Chapter 6

Chapter 6 | Destiny

Natigil sa paglalakad si Xamuel nang napansin niya ang pinsang si Chade sa sala. Kumunot lalo ang noo niya nang nakitang may hawak pang gitara ang pinsan. Isang taon ang tanda ni Xamuel sa kanya at hindi sila pareho ng pinapasukang paaralan.

"Chade, why are you here? Wala namang family dinner ngayon," nagtatakang tanong ni Xamuel habang papalapit sa sofa.

"Dito ako matutulog, Muel," tipid na sagot ni Chade habang nakatutok ang mga mata sa screen ng phone.

Napatingin din doon si Xamuel at nakitang may sinusundan palang chords si Chade.

"Bakit? Nagpaalam ka ba kay mama?"

"Oo, nagpaalam na ako kanina. Kailangan ko kasing mag-practice para sa performance task namin bukas. Hindi ako maka-focus sa bahay kaya dito muna ako."

Tumango-tango si Xamuel at nagpasyang iwanan na ang pinsan niya. "Ano bang kakantahin mo?" tanong niya bago tuluyang umalis.

"Say you won't let go."

Hindi pamilyar si Xamuel sa kanta kaya napagpasyahan niyang umupo saglit para panoorin ang pinsan. Saka lang napansin ni Chade na 'di pa pala siya umaalis.

"Kinakabahan ako sa 'yo! Bigla rin tuloy akong nahiya," tawa ni Chade.

"Hindi ko naman alam ang kanta." Xamuel chuckled. His fingers brushed his hair as he leaned on the couch.

Napailing na lang si Chade at pinuwesto na ang gitara. "I met you in the dark, you lit me up," kanta ng kanyang pinsan.

Tahimik na pinakinggan ni Xamuel ang lyrics ng kanta dahil habang patagal nang patagal ay nagugustuhan niya ito. Sumakto pa ang tono ng kanta sa boses ng pinsan niya. Maganda naman talaga ang boses ni Chade, sadyang hindi pa siya bihasang mag-gitara kaya paminsan-minsa'y nagugulo ang tunog.

Tumabi si Jiyan kay Chade sa kalagitnaan ng pagkanta niya sa chorus. "But I want to stay with you—" huminto si Chade sa pagkanta dahil sa pagkakamaling nagawa.

"Ulit nga!" sigaw ni Chade sa sarili na nagpangiti kay Xamuel.

"Just keep practicing, Chade," payo niya at tuluyang umakyat na sa kwarto.

Xamuel was humming the song Chade had performed while taking a shower. The lyrics caught his interest, so it's not surprising that he'd practice singing them. The melody was overly romantic and nostalgic.

That song conveyed the memories of yourself being so in love with someone, from the beginning to the end. As he read the complete lyrics, he remembered Klassey. Hindi pa naman sila matagal ni Klassey pero wala naman sigurong masama kung hihilingin ni Xamuel na tumagal pa sila.

Si Klassey ang unang babaeng nagustuhan ni Xamuel sa puntong nanligaw at talagang nagpursigi siyang mapasagot. Noon ay hindi interesado ni Xamuel pumasok sa relasyon dahil para sa kanya ay nakakasakal lang iyon at sayang sa oras.

Para din sa kanya ay masyado pa siyang bata para magseryoso. Dumating na lang ang puntong kinain niya lahat ng sinabi dahil natagpuan niyang mahal na pala niya si Klassey.

Alam ni Xamuel na hindi siya tulad ng ibang mga lalaki diyan na basta-basta lang nagdedesisyon. Kapag sinimulan na ni Xamuel ang isang bagay, paninindigan niya iyon.

Hindi kasi kumikilos si Xamuel hangga't 'di pa siya sigurado. Hindi siya gumagawa ng isang bagay kapag 'di pa niya talaga gusto. He is a man of certainties. He never liked doubts.

Tinotono ni Xamuel ang itim niyang gitara nang may natanggap na mensahe mula kay Yara.

Kinabukasan, Philosophy ang unang subject nila. Tapos na ni Xamuel ang draft ng speech niya at na-approve na rin ng kanilang guro kahapon kaya naman isa siya sa mga magd-deliver nito ngayong araw. May dala siyang formal attire dahil kailangan iyon kahit isang minuto lang naman ang itatagal ng speech.

