CHAPTER 45


SKY

Mag-uumaga na naman, wala na naman akong tulog kaka-isip kung bakit napunta ang pamilya ko sa ganitong sitwasyon. Buong gabi kong ibinuhos sa alak ang lahat ng mga hinaing ko, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit iniwasan niya ako noong mga unang araw…

Kung bakit mailap siya sa akin noon...

Unti-unti na akong naliliwanagan kung bakit kinailangan niyang maging mapamaig sa akin, noon.

I fucking deserves it…

Sinisi ko pa noon si Troy, hindi ko sukat akalain na pareho lang pala kaming may kasalanan sa babaeng parehong mahalaga sa amin at pinoprotektahan naming dalawa.

"I'm sorry Athena…" siyang usal ko sa sarili. Habang nilalagok ang natitirang patak ng alak sa bote. "I promise to protect you and your family, ako na ang bahala. Hihintayin ko ang pagbabalik mo at sa pagbabalik mo, buo na ang pamilya mo. Ililigtas ko sila sa mga magulang ko, alam ko na pagtapos nito hindi mo na ako mapapatawad… Magiging ayos lang sa akin, mahirap pero kailangan kong kayanin. Iintindihin ko at tatanggapin ang lahat, wala e tadhana na mismo ang umaayaw sa ating dalawa. Pinasok nila at sinimulan nila ang gulong 'to, ako na ang bahala na magtapos." inihagis ko ang bote ng alak sa pader at napasalampak na lamang ako habang yakap ang sariling mga tuhod.

"S-Sky…. Anak ko, I-I'm really sorry. Hindi namin 'to ginusto, sadyang kailangan lang naming gawin." narinig ko ang boses ng Mommy ko, liningon ko siya nakatayo siya sa may pintuan habang naka-yuko.

"Mommy mahal ko po si Athena, mahal ko rin ang pamilya niya." wika ko habang papatayo. "Nagulo ang pamilya ng babaeng mahal ko dahil sa kagagawan ninyo ni Daddy. Mommy hindi na ako tatanggapin ni Athena! Alam ba ninyo 'yon? Magagalit na naman siya sa akin oras na malaman niya na totoong may kinalaman tayo! Titiisin ko na naman ang bawat pag-iwas niya sa akin."

"Alam ko anak, p-patawarin mo ako. Sana mapatawad mo kami ng Daddy mo."

"Patawarin? Sue me, I won't and I will never forgive both of you. Nagsinungaling kayo sa akin, nagsinungaling kayo kay Athena and what's worst here is this. Kinulong ninyo sa basement ang parents niya, "

"Sky, anak, please hear me out. I will explain, just buy me sometime anak…"

"No! No! I don't want to hear another make up stories that full of lies and fictions!"

"A-Anak hindi ko sinasadya, maniwala ka sakin. Hindi ko sinasadya… 'y-yung kay Asianna... 'y-yung kanya kaya ko lang naman napatay si Asianna kasi… kasi baka maging hadlang siya sa inyo ni Athena. Ginawa ko lang 'yon para sa kapakanan mo."

Napa-awang ang pang-ibabang labi ko nang marinig ko ang hindi inaasahang pag-amin ng Mommy ko.

"Kapakanan ko? Iniisip mo ba talaga ang kapakanan ko mommy? Ang sabihin mo talagang makasarili lang kayo! Pareho kayo ni Daddy! Pareho kayong makasarili!"

"Sky! Bakit ka ganyan makipag-usap sa Mommy mo?" pagsabat ng kararating lang na Ama ako. "Wala kang respeto!"

"Kayo nga walang respeto sa pamilya ni Athena, hindi ninyo nirespeto ang pamilya niya. Tapos nag-eexpect kayong iterespeto ko kayong dalawa? No way Dad! No freaking way!" 

"Ang lakas ng loob mo!" sigaw niya at akmang susuntukin ako ngunit pinigil siya ni Mommy.

"Edison h'wag parang awa mo na!" sigaw ni Mommy habang hawak ang braso ng Daddy. "H'wag na h'wag mong sasaktan si Sky, anak natin siya." 

"Bastos ang anak mo na 'yan Lorena! Matapos nating alagaan, bihisan,ibigay ang lahat ng luho niya at pag-aralin sa mamahaling eskwelahan ganito lang ang igaganti niya sa atin. Wala kang utang na loob Sebastian!" panunumbat ng Daddy. "Hindi na nga namin itinuloy ang planong ipakasal ka kay Courtney gaya ng usapan namin ni Don Carlitos. Dahil alam namin ng Mommy mo na mahal mo ang anak ni Lorenzo tapos maggagaganyan ka! Ni hindi nga namin tinrato na parang iba si Athena, hindi ba? Tinanggap namin siya dito sa pamamahay ko." 

