Chapter 7

Chapter 7 | Right

"Lion," tawag ni Xamuel sa kaibigan habang abala ang buong klase sa pagpaplano para sa Christmas Party.

Katatapos lang ng oras nila sa pre-calculus at binigay na ang natirang isang oras pang free time. Na sa parehong grupo sina Lion at Xamuel na mga naatasang magbigay ng ambag para sa pagkaing naka-assign sa kanila.

"Oh?"

"May tanong ako."

"Go on," naguguluhang sabi ni Lion.

Alam kasi niyang diretsahan magtanong si Xamuel. Naramdaman niyang mukhang seryoso ang tanong ni Xamuel ngayon dahil nagpaalam pa.

"Nagkaroon na ba kayo ng malalang away ni Nia dati?" tanong ni Xamuel.

Si Herminia ang girlfriend ni Lion at Nia ang madalas na tawag sa kanya. Ang alam ni Xamuel, magkakilala na ang dalawa mula noong grade 7 pero naging sila lang noong grade 10. Parehong matalino ang dalawa na tipong ang past time nila ay i-recite ang buong periodic table.

Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Lion. "Paanong malalang away?"

"Tipong nahirapan kayong magkaayos..."

Saglit siyang tinitigan ni Lion. "You mean like what's happening between you and Klassey?"

Xamuel sighed and just nodded. Wala naman na siyang matatago pa kay Lion.

"Wala pa naman pero misunderstanding, mayroon. Mabilis lang din kaming nagkaayos dahil napag-usapan. Bakit mo natanong? Hindi pa rin kayo okay ni Klassey?"

Umiling si Xamuel at muling sumagi ang huling kinuwento ni Yara sa kanya. "Narinig kong kaya rin pala nakipag-cool off si Klassey ay dahil napahiya ko siya."

"Huh?" iritadong sabi ni Lion.

"Ewan ko na talaga, brad. Gusto kong magwala kahapon sa music room sa sobrang galit tapos 'di ko pa alam kung kanino o saan ba ako nagagalit. Parang pinamukha ni Klassey na kasalanan ko pa ang nangyari."

Napairap si Lion sa narinig. Hindi siya makapaniwalang gano'n kababaw ang dahilan ni Klassey para humantong sa cool off. Hindi naman mapanghusga si Lion, sadyang honest lang. Madalas ay pinipili ni Lion na manahimik lalo na't kapag hindi naman tinatanong ang kanyang opinion dahil may pagkakataong hindi niya napipigilan ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Noon pa man ay 'di na sila masyadong magkasundo ni Klassey dahil madalas pagbawalan ni Klassey si Xamuel sa kung ano-ano. Kahit nga ang simpleng gala nilang magkakaibigan ay pinagbawalan si Xamuel kaya ang ending, 'di na lang sila tumuloy noon.

Marami pang mga pangyayari noon na nagpairita kay Lion dahil sa pagtrato ni Klassey kay Xamuel pero nanahimik lang siya. Alam ni Lion ang lugar niya bilang kaibigan at kilala niya naman si Xamuel kaya may tiwala siya. Iyon nga lang, mukhang nakakabulag talaga ang pag-ibig.

"Maybe it's time for you to accept the reality already," Lion said. "Stop being in denial. Kalat na sa buong grade 12 na may bagong ka-M.U si Klassey, partida isang linggo pa lang mula noong nag-cool off kayo."

"Sabi-sabi pa lang naman 'yon, hindi pa totoo!"

"Mabubuo ba ang chismis na iyon kung walang ibang nakakapansin? Totoo man o hindi, paniguradong may nagaganap na kina Klassey at do'n sa Derrick."

Xamuel tried to chuckle to lessen his nervousness. "Gusto mo ba akong mag-overthink?"

Umirap muli si Lion. "Hindi ko 'yan sinabi para mag-overthink ka. Sinabi ko 'yan para magising ka. Hindi ko naman sinasabing maghanap ka na rin ng iba. Ang akin lang, huwag kang magpakatanga."

Dahan-dahang kumalma ang mga balikat ni Xamuel. "But I don't want to give up on her. Hindi naman ako gano'n kahina para sumuko agad."