Silang dalawa ni Lion pa lang ang mags-speech ngayong araw sa magkakaibigan dahil 'di pa tapos sina South at Frost sa drafts nila. Hinabol lang din ng guro nila ang presentation ng mga tapos na sa drafts ngayong araw para sa pagbalik nila next year, konti na lang ang mags-speech.

Isa 'to sa mga performance tasks na kailangan nilang gawin. Hindi naman madalas kabahan si Xamuel sa ganito dahil marami na siyang nasalihang kompetisyon noon.

Isa pa, impromptu naman kaya wala siyang dapat ikabahala. Mas kinakabahan kasi siya kapag memorized ang speech dahil sa takot na magkamali. Kapag on the spot naman siyang magsasalita ay mas kalmado at mas marami siyang pwedeng sabihin.

Alam naman ni Xamuel na hindi lahat ng tao kay tulad niya gaya na lang ng mga kaklase niyang kasama ngayon. Mga nagm-memorize ang mga ito kahit sinabi na ngang bawal dahil kabadong mablanko sa harap mamaya.

Sa music room gaganapin ang speech para hindi marinig ng iba nilang mga kaklaseng 'di pa tapos. Dapat nga daw ay sa mini auditorium sana kaso may ibang section daw na nauna.

Binigyan sila ng thirty minutes na magpalit ng mga damit at inutusang pumila sa labas ng music room kapag tapos na.

"Tara na," yaya ni Lion kay Xamuel na tinitingnan pa ang hitsura sa hiniram na salamin.

"Parang tanga 'tong buhok ko, ayaw makisama," bulong ni Xamuel.

Sa huli ay sinoli na niya ang salamin sa babaeng kaklase at sabay sila ni Lion naglakad patungo sa music room. May mga nakasalubong pa silang nauna na kanina pero binabagalan ang lakad dahil mga kabado. Tahimik lang nilang nilagpasan ang mga ito kaya sinigawan sila ng mga kaklase.

"Grabe, how to be you po, Lion?"

"Buti pa kayo confident!" iyak ng isa.

"I just want this over," Lion whispered boringly.

Tumango si Xamuel dahil iyon din ang gusto niyang mangyari. Kung siya nga ang papipiliin, gusto na niyang mauna para makatulog pa siya pagbalik sa room.

Parehong nakaputing long sleeve polo sina Lion at Xamuel. Kulay dark blue ang coat na suot ni Lion habang gray naman ang kay Xamuel. Pareho silang may kanya-kanyang neck tie at walang ibang dala kung hindi ang mga sarili.

Hindi na kataka-taka kung bakit may iilang mga estudyante galing sa mga silid ang napasulyap nang dumaan sila.

"Ano ba ulit topic ng sa 'yo?" tanong ni Xamuel nang nakapila na sila sa labas ng music room.

Nagsidatingan na rin ang iilan nilang mga kaklase.

"Yong explain I am what I do lang, 'di ko na pinahirapan sarili ko," Lion said. "Explain Knowledge is gained after experience ang sa 'yo, 'di ba?"

Tumango si Xamuel. "Akala ko nga noong una rationalist ako, e. Ang lumabas din sa results ko noong unang activity ay rationalist. Ngayong napag-aralan ko 'tong empiricism, parang naisip kong may halo rin akong ganito."

Nagsimulang magtawag na ang kanilang guro. Nanatiling nakatayo si Xamuel dahil konti lang ang upuang na sa labas. Pinaubaya na niya ang mga iyon sa mga kabado niyang kaklase.

Halos labing-limang tao na ang naunang mag-speech sa loob pero hindi pa rin natawag ang dalawa. Nakasandal si Xamuel sa pader nang nakapikit noong marahan siyang inalog ni Lion.

"Tayo na sunod sabi ni Ma'am."

"Sa wakas!" Xamuel said. "Magb-break time na, akala ko 'di tayo aabot."

"Nga, e. Sabi one minute lang ang speech pero napatagal dahil 'yong ibang nauna sa atin walang nasabi sa loob ng isang minuto."

