CHAPTER 3
Tap POV
"Tap bilisan mo baka maunahan nila tayo sa pila!" Sigaw ni Eman. Tumayo naman na ako at patakbong sinundan siya.
Pagpasok namin sa cantena ay agad na siyang bumili ng makakain pati narin ako. Nang makahanap ng mauupuan ay tahimik na kaming nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay nahagip ng mata ko ang grupo na magkakasama sa isang table set hindi kalayuan sa pwesto namin.
Doon nakita ko siya, ang babaeng mahal ko. Wala paring kopas ang kagandahan niya, para ngang araw araw ay gumaganda pa siya lalo at ako naman araw araw na nahuhulog sa kaniya.
Mahigit isang linggo narin ang lumipas ng mangyari ang pangyayari na 'yon sa parking lot.
Hindi ko nalamang inisip iyon at nagpatuloy sa araw araw kong ginagawang pagsundo sa kaniya sa kanilang room tuwing uwian.
Hindi narin nama niya osinambit muli ang mga salitang makapagdudurog ng puso pero hindi na niya ako kinakausap sa mga nagdaang araw.
Pero ok lang iyon, at least nakakasama ko siya kahit na saglit lang. At kahit na labag sa kaniyang kalooban.
"Tama na ang pagpapantasiya sa kaniya Taptap. Baka mamaya malunod ka na naman." Nabalik ako sa ulirat ng mag salita ang kaibigan ko.
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Lagi nalang talaga akong nilulunod ng imahinasyon ko.
ISANG LINGGO NA naman ang nagdaan pero hindi niya parin ako pinapansin.
Will lagi naman niya akong hindi pinapansin pero ito ay iba, hindi na siya nagsasalita kahit na masasakit na salita ang sinasabi niya wala. Namimiss ko na ang boses niya.
Ngayon ay papunta na naman ako sa Room niya para sunduin siya. Nandiyan na naman ang nararamdaman kong pagkasabik na muli siyang makikita ngayong araw.
Mag-isa lang ako dahil umuwi ng maaga ang kaibigan ko.
Medyo na late rin ako ng ilang oras sa pagpunta sa room niya kaya nagmamadali akong naglakad papunta doon. Usually kasi ay masnauuna pa ako sa break time nila.
Sana hindi pa siya umuwi. Hindi mabubuo ang araw ko kung hindi ko siya makikita.
Nagtaka ako ng makitang nakasarado ang pinto ng room nila madalas kasi ay laging may naiiwan dito hanggang mga 5 ng hapon.
Nakarinig naman ako ng mga kaluskos sa loob kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto ngunit agad ding nagsisi.
Ang sinaryong napapanood ko ngayon ang siyang tuluyang dumurog sa puso kong dati nang wasak. Pinong pino na ata ito ngayon dahil sa mga oras na ito na nasisilayan ko ang hindi ko inisip na mangyayari.
Biglang sumakit ang mata ko tanda na lalabas na ang mga luha ko. Tatraydurin na naman ako ng mga luha ko.
Nanigas ako sa kinakatayuan at nanginig ang mga tuhod. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Naninikip ang dibdib at para ba ay tumatakbo sa milya milyang layo.
Hindi ko alam ang gagawin kaya agad akong umalis sa lugar na 'yon at pumuntang parking lot. Hindi ko kaya ang manatili pa doon.
Pag-uwi ay agad akong tinanong ni Mama na galing sa kusina, wari ko ay nagluluto ng panghapunan.
"Anak umiyak kaba?" Nag-aalala nitong tanong habang naglalakad papalapit sa akin. Agad ko siyang sinagot.
"Hindi po tsaka bakit naman po ako iiyak 'Ma 'e ang laki laki ko na tsaka sabi nga ni Papa Hindi lalaki ang umiiyak. Kaya nga matangkad ako ngayon, 'di ba." Biro ko dito.
Hindi naman nawala ang pag-aalala ni Mama. Binigyan ko nalang siya ng ngite na alam kong pagagaanin ang loob niya, matapos mapunasan ang basa kong mga pisnge.