Lion stared at Xamuel for a couple of seconds. He knew Xamuel was never the type to give up quickly after losing. Xamuel could be too soft sometimes, especially to people he likes, which could be an immense pain for him. Since Xamuel often cares for others, he tends to forget himself, and sometimes, resiliency is also not a good trait.

"Oh but you're now hurting. Ba't mo ba ini-invalidate sarili mo? Hindi mo kasalanan ang nangyari sa surprise kaya huwag mong saluhin ang sisi. Kung hindi maintindihan ni Klassey 'yon dahil sarili niya lang ang iniisip niya, siya na ang may problema," Lion said.

Parang walang narinig si Xamuel. "Balak kong maghintay muna. Baka after ng bakasyon bumalik na siya."

"Putang ina," pabulong na mura ni Lion. "Bahala ka nga."

"Ano? Bakit?" Saka lang nagising si Xamuel sa sariling mundo at napakurap nang ilang beses.

"Wala, sige, maghintay ka hangga't kailan mo gusto."

Kumunot ang noo ni Xamuel. "Bakit ka nagagalit?"

Hindi na muling nakasagot si Lion dahil bigla na lang sumulpot si Frost sa tabi ni Xamuel. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Ba't ka nandito? Tapos na kayo ng grupo ninyo?" iritadong tanong ni Xamuel.

"Ang sakit mo naman magtanong. Oo, tapos na kami. Yayayain sana kita bumili ng tubig sa canteen. Ayaw ni South lumabas, e."

"Hindi mo ba kaya mag-isa?"

"Sige na, samahan mo na 'ko!" pilit ni Frost.

"Samahan mo na, 'di 'yan matatahimik hangga't 'di ka sumusunod," mapang-asar na sabi ni Lion.

"Salamat, ah? Hindi mo man lang ako tinulungan," naiiyak na sabi ni Xamuel bago tuluyang tumayo at naglakad palabas ng kanilang silid.

Malawak ang ngiti ni Frost sa gilid ni Xamuel dahil napapayag niya ang kaibigang samahan siya sa canteen. Most of the time, Frost would annoy them just to solve his boredom. He may not look like it, but Frost has countless hobbies. Frost always seeks to try new things because he can quickly get bored with something.

They always try to get along with Frost's ideas and whims to avoid the worst-case scenario. Frost has a hidden trait they do not wish to emerge: his recklessness and impulsiveness. Frost could be harder to handle if his "menace mode" activates.

Sa tagal nilang magkakaibigan, nakasanayan na lang nilang pakisamahan si Frost para hindi na maulit ang nangyari noon na nag-iwan talaga ng trauma sa kanila. Just thinking about it makes Xamuel shiver, they surely hate to experience something similar to it again.

"Alam mo na bang confirmed na talagang may prom ang seniors next year? Pinush daw talaga ng student council dahil hindi natuloy last school year," sabi ni Frost habang bumababa sila ng hagdan patungo sa unang palapag.

"May prom nga, wala namang makakasama," natatawang sabi ni Xamuel.

"Is this about yourself or me?" Frost asked, confused.

"Both na lang tutal mukhang wala ka ring makaka-date."

Frost snorted. "Pano mo naman nasabing wala akong makaka-date? Ang bitter, ah!"

"I mean," Xamuel chuckled, "have you ever asked someone out on a date? Wala 'di ba?"

"Well, that's because they are the ones who ask me. I don't really need to lift a finger to pull a date," mayabang na sabi ni Frost.

"Kaya wala kang girlfriend, e."

"I don't wish for one!" natatawang sabi ni Frost. "Isa pa, sa nakikita ko ngayon sa inyo ni Klassey, mas nakumbinsi lang akong huwag muna talagang mag-girlfriend. Sakit lang sa ulo. I'll enjoy my freedom for now."

Nagkibit balikat na lang si Xamuel at nirespeto ang pananaw ni Frost. Isang palapag na lang ay makakababa na sila ng senior building.

"Actually, narinig ko ang usapan ninyo ni Lion kanina," Frost said out of the blue.

Saka lang siya nabigyang pansin ni Xamuel. "Gagong 'to!"

