CHAPTER 3
-ATHENA-
Nang dumating kami sa St. Magdalene University ay agad akong ipinakilala ni Troy sa mga kaibigan niya. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng makita ko ang tatlong babae na kasama nila, sina Amara, Courtney at Vivian. Ang gaganda nilang tatlo, at lahat sila sikat na public figure. Si Vivian bukod sa pagiging vlogger at influencer ay anak siya ni Capt. William Trinidad, may ari ng Eagle Fly Earlines, at ni Ms. Mercedes Quizon na isang fashion designer.
Si Trina Courtney Marie Dizon naman ay anak ng sikat na golf player na si Don Pacundo Dizon at veteran actress na si Amelia Dizon. Likas sa kanya ang pagiging maganda, last 2016 nagposr siya para sa Loly Magazine.
Habang si Amara naman bukod sa pagiging Ms. Teen Manila dati ay anak siya ng Governor ng lugar namin, bunsong anak siya ni Gov. Ramon Estrada at dating beauty queen rin ang nanay niya na si Ms. Loida Gonzales.
Nakilala ko rin si Ice na, Jose Enrique Madrigal IV ang tunay na pangalan, si Salamander na Norman Elmo Angeles ang tunay na pangalan, at ang kinamumuhian ko na si Siegrain Gerard, na Sebastian Klark Yu ang tunay na pangalan…
Si Sky na anak ng lalaking nanakit sa ama ko.
Sky Yu.
"So, paano? Kitakits nalang mamayang lunch. Hahanapin pa kasi namin ni Athena ang room niya," pagpapaalam ni Troy.
"I insist, kaya ko na Troy. Samahan mo na lang ang mga kaibigan mo." Pahayag ko.
"You sure? Hindi mo pa kabisado ang lugar na ito." ani Troy na para bang ayaw akong pagkatiwalaan.
"100.1% Troy, trust me. I can manage naman. Hindi naman na ako bata,"
"Oo nga Troy, hayaan mo na siya. May basketball practice rin tayo mamaya," si Noel iyon, tumingin siya sa wrist watch nya bago muling nagsalita "8:30 na, eh 9:00 ang start"
"See?" Nginitian ko si Troy pero hindi siya umimik.
"Sige na, pumunta na kayo sa gym. Ako na ang magbo-volunteer na mag-tour kay Athena." pagpepresinta ni Enrique.
I don't really need a man pero ewan ko kung ano meron sa isang 'to.
"Like what I've said, hindi ko kailangan. I can be familliar in this school without any help," paninindigan ko.
"Kami na lang! Kami na lang! Ang panget kaya kapag may 1 boy saka 1 girl na magkasama. Protect your image at all cost Enrique!" sigaw ni Amara na para bang may pinaglalaban, nakita kong siniko niya ang katabing si Courtney at parang inudyukan niya.
"Yeah, Amara's right, kami na lang ang tutulong sa kaniya." ani Courtney. "Troy and Noel diba may basketball practice kayo? Sige na, alis na kayo. At ikaw naman Enrique, Hindi ba ayaw mo nang may kasama? Tapos ikaw Sky…" saglit na natahimik si Courtney.
"Oh ano? Bat natahimik ka?" pigil ang tawang tanong ni Vivian.
Pinandilatan naman siya ni Courtney.
"Baka nakakalimutan ninyo na, I'm the Student Government President, and one of my duty is to help transferee students na mag-tour sa school na ito," ang kinamumuhian ko ang nagsalita.
Putek!
Anong ibig niyang sabihin?
No! No! No! Ayoko siyang makasama! Okag na pala ako kina Troy or kahit sina Vivian na lang ang sumama sa akin.
"Busy kang tao diba?" si Enrique ang nagsalita.
"No, I'm not…" ani Sky at saka hinigit ang braso ko. "Let me tour you,"
"Teka, teka bro maging gentle ka naman," Si Troy iyon, marahan niyang hinigit ang kabilang braso ko. "Athena is my best friend,"
Tinapunan lang siya ng matalim na tingin ni Sky. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Sky sa braso ko na animoy ayaw akong pakawalan.
"Sana all pinag-aagawan!" Napalingon ako sa grupo ng ilang mga estudyante na nanonood sa amin.
"Ganda mo ate gurl," sigaw ng isa pang lalaki na may headband na pink.