Hinaplos niya ang pisnge ko bago ako niyakap. Wala sa sarili na namang nagsituluan ang mga luhang nag-uunahan sa mga pisnge ko. Niyakap ko siya pabalik at isinubsob ang mukha sa kaniyang balikat.
"Anak, kung ano mang problemang pinagdadaanan mo huwag kang magdalawang isip na sabihin sa akin dahil Mama mo ako." Bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang tono.
Mas humigpit ang yakap ko kay Mama, umiiyak sa kaniyang balikat na para bang isang batang siniraan ng laruan ng kaniyang kaklase.
Gusto kong sabihin sa kaniya na ang problema ko ay ang puso ko. Bakit ba kasi kailangan ng matagal na panahon para makalimutan ang taong minamahal mo na hindi naman kayang ibalik ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kaniya?
Hindi ba ako sapat? O baka dahil sa babae ako, at talagang hindi niya kaya o hindi niya nais ang babaeng magmahal ng kapwa babae. Hindi ko alam. Nalilito ako.
Gusto ko mang sabihin kaso nahihiya ako. Naiinis ako at maslallong nasasaktan ako, nagagalit sa sarili na mamahalin parin ang babaeng kahit kaylan naman ay hindi ako mamahalin.
Ayaw ko na pero gusto pa ng puso ko. Gusto ko nang sumuko kaso pinipigilan ako ng puso ko.
BUONG GABI AY umiyak ako habang nakabaon sa isipan ko ang senaryong nahuli ko.
Kaya kinaumagahan pagpasok sa iskuwelahan ay maga ang mga mata ko.
"Pfft." Biglang tawa ni Eman ng masilayan ang maga kong mga mata. Napairap na lamang ako at umupo sa salumpwet na katabi ni Eman.
Wala ako ngayon sa Mood para makipagsabayan sa kaniya. Blanko ang isipan ko ngayon inukupa na lamang ang sarili sa pagtititig sa labas ng bintana, sa mga lumalakad na mga istudyante ng Villa Rosa University.
Napansin siguro niyang wala akong balak makipagsabayan sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa.
"Ano bang nangyari bakit nagkaganiyan ang mga mata mo." Tanong nito. Nagbuntong hininga ako ng maalala na naman ang senaryong iyon.
Nakakainis. Bakit ba kasi kailangang maala-ala ng tao ang mga masasakit na kahapon. P'wedi bang kapag may nangyari ngayon na masakit 'e Automatic na makakalimutan kinabukasan?
Sinabi ko sa kaniya kung bakit. Kaibigan ko siya kaya karapatan niyang malaman ang mga nangyayari sa akin. May tiwala naman ako sa kaniya, 'yon nga lang ay baka sabihin niya kay Mama.
Ayaw kong pinag-aalala si Mama at ayaw kong malaman niya na ang nag-iisa niyang Anak na babae ay kinakawawa ang sarili at pinapaasa sa kapwa nito babae.
Kung gender ko naman ang pag-uusapan. Isa akong Homosexual, gender na nagsasaad na naaatract ako sa both gender, men and women. Isa rin akong babae na may rare condition. A Girl with a penis.
Nang matapos maikuwento ang nasilayan kahapon ay muntik pa siyang mapasigaw ng maiproseso ito. Sino rin naman kasi ang hindi magugulat.
Ang isang babaeng kilala sa University bilang isang hot gorgeous lady na NBSB nor NGSB and still virgin. Base on the student of VRU. Tapos mamamataan ko lang na may kahalikan sa Room nila, that I hate the moment.
"Walang hiyang babaeng 'yon. Wala siyang karapatan na saktan ang best buddy ko. Tara Pre sugudin natin." Akmang tatayo na siya ng pigilan ko. Walang hiya.
Ito talagang lalake na ito.
"Tumigil ka nga Emanuel. Tsaka wala naman kaming relasyon para sugudin mo siya." Tama naman sa part na iyon kaso, masakit.
"Pre kaibigan kita kaya dapat inaalagaan kita. Tinuring na kitang kapatid kaya kung sino man ang mananakit sa 'yo ay reresbakan ko."
"Tsk, kaya ko ang sarili ko tsaka 'wag ka ngang ganiyan mukha kang bakla." Biro ko.
"Anong bakla?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top