Frost laughed. "What? Ang lakas kaya ng boses niyo!"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Xamuel kaya pinili ni Frost na sabihin ang nilalaman ng kanyang isip. "I get what Lion's trying to say. Nag-aalala lang siyang baka nagiging delusional ka na. I know you're still not over from what happened, but the world's going continuously. Klassey's obviously crushing over someone, and she's making the accident as a valid excuse to push you away. Well, she's a girl, so people will tolerate what she's doing. Kung ikaw ang makikipagkita sa iba ngayon, paniguradong masama ang impression sa 'yo ng mga tao. That's that."

Hindi napansin ni Xamuel na kanina pa pala nakaparte ang kanyang bibig. Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan dahil hindi madalas magsabi si Frost ng mga ganito. Laging si Lion o South lang ang may maayos na opinion sa kanila habang si Frost ay madalas lang makisabay.

Xamuel couldn't think of anything to say, especially when Frost was dead serious about this. His eyes were relaxed, and his deep voice felt colder than the evening wind.

"Lion's suggesting you take it easy. And as for me, if waiting is really your best option, then okay, as long as you won't regret it."

Xamuel tried his best to smile. "Ah, sala–"

"Ay, nandito na tayo! Saglit lang, bibili na ako. Kanina pa ako nauuhaw!" maligalig na sabi ni Frost na akala mo walang nangyari.

Napabuntong hininga na lang si Xamuel at hinayaan ang kaibigang bumili na ng tubig niya. Wala na gaanong estudyante dahil mga abala ang section ngayon sa pagpaplano ng Christmas Party nila na bukas agad. Marami silang kinailangang gawin at tapusin sa mga nakaraang araw at ngayon lang nagka-oras para ma-organize ang Christmas Party ng pangkat.

Napalingon si Xamuel sa kanyang likuran nang may marahang humawak sa kanyang uniporme.

"Yara?" Xamuel said when he noticed Yara's familiar white headband first thing.

"Xamuel," halos pabulong na sabi ni Yara.

"What's up?" naguguluhang tanong ni Xamuel. Hindi niya alam kung paano ba niya dapat kausapin ang dalaga.

"Ah, gusto ko lang sanang itanong kung..."

"Kung?"

Yara looked uneasy and hesitant. Xamuel wasn't used to shy and refined girls like her, and he felt suffocated waiting for Yara to complete her sentence.

"Kasi narinig kong may prom sa February," sabi ni Yara nang hindi tumitingin sa mga mata ni Xamuel. Her hands were tighly holding the edge of her white blouse to probably prevent them from shaking.

"Oo, confirmed na raw," wala sa sariling sabi ni Xamuel.

"G-Gusto ko lang sanang tanungin kung nakausap mo na ba si... ano. Tutal ginagawa ko naman ang pabor mo kaya, ano, gusto lang itanong kung alam na ba ni–"

Nanlaki ang mga mata ni Xamuel nang sa wakas ay naintindihan niya ang nais na iparating ni Yara.

"Gets ko na. Gusto mong malaman kung nakausap ko na si South na ireto sa 'yo."

Yara panicked. "H-Hindi naman reto! Pakilala pa lang, 'di ba?"

Xamuel couldn't actually remember their last conversation about this matter. Ang naging laman lang kasi ng isip niya nitong nakaraan ay 'yong recording ni Klassey at mga school work.

"Pakilala lang pala, sige. Hindi ko pa nab-bring up kay South kasi naging busy pero susubukan ko ngayon," nag-aalangang sabi ni Xamuel.

"O-Okay."

Xamuel's eyes squinted. "Bakit? Balak mong siya ang i-date sa prom?"

"Ha? Hindi!" mabilis na tanggi ni Yara.

Xamuel smirked. "Oh, bakit mo pa sinama 'yong tungkol sa prom kung hindi?"

"B-Baka lang kasi 'di mo pa alam–"

"Sus!" Natawa si Xamuel dahil pulang pula na nga ang pisngi ni Yara pero todo deny pa rin. "Sige, kunwari na lang naniniwala ako."

