Chapter 5

Chapter 5 | Type

Gusto ni Xamuel tawanan ang sarili. Buong gabi siyang naghintay sa text ni Yara para sana mapag-usapan na nila ang proposal niya. He checked his notifications first in the morning. Nakatulog na lang siya't lahat, walang dumating na mensahe.

"Baka walang load?" bulong ni Xamuel habang nakatitig sa ceiling ng kanyang kwarto. "O baka naman nakalimutan niya?"

Hanggang sa pag-ayos sa sarili ay iyon ang laman ng isip niya. Hindi niya alam kung paano malalapitan si Yara ngayong wala pa siyang number nito. Ang gusto lang naman ni Xamuel ay tulungan siya ni Yara sa pamamagitan ng pag-update tungkol kina Klassey at Derrick.

Kaya sanang gawin ni Xamuel iyon mag-isa pero papalapit na ang break kaya marami silang hinahapit sa iba't ibang subjects. Mahal niya si Klassey pero mahal niya rin ang kanyang grades.

Xamuel realized that he had to carry on, no matter how frustrating or painful his situation was. The world would not stop for you. Time would not pause to let you rest. Everything keeps moving forward, so he must, too.

Kailangan niya lang talaga ngayon ng tulong ng iba para mapatanag. Hindi siya malapit sa mga kaklase at mga kaibigan ni Klassey kaya hindi magandang option na isa sa kanila ang hingian niya ng pabor.

Magandang gamitin si Yara na galing pa ng ibang section pero nakakasama si Klassey. Bukod sa hindi naman siya mukhang magsusumbong, mukhang madali pang kausap.

Sinubukan ni Xamuel alalahanin kung nakita niya na bang magkasama sina Klassey at Yara noong sila pa kagabi habang naghihintay.

Wala siyang partikular na memorya ni Yara kaya hindi siya sigurado kung nagkakilala na ba sila noon o hindi. Kilala na siya ni Yara noong pinakilala niya ang sarili.

Maaaring nakwento na si Xamuel ni Klassey noon sa kanya o 'di kaya'y kilala na talaga siya ng dalaga dahil sa reputasyon niya sa school.

Sa tagal ni Xamuel na nag-aaral sa AES, ngayon niya lang kasi napansin si Yara. Nalibot na ni Xamuel ang buong parte ng paaralan dahil mula junior high ay doon na siya naka-enroll.

Hindi naman mabilis makalimot si Xamuel pero may mga pagkakataong nakakalimutan niya ang isang bagay o isang tao kapag hindi niya laging kasama.

Kabisado ni Xamuel lahat ng mga guro ng paaralan pati nga ang mga staff nito. Hindi man siya kasing-sociable ni Frost, marami pa rin siyang nakilala at nakasama noon. Ang iba pa ay mga nakasama niya sa iisang section. Ang iba naman ay maaaring galing sa parehong clubs na sinalihan niya noon.

Halos sumabog na ang utak niya kagabi kaiisip kung talaga bang hindi pa niya nakita si Yara noon. Hindi makapaniwala si Xamuel na ga-graduate siya nang may loyalty award na may hindi pa pala kilalang estudyante ng AES.

"Sa 16 na pala simula ng bakasyon natin?" gulat na sabi ni South na parang ngayon lang niya nalaman iyon.

"Na saan ba utak mo tuwing homeroom?" natatawang tanong ni Lion.

"Hindi kasi, akala ko next week pa. Ang haba pala ng bakasyon natin."

"Oo nga, tapos New Year na at senior prom. Ilang kembot na lang ga-graduate na tayo!" Frost said, amused.

Lion snorted. "Tayo? Sure ka na ba talagang kasama ka?"

Nagising si Xamuel sa tawanan nila. Naka-idlip siya kanina noong matapos gawin ang activity sa Philosophy kasama ang grupo niya.

"Gising na si boy cool off," sabi ni South.

"Manahimik ka nga," natatawang sabi ni Xamuel.

Tinitigan siya saglit ni Lion at nagtanong, "Hindi ka ba natulog kagabi? Parang antok na antok ka naman."

"Puyat na puyat, bakit kaya?" malisyosong tanong ni Frost.

"Kung anoman ang iniisip mo, hindi 'yon gano'n." Kinailangan linawin ni Xamuel iyon dahil baka ano pa ang maisip ng magaling niyang kaibigan.

"Bilis mag-deny."

"Medyo imaginative kasi utak mo," sabi ni Xamuel kay Frost.

