay maghihiwalay hiwalay nakami. Sa Law school kasi mag-aaral si Emanuel habang ako naman ay sa Isang Private University and ang course ko ay Business Management.






Ayaw ko sanang mahiwalay sa kaniya kaso ang mga magulang niya ay strikto. Wala na rin naman na kaming magagawa.







ARAW NA NGAYON ng Pagtatapos mula sa Senior high. Isa ako sa top 10 which is Highest honor at pati narin si Eman kaya nakatanggap kami ng medal.






Pagkatapos ng mahabang proseso ng Graduation ceremony ay nagkalat na ang lahat ng istudyanting nagtapos ng Senioryear sa gym.







Ako naman ay kasama sina Mama at Papa habang kumukuha ng litrato, pati si Eman.







"Congrats anak ko. Nagmana ka talaga sa akin." Saad ni Mama at pinisil ang pisnge ko agad naman akong umangal doon.






"Anong sa'yo nagmana. Sa akin kaya" sagot naman ni Papa. At 'yon na naman sila, nagtatalo kung saan ko namana ang katalinuhan ko.






Nakangiti akong pinagmamasdan sila. Walang balak na awatin. Ito ang pinapangarap ko na mangyayari sa akin at sa future partner ko which is ang babaeng mahal ko ang iniimagine ko.






Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. Lalo na si Papa kay Mama. Kahit naman minsan pangit ang ugali ni Papa ay napaka sweet at pinupuno niya ng pagmamahal si Mama at ako.





Gano'n rin sana ang gusto kong mangyari sa babaeng mahal ko kaso, Hindi na mangyayari.





Speaking of.





Nakita ko siya sa di kalayuan mag-isa habang nakatingin sa Cellphone nito. Wala itong kasama kaya nagpaalam muna ako kila Mama bago lumapit sa kaniya.





"Ahm. Congrats." Bati ko dito.





Inangat naman niya ang ulo niya.  Napigil ko ang hininga ko.





Bakit ba inlove na inlove ako sa kaniya na dumating na sa puntong kapag titingin siya sa akin ay parang luliwanag ang paligid niya at maraming nagliliparang mga paro paro sa paligid niya?





"Hmm. Same to you." Maikli nitong saad.





Agad naman akong kinabahan, hindi ko alam ang sasabihin ko.





Nagpaalam nalang ako sa kaniya na aalis na ako. Tumango lang siya ng hindi tumitingin sa akin.




Talagang hindi na nga magbabago ang pagtrato niya sa akin. Hayst. Sana talaga. Matapos ang paglipas ng araw, makita ko pa siya. Pangako ko na hihintayin ko talaga siya.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top