Chapter 1
Chapter 1 | Wrong
Kanina pa hindi mapakali si Xamuel kaiisip sa balak niyang gawin bukas kasama ang mga kaibigan niya. Noong uwian, kinausap niya muli sina Lion, Frost at South para paalalahanan sa mga dapat nilang gawin.
Wala naman siyang problema pagdating kay Lion dahil kampante si Xamuel na maaasahan siya at hindi papalpak. Sa natirang dalawang gago lang siya kabado dahil parang hindi nila siniseryoso ang plano.
Kung si Xamuel lang din naman ang tatanungin, ayaw niya 'tong gawin dahil hindi niya gusto ang mapanood siya ng madla. Wala naman siyang magagawa dahil iba talaga ang epekto ng pag-ibig, na kahit ayaw mo ay mapapasunod ka na lang talaga.
"Hoy, tang ina nito, bakit ang tagal mong sumagot?" iritadong tanong ni Xamuel sa kausap sa cellphone.
"Baka kasi nasa banyo ako kanina?" naguguluhang sabi naman ni South.
Kumunot ang noo ni Xamuel. "Akala ko magkasama pa kayo ni Frost?"
"Nagbago isip ng gagong 'yon habang nasa daan kami papuntang pa-print-an. Ako na lang ang naghintay sa tarpaulin mo kaya nasa akin na ngayon."
"Saan daw si Frost? May iba pa siyang gagawin, ah? Huwag mo sabihing inuna pa no'n babae niya?"
"Malay ko do'n! Pero ano pa bang ibang posibleng rason bukod diyan? Parang hindi mo naman kilala ang isang 'yon." Napahalakhak pa si South.
Napakamot sa pisngi si Xamuel dahil sa namumuong iritasyon. "Tawagan ko na lang, salamat sa pagkuha ng tarp. Bukas ah, pasok kayo on time sa oras na pinag-usapan natin."
"Oo naman, masyado kang kabado. Relax ka lang, brad!"
"Tang ina mo 'pag ikaw nagka-girlfriend, makita mo!"
"Sumpa ba 'yan? Ayoko niyan!"
Binaba na agad ni Xamuel ang tawag dahil baka mapahaba pa ang usapan nila. Wala siyang oras para mag-relax gaya ng sinabi ni South. Unang beses niya 'tong gagawin para sa anniversary nila ng girlfriend niyang si Klassey at inaaasahan niyang maraming makakakita bukas. Ayaw niyang may magkamali dahil ayaw niyang masira ang pinaghandaan niyang surpresa.
Saglit niyang tinext si Lion at tinanong kung handa na ba ang ibang mga tauhang pinakiusapan nila para tumulong sa pagbubuhat ng ibang props. Bago pa man makatawag si Xamuel kay Frost ay nakatanggap na siya ng reply galing kay Lion.
Parang siyang natanggalan ng tinik noong nabasa ang magandang sagot ni Lion.
"Ikaw lang talaga maaasahan ko sa mga ganito," bulong ni Xamuel sa sarili.
Alam niyang wala siyang dapat ikabahala pagdating kay Lion. Sa katunayan, si Lion nga lang dapat ang katulong niya sa surpresa dahil siya lang ang makakaintindi kung para saan ito. Noong nalaman nina Frost at South ang tungkol sa plano niyang surprise kay Klassey sa mismong unang anniversary nila, nakisali na lang sila.
Noong una ay pinagtabuyan pa sila ni Xamuel dahil ang paniniwala niya, wala naman silang madudulot na maganda. Bukod sa mga walang girlfriend, hindi pa alam ng dalawang 'yon ang magseryoso sa anomang bagay.
Sina Xamuel at Lion pa lang ang may mga girlfriend ngayon na ayon kina South at Frost ay mga "retired" at "under" na. Hindi naman loko-loko si Lion noong wala pa siyang girlfriend pero siya ang pinakamalakas sa mga babae.