"Tama na Edison! Hayaan mo na siya, lasing lang ang anak natin kaya niya nasasabi ang mga bagay na 'yan." pag-awat ng Mommy, hawak niya pa rin ang mga braso ng Daddy na kamuntik nang dumapo sa pisngi ko kanina. "Tama na, parang awa mo na Edison. Intindihan mo na lang ang anak natin."

"Wala kang alam Sebastian, kaya wala kang karapatan na husgahan kami ng Mommy mo. Labag sa loob namin 'tong ginagawa namin, alam mo ba 'yon? " matigas niyang sabi.

"Ipaintindi ninyo sa akin Daddy, ipaalam ninyo sa akin kung bakit kailangang humantong sa ganito. Kailangan kong malaman Dad," paninindigan ko.

"Anak, bukas na lang ha. Lasing ka na e, matulog ka na bunso ko. Please, bukas na lang." hinigit ni Mama ang braso ko saka ako iginaya papunta sa kama ko. "Matulog ka na anak ko, please… bukas sasabihin namin sayo. H'wag kang mag-alala,"

"Ma please…"

"Promise anak, sasabihin ni Mama sayo Okay? Matulog ka na,"

Hindi ko na pinilit ang gusto kong mangyari, hinayaan ko nang ipagpabukas nila ang kung ano mang sasabihin nila. Ibinagsak ko ang hapong katawan sa kama, habang iginagala ang mga mata ko sa puting kisame.

Maya-maya pa ay napagpasyahan kong ipikit na ang mga mata ko hanggang aa tuluyan na akong mahimbing.

"Papa…"  isang maliit at matinis na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. "Papa!" muling banggit nito. "Papa laro po tayo! Papa!"

Nakita ko ang sarili na nakahiga sa kama, habang may dalawang pigura ng batang babae ang nagpapabalik-balik sa labas ng pintuan habang tumatakbo

Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang isasa mga maliliit na pigura, sigurado ako na bata ito…

…isang batang babae…

"Laro po tayo!" anito sa mahinhin at matinis na tinig. "Laro po tayo Papa," muli niyang sabi.

Umupo ako sa mga paa ko para maabot ko ang taas ng bata. "Papa? Sino ang tinatawag mong Papa?" siyang tanong ko.

Itinuro ako ng bata, "Ikaw po Papa Sky," aniya. "Ikaw po ang Papa ko… ang Papa namin ng kakambal ko."

"Papa mo ako?" muling tanong ko, tumango lang ang bata at pagka ay hinila ang braso ko.

"Laro na po tayo Papa, gaya ng lagi po nating ginagawa noon… Noong nandito pa po si Mama."

"Mama? Sino ang Mama mo?"

Nang akmang sasagot na ang batang babae ay siya namang pagtunog ng telepono ko. Dali-dali kong iminulat ang mga mata ko at saka inabot ang teleponong nakapatong sa nightstand sa tabi ng jama ko.

"Martha…" banggit ko sa pangalan sa caller ID. Si Martha ay ang nakatatandang kapatid ni Zoe, half-sister to be exact. Halos kaedaran na siya ni Troy. 

Bakit kaya siya napatawag? Anong meron? May masama bang nangyari kay Zoe?

Matagal na oras ang lumipas bago ko napagdesisyonan na sagutin ang tawag niya…

(Hello Sky? Pasensya na, nagising ba kita?") siyang tanong niya sa mahinang boses.

"Hindi, hindi naman. How are you Martha?"

(Okay lang ako… uhm… napatawag ako because of Zoe. Hihingi sana ako ng kahit kaunting pabor, kung pwede lang…)

"Depende sa pabor na hihingin mo, ano ba 'yon?" muling tanong ko.

(Sky… pasensya na talaga sa abala ah. Si Zoe kasi, mula nang gumising siya ikaw na agad ang hinanap niya. Tanong siya ng tanong kung dumalaw ka na daw ba sa kanya, hinahanap-hanap ka niya Sky. Alam mo naman si Zoe, hanggang ngayon… Hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal… Pwede bang dalawin mo siya? Kahit isang beses lang, Para naman maging masigla si Z kahit papaano.)
"I'll check my sched…" 

(Thank you Sky, pasensya na talaga. Basta kapag pupunta ka just inform me ha.)

