Chapter 9
Chapter 9 | Impressed
Huli na noong nabasa ni Xamuel ang naging usapan ng kanyang mga kaibigan. Bumawi kasi siya ng tulog ngayong araw kaya tanghali na nagising. Pakiramdam ni Xamuel ay ito na ang pinakamatinong tulog niya sa buong taon at para bang ngayon niya lang din naramdaman lahat ng pagod.
Wala ang mga magulang niya at ang sabi ng kanilang kasambahay, kasama ni Chade ang kapatid niyang si Jiyan. Mag-isang kumain ng almusal si Xamuel at pagkatapos, naligo upang mapreskuhan ang katawan. Balak niya sanang mag-binge watch ng Marvel movies ngunit nawala agad ang kapayapaan niya.
"Saan po si Muel?" tanong ni Lion kay Ate Ynah, ang kasambahay nila.
"Muel! Lumabas ka diyan!" sigaw naman ni Frost at humalakhak.
Samantalang tahimik na nagtatanggal ng sapatos si South sa harap ng pintuan. Puta, bakit sila nandito? Hindi na-inform si Xamuel na bibisita ang mga kaibigan niya ngayon dahil wala ring nag-message sa kanya tungkol dito.
"Huy, ang ingay mo na agad," sita ni Xamuel kay Frost sa pagpasok niya sa living room.
Lumiwanag ang mukha ng tatlo nang nakita si Xamuel. Mga naka-itim silang t-shirt na akala mo'y pinag-usapan ang dapat suotin ngayong araw. Bitbit nila ang kanya-kanyang mga skating board na pinalapag na lang ni Xamuel sa likod ng sofa para hindi makasagabal sa daan.
"Bakit dito naman kayo dumiretso pagkatapos?" tanong ni Muel sa mga walang hiya niyang kaibigan na nagsi-upo agad sa sofa.
"Pinakamalit, e," tipid na sagot ni Lion.
"Inaya ko sila sa condo ko pero ang bibilis tumanggi," sabi ni Frost.
"Baka kasi ano pa makita namin do'n," komento ni South.
Napailing na lang si Xamuel. "Anong gusto niyo? Juice? May menudo pa pala kami rito. Kain kayo?"
"Yun, oh! Perfect timing pala pagpunta natin," nagagalak na sabi ni Frost.
"Oh, 'di ba? Kung sa condo mo kami pumunta tutunganga lang kami," sabi ni Lion.
"Marunong naman akong magluto! Ipagluluto ko kayo!"
"Mamamatay pa kami sa luto mo," kontra ni South na kinatawa nila.
Tumayo ang tatlo para pumunta sa dining table kung na saan ang pagkain.
"Ate Ynah, pakitimplahan na lang po sila ng juice," paki-usap ni Xamuel sa kanilang kasambahay.
Hindi ito ang unang bisita ng mga kaibigan niya kaya ganito na sila umasta, na para bang pangalawang bahay na nila ito. Kilala na rin sila ni Ate Ynah at madalas pa ngang makabiruan ni Frost.
"Anong juice gusto ninyo?" natatawang tanong ni Ate Ynah.
Nagtaas ng kaliwang kamay si Frost dahil may laman pa ang bibig niya. "Tang, Ynah!"
Nanlaki ang mga mata nila at mabilis na nilingon si Frost. Saka sila natawa nang napansin ang reaction ni Ate Ynah. Gulong gulo ang kasambahay dahil hindi niya matukoy kung sinagot ba siya ni Frost o minura.
"Tang ina?" ulit ni Ate Ynah na mas nagpahalakhak sa lahat.
"Tingin ko po Tang na juice ang sabi ni Frost, 'te," naiiyak na sabi ni Xamuel. "Pasensya na po, alam niyo namang medyo nag-iiba ugali ni Frost 'pag gutom."
Ate Ynah chuckled. "Ayos lang! Loko talaga 'tong si Frost. Oh siya, kumain na kayo habang hinihintay ang Tang na juice."
"Sorry po, Ate Ynah. Hirap na hirap na kasi akong lumunok kanina."
Umupo na ang mga kaibigan niya at kanya-kanyang nagsandok sa mga plato. Umupo na lang din si Xamuel sa harap ni South para hintayin ang juice.
"Hindi ka kakain?" Lion asked.
Umiling si Xamuel at tamad na sumandal. "Kakakain ko lang dahil ngayon lang din ako nagising."
"Okay lang bang ubusin na namin 'to?" South asked as he took a small amount of Menudo.
"Tanong ko si Mama, saglit lang."
"Mga brad, magtatagal pa ba kayo rito?" tanong ni Xamuel.
Nilapag ni Ate Ynah ang hiniling nilang juice kaya nagpasalamat muna sila bago bumalik sa topic.
"Kung uuwi na sila, sasabay na ako," sabi ni Lion.
"Dito muna tayo saglit. Ang init pa sa labas, e," South suggested. "Parang tanga kasi magyaya anong oras na."
"Sumama naman kayo?" Frost blurted.
