I: LOVING KILLEMODIAN PRINCE (Beginning)

    Mula sa malawak na lugar na pawang nagraramihang bulaklak na nakukulayan ng iba't ibang kulay ay may dalawang batang nag-uusap malapit sa bughaw na batis.

     Nakasuot ng puting kasuotan ang babae habang ka-kulay naman ng tubig-alat ang kasuotan ng batang lalaki, gayon din, bakas na bakas ang kasiyahan sa dalawa na animo'y hindi mapaghiwalay sa isa't isa.

     "Sabi ko sa 'yo roon tayo sa tulay, Arinya, e.
Bakit ba laging gusto mo rito?" ngusong anang sabi ng batang lalaki.

     "Maganda rito, Syl, tingnan mo, ang gandang pagmasdan ng batis, kumikinang sa sobrang linis," sagot naman ng batang babae habang nakasawsaw ang mga paa sa tubig.

     "Pagagalitan tayo ng Inang reyna Azucena kapag nalaman niyang nandito tayo."

     "Huwag kang mag-alala kakausapin ko si Ryia kapag nahuli tayo," pa-bidang anang babae.

      "Dinamay mo na naman si Ryia, mapapagalitan ka na naman ng kapatid niya kapag nalaman niyang ginagamit mo siya."

      "Hindi 'yan, talagang mahal nila siya kaya hindi siya napagagalitan," ngiting turan ng babae na siyang ikina-iling ng batang lalaki.

      "Ayon! Dakpin siya," sigaw na siyang dahilan upang mapalingon sila sa grupo ng kalalakihan.

      "Mga dayo! Takbo, Sylier, dali," natatarantang sabi ng babae habang itinutulak ang kasama.

      "Sino ba sila?" naguguluhang anang wika naman ng lalaki.

      "Wala ng panahon, Syl. Takbo, dali, hindi ka nila puwedeng makuha."

      Bawat bata ng Heavenliers ay naturuan ng magandang asal at kung may panganib na maaring kaharapin sa kasalukuyan.

      "Pero—bitiwan ninyo ako, saan ninyo ko dadalhin, Arinya," sigaw ng batang lalaki nang dakpin siya ng naka-itim na siyang ikinatulala ng batang babae ngunit nang matauhan agad din sumunod.

      "Saan ninyo siya dadalhin? Ako ang prinsesa, ako ang kunin ninyo, bitiwan ninyo ang batang Anghel na 'yan," nagkandautal na aniya dahilan upang mapatigil ang naka-kapa na lalaki.

      "Sa tingin mo malilinlang mo ako, Batang Anghel? Para sabihin ko sa 'yo nasa amin na'ng prinsesang sinasabi mo," anang lalaki sabay tulak sa batang babae dahilan upang mapaupo na tumama ang pang-upo sa bato-batong bahagi ng batis.

      "Huwag ninyong saktan si Arinya. Arinya!" Pagpupumiglas ng batang lalaki habang hawak ng isa pang naka-kapa na naka-talukbong.

      "Huwag, bitiwan ninyo siya, huwag," nagmamakaawang kapit ng batang babae sa kanang binti ng lalaki dahilan upang tamaan siya ng kamay nitong sumampal sa kaliwang pisngi at napatiyayang ininda ang sakit habang pilit bumabangon.

      "Huwag, Arinya! Bitiwan ninyo 'ko, Arinya!

      "Masyado kang pakialamera, Batang Anghel!" Tumama naman ang kanang paa ng naka-itim sa pisngi nito dahilan upang mapahiyaw sa sakit ang babae na siyang sigaw rin ng batang lalaki.

       Hindi pa ito na-kuntento, isa pang kaliwang paa ang tumama sa mukha ng batang babae at pinag-u-undayan ng tadyak dahilan upang mapahiyaw sa sakit muli ito.

      "Arinya, huwag! Huwag ninyo siyang saktan, Arinya!

      "Parang awa ninyo na, bitiwan ninyo siya." Pilit pa rin itong gumagapang na kumapit sa kanang paa ng naka-talukbong kahit duguan na'ng mukha at labi.

       "Bitiwan ninyo ako, saan ninyo 'ko dadalhin? Isusumbong mo kayo kay ama. Ama! Ama! Arinya, tulungan mo ako," nagsisisigaw na sabi ng batang lalaki habang buhat pa rin ng naka-itim na kasuotan.

       "Sylier! Sylier," nagsisigaw niyang tili nang matauhan at mapabalikwas ng gising.