"Yea, I'll do it." Labas sa ilong na sabi ko nang magpaalam na siya ay in-off ko na ang telepono ko at inihagis ito sa kama. 

Naging tuliro ang isipan ko matapos ang isang kakaibang panaginip tungkol sa dalawang batang babae na tumawag sa akin na "Papa ". Sino kaya sila? Anong meron? Bakit ko sila napanaginipan? 

ATHENA

Alas-kwatro na ng umaga pero gising pa rin ang diwa ko, halos puro tulog kasi ang ginawa ko kahapon. Kaya ngayon, heto ako nakatulala sa kisame at gising na gising ang haraya. Ipinihit ko ang katawan patagilid, naaninag ko ang malabong pigura ni Vivian na nakahiga sa puting couch at mahimbing na natutulog. Malabo ang tingin ko dahil nawawala ang salamin ko, magmula ng gumising ako ay hindi ko na 'to nakita pa. Ibinangon ko ang katawan saka isinandal ang likod ko sa headboard ng bed, iginala ko ang mga mata ko at hinanap ang isang tao na kanina lang ay nahihimbing habang naka-upo sa monoblock at nakayukyuk ang ulo sa kama. 

"Looking for Enrique? Wooo! That's what you called  improvement. Sabi ko naman sa'yo darating ang panahon na magkakagusto ka rin kay Enrique." 

Nagkakamali ka, hindi ko siya hinahanap dahil gusto ko siya. Hinahanap ko siya dahil kailangan kong magbanyo, magpapatulong lang ako.

"Wooo! At sa akin ka pa talaga nagsinungaling, don't me Athena. Kilalang-kilala kaya kita, pwede ka naman umihi mag-isa e. Nandyan si Vivian, pwedeng-pwede ka naman magpasama sa kanya." 

Ewan ko sa'yo, kung ano-ano ang iniisip mo.

"At ako pa talaga ngayon? Sino ba 'tong naghahanap kay Enrique? Ako ba? Hindi naman diba? Ikaw Athena, ikaw ang naghahanap sa kanya."

Pwede bang manahimik ka Ava, hindi na ako natutuwa sa'yo. H'wag mo akong simulan, please lang masama ang oakiramdam ko. Alam mo naman na si Sky ang mahal ko, siya lang at wala nang iba. Kahit wala siya sa tabi ko, kahit na si Enrique pa ang nandito. Walang kapantay ang pagmamahal ko kay Sky, kahit pa… kahit pa may alitan ang pamilya naming dalawa. Alam ko sa puso ko na kahit anong gawin ko, hindi ko kayang magalit kay Sky. 

"Tanga! Isa kang malaking tanga, Athena. Mahal mo nga e mahal ka ba? At kung mahal ka niya, nasaan ang pinagmamalaki mong Sky? Wala, wala siya dito. Athena gumising ka nga baka natutulog ka pa. Galit, 'yun ang dapat mong nararamdaman kapag nababanggit, naririnig, at nakikita mo ang Sky Yu na 'yon." 

Kahit ano pang mangyari, hindi ko kaya. Mahal ko siya Ava at hinding-hindi mababago 'yon. 

"Bakit ba ang tanga mo? Pinipilit mo pa rin ang letseng nararamdaman ko para sa taong 'yon. Nasaan ba si Sky noong kailangan mo siya? Nasaan ang pinagmalalaki mo? Hindi ba't wala?" 

Katawan ko 'to, isip ko, pakiramdam ko. Walang sinoman ang pupwedeng magmando sa akin.

"Diyan ka nagkakamali, hindi ka ba nakinig sa doktor na tiyahin mo? Makakasama mo na ako habang buhay Athena, hinding-hindi na ako mawawala."

Hindi ako papayag, kailangan mong mawala Ava. Ayoko na sa'yo! Ayoko na sa'yo! Pagod na ako Ava… Pagod na pagod na ako!

"Wala kang choice Athena, wala kang choice kungdi sundin ako. Tandaan mo ang mga sakripisyong ginawa ko para sa'yo, tandaan mong ako lang ang nag-stay nung mga panahon na iniwan ka nila. Wala nang iba pang, extra lang 'yang si Enrique. Fuck buddy, kumbaga sa pagkain pampasarap."

Tigilan mo na ako Ava! Hirap na ako hirap na hirap na ako sa mga pinagdaraanan ko sa buhay ko. H'wag ka nang dumagdag pa, ayoko na. Umalis ka na! Umalis ka na!