"Bahala ka nga!" Kahit ang pagsigaw ni Yara ay marahan pa rin na mas nagpahalakhak kay Xamuel.

"Oh, san ka?" tanong ni Xamuel nang nagsimula na siyang talikuran ni Yara.

"Babalik na sa room saka nandiyan na si Frost."

Napalingon si Xamuel dahil sa sinabi ni Yara at sakto ngang palapit na si Frost sa kaniya. Muli niyang nilingon si Yara pero wala na siya sa gilid niya. Doon niya lang napansing nakalayo na pala ang dalaga.

"Sino 'yon?" Frost asked.

"Si Yara 'yon."

Frost looked lost for a second. "Who's she again?"

Napairap si Xamuel. "Kaibigan ni Klassey na taga-STEM 3 na ina-update ako tungkol kay Klassey."

"Oh, right! Ang nag-iisa mong kakampi sa mga kaibigan ni Klassey. Anong ganap?"

"Wala naman," Xamuel dismissively said as they walked back to their room.

"Seems fake, but okay."

Ayaw naman ni Xamuel ibuking kay Frost ang lihim na pagtingin ni Yara sa kaibigan nila lalo na't plano niya ngayong ipakilala si Yara sa kanilang lahat para mapalapit kay South.

"Nakita mo ba si Yara kanina?" Xamuel asked to change the topic.

"Oo, cute niya nga, e. Don't get the wrong idea, compliment lang 'yan and nothing more," sabi ni Frost.

"Alam ko naman pero gusto ko lang itanong kung ayos lang kaya sa inyong ipakilala ko siya? Like tropa, gano'n."

"Oh? She wants to be friends with us?" Frost asked, shocked. "It's fine with me though siya ang iniisip ko. Baka 'di niya kayanin ang gulo natin saka bakit daw?"

"Ah, hindi niya sinabing gusto niya tayong kaibiganin. Naisip ko lang na ipakilala siya dahil tutal siya ang spy ko kina Klassey. Parang mas maganda na kilala niyo rin siya, gano'n."

"Ah, okay, gets. Well, I'm down! Tingin ko naman ayos lang din kina South at Lion."

Ang section nila ang pinaka-late na lumabas dahil natagalan sa pagpaplano ang lahat. Isa pa, sanay na rin silang laging nahuhuli sa paglabas lalo na noong gina-grind pa nila ang kanya-kanyang research papers. Sabay ang apat bumaba ng kanilang room at kumpara kanina, mas tahimik na sila ngayon dahil siguro mga pagod na rin at inaantok.

Hindi sinasadya ng mga mata ni Xamuel mapansin ang babaeng nakatayo sa ilalim ng poste sa bandang kaliwa ng paaralan. Mukhang nag-aabang siya ng sundo dahil pabalik-balik ang tingin sa cellphone at sa daan.

"Sasabay ka ba, Muel?" tanong ni South nang palabas na sila sa gate.

"Dito na ako sasakay ng tricycle," sagot ni Xamuel.

"May dumadaan pa ba rito ng gantong oras?" Lion asked.

"Meron pa. Ang sakit na ng ulo ko kasi, 'di ko yata kaya pang maglakad ng mas malayo."

"Sure ka?" Frost asked.

"Oo, dito na lang ako. Mauna na kayo," sabi ni Xamuel sa mga kaibigan.

Sa huli ay sumunod na lang ang mga ito at nang nakalayo na, lumapit si Xamuel kay Yara na mag-isang naghihintay sa ilalim ng poste.

"Wala pa sundo mo?"

"Ay, nanay tatay gusto kong tinapay!"

"Ate kuya gusto kong kape?" pang-aasar ni Xamuel sa nagulat na Yara.

Yara stared deadly at him, but it didn't look threatening at all.

"Bakit ka ba nandito?" Yara tried to hide her irritation, but it didn't work on Xamuel.

"Galit na galit?"

"Ikaw ba naman gulatin sa gantong oras at sa labas pa."

"Okay, I'm sorry. Dito na kasi ako sasakay ng tricycle kaya naghihintay din ako. Isa pa, may gusto lang akong linawin bago ko gawin ang pabor mo."

Yara's expression quickly changed, and Xamuel felt her tensing up.