Bigla akong tinubuuan ng hiya kung kaya naman sinubukan kong alisin ang mga kamay nila na nakahawak sa braso ko. Nagsimula na rin akong makaramdam ng mainit na tensyon. Parehong humigpit ang pagkakahawak nila sa braso ko. Ano ba trip ng mga 'to?
"Bitiw!" Matigas ko na sabi.
"No, I won't." Sersoyong saad ni Sky habang nakatingin sa akin.
Magsasalita pa sana ako pero inunahan ako ng kabog ng dibdib ko, kaya wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko.
"Nasasaktan na si Athena, bitiwan na ninyo siya." mahinahon pero bakas ang pag-aalala sa boses ni Enrique.
"Troy, Sky, pwede bang mag-relax muna kayo." si Vivian iyon na akmang pinapagaan ang tension sa pagitan ng dalawang lalaki.
Lumapit siya sa kinaroroonan ni Troy at sinubukang tanggalin ang kamay ni Troy sa braso ko. Si Noel naman ang lumapit kay Sky at sinubukan ring tanggalin ang kamay nito.
"Troy, please hayaan mo na lang gawin ni Sky ang trabaho niya. It's his duty naman," ani Vivian.
"No, ako ang guardian ni Athena. It's my duty to protect and guide her here." paninidigan ni Troy.
"Don't you dare touch me Noel!" bulyaw ni Sky kay Noel.
Parami na ng parami ang mga estudyanteng nanonood. Palakas ng palakas na rin ang kabog sa dibdib ko.
"Guys, please stop making a scene. Hayaan na ninyo si Athena ang pumili ng magiging kasama niya," ani Amara.
"Balak ninyo pala maging tour guide na dalawa eh. Bakit engineering at political science ang course ninyo? Dapat nag tourism pala kayo," saad ni Courtney.
"Courtney, h'wag ka nang magbiro." iritableng pahayag ni Amara.
"I wasn't," mahiksing tugon naman ni Courtney.
"Oy kayo diyan, 'wag kayong manood!" Pananaway ni Noel sa mga estudyante.
Medyo naiinis na ako sa mga oras na ito. Gusto ko nang sapakin sa mukha sina Troy at Sky.
"Pwede bang bitiwan na ninyo ako!" Naglakas loob na akong sumigaw at nagpumilit na makawala mula sa kanila, "Nasasaktan na ako!" Sigaw ko.
Si Troy ang unang bumitiw, ganun din ang ginawa ni Sky.
"I-I'm sorry…" wika ni Troy. "Sige na Sky, samahan muna si Athena. "
Nilingon ko si Troy, saglit lang siyang tumingin at pagka ay nag-iwas rin. "Magkita na lang tayo mamayang lunch, Athena. Tara na Noel," pag-aya nito kay Noel, sinabayan niya ito ng talikod, at lakad paaalis.
"Wait bro!" ani Noel at sumunod kay Troy.
Nanibago akong bigla sa ikinilos ni Troy. Nakakapagtaka ang biglang paglamig ng trato niya. Ganun lang 'yon?
"I always win," mahinang sabi ni Sky.
"Uhm… sige, aalis na rin kami. Tara na girls, nice to meet you ulit, Athena. Tara na girls," pahayag ni Vivian, kinuha niya ang gamit niya saka siya umalis kasama sina Amara at Courtney.
"I guess, I need to go also. See you later Athena," pagpapaalam ni Enrique, umalis na rin siya kagaya ng iba.
Naiwan akong kasama ang taong kinamumuhian ko.
Vivian, Courtney, Amara, bumalik kayo please...
Kahit isa na lang sa inyo, I don't want to be stuck with this guy.
"Let's go?" akma nitong hahawakan ang braso ngunit iniwas ko.
"I can manage myself, hindi mo ako kailangan hawakan."
"Fine, fine, if you insist. By the way, anong course mo?" tanong niya.
"Ano bang pakielam mo sa course na kihuha ko?" Iritableng tanong ko.
"I'm asking it because I will help you to be able to find your room. Tss.." mahinahon siya pero may halong inis ang tono niya.
"Education," sagot ko.
"Oh, so you are a future educator, huh?" Manghang sabi niya. "Teacher Athena,"
"Ituro mo na lang kung saan wag ka nang sumatsat," medyo naiirita na ako, pilit ko lang linalabanan.