"Ako lang ang kakampi mo, ako lang Athena. Sino bang kasama mo sa tuwing umiiyak ka? Sa tuwing nasasaktan ka, sa tuwing natatakot, at sa tuwing pinagkakaisahan ka ng lahat. Hindi ba't ako?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata at malakas na inumpog-umpog ang ulo sa pader na sinasandalan ko. 

"TAMA NA! AYOKO NA! PAGOD NA PAGOD NA AKO SA'YO AVA!" siyang pagtangis ko habang iniuumpog ang sarili.

Hindi ka pwedeng mapagod sa akin, Athena. Ako lang ang kakampi mo! Ako lang at wala nang iba!  Gusto mo ng sakitan pagbibigyan kita!  Siya namang wika ni Ava at pagka ay naramdaman ko na ang sariling mga kamay na marahas na dumadampi sa pisngi ko at sumasabunot sa sariling buhok. 

"Athena! Athena!" Boses ni Vivian ang siyang narinig ko. "T-Teka lang… paano bang gagawin ko?" Mabigat ang paghinga niya at tila tuliro. "Dito ka lang, tatawag ako ng doktor." narinig ko ang mabilis at malalaking yabag niya habang papalabas sa silid.

Akala mo ba magpapatalo ako sa'yo Athena, e kung wala naman ako sa isipan mo. Hindi ka makakaligtas sa mga naranasan mo, hindi ka matututong gumanti.  Hindi ka matututong maging matapang, hindi mo maipagtatanggol ang sarili mo.

"Hindi kita kailangan! Tama na Ava!"  itinigil ko ang pag-umpog sa ulo ko nang may maramdaman akong likido mula sa likido na galing mismo sa sariling ulo. Minasdan ko ang kamay ko na nahawahan ng likido, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pulang likido na galing sa ulo ko. "D-Dugo…" 

Ayan! Kasalanan mo 'yan! Nang dahil sa'yo kaya ka nasaktan ngayon. Ikaw kasi hindi ka nag-iisip, hindi ka marunong makinig sa akin. 

Bumilis at bumigat ang paghinga ko, kasabay non ay siya rin na pagbilis ng tibok ng puso ko at pagbigat ng nararamdaman ko.

"Ako pa talaga ang kinalaban ng isang duwag na katulad mo? Alam na alam mo na wala kang binatbat sa akin, Athena."

Tama na Ava, hindi naman ako lalaban e basta't tumigil ka lang.

"Wala pa nga akong sinisimulan, Athena. At bakit naman ako titigil aber? Sino ka ba para utusan ako?" 

"Athena… don't worry, may tutulong na sa'yo." muli kong narinig ang nag-aalalang boses ni Vivian, iniangat ko ang ulo ko at nakita ko pa ang dalawang kasama niyang nurse na babae na papalapit sa akin. 

Agad nila na nilapatan ng first aid ang nagdurugong ulo ko, ginamot nila ito at binendahan. Maya-maya pa ay naaninag ko ang isang nurse na may binubuksang plastik, isang syringe ang nakitang kong inilabas niya mula rito. 

"T-Teka, anong gagawin ninyo?" may pagtatakang tanong ni Vivian.

"Habilin po ito ni Dra. Ruais, oras raw po na atakihin ng alter niya si Ms. Athena ay h'wag daw po kami mag-hesitate na turukan siya ng pampakalma." sagot ng babaeng nurse na morena.

"Alter? H-Hindi ko maintindihan…" 

"Patient with dissociative identity disorder po si Ms. Athena," 

"D.I.D?" usal pa niya at tumitig sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo bang tusukin ko ang mata mo." Inalis ko ang tingin kay Vivian at ibinaling ito sa dalawang nurse. "Hindi ko kailangan niyan, kaya kong pakalmahin ang sarili ko* matigas kong sabi. 

"Ms. Athena, makakatulong po ito sa inyo."

"Ava… Ava ang pangalan ko at hindi Athena." 

VIVIAN

Mahimbing akong natutulog nang bigla akong naalimpungatan nang makarinig ako nang para bang may malakas na humahampas sa pader ng silid. Napabalikwas ako mula sa maliit na sofang kinahihigaan ko, kinusut-kusot ko ang mga mata  at namataan kong inihahampas ni Athena ang sariling ulo sa pader habang tila nakikipag-usap sa sarili. Hawak niya ang sariling buhok na tila sinasabunutan ang sarili habang ang isang kamay ay sumasampal sa sariling mukha niya. 

Tinubuan ako ng kilabot at pag-aalala sa katawan, una kong inalala ang batang nasa sinapupunan niya kaya naman ay nagmamadali ako na tumayo sa couch.