"Pwede naman pero aalis ako mamayang 5:30. Isasama ako ng magulang ko sa dinner nila kasama 'yong dating high school friend ng tatay ko. Engineer daw kasi at gusto rin akong makita," Xamuel said.
"Ah, 5:30 pa naman pala. Alis na lang din kami pag-alis mo–"
"Alis na tayo kahit mga 4. May gagawin pa ako," South suggested that everyone agreed to in the end.
They spent their entire time playing console games in the living room. Buhay prinsipe ang mga loko dahil naka-aircon pa at may kanya-kanyang snacks pa. Halos mabutas na nina Frost at South ang game consoles kakapindot dahil matatalo na ang team nila sa basketball.
Ngiting ngiti naman si Lion dahil hindi na talaga sila maabutan ng dalawa. Walang katapusang trashtalk naman ang ambag ni Xamuel habang binubuhat siya ni Lion. Sa huli'y nanalo sina Lion at Xamuel na hindi labag sa loob ng dalawa.
"Tang ina nito ni Muel, nanalo ka lang naman dahil binuhat ka ni Li. Huwag kang mayabang, boy!" South grunted.
"Aba, e 'di sana ginalingan niyong talunin si Li! Dalawa na nga kayo, e," Xamuel laughed.
"Sabi ko kasi sa 'yo pass mo sa 'kin yung bola para na-shoot ko ng tres!" sisi ni Frost kay South.
"Bobo ka namang shooting guard! Sa dami mong sinubukan, dalawa lang pumasok," South nagged.
Halos may usok nang lumabas sa ilong ni Frost sa sobrang irita. "Di ako tumatanggap ng criticisms galing sa tatanga-tangang center. Ikaw lang ang center na 'di marunong kumuha ng bola at naaagawan pa!"
Lion laughed. "That's why you guys didn't stand a chance."
Sabay na umirap sina South at Frost dahil wala naman silang masasabi sa laro ni Lion. Napakaayos at sobrang angas na akala mo'y totoong NBA play ang pinapanood mo.
"Sinuwerte lang talaga si Xamuel sa partner," Frost said.
"Pag inggit, pikit," Xamuel uttered.
"1V1 oh?" hamon ni Frost na tinawanan lang ni Xamuel.
"Gago, 5 na. Uwi na tayo," sabi ni South na siyang nakapansin ng oras.
"Eh? Rematch na lang sa totoong basketball. Ano, Muel?"
Tumayo si Xamuel para patayin na ang laro. "Katamad. Tanggapin mo na lang na natalo kita ngayon. Ang tanging masasabi ko lang ay better luck next time."
Hindi naman kasi mahilig sa sports si Xamuel pero marunong siya sa swimming, basketball, at table tennis. Kahit ang tatlo niyang mga kaibigan ay 'di rin active sa sports.
Mas gugustuhin pa ni Lion mag-solve ng calculus kaysa tumakbo at mapawisan. Mas pipiliin pa ni South matulog kaysa kumilos. Si Frost lang ang medyo active physically sa kanila dahil mukhang plano niyang maging gym rat.
Sa skating lang din talaga sila nagkakasundo dahil lahat ay marunong at hindi na pang-beginner ang skills. Kung hindi lang puyat si Xamuel ay malamang sumama na rin siya kanina sa mga kaibigan. Medyo may katagalan na rin kasi mula noong huli nilang skate.
"Next time sumama ka na," sabi ni Lion habang hinihintay sina South at Frost na talagang nagsi-toothbrush pa bago umalis.
"Oo naman. Puyat lang talaga nitong nakaraan. Kinausap ko si Klassey kagabi," kwento ni Xamuel.
"Hoy, ano 'yan?" usisa ni South.
"Hoy, South!" sigaw ni Frost mula sa rest room. "San mo nilagay 'yong toothpaste? Gago ka! Ayaw mo 'kong pauuwiin?"
Kumunot ang noo nina Lion at Xamuel habang pilit na pinipigilan ni South ang paghalakhak.
"Nandiyan lang sa sink!" sigaw ni South.
"Ano yung sink, gago!"
Hindi makapaniwala ang tatlo kaya napahalakhak sila na tila ba katapusan na ng mundo.
"Putang ina mo, Frost. Sink lang 'di mo pa alam? Akala ko ba Englisher ka? How many age is you living?" sabi ni South na naging sanhi ng pagbagsak ni Xamuel sa sahig katatawa.
"Tama na kayo, ang sakit na ng mukha ko katatawa," iyak ni Lion.
"Gago! Alam ko ang sink! Ang dami kasing sink dito! Nakita ko na! Salamat, ha! Ako talaga happy pill ninyong tatlo, e!" sigaw ni Frost at kahit pa pinilit niyang magsungit, halata namang natawa rin siya sa sarili niyang katangahan.
🌻
"Nandito na tayo, Muel," paalam ng ama ni Xamuel na siyang naging senyales ni Xamuel na ayusin muli ang sarili at ang kapatid.
