Chapter Four

Heyya, thanks sa comment!

3 years later...

Nag-aaral na ang mga bata at magkaklase pa sila sa kindergarten nila.

Sa mga oras na ito, nap time na nang mga bata. Habang natutulog ang iba, may isang batang lalake na naglalaro mag-isa.

"Vroom!" Steven at ipinalipad-lipad ang laruang sasakyan.

Natutuwa ang bata dahil walang nang-aagaw nang laruan, walang maingay na mga kaklase at walang gurong nagbabantay. In short, masaya siya sa free o me time niya.

Nabasag ang kasiyahan nang bata nang makarinig siya nang isang napakapamilyar na boses.

"Anong ginagawa mo? Nap time na Steven." Pagtataray ni Scarlet at lumapit sa kanya na nakapamewang. "Isusumbong kita kay Teacher sige ka!" Pananakot pa nito.

Tinignan lang ni Steven si Scarlet na naka suot ang uniporme nilang pulang polo shirt at khaki na shorts. Nakalugay ang buhok ni Scarlet na nakasuot nang headband na may malaking rosas na disenyo.

"Sumbong mo, flower pot." Steven at bumalik sa paglaro.

Napa jaw drop nalang si Scarlet at agad na tinanggal ang headband niya para itapon kay Steven. Nang matamaan si Steven lumingon ito kay Scarlet, halatang inis na inis ito sa kababata kaya tinapon niya sa isang sulok ang headband para hindi na sila mag batuhan.

"Flower pot?! Maganda yung headband ko! Weirdo!" Inis na inis na sabi ni Scarlet at umalis muna sa harapan ni Steven para kunin ang headband niya.

"Oo na! Weirdo na ako kaya Miss feeling maganda huwag kang lapit ng lapit sakin." Steven sabay tayo habang tinitignan si Scarlet na ipinasok sa ulo ang head band.

"You're not following what teacher says!" Scarlet sabay lapit kay Steven sabay duro pa nito.

Hindi siya pinansin muli ni Steven at kinuha ang laruan bago pumunta sa sulok. Sinundan pa rin siya ni Scarlet at nung umupo si Steven sa sahig, ginaya rin ni Scarlet.

Naiinis na si Steven kay Scarlet kaya tinignan niya ito nang masama pero ningitian lang siya ni Scarlet na siyang mas lalong niyang kinaiinis.

"Scarlet stop!" Steven at napunta ang atensyon sa head band ni Scarlet na tila parang naging scarf na. 

"Hindi ako titigil kung hindi ka matutulog." Scarlet kinuha ang pinakamalapit na laruan para maglaro rin.

"Halika ka nga dito!" Steven at hinila si Scarlet palapit sa kanya at hinawakan ang head band niya.

"Uh, di ako marunong e." Sabi ni Scarlet sa kababata habang tinitignan ito sa napakaseryosong mukha.

Alam na alam ni Scarlet na inaayos palagi ni Steven kung nasa maling lugar ito kaya hinayaan niya ang kaibigan.

Tahimik na inayos ni Steven ang head band ni Scarlet at nang matapos na iyon ay bumalik na ulit ito sa paglalaro.

"Thank you!" Masayang sabi ni Scarlet habang hinahawakan ang head band.

Napa chuckle nalang si Steven sa sinabi ni Scarlet at sumeryoso na sa paglalaro. Napa pout nalang si Scarlet at naglaro na rin.

"Ang snob snob ni Steven~" Kanta pa nito at sumulyap kay Steven pero wala pa rin itong pakealam.

Naririnig iyon ni Steven pero hindi niya lang pinapansin dahil alam niyang mag-aaway lang ulit sila kung papatulan pa niya, kung may away may ingay, kung may ingay may magigising, at kung may magigising may teacher. Teacher is equals to tawag kela Mama at Papa. Mama and Papa equals discipline. 

Napailing nalang si Steven nang nakita niyang humikab si Scarlet.

"Matulog ka na nga do'n." Steven sabay turo sa nap room nila. Pero umiling lang si Scarlet habang nakangiti.  Nainis naman si Steven at napakamot nalang sa ulo niya. "Inaantok ka na! Huwag ka na ngang mang-inis sakin." Sabi pa nito.

Pero binigyan lang ulit siya nang ngiti ni Scarlet.

"Ayoko kasing ikaw lang mag-isa ang naglalaro, Steven." Scarlet at bumalik sa paglalaro.

Napabuntong-hinga nalang ang batang lalake at nagpatuloy sa paglaro. Mga ilang minuto ay tumigil siya sa paglalaro at tumingin kay Scarlet na hirap manatiling gising.

"Matulog na nga lang tayo." Sabi nito sabay tayo.

Mabilis na tumayo si Scarlet at ngitian nang malaki si Steven.

"Tara na nga!" Naiinis na sabi ni Steven at naunang lumakad papunta sa nap room nila, sumunod na rin si Scarlet. 

Hindi naman siya naiinis, na aawa lang siya kay Scarlet dahil halatang inaantok na talaga. Pagpasok nila sa nap room ay humiga na sila sa kani-kanilang kama.

Masayang humiga si Scarlet at agad napatulog, si Steven naman na babagot dahil wala siyang ginagawa pero sa kalaunan ay nakatulog din ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top