"Relax lang. Gusto lang kita ulit tanungin kung sure ka na ba talaga kay South."

"What do you mean by sure?"

"Kung sure ka na talagang gusto mo siya," Xamuel clarified.

Yara's forehead slightly creased. "Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses mo na akong tinanong niyan."

Napakamot si Xamuel sa likod ng kanyang tainga. "Hindi lang talaga ako makapaniwalang si South pa ang gusto mo."

"B-Bakit naman? Iniisip mo bang–"

"Wala naman akong iniisip, Yara. Sadyang 'di lang ako makapaniwalang gusto mo talaga siya. Marami nang umiyak dahil umasa kay South kung 'di mo alam, at iyon ang dahilan kung bakit medyo nahihirapan akong ipakilala kita sa kanya."

"Dahil iniisip mong baka matulad lang ako sa mga napaasa niya?" Yara said. "I-I appreciate the concern, but I can manage myself. I know what I'm asking, and I'm not that naive to think rejection is not possible."

Xamuel was left speechless. He didn't expect this behavior from Yara. Siguro nga ay pinangunahan niya si Yara dahil lang mukha siyang walang alam sa ganito. Xamuel noticed the strong will flashed upon Yara's eyes, which were enough to convince Xamuel that she wasn't fooling around.

"Fine. Isipin ko muna paano kita ipapakilala sa kanila. Ayos lang bang kahit after na ng break?" Xamuel asked after a minute of silence.

"O-Okay lang..."

"Okay. Saka makakatulong pala kung sasabihan mo 'ko ng tungkol sa 'yo para makwento ko kay South tapos ma-curious siya."

"T-Tungkol sa akin? Gaya ng?"

Xamuel shrugged. "You know, the common things like hobbies, interests, mga gano'n."

"Kailangan ba talaga?"

"Oo saka para na rin medyo kilala na kita kapag pinakilala sa kanila, pero kung ayaw mo–"

"S-Sige, magse-send na lang ako sa Messenger... ako na lang din maga-add sa 'yo."

Xamuel nodded.

"By the way... may ibang rason ka pa ba kung bakit 'di ka makapaniwalang gusto ko si South? Tingin mo ba hindi talaga kami match?" nanghihinang tanong ni Yara at ngayo'y nakayuko na.

"Hindi naman sa iniisip kong hindi kayo match. Hindi rin kasi ako sigurado sa tipo ni South pero napanatag na ako ngayon sa sinabi mo. Wala namang masamang subukan mo rin muna at ikaw na humusga kung may pag-asa o wala. Nandito lang naman ako bilang tulay ninyo."

Right, Xamuel. You don't have to overthink this. You're just here as their bridge; whatever happens next is beyond your control. It is Yara's choice, and you're not accountable for it.

Dahan-dahang tumaas ang ulo ni Yara galing sa pagyuko at mukhang nabuhayan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Xamuel ang pagsilay ng marahang ngiti sa mukha ng dalaga.

"Oh? May tricycle na dumaan. Hindi mo pinara?"

Para bang nagising si Xamuel galing sa mahabang tulog nang nagsalita muli si Yara. Ngayon niya lang napansing ang tagal pala niyang nakatitig sa babae sa puntong hindi niya napansin ang dumaang tricycle.

"Hintayin ko na lang din muna sundo mo. Gabi pa naman na."

"Ha? Malapit naman na. Pwede ka ng mauna umuwi," gulat na sabi ni Yara.

"Ayos lang."

Yara stepped backward and held the sides of her backpack. "A-Ayos lang din talaga. Sumakay ka na sa susunod na tricycle para makauwi ka na."

Xamuel just shrugged and stood properly. "Hintayin na natin tutal malapit naman na pala."

He heard Yara sigh, but his decision was final.

"I'm hoping you can come up with an idea as soon as the holiday break's over," Yara whispered as if she wished upon a star.

"You like South that much?"

Yara softly chuckled. "Kung alam mo lang kung gaano katagal ko 'tong hinintay, Xamuel."

A foreign feeling struck Xamuel's chest, but he ignored it. He wasn't supposed to feel that way. It didn't feel right.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top