"Terror teacher, scary." Pagbibiro niya saka siya tumawa.
Nang makita ko ang pagtawa niya na napakagwapo at tila nawawala ang mata, ay parang nalusaw ang puso ko.
Oo nga at galit ako, gusto kong maghiganti pero di ko maipagkakaila ang paghanga ko sa kanya. Kung kaya't nang nangibabaw na ang kilig sa sistema ko ay nag-iwas na ako ng tingin, at iniba ang usapan.
Athena, you have to collect yourself, bawal mo na siya maging crush please!
Focus!
"Ituturo mo ba kung nasaan ang room ko o kailangan pa kitang saktan ?" Pagbabanta ko sa kanya.
"You have to chill," bumalik sya sa pagiging seryoso niya. "You are a future teacher, you have to practice and learn how to have a long patience," aniya.
"Wag mo nga akong pakielaman." Singhal ko.
Bago pa man siya nakasagot ay tumunog na ang school bell, hudyat na magsisimula na ang first period. Inunahan ko na siya sa paglalakad, para naman tumigil niya siya sa kakadada.
"Uhm, Ms. Aragon hindi riyan ang daan papuntang Educ building," narinig kong sabi ni Sky, dahilan para mapahinto ako at humarap sa direksyon niya.
"I know," pagpapalusot ko.
Tae, pahiya ka Athena?
ENRIQUE
Having a crush on a girl is not really my thing, mas gugustuhin ko pa na hamunin si Sky sa pataasan ng grades kesa manligaw ng babae. But after seeing Athena kahit noong unang beses, noong burol ng Mommy ni Troy, I feel like I was hit by Cupid's arrow.
Cheesy righy?
This isn't the first time that I got attracted to a girl but this is way more different.
Meaning, Athena just reached my standard when it comes to my ideal girl. The way she speak, the way she explain things out, and the way she present herself is truely admirable.
I was watching Athena and Sky up here sa Engineering building, room 402, 3rd floor. I can feel a heavy tension between her and my cousin Sky, kanina pa. I don't want to meddle, kaya minabuti ko na umalis na lang. Siguro, they I have some past issues na kailangan iresolve.
"Bro, you okay?" that was Xyron, one of my classmate. He also look at Athena and Sky's direction, "Let me guess, gusto mo yung babae ano?" I just nod, "Hay naku bro, it's normal. Walang masama sa pagkakagusto, pero teka sino ba siya?"
"Athena Aragon, a transferee and Troy's friend." I mumbled.
"Mukhang na love at first sight ang tropa ko ah!" he shouted.
I glared at him "Will you please shut up, "
"Sabi ko nga eh, dyan ka na nga." he said before leaving me. "Sungit,"
After my break up with Carrie, wala na akong nagustuhan na iba pang babae. Although I am fully awared that there's a lot of girls who admired me, including Amara.
Amara is one of my closest but then after hearing from Courtney that Amara likes me, I distance myself from her. Amara is a nice girl, she's kinda pretty but I only see her as my friend, a little sister and I don't want to ruin it. I also don't wanna hurt her make her feel that there is something between us.
I've decided to enter the classroom nang mawala na sina Sky at Athena sa paningin ko, also magsisimula na din ang first class namin.
ATHENA
Tahimik kong sinusundan si Sky, siya ang magtuturo sa akin kung paano makakarating sa room 405. Doon ang first class ko ngayong araw.
"You really don't talk around boys except Troy, right?" ani Sky.
"So? Anong pakielam mo?" Pabalang ko na pagsagot.
"Isa pang pambabara mo sa akin Athena, hindi na kita tutulungan. Hanapin mo mag-isa yung room mo." halatang naiinis na siya sa tono niya.
"Hindi naman talaga kita kailangan eh, ikaw lang ang mapilit," saad ko.
"Nagmamagandang loob na nga ako eh," saad niya.
"Wala naman akong pakielam kahit na nagmamagandang loob ka," nangunot ang noo ko, adik ba 'to?
Huminto siya sa tapat ng isang room, pagkaakyat namin sa second floor.
"Pasalamat ka Athena at maganda ka, mapagtitiisan ko pa 'yang mga hirit mo. Iiwan na kita dito, ito na yung room 405." Sabi nito saka ako nilayasan
Maganda daw ako.