Si Xamuel naman ay may mga past flings at kalandian pero hindi two-timer gaya ni Frost na minsan lima-lima pa.
Para kay Xamuel, si Lion lang ang matino niyang katulong sa planong 'to dahil pareho silang nasa relasyon.
Nakakatawa lang isipin kung gaano kalaki ang pagbabago ni Xamuel mula noong nagseryoso sa pag-ibig. Kung ipagkukumpara siya sa dati niyang ugali at mga gawain, iisipin mong ibang tao siya. Saksi silang lahat lalo na sina South at Frost sa nakaraan ni Xamuel kaya hindi sila masisisi kung hanggang ngayon ay paminsan-minsang inaasar nila si Xamuel.
Hindi nila magawa kay Lion ang parehong pang-aasar dahil para kina South at Frost, masyadong perpekto si Lion para hanapan ng pangit na katangian. Takot din silang kalabanin si Lion dahil siya ang pinakamatalino sa kanila. Si Lion ang unang takbuhan ng lahat tuwing may problema o tuwing kailangan nila ng tulong.
"Hoy, lalaking hindi natutunaw!" sigaw ni Xamuel noong sinagot ni Frost ang tawag.
"Puta bakit may pasigaw?" tanong ni Frost na mukhang nagulat.
"Bakit 'di ka sumama kay South kanina?"
"Ah, may ibang dinaanan ako. Nasa parehong daan din naman 'yong pinapabili mo sa akin kaya okay na ngayon."
"Ayan ba 'yong balloons?"
"Oo, pinapalobo ko na nga!"
Naputol ang dapat na sasabihin ni Xamuel noong may narinig siyang boses ng babae sa background ni Frost. Mabilis naman iyong pinatahimik ni Frost na akala mo ay hindi pa narinig ni Xamuel.
"Yong totoo na saan ka?" pagalit na tanong ni Xamuel sa kaibigan.
"Sa condo ko malamang!"
"May kasama ka?"
"Hehe, nakasalubong ko pauwi kaya sino ako para tumanggi-"
"Tang ina mo kapag ikaw na-late bukas o nagkamali, ikaw palulutangin ko!"
Humalakhak si Frost. "Wow, magic! Harry Potter ka brad?"
"Hindi kita pakokopyahin sa susunod na quiz sa Calculus," pagbabanta ni Xamuel.
"Ay, gago, 'to naman!" natatarantang sabi ni Frost. Muli siyang nagsalita pero huminhin na ang tono at mukhang ang babaeng kasama ang kinusap. "Miss, can we do it some other time? I have something really important to do tonight. I'm sorry for the trouble."
Hindi napigilan ni Xamuel ang tawa niya dahil siya ang huling nakakuha ng loob ni Frost gamit ang pagbabanta. Binaba na ni Xamuel ang tawag dahil hindi naman siya interesado sa usapan ng iba.
Hindi naman bobo si Frost pero parang iyon na nga ang ambag niya sa magkakaibigan. Kahinaan niya ang Calculus dahil ayon sa kanya, aanhin niya naman ang Calculus kung mamamatay din naman tayong lahat.
He could be unreasonable at some times, and he rarely makes sense, but that makes him stand out in their group. He's the most outgoing one and the most carefree. Minsan happy pill, madalas annoying pill. Siya rin ang pinakagalante sa lahat dahil siya ang pinakamayaman sa grupo.
Ngayong nakumpirma na ni Xamuel ang progress ng lahat, siya naman ang maghahanda para bukas. Labag talaga sa loob niya ang mga ganito, mag-perform pa nga lang para sa P.E ay inaayawan na niya.
Hindi pa naman siya nasasabihang pangit ang boses kaya medyo confident siya sa talent niyang kumanta. Gustong gusto rin ni Klassey ang malalim niyang boses kaya madalas siyang pakantahin ng nobya. Ayos lang kay Xamuel kung silang dalawa lang, pero iba ang usapan bukas dahil sa harap ng marami siya manghaharana.