"Athena! Athena!" sigaw ko sa pangalan niya. Natutuliro ang isipan ko dahil sa hindi ko maintindihang pangyayari"T-Teka lang… paano bang gagawin ko?" Mabigat ang bawat  paghinga ko. Naguguluhan ang isipan ko. "Dito ka lang, tatawag ako ng doktor."

Kahit tuliro ang isip ay ikinalma ko ang sarili at kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto. Luminga-linga ako sa paligid para malaman ko kung mayroong malapit na Nurse station dito. 

"Ateng Nurse!" sigaw ko nang makita ko ang isang babaeng nurse na kalalabas lang ng mula sa isang ward. Nagmamadali akong nilapitan siya at hinila, "Dito ate tulongan mo po ako, 'y-yung kaibigan ko po…" 

"T-Teka Miss kumalma po kayo, ano po ba ang meron? Ano po ang nangyayari?"  

"R-Room 411… R-Room 411.." nauutal kong sabi. 

"Room 411!" Gulat niyang sabi. "Sandali lang po dito lang kayo, kukuha lang po kami ng gamot. Kumalma po kayo Miss…" anito saka iniwanan ako na nakatayo.

Hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko para sa kaibigan ko at mas lalong kaba para sa batang nasa loob ng sinapupunan niya. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko at hinanap ang cellphone ko, kahit na nanginginig ay maingat kong idinial sa cellphone ko ang number ni Enrique. Kagabi ay nagpaalam siya na pupuntahan lang saglit ang Daddy niya na nasa airport at kalalapag lang galing France. 

Nakailang ring pa bago niya ito sinagot, hindi na ako nagdalawang isip pa inunahan ko na siya na makapagsalita.

"E-Enrique si Athena! P-Pagkagising ko… P-Pagising ko kanina, nakita ko siya na sinasaktan ang sarili niya! H-Hindi ko alam ang gagawin dito! Bumalik ka na please!"

"Hey! Hey V calm down, calm down okay? I'm on my way, magpatawag ka ng mga nurse and doctors. They knew what to do, don't worry she'll be fine, okay? Just… Just calm down first Vi."

"Paano ako kakalma? 'Yung bata sa tiyan niya baka madamay."

"She won't do that, okay? Mahal ni Athena ang anak namin, don't worry and calm down V. Everything will be alright, I'm on my way."

"S-Sige… M-Mag-iingat ka…" wika ko at pinatay ang cellphone. 

"Halika na po Miss, puntahan na po natin si Ms. Athena."

My feet continued to tremble, I just forced myself to calm down. My mind was full of questions about what was happening that I couldn't understand …

Nang makarating kami ay agad na nilapitan ng mga nurse na kasama ko si Athena, hindi ko alam kung bakit tila may iba sa aura ni Athena. Para bang hindi ko siya kilala…

Tumalikod ako at nag-iwas ng tingin habang ginagamot ang ulo niya, maya-maya pa nang maramdaman kong tapos na ay humarap na ako. Ganun pa rin ang awra niya, nakakapangilabot…

Sinapian ba siya or what? She's strange…

T-Teka, anong gagawin ninyo?" takang tanong ko nang inilabas ng isang nurse ang syringe mula sa safety pack nito.

"Habilin po ito ni Dra. Ruais, oras raw po na atakihin ng alter niya si Ms. Athena ay h'wag daw po kami mag-hesitate na turukan siya ng pampakalma." sagot ng babaeng nurse na pinagtanungan ko. 

Alter? Anong alter?

"Alter? H-Hindi ko maintindihan…" pagtatala ko.

"Patient with dissociative identity disorder po si Ms. Athena," 

"D.I.D?" usal pa niya at tumitig sa akin.

Split personality…. 

"Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo bang tusukin ko ang mata mo?" seryosong tanong ni Athena nang titigan ko siya. Ibinaling niya naman ang tingin sa dalawang nurse na nasa magkabilang gilid niya. "Hindi ko kailangan niyan, kaya kong pakalmahin ang sarili ko" pagalit niyang sabi. 

"Ms. Athena, makakatulong po ito sa inyo."

"Ava… Ava ang pangalan ko at hindi Athena." 

Ava…

Sino si Ava? Siya ba yung tinutukoy na alter ni Athena? 

I swear, sobrang nakakatakot ang mga titig niya, mukha siyang normal pero matalim ang bawat salita na binibitiwan niya. Imaginin mo na lang na pinagsama-sama sina Ursula, Cruella, at The evil queen sa aura niya ngayon.

