Chapter Six
Haluuu! This chapie is dedicated to you! Thank you for reading LMME!
"Mommy, please, huwag mong ipagsabay ang birthday namin ni Steven!" Pagmamakaawa ni Scarlet sa Mommy Eliza niya.
Mag te-ten years old na silang dalawa ni Steven at kakarinig niya lang ang usapan nang Tita Elisa at Mommy Eliza niya na ipagsabay ang birthday nilang dalawa.
"Ba't naman hindi mo gusto? Magkababata kayo ni Steven, mas masaya kung marami tayo." Mahinahong sabi ni Eliza sa anak habang nagpupunas sa mga pinggan.
Napabuntong hininga naman si Scarlet at umupo sa mataas na upuan na malapit sa mini bar nang kanilang kusina at napapout.
"Mommy~" Pa cute nitong sabi na agad namang nilingon ni Eliza, "Remember our eight birthday together? It was a disaster!"
Natawa naman si Eliza sa sinabi nang anak at napaisip muli sa nangyari noon.
FLASHBACK
Nasa mini castle si Scarlet kasama ang mga kaibigan niya. Suot niya ang isang bonggang gown na kulay pink at nag spa-sparkle pa ito dahil sa glitters. Naglalaro lang silang mga babae sa loob nang princesa-princesahan nang pumasok ang mga kaibigan ni Steven sa loob.
Costume party ang tema nang kanila birthday, since princess si Scarlet, prince naman si Steven. Ang mga kaibigan naman ni Steven ay mga knight o di kaya'y mga super hero.
"Nandito na ang mahal na prinsepe!" Mapang-asar na sabi nang isa sa kaibigan ni Steven at nag bow pa napina-exaggerate.
Nakisali naman si Steven sa biruan at nag bow kay Scarlet.
"Mahal na princesa, ikinagalak kong makilala ka." Steven at umayos nang tayo.
Napangiti naman si Scarlet sa ginawa nila at tumayo in an elegant way.
"I'm Princess Scarlet, may I know your name, my prince?"
Napangiwi bigla ang mukha ni Steven at agad naman sumama ang kutob ni Scarlet sa ginagawa nang kaibigan niya.
"Ste--"
Bago niya e warn ang kaibigan na hindi gumawa nang kalokohan, pinutol na siya nito at nag act na nasusuka.
"Ba't ang panget nang princesa?!" Sigaw ni Steven at tumawa pa nang malakas na sinabayan pa nang mga kaibigan nito.
Kumukulo na ang dugo ni Scarlet sa pang-aasar ni Steven at ready na siyang sungaban ito.
"Di kaya'y," Steven at napa gasp, "Witch siya?" Dagdag pa nito at mas lumakas naman ang tawanan.
Pati naman ang mga kaibigan ni Scarlet ay napatawa sa ginagawa ni Steven. Hindi mapigilan ni Steven na mapangiti nang masama kay Scarlet.
Pero huli na ang lahat nang marealize niya na nagalit niya nang husto ang kababata dahil sumusugod na ito sa kanya na parang bull na nakakita nang pulang tela.
Agad tumakbo si Steven palabas pero mabilis na nakahabol si Scarlet at ang una nitong ginawa ay hinila ang buhok ni Steven.
"AAAAAHHH! SCARLEEEET!" Sigaw ni Steven.
Sa di kalayuan, narinig nang kani-kanilang magulang ang sigaw ni Steven kaya ay nagmadali silang tumakbo papunta sa mga bata.
"Ano na naman ngayon?!" Frustrated na sabi ni Elisa habang tumatakbo.
Nakita naman nang mga magulang na nagsasabunutan na ang dalawa malapit sa pool.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ni Scarlet at mas hinila pa nang malakas ang buhok ni Steven.
Napapikit naman si Steven sa hapdi na nararamdaman niya at sinubukang tignan si Scarlet sa mga mata.
"T-Teka," Nauutal niyang sabi, "Bibitawan kita kung bibitawang mo rin ako."
"NO WAY!" Galit na sigaw ni Scarlet at dalawang kamay na mismo ang ginamit para hilain si Steven pababa.
Nahiya naman si Steven dahil nakita niyang napatawa ang mga kaibigan niya sa situwasyon niya.