Xamuel sighed. "Di ko naman sila masisisi. Binigla rin tayo ni Ma'am tungkol sa speech delivery kahapon, e. Ang nakalagay na tentative date sa calendar niya ay next year pa tapos biglang in-adjust ngayon ang first day."

"Memorized mo ba ang sa 'yo?" tanong ni Lion.

Nalukot ang mukha ni Xamuel. "Mukha ba akong nagm-memorize?"

Lion shrugged. "Nakapikit ka kanina, e. Akala ko tuloy nagkakabisado ka."

"Gagi, inaantok lang." Xamuel chuckled. "Ikaw ba, kinabisado mo?"

"Hindi, tinamad ako."

"Yabang mo naman, sir!" asar ni Xamuel.

"Ikaw nga tinutulugan mo lang 'tong performance task. Sinong mas mayabang sa atin ngayon?"

Natatawang umiling si Xamuel at napangisi naman si Lion.

"Hernandez, come in!"

"Puta, last pa ako," naiiyak na sabi ni Xamuel.

Lion chuckled and adjusted his neck tie before he finally entered the room. Hindi pa nasasara ang pinto ay may sinabi muli ang kanilang guro.

"Let Sorrento come in as well. Kayo naman na ang last for today."

Nabuhayan si Xamuel sa narinig kaya dali-dali ring pumasok. Pinaupo siya sa bakanteng silya sa gilid malapit sa bintana habang naghahanda na si Lion sa harap.

May stand at microphone sa gitna kaya sa likod nito nakapwesto ang magsasalita. Soundproof ang music room kaya hindi nila rinig sa labas kanina ang mga nauna.

"The timer will start once you speak," their teacher said.

Tumango lang si Lion at hindi na nagdalawang isip na magsimula. Tutok na tutok ang atensyon ni Xamuel sa kaibigan dahil unang linya pa lang nito ay nakuha na siya. Magaling talaga si Lion sa mga ganito kahit pa on the spot mo siyang tanungin. Masayang kagrupo si Lion sa mga debate dahil mabilis mag-isip at parang assurance na agad na mananalo kayo kapag nandiyan siya.

Siya ang pinaka-dependable na taong nakilala ni Xamuel at sa lahat ng mga kaibigan niya, kay Lion din siya pinakamalapit. Kahit hindi sila mag-usap, komportable sila sa isa't isa.

Pumalakpak si Xamuel nang natapos si Lion. Masyadong perfect ang performance na kahit ang teacher nila'y wala nang napunang mistakes at wala na ring natanong na follow up questions.

"Can I watch Xamuel's speech as well, Ma'am?" paalam ni Lion nang matapos.

"Sure! Grabe ang support, ha."

Nginitian ni Lion si Xamuel at siya na ang pumalit sa upuan nito kanina. Napatakip ng bibig si Xamuel dahil para siyang natawa noong sinulyapan si Lion na tahimik lang namang nakatingin sa kanya.

Para naman akong nahiya. Bakit kasi si Lion pa ang nauna sa 'kin?

"The timer will begin once you speak."

Umayos na si Xamuel nang tayo at nilapit ang bibig sa mic. Huminga siya nang malalim bago tuluyang nagsimula.

"Empiricism is the belief that our knowledge comes from sensory experience. John Locke is an English empiricist philosopher and physician who advocates the concept that our minds are tabula rasa, or that they begin in a blank state and progress by gaining knowledge from the world around us."

Tuloy-tuloy lang ang paliwanag ni Xamuel tungkol sa empiricism ayon sa research niya at sa draft na kanyang nasulat. Hindi kabisado ni Xamuel lahat ng mga nilagay niya roon pero naintindihan niya lahat ng mga iyon. Walang hirap niyang nasabi lahat ng gusto niyang iparating sa loob ng mga nakalipas na segundo.

Tulad ni Lion, wala na ring naitanong ang kanilang guro kay Xamuel. Ni-congratulate niya ang dalawa dahil sila lang ang mga naka-perfect ngayong araw. Sakto namang break time na nila after 5 minutes kaya pinahintulutan na sila ng kanilang gurong bumalik sa room.

Nauna nang lumabas ang teacher nila dahil binasa pa ni Xamuel ang text ni Yara.

