Chapter 20

Chapter 20 | Chase

The crowd cheered as their performance concluded with a bow. Dali-daling tumakbo sina Yara at Xamuel backstage at bumalik na ang hosts sa stage.

Sinalubong sila ng malapad na ngiti ni Lion. "Ang galing niyo ro'n! Nice one, Yara! Ang ganda pala ng boses mo! Congrats, Muel, hindi ka pumiyok."

"Kapag si Yara, compliment. Kapag ako, kagaguhan."

"Mauna na akong magpalit!" Natatawang sabi ni Yara at mabilis hinablot ang gamit mula kay Lion.

"Sige lang, okay lang talaga ako rito," naiiyak na parinig ni Muel. "By the way, awarding na ang susunod, right? Kailangan ko pa bang bumalik?"

Lion shrugged. "I mean, it's still part of the event, so yes, you need to go back."

Xamuel grunted. "Tinatamad na ako... saka wala rin naman akong makukuhang award. Tapos, paniguradong si Frost ang prom king sa sobrang OA niya—ayaw ko siyang makita."

Lion chuckled. "Bakit? Anong balak mo? Aalis ka na? Sasabayan mo si Yara?"

"Siguro? Ihatid ko na rin siya sa kanila."

"Pwede naman!" Yara said as she left the dressing room. "Walang susundo sa 'kin dahil kasama ng driver namin parents ko."

"See?" Xamuel pointed out. "Hindi naman ako gano'n kasama para hayaan ka lang umuwi mag-isa pagkatapos mo 'kong gawing alipin ngayong gabi."

"Excuse me? Ikaw, iInalipin ko? Kailan at paano?" natatawang tanong ni Yara at umupo sa nag-iisang monoblock. "Nakakapagod palang kumanta sa harap ng maraming tao. Parang sasabog puso ko kanina!"

Hinayaan ni Xamuel magdaldalan sina Lion at Yara habang inabala niya ang sarili sa dressing room. Nakahinga ng maluwag si Xamuel nang sa wakas ay natawid nila ang performance at hindi na niya suot ang costume.

Naramdaman ni Xamuel ang malamig na pawis nang tumapat siya sa mini electric fan ng dressing room. Gustuhin niya mang mag-iba ngayon ng damit, wala siyang dinalang extra pamalit sa long sleeves niya.

Nakasimangot siyang lumabas ng dressing room at iyon ang unang napansin ni Lion. "Bakit ganyan mukha mo?"

Xamuel sighed as he looked at Lion. "Naiirita ako sa long sleeves ko. Gusto ko magpalit ng damit."

Xamuel heard Yara chuckle. "Ang high maintenance naman pala."

"Ganyan 'yan lagi. Masanay ka na sa taong 'yan."

Xamuel groaned as his two friends laughed. Hindi na lang niya pinatulan dahil talo na siya ngayon palang pinagtutulungan nina Lion at Yara.

"Hindi ka pa ba babalik sa event, Li?" Muel asked as the hosts started a new segment.

Saglit siyang tinitigan ni Lion na para bang may ibang iniisip. "Babalik na ako kung aalis na kayo rito. Uuwi ka na ba, Yara?"

Yara stood up and took her belongings. "Oo, Li. Salamat ulit sa pagtulong ngayong gabi."

Lion smiled. This was one of the few times Xamuel had ever seen Lion smile at someone so genuinely.

"No problem. Ingat sa pag-uwi, Yara. Chat mo 'ko kapag nakauwi ka na."

Yara nodded as she neared Xamuel. "Oh, bakit ka nandito?"

Yara had to step back slightly and look up to meet Xamuel's gaze. "Akala ko ihahatid mo ako pauwi?"

Naningkit ang mga mata ni Xamuel habang nanatili ang mga titig kay Yara. Talaga naman! Pagkatapos akong asar-asarin buong oras?

"Tara na. Sa likod na tayo dumaan dahil doon malapit ang parking," yaya ni Xamuel at muling binalingan si Lion para magpaalam. "Una na kami, brad. Chat din ba kita kapag nakauwi na 'ko?"

Lion rolled his eyes. "Pakialam ko sa 'yo."

Yara chuckled softly behind Xamuel. Pagkatapos nilang mahiwalay kay Lion, hindi na muling nagsalita si Yara. Tahimik ang lakad nila papuntang parking at hindi alam ni Xamuel kung bakit dahil nasa likuran niya si Yara. Madalas namang nasa tabi nila si Yara kapag naglalakad, ngayon lang napansin ni Xamuel na parang sinasadya ni Yara magpahuli.

