CHAPTER 2

Tap POV




''Pre saan ka na naman pupunta?" Tanong ng Bestfriend kong si Eman.




Papunta kasi ako ngayon sa Room ng babaeng mahal ko para sunduin siya. Araw na naman para ako ay umasa. Hayst.




Lagi ko itong ginagawa tuwing mauuna akong matapos ang klase kahit ayaw niya.




"Alam mo na kung saan..." Bulong ko na tiyak naman na narinig niya.





"Aish, alam mo buti nalang talaga Bestfriend kita dahil kung hindi matagal na kitang inupakan dahil sa kabaliwan mo sa babaeng 'yan."




Tinawanan ko lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Baka mamaya ma-late pa ako dahil sa pakikiag talo sa kaniya. Naramdaman ko namang sinundan niya ako, pinabayaan ko nalang rin.




Nang malapit na akong makarating sa Room nila ay nakita kong nagsisilabasan na ang iba niyang mga kaklase kaya nagmadali na akong pumunta doon.





Pagsilip ko sa loob ng Room nila ay nakita kong papalabas na siya kasama ang mga kaibigan niya.





"Oh nandiyan na pala si Ms. Manliligaw." Sabi ng isang kaibigan ng babaeng mahal ko ng makita niya ako.





"FYI hindi ko siya manliligaw tsaka kung mangyari man baka sa kanal na ako pupulutin." Medyo masakit 'yon ah.




Nakita ko ang panggigigil sa mukha ni Eman ng lingunin ko siya pero hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman niya susugudin 'tong babaeng nasa harapan ko. Kung mangyari man, kahit na kaibigan ko siya, ako mismo ang susuntok talaga sa kaniya.




"Hi." Bati ko dito. Nakaramdam ako ng kaba, pinagpawisan rin ang mga palad ko kaya pinunas ko ang mga ito sa likod ng palda ko. Shit. Hindi parin talaga ako kalma kapag kaharap siya.




Inirapan niya lang ako bago nagsimula ng lumakad papalabas ng School. 'Di bale, sanay narin naman ako sa ganiyan niyang ugali.





Sa totoo nga, isa rin sa mga nagustuhan ko sa kaniya ay ang ugali niya at kapag masungit siya. Ang cute niya kasi.




Sinundan ko naman siya. Hanggang sa makarating na kami sa parking lot.




Bigla siyang huminto na ikinahinto rin namin ni Emman sa paglakad,  magkasalubong ang kilay na humarap siya sa akin.




"P'wedi ba tigilan mo na ang pagsusunod sa akin dahil iritang irita na ako sa 'yo." Bigla nitong sabi na ikinabigla ko. Pero, hindi narin naman na ako magugulat kung sasabihin niya iyan ngayon.





Mas magugulat pa ako kung isang araw, hindi siya magra-rant patungkol sa paghahabol ko sa kaniya.





"Tsaka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kahit anong gawin mo ay hindi mo ako makukumbinsing mapasa'yo dahil kahit kailan hindi ako magkakagusto sa katulad mo." Sambi niya pa.




"At isa pa ito huh, huwag mo na ngang ipakita ang pagmumukha mo sa harapan ko dahil gigil na gigil na ako sa 'yo!" Madiin nitong sambit bago mabilis na umalis.





Wala na akong nagawa at nasabi pa. Pinagmasdan nalang ang bulto niyang papalayo sa amin hanggang sa sumakay na siya sa kaniyang sasakyan at mabilis na umalis.





"Abat, loko 'yon ah. Ang kapal ng mukha..." hindi ko na itinuon ang pansin ko sa mga sinasabi ni Eman.




Ang atensyon ko ay sa mga sinabi ng taong mahal ko.





Oo tama naman siya. Kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Sino ba naman ako para magustuhan niya?





Eh isang hamak na scholar lang naman ako dito at walang yaman kundi ang katalinuhan lang.





Putik bakit kasi ang hirap mag mahal. Ang hirap rin maging mayaman.




Akala ko dati pag nagmahal ka ay saya at kilig lang ang mararamdaman mo. Bakit sa akin, sakit ang nararamdaman ko? Pero sabi nila, lahat ng nakakaranas ng matinding pagmamahal at nakakaranas rin ng matinding sakit.




Nabalik ako sa ulirat ng bigla akong kinalabit ni Emman.





"Pre, sa mundo kapa ba?" Tanong ni Eman na ikinatawa ko nalang at napailing iling dahil sa kalukuhan niya. Si Emman talaga ang happy pill ko kapag malungkot ako o broken.





Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Maya maya ay umuwi narin kami ng matapos ang ilang sermon ng kaibigan ko.




'Kahit kailan hindi kita magugustuhan.'
Mahal parin naman kita kahit hindi mo ako magugustuhan.




Tuluyan na talaga akong nabaliw sa kaniya. Tama nga talaga si Emman at ng mga kaklase ko, baliw na baliw na talaga ako sa kaniya.