"Alis! Hindi ko kayo kailangan dito! Umalis na kayo." Maotoridad na sabi niya sa mga nurse, nagkatinginan lang ang dalawang nurse na nasa tabi niya. "Ano pang hinihintay ninyo? Ang sabi ko umalis na kayo." 

"Sige na, I'll take care of her and I apologize for what she said." Si Enrique na kararating lang.

Nang makalabas ang dalawang nurse ay siya namang pasok ni Enrique, tinapik niya ang balikat ko at tinignan ang mukha ko. "You okay?" tanong niya, tumango lamang ako. "That's good, calm down okay? Magiging ayos lang ang lahat," muli akong tumango at inilihis ang tingin kay Enrique. Naramdaman ko ang matatalim na tingin ni Athena… ibig kong sabihin ay Ava sa aming dalawa ni Enrique. Hinaplos-haplos ni Enrique ang buhok ko  na animo'y pinapakalma ako. Ngumiti lang siya bago siya naglakad papunta sa kinaroroonan ni Athena… Ava pala na masama pa rin ang tingin sa akin. 

"Hey!" bati nito, sinalubongan siya ng isang halik sa labi ni Ava na nasa katawan ni Athena. 

"Kanina pa kita hinahanap, bakit mo naman ako iniwan sa kanya?" Nag-iba ang tono ng pananalita niya, 'yung authority sa boses niya ay napalitan ng pagiging maamo at sweet. "Saan ka ba nag punta?" 

"Sinundo ko lang ang Daddy sa airport, h'wag ka nang mag-alala nandito naman na ako e. Hindi na kita iiwan okay?" 

Nagtataka ako sa ikinilos ni Enrique bigla,  alam niya na kaya ang tungkol sa DID ni Athena? Wala namang pagbabago sa kanya pero parang wala siyang takot or weird feelings towards Athena. 

Pinag-aralan  ko kung paano maging isang psychologist in the future pero hindi pa ako handa para sa mga ganito, sobrang challenging ng D.I.D.  Ayon mga nababasa kong libro noon, wala pang naiimbentong gamot para sa sakit ni Athena.

"Magpapadeliver ako ng pagkain, anong gusto mo?" tanong nito kay Athena… Ava… siya nga pala si Ava ngayon. 

"Hindi pa naman ako gutom, gusto ko lang na nandito ka. Ayokong mawala ka sa tabi ko Enrique," wika niya saka kumapit na ismo isang linta kay Enrique.

"Hindi ako mawawala, nandito lang ako. Hindi kita iiwan, I've made a promise diba?" Humalik muli si Enrique sa mga labi ni Athena, kay Athenang katawan na kinokontrol ni Ava… "What happened on your head?"

"Aksidente, hindi ko napansin na may  pader pala." 

Sinungaling.

Ang laki niyang sinungaling...

Pinapanood ko lang silang dalawa, ang kaninang antok na nararamdaman ko ay tila nawala. Napalitan ito ng takot at pangamba… 

"Uhm… Enrique… A-Athena.. I mean Ava… Lalabas lang ako saglit, magpapahangin lang." 

"Mabuti naman at naisipan mo, hindi ka naman talaga kailangan dito. Go! Leave us alone, gusto kong ma-solo ang Enrique ko." ani Ava at ibinaling ang tingin kay Enrique na nakatitig sa akin. "H'wag mo siyang tignan, sa akin lang dapat ang paningin mo pati na ang atensyon mo Mahal ko." sambit niya at ipinahilig ang ulo ni Enrique paharap sa kanya. "Sa akin ka lang," ginawadan niya ng isang halik muli ang labi ni Enrique.

Napagpasyahan kong agad na lumabas sa silid, kinikilabutan talaga ako sa mga nangyayari rito. Bakit ba kasi ako iniwanan ni Troy rito?

Paglabas ko ay napasalampak na lang ako sa sahig at napasandal sa pader habang yakap ang tuhod at may mga rumaragasang luha sa pisngi ko.

"Troy nasaan ka ba? N-Natatakot ako… Ayoko na dito..."

TROY

Doon muna kami tumuloy ni Ninang Stacy, pansamantala sa condo na pagmamay-ari ng step-son niya na si Elias. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya naman habang lulan ng kotse ay umidlip muna ako.

Pauwi na kami sa Manila, kasama namin si Elias na nasa front seat katabi ni Ninang Stacy na nasa driver seat. Muli sana akong iidlip nang marinig kong nag-ring ang cellphone ng Ninang ko. 