"Why are you walking behind me? Come here," Muel said, pointing at the space beside him.

Yara kept her gaze fixed on Xamuel, even as he stopped walking and turned around to check on her. "Okay lang naman ako rito, saka sinusundan kita kasi hindi ko naman alam kung na saan na ba tayo."

"Pwede ka namang sumunod habang naglalakad sa tabi ko?"

Even in the dim light, Muel noticed the change in Yara's expression. "Ang bilis mo kasi maglakad. I literally have short, weak legs, Xamuel."

Hindi na napigilan ni Xamuel ang pagsilay ng kanyang ngiti. "Sige, babagalan na lang natin maglakad. Kawawa ka naman."

"Mabilis ka lang talagang maglakad, okay? Saka parang bad mood ka kaya hindi kita iniimik. Dahil ba sa long sleeves mo o sa performance? Or both?"

Mabilis umiling si Xamuel. "Hindi ako bad trip."

"Di nga? O baka napikon ka na samin ni Lion?"

"Hindi rin, okay?"

Yara stomped her right foot. "Oh, so ano? May something talagang kakaiba sa 'yo ngayon. Baka gutom ka lang? Ako kasi nagugutom na."

"Siguro nga nagugutom din ako," Xamuel agreed even when he was still full from the buffet earlier.

"Saan kaya pwedeng kumain?" Yara whispered as they continued to walk. "May alam ka bang masarap?"

"Ako?"

Nandidiring napailing si Yara. "Sino ba talaga ang kasama ko ngayon, si Xamuel o si Frost?"

"What? Nagtatanong ako, Yara, kung ako ba ang mag-iisip ng pwede nating kainin."

Napakamot si Yara sa ulo, halatang napipikon na kay Xamuel. "Ewan ko sa 'yo. Gulo mo kausap. Sige, ikaw na lang mag-isip."

Xamuel guided Yara along the way, a satisfied smirk playing on his face. Yara was astonished to learn that Xamuel could drive at his age. Xamuel revealed that his parents had enrolled him in a driving school last summer, and he was about to get a license.

"Pero kotse 'to ni Mama. Pinahiram niya sa 'kin ngayon dahil alam niyang gagabihin ako. Pinaparinggan nila ako nitong mga nakaraang araw na bagong kotse raw ang ireregalo nila sa 'kin sa graduation, pero hindi ko alam kung totoo ba 'yon."

"Malay mo totoo since graduation gift," Yara said. "Ano kayang pakiramdam magkaroon ng sariling kotse? Iniisip ko pa lang kasi, alam ko ng hindi ako magkakaroon. Mauuna ko pang makita si Lord kaysa magkalisensya."

Their night drive through the city was filled with laughter echoing through the car as inside jokes were created. The glow of the streetlights illuminated their faces, allowing them to exchange playful glances whenever someone cracked a joke or made a witty comment.

"Anong mga pagkain dito?" Yara asked when Xamuel stopped the car in front of a small Korean convenience store.

"Marami, pero the best ang ramen dito dahil mura at masarap ang add ons." Xamuel paused and glanced at Yara, whose gaze was fixated on the store's logo. "Hindi ka pa ba nakakakain ng ramen?"

"H-Hindi pa..." Yara whispered innocently.

"Buti pala dito kita dinala. Baba na tayo."

Lumingon si Yara kay Xamuel bago pa man siya makaalis sa pwesto. "Bakit tayo bababa? Sa loob tayo kakain?"

"Oo, may tables sa loob niyan."

Both got out of the car at the same time. Muel led inside the Korean store while Yara followed closely behind. As they entered, a burst of familiar scents drifted through the air. Muel made a beeline for the aisle with his favorite spicy ramen noodles while Yara wandered through the shelves, admiring the colorful packaging of snacks and treats.

"Yara," he called. "Kaya mo ba kumain ng maanghang?"

Dali-daling lumapit si Yara sa kinatatayuang machine ni Xamuel. "G-Gaano kaanghang?"

Xamuel shrugged and let her watch him add all the seasonings. "Ganito siya kapula kaya sobrang anghang nitong akin. Siguro from one to ten, mga twenty."

"Sobrang anghang naman niyan!" Naiiyak na sabi ni Yara. "Hindi ko ata kaya... may hindi ba gaanong maanghang?"

Iwinagayway ni Xamuel ang isa pang pack ng ramen sa tabi ng machine. Kulay puti ang packaging, hindi gaya ng kay Xamuel na pulang pula.

"Sure bang hindi 'yan sobrang anghang?" Yara asked as Xamuel assembled another cup for her.