"Tara na," sabi ni Lion.

"Mauna ka na, mamaya na lang ako susunod. Tambay muna ako rito."

"Di ka kakain?"

"Mamaya na lang. May gusto rin akong praktisin na kanta, e," palusot ni Xamuel.

Lion shrugged. "Bahala ka."

Hindi naman matatagalan si Xamuel makipag-usap kay Yara kaya minabuti na niyang dito sila magkita. Kung sa cafeteria kasi, baka mahuli sila ng iba tapos gawan ng kwento.

Kinuha ni Xamuel ang gitarang na sa stand nito at pinagpasyahang tumugtog habang naghihintay. Nakatono na ang strings kaya hindi na niya ginalaw. Hinanap pa niya sa silid kung may capo bang nakatago at nakakita siya sa pangalawang puting drawer.

Naupo siya muli sa silya at pinatong ang gitara sa kanyang hita. Na sa likod niya ang bintanang may puting kurtina. Ang sinag ng araw ay pumasok sa mga bintana pero hindi naman mainit sa loob dahil may electric fan sa gilid ni Xamuel.

Base sa inensayo kagabi ni Chade, sa third fret ang capo. Nasaulo na ni Xamuel ang chords kagabi habang pinapanood si Chade pero hindi siya sigurado dahil hindi pa naman niya nasubukan.

Kinapa ni Xamuel ang unang chord at ang rhythm ng kanta. Nang nabuo niya ang intro nang walang kahirap-hirap, sinubukan na niyang sabayan ng lyrics ang pagtugtog.

"I met you in the dark. You lit me up. You made me feel as though I was enough."

"We danced the night away. We drank too much." Napataas ang tingin ni Xamuel sa pinto dahil may babaeng kumanta ng sumunod na lyrics.

"I held your hair back when you were throwing up," wala sa sariling tuloy ni Xamuel.

Tumigil siya sa pagtugtog at tumayo nang tuluyang lumapit sa kanya si Yara. Unang napansin ni Xamuel ay may konting pawis ang dalaga sa noo dahil siguro sa layo ng nilakad.

"Dito ka na." Turo ni Xamuel sa upuan niya kanina dahil iyon ang malapit sa electric fan.

Binalik ni Xamuel ang gitara at ang capo bago siya kumuha muli ng silya para sa sarili. Nagpunas na rin si Yara ng mukha habang abala si Xamuel.

"So... what happened?" Xamuel asked as he sat diagonally beside Yara.

"I-I'm not sure if you're ready to hear this," marahang sabi ni Yara.

Napansin ni Xamuel na hinihingal pa ang babae. Gusto niyang magtanong kung kailangan niya ba ng tubig dahil 'di magdadalawang isip si Xamuel na tumakbo sa cafeteria para bumili.

"Do you want water?"

Mabilis na umiling si Yara. "Hindi na. Okay na ako, hangin lang kailangan ko."

"Sure?"

"Sure," Yara said. "Anyway, i-it's about why she wanted a cool off."

Kumunot ang noo ni Xamuel na mukhang napansin ni Yara kahit hindi naman makatingin nang diretso sa kanya ang dalaga.

"Of course, the first thing was because of the trauma pero may napag-usapan pa kami kanina."

"What is it?"

Marahang tinagilid ni Yara ang ulo na parang nag-iisip. "Dahil daw napahiya rin siya sa harap ng marami."

"Huh?" naguguluhang sabi ni Xamuel. "Paanong napahiya? Kung tutuusin, ako nga ang mas napahiya dahil ako ang habol ng mga babae noon."

"Ayon nga, e, napahiya raw siya dahil sa 'yo..." Pahina nang pahina ang boses ni Yara. "Kung 'di mo raw ginawa 'yong surprise, 'di raw mangyayari 'yon."

"Totoo ba?" Xamuel forced a chuckle.

Tumango si Yara. "M-May recording ako sa phone kung gusto mong marinig?"

Napahilamos na lang ng mukha si Xamuel sa halo-halong nararamdamang inis at lungkot. Hindi siya makapaniwalang sinabi iyon ni Klassey pero pinarinig nga ni Yara ang recording kahit 'di naman niya hiniling.