'Hindi dapat ako nagpapatalo sa arteng ito.' Isip niya sa sarili.
Pagkatumba niya, agad niyang binitawan ang pagkahawak sa buhok ni Scarlet at yumakap sa tuhod nito at hinila ito palapit sa kanya.
Dahil sa force, napaatras si Steven at naunang nahulog sa pool bago sumunod si Scarlet. Sabay silang napaahon at agad napatawa si Steven sa nangyari.
"Ugh!" Sigaw ni Scarlet at napapunas sa mata niya. Agad niyang sinamaan nang tingin si Steven tinatawanan siya.
"Quits na tayo." Pangaasar ni Steven.
Agad namang napapikit si Steven sa mata nang binigyan siya ni Scarlet nang splash sa tubig.
"You ruined my birthday!" Inis nitong sigaw.
Napasmirk naman si Steven at lumangoy palapit kay Scarlet.
"Our birthday." Bulong nito sa tenga bago lumayo palayo.
"STEVEEEEEEEN!" Inis na sigaw ni Scarlet ngunit hindi ito pinansin sa nakangiting Steven na lumalangoy palayo.
END OF FLASHBACK
"Mommy!" Tawag ni Scarlet na siyang ikinabalik ni Eliza sa ulirat.
"Hmm?"
"Mommy please." Pagmakaawa nito sa Mommy niya sabay rub sa palms niya pabalik-balik.
"Kailangan nating makasave anak." Pageexplain ni Eliza sa anak sabay upo sa tabi nito. "Kung ayaw mo sa kanya then... ignore him."
Bumuntong hininga naman si Scarlet at ngumiti, a weak smile.
"Ohkaaay," Sabi nito at tumayo bago binigyan na kiss sa cheeks ang Mommy niya, "Good night." Dagdag nito at pumunta na sa kwarto niya.
Alam ni Scarlet na tama ang suggestion nang Mommy niya.
'I can ignore him! But the question is, can he ignore me?' Tanong ni Scarlet sa sarili.
Napashrug naman si Scarlet at humiga na sa kama niya.
"The heck, Scar. Kayang-kaya niyang hindi ka pansinin." Sabi nito sa sarili bago ipinikit ang mga mata para matulog.
Nagising si Scarlet nang may naramdaman siyang gumalaw sa tabi niya at agad siya napaupo nang makitang si Steven iyon na natutulog nang mahimbing.
"Great, kakagising ko lang sira na agad ang araw ko." Inis nitong sambit at tatayo na sana.
"Same," Biglang sambit ni Steven at umupo. "Kay aga-aga, mukha mo agad ang makikita ko. Sira din yung araw ko."
Napairap naman si Scarlet at hinampas si Steven sa braso bago tumayo.
"Ba't ka nandito?!" Inis nitong sigaw.
Napakamot naman si Steven sa likuran nang tenga niya at humiga muli sa kama ni Scarlet.
"Nagjogging kami ni Mama." Explain nito at tinignan si Scarlet, "Napadaan kami dito at naisip ni Mama na bumisita kami. Trust me, ayaw ko ring makita ang pagmumukha mo. I tried convincing her na umuwi nalang kami."
"You should've tried harder!"
"Nangyari na! Just bear with me, dahil ako mismo nagtitimpi sa inis ko sayo." Steven at tumalikod.
Tinulak naman siya ni Scarlet paalis sa kama niya at pero hindi nahulog si Steven dahil agad itong nakabangon.
"Alis! Maliligo pa ako!" Pagpalayas ni Scarlet sa kababata.
"Inaantok pa ako e! Patulogin mo nalang ako dito. Hindi ako magiingay promise!"
"Edi doon ka sa sala!"
"Ayaw ko." Steven at humiga muli sa kama ni Scarlet.
"Steveeeen!" Inis na sigaw ni Scarlet at itinulak pa ito ngunit hindi naman nagagalaw si Steven. "Ugh! Bahala ka na nga!" Paggive-up nito at umalis para maligo.
Napangiti naman si Steven at kinuha ang phone niya sabay type nang.
Steven: 2 points ; Scarlet: 2 points.
"Ngayon, pareho na yung points natin." Sabi nito sa sarili bago ibinalik ito sa bulsa at natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top