"Kahit nga kapatid ko kayang kainin 'yan," Muel reassured with a smirk on his face.

Yara punched his arm, but that didn't cause any damage. "Bakit ka natatawa kung totoo ang sinasabi mo? Kung ganito ka maghiganti dahil inasar kita kanina, e 'di sorry!"

"Kinaya naman ni Jiyan, may luha nga lang kada lunok," biro pa ni Xamuel para lang asarin lalo si Yara.

Yara's shoulders fell. "Ayoko na nga. Maga-ice cream na lang ako..."

Natatawang pinigilan ni Xamuel si Yara sa pag-alis. "Mag-ice cream ka pagkatapos mo 'tong kainin. Ito naman, 'di mabiro. Hindi nga sobrang anghang ng kinuha ko para sa 'yo."

She had no choice but to trust Xamuel's ramen-cooking skills. Ipinagdasal na lang ni Yara habang hinihintay ang kaibigan sa lamesa nila na sana walang ilagay na kakaiba si Xamuel sa pagkain niya dahil iiyak talaga siya rito.

"Pumili ka na ba ng drinks?" tanong ni Xamuel habang nilalapag ang nilutong ramen sa lamesa.

"Ah, hindi pa—"

"Sige, ako na lang. Ano sa 'yo?"

Tatayo pa lang sana si Yara nang nagpresinta na si Xamuel kaya muli siyang umupo. "Kahit ano na effective pantanggal ng anghang?"

Xamuel smirked. "Di nga maanghang yung niluto ko sa 'yo, ang kulit."

Yara sighed. "I don't trust you this time."

"Oo na. Bibilhan na lang kita ng gatas," pang-aasar lalo ni Xamuel. "Chopsticks or fork?"

Yara squinted her eyes. "I can use chopsticks."

Muling umalis si Xamuel para bumili ng kanilang inumin. Tinitigan ni Yara ang nilutong ramen para sa kanya. Hinayaan niyang magdesisyon si Xamuel dahil kailanman ay hindi pa siya nakakain ng ganito.

Saglit na ikinumpara ni Yara ang kulay ng ramen niya sa ramen ni Xamuel. Totoo ngang mas magaan ang kulay ng ramen niya kaya siguro, nagsasabi ng totoo si Xamuel. Nilapag ni Xamuel ang mga biniling inumin at binigay kay Yara ang chopsticks niya bago naupo sa kabilang dulo ng lamesa.

"Wag mo 'kong titigan na para bang nilagyan ko 'yan ng lason dahil wala namang lason dito," Muel said.

Yara frowned. "Gutom na gutom ka ba? Punong puno ng toppings yung sa 'yo. Ramen pa ba 'yan?"

Saglit silang nagkatitigan ni Yara bago muling nagsalita si Xamuel. "Mauubos ko 'to, okay? Nawala na lahat ng kinain ko kanina sa pagpapaka-Sparkle ko sa stage."

Natawa si Yara. "Hindi ko rin talaga bet pangalan ng mascots! Halos matawa ako kanina sa una nating kanta dahil ako pala si Twinkle."

Napailing si Xamuel habang hinahalo ang ramen. "Ikaw naman kasi, originally dapat masayang kanta ang ipe-perform kaya Spark at Twinkle pinangalan. Literal na nawala ang spark at twinkle ng gabi nila dahil sa 'tin."

Yara chuckled. "I mean... that's the goal?"

Their conversation gradually faded into the background as they both focused on enjoying their food. Yara closed her eyes, savoring the rich broth and chewy noodles in silence. Xamuel watched her intently, catching the slight smile that formed on her lips and the small nod of approval she gave.

Though a simple gesture, it spoke volumes about her enjoyment of the meal. He couldn't help but feel a sense of satisfaction, knowing he had chosen such a delicious dish for them to share.

"Sabi sa 'yo hindi maanghang, e," natatawang sabi ni Xamuel bago muling sumubo ng noodles.

"May anghang pa rin at medyo naiiyak na ako, pero masarap pagkakaluto mo kaya pwede na," puri ni Yara sabay tusok ng straw sa inumin.

Natatawang pinanood ni Xamuel si Yara na nagmamadali sa pag-inom. Mabuti na lang at ang pinakamalaking Delight ang binili niya.

"Magkano pala lahat ng babayaran ko?" Yara suddenly asked.

Xamuel's brows furrowed. "Wala naman akong pinapabayaran sa 'yo?"

Tinuro ni Yara ang ramen at ang tatlong malalaking gatas na binili ni Xamuel para sa kanya. "Akala ko hati tayo sa babayaran kaya hindi ako kumibo kanina..."