Hindi naman matatawag ni Xamuel ang sarili bilang introvert, sadyang pagdating sa relasyon ay mas gusto niyang lowkey lang. Hindi niya kinaiinisan si Klassey dahil hindi naman siya pinilit gawin 'to.
Sadyang nakita lang ni Xamuel ang galak sa mga mata ni Klassey noong may nag-surprise na boyfriend sa mall sa girlfriend niya. Noong mga oras pang iyon ay nag-iisip si Xamuel ng pwede nilang gawin sa una nilang anniversary.
"Korni naman," natatawang bulong ni Xamuel habang pinapanood ang boyfriend ng babae lumakad papalapit hawak ang isang malaking bouquet.
"Ha? Ang sweet kaya!" Klassey said. Humarap sa kanya si Klassey at nanliit ang mga mata. "Palibhasa 'di mo 'yan magawa."
"Bakit? Gusto mo bang makita rin akong ganyan?" Tinuro pa ni Xamuel ang lalaking nasa gitna na akala mo ay kagagaling lang sa shower dahil sa pawis sa sobrang kaba.
Natawa si Klassey. "Hindi ko naman sinasabing gano'n pero parang gano'n na nga!"
Naubusan na rin si Xamuel ng ibang ideas dahil naging sobrang hectic ng schedule nila lalo na ngayong Disyembre. Nagpaalam naman si Xamuel sa mga school authorities sa gagawin niyang surpresa at natuwa pa nga ang school head noong nalaman iyon.
Kahit pa may permiso na siyang nakuha, tinanong niya nang paulit-ulit ang sarili noon kung kakayanin niya ba talaga. Nitong nakaraang linggo lang tuluyang tinanggap ni Xamuel ang ideyang iyon kaya naghahapit din silang magkakaibigan sa paghahanda.
Isa si Xamuel sa mga kilalang students ng AE Schools dahil palaging siyang nananalo sa mga individual competitions. Kilala rin si Klassey sa campus dahil malaki ang circle of friends at matalino rin. Isipin niyo na lang ang reaction ng lahat noong nalamang sila na pala.
Walang duda na bukas, ang dalawa talaga ang magiging usapan ng lahat.
Kinabukasan, naging maganda ang paggising ni Xamuel. Kahit pa kabado siya kagabi, nakompleto niya naman ang kanyang tulog kaya hindi siya mukhang nalantang dahon. Maaga siya bumangon para kumain ng almusal at para ihanda ang sarili.
Nasa ibang section ng STEM si Klassey pero pareho lang ang oras ng pasok nila. 9 AM ang unang klase at may one hour break bago ang afternoon session. Sa break na iyon niya balak gawin ang surpresa sa nobya. Papapuntahin niya si Klassey sa open gymnasium dahil nandoon ang surpresa.
"Sana walang pumalpak," bulong ni Xamuel sa hangin.
Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na niya 'tong sinabi. Para ngang naging mantra niya na ito dahil mahigit dalawang linggo na niyang inuulit.
Muli niyang sinuklay ang kanyang itim na buhok sa ayos nito at naglagay ng konting gel para hindi magulo kahit humangin. Alas otso na ng umaga noong tiningnan niya ang wall clock sa kanyang kwarto. Handa na si Xamuel umalis para bumiyahe papuntang eskwelahan.
"Manong, pakipasok na nga ang mga 'to sa sasakyan. Ako na sa bouquet," sabi ni Xamuel sa driver ng kaniyang sasakyang kotse.
Sinunod naman ng driver ang kanyang utos at binitbit ang iilang mga gamit niya patungo sa kotse. Hindi pa gising ang nakababata niyang kapatid kaya hindi na siya nakapagpaalam. Kanina ay naabutan niyang paalis na ang mama niya para sa trabaho at sinabing tulog din ang papa niya.