"Hello Pa? Nasaan ka po? H-Hindi, nasa hospital pa rin po si Athena. Uh naiwan po siya kasama ang Ama ng pinagbubuntis niya. H-Hindi po, hindi po si Troy ang ama ng pinagbubuntis niya. K-Kasama ko po si Troy ngayon papauwi po kami ng Manila… Anong h'wag? Bakit ninyo po kami pinababalik? Pa! Hello Pa?"

Nag-iba ang tono ng boses ng Ninang ko na para bang nagtataka siya, hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. Ngunit bakas sa boses noya ang labis na pag-aalala…

Nang ibaba niya ang telepono ay naglakas loob na akong tanungin siya tungkol sa pinag-usapa nila ng tatay niya.

"Ninang ano po ang nangyari? Bakit tayo pinababalik?" 

"Hindi tayo babalik Troy, didiretso na agad tayo sa bahay ng mga Yu. Kailangan ko mapigilan ang binabalak ng Papa."

"Binabalak? Anong binabalak niya?" 

"Basta, maging handa ka Troy. May mga matatanda tayong tuturuan ng leksyon."

Kahit na kating-kati ako na magtanong ay pinigil ko ang sarili hanggang sa makarating kami sa subdivision kung saan matatagpuan ang bahay  ng mga Yu.  Bago kami pumarada ay nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na Nissan NV350 na kulay itim. Ang van na iyon ay pagmamay-ari ni Courtney.

Bakit nandito siya? 

Maya-maya pa ay naaninag ko ang pigura ni Noel na bumaba sa van, kasunod niya ay si Courtney at ang pinsan nitong si Max.

Bakit sila magkasama ni Courtney?  

Nang ihinto ni Ninang ang kotse ay nagmamadali akong lumabas mula sa sasakyan at naglakad papunta sa direksyon nila Noel.

"Troy!" aniya nang magtama ang mga tingin namin.

"Baby!" masayang wika ni Courtney saka patakbong nagtungo papunta sa akin. Yinakap niya ako  ng mahigpit at hinalikan ako sa labi. "Na-miss kita!" 

"I missed you too pero mamaya na tayo magkamustahan at magkwentuhan. May aayusin lang tayong gusot ng pamilya."

"I know, kaya nga pumunta ako dito para makatulong." 

"You don't have to, ayaw kong mapahamak ka." 

"By the way, sina Vivian, Enrique, at Athena nasaan? Bakit hindi mo sila kasama?" tanong ng mahal ko.

"Alam mo naman ang kalagayan ni Athena, hindi niya pwede malaman 'to. Buntis siya, baka may mangyari sa anak niya."

"Sinong buntis?" si Noel. "Si Athena ba?" tumango ako. "Sinong ama? Alam na ba ni Sky?" 

"Pwede bang manahimik ka," seryosong sambit ko. "Hindi 'yan ang ipinunta ko dito,"

"Oo nga pala, ang sabi  sa akin ni Sky nandito daw ang Lolo mo Troy. Kausap ang Papa mo pati na Papa niya," sambit ni Courtney.

"Nandito ang Lolo?" Tumango lamang siya. 

Tinungo ko ang nakakandadong gate ng mga Yu at kinalampag ko ito habang sumisigaw. "Sky! Sky! Sky lumabas ka dyan!"  

"Troy kumalma ka nga! Para kang laging naghahanap ng away e." Hinila ako ng Ninang papalayo sa gate. 

Walang lumalabas mula sa mansyon ni isa kaya nagtangaka ulit ako na puntahan ang silver na gate at kalampagin. 

"Sk--" Napahinto ako nang hilahin ako nina Elias at Noel na hawak ang magkabilang balikat ko. 

"Ano ba? H'wag ka ngang magpadalos-dalos dyan Troy. Armado ang mga tao na nasa loob ng bahay, wala pa naman tayong hawak na baril. Ayoko pang mamatay ano ka ba?" untag ni Noel

"You're too violent Troy! You should be patient!" sabi naman ng englisherong labanos.

"May contact ba kayo sa loob? Hindi kasi sumasagot si Papa, nandoon din kasi siya sa loob." tanong ng Ninang.

"Ako na po ang bahala, tatawagan ko po si Sky." Pagbo-boluntaryo ni Zoe, kinuba niya ang cellphone mula sa bag niya saka nagdial ng number at itinapat sa tenga ang cellphone. "Hello Sky, nandito na kami. Kasama ko sina Noel at Troy… Sige … Thank you," ibinababa na niya ang cellphone at muling inilagay sa bag niya. "Palabas na daw siya," 

Naghintay kami ng ukan pang minuto bago namin naanibag ang pigura ni Sky mula sa garden area na kumakaripas ng takbo patungo sa amin. Maya-maya pa ay binuksan niya na ang tarangkahan at pinapasok kami. 