"Stop mo na. Gets ko na," Xamuel said. Nakayuko na siya ngayon habang nakapatong ang parehong siko sa mga tuhod. Nakatulala na lang si Xamuel sa sahig.

Mabilis iyong sinunod ni Yara. May pag-aalala sa mga mata ng babae ngunit hindi niya naman alam kung paano pagagaanin ang loob ni Xamuel.

Nandito lang naman siya para sabihin ang nangyari kanina. Hindi niya inakalang magiging ganito ang reaksyon ng lalaki sa harap niya.

"Ah... ayon lang naman. Saka may narinig ako tungkol sa kanila ni D-Derrick..."

Saglit na huminto si Yara para bigyan si Xamuel ng pagkakataong magsalita ngunit hindi siya umimik kaya nagpatuloy si Yara.

"They're communicating. Ang sabi kanina pumayag si Derrick sumama sa gala nila after Christmas Party."

"Wow," Xamuel said bitterly. "Why do I feel betrayed?"

Walang nasagot si Yara dahil hindi naman niya forte ang mag-comfort ng iba.

"I fucking invested my time and effort for that anniversary surprise to make her happy... tapos ito? Ito ang ibibigay niya sa akin pabalik?" Bumalik na sa tamang pwesto si Xamuel at napairap sa iritasyon.

"Para saan pa ba ang cool off kung parang may iba na siyang pinagkakaabalahan ngayon? Pakiramdam ko kasi mag-isa na lang akong naghihintay kung saan niya ako iniwan."

"I... I don't know," tanging nasabi ni Yara at napatingin na lang din sa sahig. "Hindi ba't parang first step to breakup na ang cool off?"

"Sa tingin mo?"

"E-Ewan ko lang."

Napasulyap si Xamuel kay Yara dahil parang walang kaide-ideya ito sa topic nila. Xamuel sighed when he realized how Yara was struggling to stay with him.

"Anyway, thank you for telling me in person. You could've just texted it to me para 'di ka na nahirapan."

"Ah, kasi last load ko na kanina. Maybe I'll activate my Messenger later so that next time doon ko na lang i-send sa 'yo—"

"I mean, you can still meet me in person basta 'di ka lang madistorbo. Kung 'di ka naman komportableng kitain ako, send mo na lang."

Sinubukan ni Yara tumingin kay Xamuel ngunit mabilis ding umiwas. "N-Noted. May gusto sana akong itanong..."

Tumaas ang mga kilay ni Xamuel. "Go on."

Tumingin sa harap si Yara. "May posibilidad kayang ma-fall out of love ka kay Klassey?"

Nabigla si Xamuel sa tanong na iyon. Hindi niya pa naisip na baka posible ang bagay na iyon dahil noong sinimulan niya ito, pinangako niya sa sariling paninindigan niya 'to.

"I haven't thought about it. Why?"

Yara shrugged. Was it because Klassey seemed to move on from me already?

"But what if ikaw na nga lang naghihintay?"

Parang ninakawan ng hininga si Xamuel. Hindi siya nakasagot.

Marahang tumango si Yara. "You really love her, huh?"

Xamuel remained silent. Something about Yara made Xamuel shut up. She was like a living puzzle that his mind wanted to decipher.

"When you want something but the world won't let you have it, doesn't it imply that destiny is your enemy?"

Saglit na inisip ni Xamuel ang sinabi ni Yara. Marahil ang kalaban nga niya ay ang tadhana pero hindi kasi naniniwala si Xamuel sa ganito.

"I am not a believer of destiny. I think we can have what we want, but not all of them through perseverance. Syempre may mga unexpected challenges na darating pero na sa atin na iyon kung paano lalagpasan, hindi ba?"

"May point, but I believe in destiny. I believe that certain things will inevitably happen to a person in the future."

Hindi lubusang nakuha ni Xamuel ang sinabi ni Yara at sa totoo nga'y medyo naguluhan siya. Hindi nagtagal ay nauna na si Yara umalis dahil kakain pa raw siya. Nanatili si Xamuel saglit para mapag-isa.

"So she's more than a silent girl," Xamuel thought as he watched Yara walk away.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top