"Lahat na lang ng bagay nilalagyan mo ng meaning," South said.

Umaktong parang nasasaktan si Frost. "Pinagkakaisahan niyo na naman ako!"

"Deserve. Nagising ako dahil ang ingay mo. Lakas ng loob mong sabihing ga-graduate tayo. Baka nakakalimot ka kung kanino ka kumukopya at nagpapatulong?" biro ni Xamuel.

"Hindi ako nakakalimot kaya nga sinabi kong tayo, 'di ba?"

"Bayaran mo kami 'pag naka-graduate ka talaga," sabi ni South. "Paalala lang na lahat ng tinuro ko sa 'yo ay labag sa loob ko."

Humalakhak si Frost at tumabi kay South para yakapin ang kaibigan. Mabilis na tumayo si South para umiwas.

"Ang aga niyong maglandian," biro ni Lion.

"Ano ba! Kilabutan ka nga!" sigaw ni South kaya napalingon saglit sa kanilang gawi ang ibang mga kaklase.

Patagong natawa sina Lion at Xamuel habang tuluyan nang nagtalo sina Frost at South. Ilang sandali lang ay kumalma na ang dalawa at muling umupo.

Hindi mahigpit ang guro nila basta't matapos lang ang pinapagawa within the session. Isang oras na lang bago ang break time at tapos na ang apat sa gawain kaya nagkukwentuhan na lang sa gilid.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila tungkol sa paparating na bakasayon, biglang umilaw ang cellphone ni Xamuel. Na sa iisang lamesa sa gitna nila nakapatong lahat ng kanilang phones kaya napansin iyon ng tatlo.

Sumingkit ang mga mata ni Xamuel dahil hindi niya mabasa nang maayos ang notification.

"Sino 'yan?" makahulugang tanong ni Frost.

"Yara?" basa ni South sa mensahe.

"Unregistered number," pansin ni Lion.

Mabilis na pinulot ni Xamuel ang kanyang phone at binuksan ito para mabasa nang buo ang text. Hindi naman siya pinigilan ng mga kaibigan niya pero may iisang katanungan sa mga mukha nila.

"So who's this Yara?" kuryosong tanong ni Frost.

"Klassey's friend," tipid na sagot ni Xamuel.

"Why is she texting you?" South asked while playing with his Titus ballpen.

"I want to ask her a favor." To avoid confusion, Xamuel immediately explained his idea to his friends.

"So she's from STEM 3 and is friends with Klassey? Parang hindi ko pa siya napansin noon," naguguluhang sabi ni Frost.

Lumiwanag ang mga mata ni Xamuel. "Right? I couldn't sleep last night, wondering if I had met her."

"Ano bang hitsura niya?" tanong ni South, mukhang kuryoso na rin sa babaeng nakilala ni Xamuel.

Saglit na nag-isip si Xamuel kung paano niya mailalarawan si Yara. "Una kong impression ay mahinhin. May suot siyang eyeglasses, hanggang dibdib ko lang ang height at hanggang balikat niya lang ang dark brown niyang buhok."

"Mukhang mabait," South said.

Xamuel nodded. "Sobrang clumsy nga lang at mahiyain. Mukhang conservative at 'di madaldal."

"Maputi ba?" Frost asked.

Umiling si Xamuel. "Hindi siya kasimputi ni Klassey. Medyo morena..."

"How could she become a friend of Klassey? She seems too good to be her friend, no offense," sabi ni Frost.

"Mga may attitude kaibigan ni Klassey kaya 'di rin makasundo ni Muel." South chuckled.

Lahat sila ay natahimik nang nagsalita si Lion. "I know her."

"Ha?" sabay-sabay na reaksyon ng tatlong bugok.

"Oo nga."

"Puta bakit nananahimik ka lang?" iritadong tanong ni South.

Lion shrugged. "Sasabihin ko na nga sana kaso 'di kayo matigil."

"How did you know her?" Frost asked, intrigued.

"Isang beses ko pa lang siyang naka-usap, sa library 'yon noong naghanap ako ng reference para sa research. Hindi ko alam na magkaibigan sila ni Klassey."

"Maganda ba?" maligayang tanong ni Frost.

Parang gusto pa yata nitong pormahan si Yara. "Hindi mo 'yon type," Xamuel said.

"Ah? Hindi natin 'yan malalaman hangga't 'di ko siya nakikita!" tawa ni Frost.