Dahan-dahang binuhat ni Xamuel ang mamahaling bouquet of pink and white roses. Noong una ay wala siya kaalam-alam tungkol sa meaning ng mga kulay ng rosas. Kay Lion niya lang nalaman noong binili nila ito.
Sa biyahe ay may nalalaman pang vocal warm up si Xamuel, akala mo ay sasabak sa The Voice.
"Ayos ba Kuya Daryl?" natatawang tanong ni Xamuel sa kanilang driver na kanina pa nagpipigil ng tawa.
"Ayos naman, Sir, mag-relax ka lang mamaya para hindi halatang kabado. Maganda naman boses niyo, e, kaya wala kayong dapat ikabahala. Matutuwa si Ma'am Klassey niyan."
Napasandal si Xamuel at napatingin sa ulap. "Sana nga."
Binilin ni Xamuel kay Kuya Daryl na bumalik sa eskwelahan mamayang 11:30 at i-text siya kapag nakarating na. Sa sasakyan niya kasi iniwan saglit ang mga gamit na kailangan para sa surpresa. Dito rin nilagay ang iilan pang dala ng mga kaibigan niya gaya ng customized tarpaulin at mga pink na lobo.
Mabuti na lang din at wala silang masyadong ginawa sa umagang klase. Tinapos lang ni Xamuel ang kinailangan niyang gawin sa Philosophy at pinasa iyon. Mamayang tanghali ay may groupings lang din sila sa Media and Information Literacy kaya walang ibang bumabagabag sa isip ni Xamuel.
"Tara na, kanina pa nandoon si Kuya Daryl," sabi ni Xamuel matapos silang i-dismiss.
Saglit na minasahe ni Frost ang magkabilang balikat ni Xamuel. "Chill! Hindi aalis si Klassey. Relax ka lang, brad, nandito kami!"
Napairap na lang si Xamuel at hindi pinansin ang kaibigan. Sumunod na siya kay Lion na unang naglakad palabas ng kanilang silid. Silang tatlo ang kukuha ng mga props sa parking at si South naman ang didiretso na sa open gym para maghanap ng pwesto roon.
"Frost, ikaw na magdala ng mga lobo saka ng cake," utos ni Lion noong kumukuha na sila ng kanya-kanyang dadalhin.
"Ako na sa bulaklak," sabi ni Xamuel at marahang binuhat iyon.
Nagmamadaling pumunta naman ang tatlo sa open gym matapos kunin ang mga gamit. Puro tawa lang ang ambag ni Frost habang ang dalawa ay tahimik at napakaseryoso.
"Mukha kang gago diyan," salubong ni South kay Xamuel.
"Oo nga, e. Mas kabado pa siya rito kesa sa mga sinalihan niyang competitions," Frost chuckled. "Baka pumiyok ka niyan brad? Bawas pogi points 'yon."
"Salamat sa suporta, ha?" Xamuel said sarcastically.
Inabot na ni Lion ang malapad na tarpaulin kina South at Frost dahil sila ang mga maghahawak nito mamaya. Inayos ni Xamuel ang gagamitin nilang sound system sa gilid ng stage habang abala si Lion sabihan ang ibang mga tauhan sa gagawin.
"Hala, anong meron sa gym? Sina Frost ba 'yon?"
"Sinong is-surprise? May jowa na si Frost?"
"Sabi sa inyo, e, anniversary ngayon nina Klassey at Xamuel!"
"May surprise si Xamuel? Hindi naman ako naiinggit, sobrang inggit lang!"
Hindi pinansin ni Xamuel ang mga boses sa paligid niya at hinayaan na lang ang mga tao na magkumpulan.
Nai-text niya na rin naman si Klassey ngayon na kitain siya sa open gym. Handa na si Lion abangan si Klassey para maturo kung na saan si Xamuel.
Napahinga nang malalim si Xamuel at halos mapadasal na sa sobrang kaba. He hopped a bit to lessen the tension he was feeling.
