Chapter Five

Hello po, thank you sa cover!

Matapos ang klase, sinundo nang kani-kanilang magulang ang dalawang bata.

"Kamusta ang mga bata?" Tanong ni Marco sa teacher nila.

Palagi nila itong tinatanong dahil hindi lilipas ang araw na hindi nag-aaway ang dalawang bata.

"Nako Sir! Parang may himala atang nangyari dahil hindi nag-away ang dalawa!" Masayang bati nang teacher sa mga magulang.

Gulat ang mga magulang nila pero mas nangibabaw ang kasiyahan dahil hindi nga nagaway ang kanilang mga bata.

Pero sa isipan ni Steven, natatawa na siya, talagang hindi kami nagaway.

Pati si Scarlet ay natatawa sa sinasabi nang teacher, kung alam lang ni teacher!

"Wow! Bati na pala kayo!" Elisa sa dalawang bata.

"Sa ngayon..." Bulong naman ni Nelson na narinig naman kaya binigyan siya nang masamang tingin galing sa asawa.

"Anyway, dahil naging friends kayo, kakain tayo sa labas," Eliza at napaluhod ang isang knee para level siya sa mga bata,"Saan niyo gustong kumain?"

"Basta hindi yung parehas sa Jollibee o McDo." Steven.

Nag agree naman si Scarlet tapos ngumiti.

"Kayo na po ang bahala." Scarlet.

Kumain ang dalawang pamilya sa isang restaurant, hindi nagaaway ang dalawang bata dahil busy ito sa kani-kanilang pagkain. Matapos kumain ay nanghingi na sila sa bill.

Aalis na sana ang dalawang pamilya nang hinawakan ni Scarlet ang laylayan nang uniform ni Steven.

Inis na tumingin si Steven sa kanya, pero lumambot naman ito dahil parang hindi mapakali si Scarlet.

"Ano?" Tanong nito. Itinuro ni Scarlet ang perang nasa table pa nila.

"Iniwan ng Mama mo." Sabi nito at kinuha ang pera sabat alok. "Kunin mo na."

Lumingon muna sa likuran si Steven at nakitang may kausap pa ang kanilang mga magulang sa isa pang table.

"Hati tayo, kay Mama yan galing tapos ikaw nakakita, so equal lang tayo." Steven at binigay ang 10 pesos kay Scarlet habang sa kanya naman ang isa pang 10.

"Eh, bad yan!" Scarlet at tumakbo.

Nakalabas na ang mga magulang at hinihintay ang dalawang chikiting.

"Sa'n naman kaya ang dalawang yun." Marco habang hinahanap ang key para sa kotse.

Lumabas ang dalawang bata galing sa loob at gulat silang makita na para bang natataranta si Scarlet at si Steven naman ay naiinis.

"Anong nangyari, Scarlet?" Eliza sa anak.

Magsasalita na sana si Scarlet nang biglang tinakpan ni Steven ang bibig nito sabay sabing, "Ice cream!"

"Nag ice cream naman kayo kanina ah." Elisa na nakakunot noo.

Nagpupumuligas pa rin si Scarlet pero mas malakas si Steven sa kanya kaya dinilaan niya ang palm nito.

"Yuuuucks!" Steven at ipinahid ang kamay sa damit ni Scarlet.

"Steven!" Inis niyang sigaw.

"Kadiri ka! RABIES!"

Inis na inis naman si Scarlet kaya ipinakita niya agad ang perang kanilang nakuha kanina.

"Tita! Ayaw sabihin ni Steven na may naiwan po kayong pera kanina!" Proud niyang sabi sabay bigay sa Tita Elisa niya.

Si Steven naman ay naguilty kaya binigay din niya yung sa kanya.

Nagtatakang tinanggap naman ito ni Elisa, at inalala kung kailan ba niya ito iniwan.

Napa tawa nalang siya nang maalala niyang isa itong 'TIP'

"Mga bata, ibalik niyo ito sa loob, para ito sa mga taong nagbigay service sa atin." Natatawang pagexplain niya.

Nagtulakan naman sina Scarlet at Steven papasok sa loob.

"Ikaw kasi." Mahinang sabi ni Scarlet.

"Anong ako!?" Inis namang sagot ni Steven.

Lumapit sila sa may counter dahil napansin nilang may bagong nakaupo sa inipuan nila kanina.

Inilahad ni Steven ang hawak na pera sa counter at yumuko dahil sa kahihiyan.

"Oh, ano yan?" Nakangiting tanong ng isang waitress.

n "Uh," Napalunok muna si Scarlet at tinignan si Steven, "Kinuha namin yung tip kanina." Nahihiya niyang sabi.

Tumawa naman ang waitress at kinuha ang pera na nasa kamay ni Steven.

"Thank you mga bata." Sabi nito at ginulo ang mga buhok nila.

Napatigil ang dalawa sa ginawa nang waitress. Matapos itong umalis, nagkatinginan muna sina Scarlet at Steven, like nagsasalita sila gamit ang telepathy, sabay silang tumakbo palabas habang namumula sa hiya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top