"Manahimik ka nga, huwag ka na kay Yara," sabi ni Lion. Palihim na nagpasalamat si Xamuel sa kaibigan.

Hindi lang ma-imagine ni Xamuel na pwede sina Frost at Yara. Iyon din siguro ang naisip ni Lion. Hindi nagseseryoso si Frost pagdating sa mga ganito kaya hindi bagay si Yara para sa kanya. Parang magiging kasalanan pa nila kapag nasaktan ang babae dahil kaibigan nila si Frost.

"Bakit parang ang sama ko namang tao?"

"Masama ka naman talaga," South said.

"Salamat sa support."

Ngumisi si Xamuel at sa hindi malamang dahilan, naaliw siya sa usapang iyon.

May lumapit na babaeng kaklase nila sa kanilang pwesto. May inabot siyang bond paper kay Frost. "Frost, nakalimutan mong isulat name mo sa paper."

"Ay, oo nga, sorry!" Frost panicked. Luminga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Pahiram ako ng ballpen," wala sa sariling sabi ni Frost kay South. Hahablutin na niya sana ang ballpen nito nang tinampal ni South ang kamay niya.

"Sa iba ka manghiram," seryosong sabi ni South.

Kumunot ang noo ni Frost. "Brad, nanghihiram lang ako ng ballpen, hindi naghahanap ng away."

"Kaya nga sabi ko bawal 'tong akin, kay Lion ka manghiram."

"Puta ballpen lang, e. Damot," nagtatampong sabi ni Frost bago nanghiram kay Lion.

"Alam mo namang mahal na mahal ni South ang mga ballpen niya." Xamuel chuckled.

"Ano bang meron sa Titus ballpen na 'yan at parang nakasalalay ang buong buhay mo diyan?" natatawang tanong ni Frost bago muling pinasa ang papel niya.

Umirap lang si South at walang pakialam na nagbukas ng phone. Muli ring tiningnan ni Xamuel ang kanyang phone at nakitang may reply na si Yara.

Gustong matawa ni Xamuel dahil sa nabasa pero hindi niya magawa dahil paano na lang kung seryoso si Yara. Hindi niya inakalang ang tulad ni Yara na mahinhin, tahimik at mahiyain ay magkakagusto sa tulad ni South.

Palihim niyang nilingon si South na ngayon ay nakasandal sa kanyang upuan at nakadekwatro. Mabilis na gumagalaw ang mga daliri nito kaya inisip ni Xamuel na baka may kausap.

Kung totoong gusto siya ni Yara at talagang magpapatulong ang dalaga sa kanya kapalit ng pagtulong niya, hindi alam ni Xamuel ang dapat na maramdaman. Nagwagi nga sila ni Lion na ilayo si Yara kay Frost kanina, si South naman pala ang gusto niya.

Parang mas lumala naman yata!

"South," wala sa sariling tawag niya sa kaibigan.

"Oh?" sagot ni South nang 'di siya nililingon.

"Ano bang type mo?"

"Ah?" Natigilan si South at napatingin na sa kanya. Hawak pa rin ni South ang phone ngunit black na ang screen. "Bakit mo natanong?"

"Wala lang." Parang pinagsisihan pa tuloy ngayon ni Xamuel ang pagtanong.

Sa tagal nilang magkaibigan ni South, ilang beses na niya itong nakitang may pinopormahang babae pero walang ginawang girlfriend niisa sa kanila.

Laging puro hanggang talking stage lang at pagkatapos ng unang date, wala na. Madalas siyang habulin ng mga babae dahil humihingi ng second chance. Kapag ayaw pa naman ni South sa isang bagay o tao, hindi na niya muli iyon papansinin.

Hindi niya maihahalintulad si South kay Frost pero kung pipili si Xamuel kung sino ang mas may maraming napaiyak at napaasang babae, si South iyon.

Could I really put my trust in him for Yara? Hiling naman ni Yara ito kaya hindi na dapat pa problemahin ni Xamuel pero siya kasi ang magiging tulay ng dalawa. Ang pangit naman kung sa huli, nagkabalikan sila ni Klassey habang nagdudusa si Yara dahil pinaasa siya ni South.

"South," tawag niya muli sa kaibigan.

"What is it this time?"

"Bakit wala ka pang girlfriend?"

"Ang weird ng mga tanong mo." South chuckled.

"On second, you're right. Never mind me."

Putang ina, walang pag-asa 'tong si Yara sa lalaking 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top