Noong nilingon niya ang gawi ni South, nanlaki ang mga mata niya nang napagtantong nawawala si Frost kaya hindi pa nakabuka ang tarpaulin.
"Na saan si Frost?" tanong ni Xamuel gamit ang microphone. Tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ng mga taong naroon.
"Naghugas saglit ng kamay! Pabalik na 'yon!" sigaw ni South.
Tang ina, magsisimula na, e! Gaano ba kadumi kamay ng gagong 'yon para umalis sa oras na 'to?
"Go Kuya Xamuel! Happy anniversary sa inyo ni Ate Klassey!" sigaw ng isang grupo ng grade 10 students.
Napalingon si Xamuel sa gawi nila at wala sa sariling napangiti. Mga pamilyar din ang mga ito kaya kinatuwa ni Xamuel ang kanilang pag-cheer.
Nagtatago si Xamuel sa gilid ng stage dahil lalabas lang siyang kumakanta kapag nasa gitna na si Klassey.
Saglit na dumaan sa kanyang isip ang isang pamilyar na eksena. Mahina siyang natawa dahil gagawin niya rin ang parehong surpresa ngayon para sa minamahal niya.
"Xamuel!" nangibabaw ang sigaw ni Frost sa buong gym.
Nabalik si Xamuel sa reyalidad sa eskandalong ginawa ng kaibigan. Kulang na lang ay makagawa ng world record si Frost sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo papunta sa gilid ni Xamuel.
Kumunot ang noo ni Xamuel habang pinapanood ang hingal niyang kaibigan. "Bakit? May problema ba? Magsisimula na tayo, papunta na si Klassey dito."
Tinaas ni Frost saglit ang palad na ang nais ipahiwatig ay wait lang.
"Ano ba 'yon? Importante ba?"
Dahan-dahan tumayo si Frost nang maayos. Hinahaplos ng kaliwa niyang kamay ang dibdib habang ang kanan ay nakaturo kay Xamuel.
Frost was still catching his breath when he said, "May mga babaeng naghahanap sa 'yo!"
"Ha?"
Hindi na naulit ni Frost ang sinabi dahil sa pagod.
Lumapit si Xamuel sa kaibigan at muling tinanong, "Ano? Mga babae?"
Bago pa man makasagot si Frost, napuno na ng hiyawan ang gymnasium. Alam na agad ni Xamuel ang sanhi ng malakas na hiyawan. Hindi na niya nautusang bumalik si Frost sa pwesto nito dahil bukod sa pagod na ang tao, nablanko na rin ang isip niya.
"Klassey, happy anniverary sa inyo!"
"Swerte mo, Klassey!"
"Nasa gitna na si Klassey, play mo na," sabi ni Xamuel sa kasamahang in charge sa sound system kasama siya.
Nakatayo na si Klassey sa gitna at nakaharap sa malapad na tarpaulin na kanilang ginawa. Napatakip ng bibig si Klassey sa nakita. Lumingon-lingon ang dalaga sa paligid para hanapin kung na saan ang nobyo.
Tuluyan nang tumugtog ang instrumental ng isang popular OPM song na "Kahit Kailan" by South Border.
Napahiyaw muli ang mga manonood sa narinig. Saka lang din nahuli ni Klassey ang mga mata ni Xamuel na dahan-dahan lumabas galing sa gilid ng stage.
Dala-dala ni Xamuel ang malaking bouquet sa kaliwang braso at hawak ng nanginginig niyang kanang kamay ang microphone.
"Nagtatanong ang isip, 'di raw maintindihan..." kanta ng binata sa unang linya.
Ang kaninang malalakas na hiyawan at tukso ng mga manonood ay pakonti-konting natahimik dahil sa sobrang nakakabighani at nakakahulog na boses ni Xamuel. Ang nanlaking mga mata ni Klassey ay napuno ng mga luhang nagbabadyang tumulo dahil sa tuwa.