       "Ineng, okay ka lang ba? Lagi ka na lang nananaginip tungkol sa kaniya," puna ng babaeng may kulay puting buhok bagamat nasa limampu pa lang ang edad.

       "H-ho, miss na miss ko na po siya, labimpitong taon na po ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan," naiiyak na naman na turan niya.

       "Hanggang ngayon ba'y si Sylier pa rin ang iniibig mo? Batid mong hindi ka niya makikilala kahit makita ka pa niya, nanaisin mo pa rin ba?"

       "Inang na reyna, este Aling Maring, alam ninyo pong simula pagkabata si Sylier lang ang minahal ko at gagawin ko ang lahat kahit magsakripisyo pa ako ng buhay ko sa pagkakataong ito para lang matupad ang pangakong tutulungan ko siya kahit hindi niya ako makilala," hagolgol niya habang pilit pinipigil ang naglalabasang mga luha.

       "Matagal mo ng sinakripisyo ang buhay mo bilang anghel kapalit ng pagiging tao upang makita siya, kaya mahanap mo man siya o hindi maari ka pa rin mamatay, Arinya."

       "Alam ko po iyon, Inang reyna este, Aling Maring, pasensiya na po at hindi pa 'ko sanay tawagin kayo sa bago ninyong pangalan dito sa lupa ngunit alam ninyo pong gagawin ko ang lahat upang magkita ullit kami kahit maaring ito na'ng huli nating pagkikita."

       "Desidido ka na ba talaga, Arinya? Alam mong masasaktan siya kapag nalaman niyang nagtungo ka roon upang mahanap siya. Hindi ka niya maaalala ngunit dadalhin niya lahat ng sakit kapag nalaman niya ito sa tamang panahon," nag-aalalang anang matanda habang kababakasan ng kalungkutan.

       "Gusto ko pong ibigay ninyo 'to sa kaniya sa tamang panahon at kahit magtagumpay man o hindi si Ryia nais ko pong ipangako ninyong ibibigay ninyo ito kay Sylier," nagmamakaawa niyang abot sa kulay gintong bughaw na pulseras sa kamay ng ginang.

       "Akala ko ba nais mo siyang makita? Bakit ibinibigay muna sa akin ang bagay na ito?"

      Ngumiti muna ng mapait ang dalaga. "Alam kong magkikita kami ngunit alam kong hindi niya rin ako makikila."

      MULA SA MADILIM at nakakasulasok na amoy ng kapaligiran nagtungo si Arinya sa paanan ng bundok. Nakikita niya ang napaka-tarik at delikadong daan pababa na tutunguhin patungo sa kuwebang susi upang marating ang kabilang mundo; nasa likurang bahagi ito ng Angelic Falls sa Bayan ng Minanga na mala-paraiso ang ganda ngunit nabahiran ng hindi katanggap-tangggap na itsura sa dakong ito.

      Madulas at malumot ang lugar ngunit ito lang ang natatanging lugar upang makapasok sa lagusang tatahakin. Gaya ng napag-usapan nila ni Maring dito raw ang lugar kung saan nakakapaglabas-masok ang iba't ibang uri ng nilalang simula ng mawasak ang kaayusan sa mundo. Ito rin ang lugar kung saan pu-puwede niyang makita si Sylier na nasa dalawapu't apat na taong gulang na.

      Sa kabila ng dilim, amoy, at nakakatakot na huni ng kuliglig at kung anong nilalang ay 'di niya alintana. Natatakot man siya ngunit walang ng makapagpapabago ng isip niya lalo pa't ito na'ng takdang panahon upang makalabas ang taong minamahal.

      Gayon din, mula sa matagal na paghihintay nakarinig siya ng yabag na nagmumula sa lagusan habang nakatago 'di kalayuan. Pinakiramdaman niya ang bahaging iyon hanggang sa tumigil ito sa hindi niya mawaring direksyon ngunit gayon pa man patuloy niyang sinisilip kung sinong naroon sa kabila ng walang maaninag na anuman.

      "Mukhang naligaw ka ata, Binibini?" boses na siyang dahilan ng pagtayo niya kasabay ang akmang pagsigaw ngunit maagap ang pagyakap sa kaniya ng nasa likuran. "Kung gusto mong mamatay, huwag kang mandamay dahil hindi ko nanaising mamatay ng maaga lalo't marami pang nag-aabang na kababaihan sa akin," anas nito na siyang dahilan ng pagkapa niya sa kamay nito na siyang ilaw ng kulay gintong bughaw na pulseras na siyang labis niyang ikinatuwa nang matanawan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top