Naka-dark blue siyang polo at puting pants para magmukhang medyo pormal sa harap ng kaibigang engineer ng papa niya. May suot din siyang silver na mamahaling relo sa kanang kamay. Inasar pa siya kanina ni Frost dahil baka raw blind date talaga ang lakad niya.
"Ano nga po ulit pangalan ng kaibigan niyo, Pa?" Xamuel asked as his father skillfully parked their car in a vacant space.
"Si Tito Myles Delisismo mo."
"Ayos lang po bang tito ang tawag at hindi engineer? Medyo nakakahiya pala ngayong nandito na tayo," natatawang tanong muli ni Xamuel.
"Ano ka ba? Sobrang close nila ng papa mo noong high school kaya ayos lang na tito ang tawag," his mother said. "Pero kung gusto mong magpa-impress, sige, engineer na lang itawag mo."
"Sige, engineer na lang para formal din," sabi ni Xamuel.
They all got out of the car afterward. Jiyan was walking beside their mother with hands intertwined while Xamuel walked near his father to ask more about his old friend. Xamuel couldn't remember if his parents had ever mentioned Engineer Myles before, so he took this chance to learn a little about him before the meeting.
"Ang galing naman, saka lang kayo ulit nagkita noong nasa trabaho na," manghang komento ni Xamuel. "And now po, he wants to collaborate with you to run a firm? That's a good idea po."
"Oo at kung magkataon, kayo ng anak niya pa ang kauna-unahang makakatrabaho din sa firm," his father said that caught Xamuel's interest.
"Oh, may anak din po siyang interested sa engineering?"
"Oo pero hindi pa raw decided kung sa architecture or engineering ba. Ang maganda roon ay bata pa lang interesado na sa field na kukunin."
Medyo may kalayuan ang nilakad nila galing sa parking patungo sa kainan. Sa Eastwood kasi nila sinet ang meeting para na rin daw makagala pagkatapos dahil magaganda ang mga disenyo ng siyudad ngayong holiday season.
Pumasok sila sa isang seafood restaurant na halos puno na ang mga upuan. Sinundan ni Xamuel ng tingin kung saan lumilingon ang tatay niya at sa bandang kaliwa siya may tinuro.
"Ayon sila."
Dahil sa dami ng mga tao, medyo natagalan silang makalapit sa lamesa kung na saan ang pamilya ni Engineer Myles. Binuhat pa ni Xamuel si Jiyan dahil baka maipit sa daan. Binaba niya ang kapatid nang sa wakas ay nasa harap na sila ni Engineer Myles.
"Kumusta, Arlo?" masayang bati ni Engineer.
"Ayos lang, Myles! Hello, Caramel. Kumusta?" bati rin ng kanyang ama sa asawa ni Engineering Myles.
"Okay lang din! Hello, kumare, ang blooming natin today, ah!"
Natawa ang mama ni Xamuel sa puri ng asawa ni Engineer.
"Oh, ito ba si Xamuel?" manghang tanong ni Engineer Myles nang dumapo sa kanya ang mga mata nito. "At si Jiyan! Nako, napaka-cute!"
"Oo, ito si Jiyan, ang bunso namin. Xamuel, si tito mo Myles na kinukwento ko sa 'yong kaibigan kong engineer."
"Good evening po, Engineer–"
"Ay, kahit tito na lang, Xamuel! Ang laki mo na at may hitsura, ah! Siguro dami mo nang naging girlfriend," halakhak ni Tito Myles.
Xamuel chuckled. "Isa pa lang po! Hindi pa nga po ako pinapansin, e."
"Ay, bakit? Dapat suyuin mo, magbabagong taon pa naman na!"
"Balak ko nga po, Tito, pero mahirap, e," natatawang sabi ni Xamuel.
"Ay, nandito na ang unica hija namin. Yara," tawag ni Tita Caramel sa likuran ni Xamuel.
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel at inakala pang baka namali lang siya ng rinig. Mabilis siyang umikot para tingnan ang babaeng kadarating lang at nakatayo na ngayon sa gilid ni Tito Myles.
Nagtagpo ang mga mata nina Xamuel at Yara, mukhang hindi rin inasahan ni Yara na makita si Xamuel ngayong gabi. Nakaputing long sleeve turtle neck siya at red checkered skirt. May suot din siyang itim na fur coat at mukhang ginaw na ginaw kahit galing sa labas. Hindi nawala ang karaniwang suot niyang puting headband at eyeglasses.
"Lamig na lamig ka ba, Yara?" tanong ng ama ni Xamuel.
Yara smiled shyly. "Ah, mahina lang po talaga ako sa lamig."
"Yara, si Xamuel, ang anak ni Tito Arlo," pakilala ni Engineer Myles.
"Hello," Xamuel casually greeted her. "I know Yara po since we're schoolmates."
"Really? That's good to hear!" Tita Caramel said. "Why don't we sit down na and order? Mahaba-habang kuwentuhan pa naman ang mangyayari."
Everyone agreed to her suggestion. Xamuel sat beside his father while Yara sat in front of Xamuel beside Engineer Myles. Yara took out her phone, which startled Xamuel. Seconds later, he felt his phone vibrate against his skin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top