Saka lang naintindihan ni Xamuel ang punto ni Yara. "Ah... sagot ko na 'to. Ako naman nagdala sa 'yo rito."

Nanlaki ang mga mata ni Yara na para bang ito ang unang beses na may nanlibre sa kanya. "S-Sigurado ka ba? Ikaw na kasi nagluto tapos..."

Their eyes met, and Yara's gaze quickly flickered away, her cheeks tinged with a faint blush. Xamuel's lips curled into a smile as he watched her, charmed by the way her shyness revealed itself.

"Minsan, nakakalimutan kong may ganito ka nga palang side dahil nagiging palaban at madaldal ka na rin," Xamuel chuckled. "But seriously, huwag mo na akong bayaran. Kung gusto mo, ilibre mo na lang din ako sa susunod na ramen session natin."

Mabilis na tumango si Yara at nagpatuloy sa pagkain. Napansin ni Xamuel na habang siya'y patapos na kumain, wala pa sa kalahati ang bawas ng pagkain ni Yara. Minabuti niyang bagalan na rin ang pagkain para hindi magmadali si Yara kapag nakitang tapos na siya. Gano'n din kasi siya noon kay Klassey...

"Yara," he called without glancing at her. "You mentioned earlier that something felt off about me."

"O-Oo... bakit? Mayron talaga, 'no? Hulaan ko... si Klassey?"

That was when Xamuel looked up. Yara remained fixated on her ramen.

"Wala akong alam. Nakutuban ko lang kanina habang nasa stage tayo at... kumakanta. Narinig at napanood na kitang kantahan si Klassey noon pero iba kanina."

"Paanong iba..." Xamuel's words faltered, his voice fading despite already knowing the answer.

Yara shrugged. "Not sure... but it was as if you were pleading."

Was I? Xamuel sighed. "Klassey wants us back... that's why I'm a little off."

Yara remained silent, her lips pressed into a thin line. The room seemed to close in around them, the air growing dense with the weight of unspoken words and simmering tension.

"A-Akala ko sila ni Derrick? I mean... ayon din ang alam ng mga tao."

Xamuel nodded slowly, his brow furrowed in contemplation. The weight of honesty pressed heavily on his chest as he grappled with the right decision. Yara was their friend—of course, she deserved the truth.

"Hindi ko nakwento sa 'yo na may rason si Klassey kung bakit niya pinatulan 'yong Derrick. Sinabi niya na 'to noong nakipaghiwalay ako pero masyado kong dinamdam ang mga pangyayari kaya hindi ko gaanong naintindihan. She said it was for us... as if she wanted to unhide something from that jerk."

Yara tilted her head slightly, her voice laced with bewilderment as she asked, "What... do you mean? So ginagamit niya lang si Derrick all this time?"

Xamuel shrugged. "May kinalaman ata 'yong Derrick noon sa anniversary namin. Sabi ni Klassey, sasabihin niya naman sa 'kin lahat kapag kami na ulit. Ang problema ko ngayon... hindi ko alam kung gusto ko pa bang makipagbalikan sa kanya."

"Really?" Yara asked.

"Really—"

"But you sounded different earlier on stage. Maybe... you're just scared to risk it again—but deep down, you still love her."

Yara's insight cut through his defenses like a blade, leaving him vulnerable as he struggled to confront the possibility that his feelings for his ex still lingered beneath the surface.

"Okay lang ba sa 'yo, if ever?" Muel asked to lighten up the mood.

Natatawang umiling si Yara. "Bakit mo pa ako tinatanong niyan? Si Frost dapat ang tinatanong ng mga ganyan dahil siya ang greatest hater niyo."

"Tinanong kita kasi binully ka ng mga kaibigan ni Kla, 'di ba? Kaibigan kita kaya importante rin opinion mo."

As Xamuel casually mentioned they were just friends, he noticed Yara's hand pause for a moment before resuming. Her chopsticks moved a bit faster as she shoveled more food into her mouth. The slight tremor in her fingers did not escape his attention.

"Naunang naging kayo ni Klassey bago tayo naging magkaibigan, Xamuel... kaya kahit anomang maging desisyon mo, okay lang sa akin," Yara said.

"Kung ikaw ba... babalikan mo pa rin ba ang taong iniwan ka na lang sa ere?"

He noticed the way Yara busied herself with her bowl of ramen again.

Yara's tear-filled eyes locked onto his as she replied, "If I love someone, I wouldn't stop chasing."

She quickly wiped away a tear with the back of her hand.

"Nakain ko 'yong buto ng sili," Yara forced a laugh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top