NAPABUNTONG hininga ako matapos maihiga ang katawan sa napakalambot kong kama. Nakaka-miss talaga itong malambot kong kama kapag liliban 'ko para mag-aral tapos uuwing pagod at malungkot.





Kahit na wala naman kaming ginawang activity na makakapagpaubos ng energy ko ay piling ko, grabe ko kapagod.




Siguro iiidlip muna ako ng sandali.




Iminulat ko ang talukap ng mata ng magising ako, tiningnan ang oras sa wall clock na nakalagay sa taas ng bintana ng kuwarto ko. 7:29 na pala ng gabi.





Napasarap ata ang tulog ko. Kasi pag-uwi ko sa bahay ay 4:08 ng hapon.





Kailangan ko ng bumaba para kumain. Baka mamaya mapagalitan pa ako ng buntis kong Ina. Bumangon na ako at pumunta munang bathroom para mag hilamos ng mukha.




Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko si Mama na nasa harap ng Ref na parang may hinahanap.




"Ma." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge bago nagmano bilang paggalang. Hindi naman niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa paghahanap ng kung ano sa Ref.




"Ma." Tawag ko ulit. Kumunot ang noo niya ngunit hindi parin ako nilingon. Napakamot nalang ako sa kilay.




Nang hindi niya pa ako pinansin sa pangatlong pagtawag ko ay naupo nalang ako sa dining table habang hinihintay siya.




Maya-maya ay umayos na siya ng tayo sa harapan ng ref ng makuha ang hinahanap. Nang masara ito ay naglakad na siya sa Island counter na may dalang isang gallon ng cafe icecream at kutsara.





Napakunot ang noo ko ng buksan niya iyon at nagsandok ng isang kutsarang icecream at parang hindi galing sa freezer na kinain at nginiya-nguya.





"Ma. Baka ma brain freeze ka diyan." Saway ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako at kinunutan ng noo bago tinanggal ang kutsara sa bibig.





"It's not your problem anymore." Matapos sabihin ay inirapan niya ako na ikinailing ko na talaga. Hayst, pag buntis talaga siya. Grabe niya kasungit. Wala pa naman dito si Papa.




Nagsandok nalang ako ng pagkain at kumain na. Matapos makapaghapunan na naging gabihan ko na ay hinugasan ko muna ang pinagplatuhan bago umakyat sa taas matapos maihatid ang Mama kong buntis sa kuwarto nila.




Pumasok narin ako sa kuwarto at pumuntang banyo para magsepelyo. Magandang healthy ang ngipin para naman hindi masira at makapagngiti pa ng maayos kapag nandiyan si Mahal.





Hindi ko mapigilang ngitian ang sariling repleksyon ng maalala naman ang magkasalubong niyang kilay ngunit napaka-anghel na mukha na nakatingin sa akin.




Ugh. I can't stop thinking about her kahit na isang araw lang. Kailan ka ba kasi magiging akin?




Matapos linisan ang ngipin at mag hilamos ay ibinagsak ko na ang katawan sa Kama. Hindi pa ako dinalaw ng antok matapos ang ilang minutong pagkakapikit kaya ngayon ay nakatunganga ako sa kisame ng kuwarto ko.




Napalingon ako sa side table kung saan ang mga picture frame ng pamilya ko at ng babaeng mahal ko ay nakalagay. Napangiti ako ng mahagip ng mata ko ang family photo naming pamilya.




Kinuha ko ito at pinagmasdan. Mga nakangiting mukha naming lahat ang nasa larawan.




Ako, sina Mama at Papa, at ang mga kapatid kong makukulit pero cute. Apat kaming magkakapatid, hindi pa counted ang dalawang nasa tiyan ni Mama. Big family? Sakit sa ulo daw nito kasi ang daming anak.




Pero kami, sobrang maayos at napakabuti ng pamilya namin.





Ako ang panganah sa lahat kaya ako ang unang naturuan ng mabuting diseplena ng mga magulang ko. Kaya ng sumunod na ang tatlo ko pang kapatid, ako na ang naging gabay nila. Madalas kasing wala si Papa dito dahil sa trabaho niya, si Mama naman ay nandito lang rin naman sa bahay pero ako ang umaako na mag-alaga na sa mga kapatid ko dahil nga panganay ako.




Nang makuntento na kakatitig sa larawan ng pamilya ko ay ibinalik ko na ito sa kinalalagyan niya kanina.




Napatingin naman ako sa isang larawan na katabi lang ng family pic namin. Larawan ito ng taong mahal ko, kung saan lagi akong umaasa at nagpapaka-martyr.





Isa itong stolen pic. Ako pa mismo ang nagkuha, para ngang kinuha lang sa isang app ang picture niya dahil ang ganda ng pagkakakuha nito at isa pa na napakaganda ng kinuhanan.





Hayst. Kung talagang magiging akin siya, labis ko talagang ikakasaya iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top