Tumayo sa harap ni Klassey si Xamuel at kinanta ang chorus nang galing sa puso habang nakatitig sa magagandang mga mata ng nobya. "Kahit kailan... 'di kita iiwan."
Mabilis na pinunasan ni Klassey ang luhang nakawala. Napangiti si Xamuel dulot ng halo-halong nararamdaman.
"This wasn't a bad idea after all." He thought to himself when he saw Klassey's genuine happiness.
Inabot na ni Xamuel ang bouquet kay Klassey matapos ang unang chorus. Nakalahad na ang mga kamay ni Klassey upang kunin iyon galing sa kanya.
The moment they both went closer to each other, Xamuel's left hand gently held Klassey's. Napahinto si Klassey at huli na noong natantong sobrang lapit nila.
May mga sumipol sa paligid at tinukso na muli sila.
Napangisi si Xamuel bago tuluyang sinabi, "I love-"
"Xamuel! Sabi mo break na kayo ni Klassey!"
"Bakit ba kayo nandito, ako ang girlfriend ni Xamuel!"
"Ilusyunada ka, 'te? Ako ang nililigawan ni Xamuel ngayon!"
Nabitin ang sasabihin sana ni Xamuel kay Klassey dahil sa sigawan ng grupo ng mga babaeng hindi niya kilala. Pareho silang naguluhan ni Klassey at napalingon kung saan sila nanggaling.
Palapit na ang mga babaeng pare-parehong sinasabing sila ang nililigawan at girlfriend ni Xamuel sa kinaroroonan nila.
"What's happening?" Klassey asked, bewildered.
Hinawakan ni Xamuel ang magkabilang mga braso ni Klassey. "H-Hindi ko alam."
"Huwag nga kayong pauso, ako ang girlfriend ni Xamuel! Magkikita nga kami ngayong break time para maabot ko 'tong regalo ko sa kanya!" anunsyo pa ng isang babaeng hindi kilala ni Xamuel.
"What is this all about?" mariing tanong ni Klassey kay Xamuel.
Nakakunot na ang noo ng dalaga ngayon at marahas na binawi ang mga braso sa hawak ni Xamuel.
"Wait, Klassey! I swear I don't know!"
"Akala ko ba nagbago ka na? Ang dami mo pa rin palang mga babae!"
"Hindi, wala! Hindi ko sila kilala—"
"Xamuel! What's happening?" tanong ni Lion nang narating ang dalawa.
"Those girls are unstoppable! I tried to restrict them from running towards here. Klassey, it's much better to stay away from here muna. Those girls are so aggressive, baka masaktan ka rito. Si Xamuel ang target nila for unknown reasons—"
Hindi na pinakinggan ni Klassey ang sasabihin ni Lion at dali-daling nag-walk out na papalayo sa gymnasium.
"Pero wait Klassey!"
"Hayaan mo munang umalis, brad. Hindi talaga mapapakalma 'yong mga sumusugod sa 'yo!" Lion said.
"Tang ina!" mura ni Xamuel sa ere. Wala sa sarili niyang nabalibag ang hawak na bouquet.
"Shit, anong gagawin natin?" South asked when they gathered. "Saan ba nanggaling ang mga 'yan?"
The strange harem of girls was nearing them.
"Shit, I told you. Dapat tinigil muna natin ang surprise!" Frost exclaimed, frustrated as well.
"Let's run for now. Tara na!" Lion told them.
Xamuel remained standing in his position. His hands were both fisted. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Everything had been going well until it all went wrong in the blink of an eye.
"Xamuel, tara na!" tawag sa kanya ni South.
"Dala ko na 'yong cake, tara na!" Frost said.
Napasampal na lang sa kanyang noo si Xamuel at walang nagawa kung hindi sumunod sa mga kaibigan.
"Tang ina naman! Hindi dapat ganito ang mangyayari!" Xamuel shouted in frustration as he ran for his life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top