"Mabuti naman at nandito na kayo," 

"Kamusta sina Tito Lorenzo at Tita Aileen? Ayos lang ba sila?" Siyang bungad na tanong ko. 

"Sa totoo lang ay hindi ko alam, nakasarado na ang basement. Hindi ko alam kung nandoon pa sila, basta ang alam ko lang. Magkakasabwat ang mga magulang natin, pati na ang Lolo mosa gulong 'to." sagot naman niya. 

"Hindi mo naman sinabi na darating pala ang unico hijo ko rito, Sky." 

Lahat kami ay sabay-sabay na tinignan ang matandang hukluban na naglalakad patungo sa amin. Ang lalaking may-ari ng apelido ko, ang lalaking pumipigil sa mga balak ko noon e mas lala pala ang gagawin niya ngayon. 

"Hindi mo man lang ba yayakapin ang Daddy mo, Troy?" Naiirita ako sa matandang 'to. 

"Nasaan si Tito Lorenzo at Tita Aileen?" 

"Tito? Tita? Marunong ka na palang gumalang ngayon, parang nitong nakaraan lang pinaplano mong patayin ang Tatay ni Athena hindi pa? Gumagawa pa nga kayo ng plano ni Noel." 

"At ang bagay na 'yon ang  pinaka pinagsisisihan ko sa tanang buhay  ko Daddy. Sising-sisi ako na ginawa ko ang letseng bagay na 'yon."

"Hindi ka kasi marunong makinig Troy, ang gusto mo lagi ikaw ang nasusunod. Ikaw ang matalino, ni hindi ka man lang nagtanong sa akin. Ni hindi mo man lang ako kinunsulta, matigas kasi ang ulo mo. Hindi mo pa alam ang totoong nangyayari, bumira ka agad ng plano, hindi mo ba alam na ang lahat ng ito ay plano ng Lolo mismo ni Athena?"

"Alam ko," lahat kami ay liningon ang nagsalitang si Ninang. "Kaya nga nandito kami para kausapin ang Papa,"

"Kung ganun, pumasok na kayo naroon silang lahat sa loob." Sabi ng matandang hukluban saka ngumisi na para bang nang-iinis. "O e teka, nasaan na nga pala ang mamanugangin ko? Bakit hindi ninyo kasama?" 

"Dad ano ba ang sinasabi mo?" 

"Nakalimutan mo agad Troy? Hindi ba't bago nangyari ang biglaan mong pagsugod sa mansyon ng mga Aragon ay nakaplano na talagang ipakasal kayong dalawa?"   

Nang marinig ko ang sinabi ng Ama ko ay otomatikong si Courtney ang unang hinanap ng mga mata ko. Nang magtama ang mga mata namin ay mapait siyang ngumiti. 

"Dad, sira na ang plano na 'yon. Sa tingin mo ba, gugustuhin pa ako ni Tito Lorenzo na maging asawa ni Athena? Sa dami ng katarantaduhang ginawa natin sa buhay nila." 

"Katarantaduhan mo at ng lolo mo, sino ba ang nagbenta ng mga properties nila? Ako ba? Hindi naman ako diba? Ikaw, ikaw na pabibo kong anak." 

"Hindi pa ba kayo tapos?" Si Sky ang nagsalita, "Kung ano man ang isyu ninyong mag-ama ay labas kami doon. Ang gusto namin ngayon ay pakawalan ninyo ang parents ni Athena." 

Ibinaling ng Daddy ko ang atensyon kay Sky, "Hijo, h'wag kang mag-alala. Makakawala rin naman sila sa basement na 'yon, hinihintay lang namin ang hudyat  ni Don Ronaldo. 'Yun matanda na ka-mahjong ng Papa mo? Nakita mo siya kanina diba? Siya ang magdedesisyon kung kailan natin pakakawalan sina Lorenzo at Aileen. Saka bakit ka nga ba nangingielam? Binabalak mo rin bang pakasalan si Athena, ay hijo mangarap ka na lang dahil nauna na si Troy."

"Sky, ang sabi ni Daddy papasukin mo na raw sila." Si Storm, ang Kuya ni Sky. Nasa may balkonahe ito at naninigarilyo habang umiinom ng alak.  

Liningon ko si Sky, blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Tumitig din siya sa akin nang ilang segundo at nag-iwas ng tingin. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa pathway papasok ng bahay nila. Malamang sa malamang ay hindi siya natuwa sa sinabi matangdang hukluban na unfortunately ay tatay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top