Dug.Dug.
Susme ang puso ko, pakiramdam ko anytime lalabas na.
Hinga Athena, hinga.
Erase! Erase!
H'wag mong iisipin ang sinabi niya.
Focus on your goals!
Kalaban siya, kalaban, okay?
Bumuga ako ng hangin bago ako kumatok sa room na pinagdalhan sa akin ni Sky. Agad naman na may nagbukas dito.
"Good morning po," masayang sabi ko sa guro na nagbukas ng pintuan.
"Good morning din Miss, how can I help you?" magiliw na tanong ng babae.
"Uhm, I'm a transferee po. Basic Education Major in English po. Ito po ba ang room 405?" sagot ko.
"Yes, but this isn't the Educ building, Arts and Science building ito eh." sagot naman ng babaeng guro na ikinagulat ko.
"Ho? Saan po ang Educ building?" siyang tanong ko.
"Sa kabila iyon hija, don't worry, I'll guide you. Idi-dismiss ko lang ang klase ko. For a while lang, pumasok muli ang babae sa loob ng classroom.
"Hayop na Sky iyon, iniligaw pa ako," inis akong napabuga ng hangin dahil sa nalaman ko.
Wala akong nagawa kaya nagpapadyak na lang ako dito, wala namang tao eh saka siguro naman sound proof yung mga room nila. Ayokong mapagkamalang baliw.
H'wag na h'wag magpapapkita sa akin ang Sky na 'yon, sasapakin ko talaga siya. Ipinikit ko ang mga mata ko, kailangan maging mahinahon ako, ngunit nang tumunog ang telepono ko ay agad akong nagmulat, may tumatawag…
'Incoming Call… Troy'
"Kaagad ko itong pinindot para sagutin, " Hey Athens! First of all, gusto kong magsorry sa nangyari kanina. By the way, nasa classroom ka na ba?"
"This is embarassing…" ito ang namutawi sa bibig ko.
"Why? What happen? Tell me," nag-aalang tanong ni Troy mula sa kabilang linya.
"Si Sky, imbis na dalhin ako sa Educ building sa Arts and Science ako dinala, sa building ng mga Psychology student," pinipigilan ko ang sumigaw, kaya kahit na naiinis ay sinubukan ko na maging mahinahon.
Narinig ko ang pagtawa ni Troy mula sa kabilang linya, "And what's funny Christian Troy Arceo Melendez?"
"No, no, nothing. Naisip ko lang na mukhang naisahan ka ni Sky at nakatunog sa mga binabalak mo," alibi niya.
"And you think that's funny? How dare you Troy!? Alam na alam mo ang----."
"Shhhh! Enough, sorry okay? Babawi na lang ako mamaya, I'll treat you for lunch. Hmmm… strawberry cheesecake, pwede na ba 'yon?" panunuhol pa niya, well syempre marupok ako pagdating sa cake. Kaya naman, go naman.
"Fair enough, magkita na lang tayo mamaya." tinapos ko na ang pag-uusap namin sa pamamagitan ng pagbaba ng linya.
"Miss, tara na." pag-aya sa akin ng babae na kanina ay naka-usap ko. "By the way, you are?"
"Athena po, Athena Aragon," sagot ko.
"Okay po Ms. Athena, I'm Jenny Rose Carpio, UTS teacher ako. You can call me Ma'am Jen, let's go downstair para makita mo na ang room mo."
Mahaba-habang lakaran at akyatan ang nangyari, tapos ang teacher pa na kasama ko ay madaldal kaya di boring ang paglalakad namin, hindi rin awkward kasi ang dami naming kwento. Ilang sandali pa ay nakarating naman na kami sa room ko;
"We're here Ms. Athena,"
"Thank you po Ma'am Jen, pasensya na po sa abala." nahihiyang sabi ko, nakakahiya naman kasi talaga ang nangyari dahil sa bwiset na Sky na 'yon.
"O siya, iiwanan na kita dito ah. May klase pa kasi ako," tinapik niya ako bago umalis.
Ito na talaga, this is it. Tamang room na ang napuntahan ko. Nang makatapat ako sa pintuan ng classroom ay makailang ulit akong kumatok, bago ako pagbuksan ng isang lalaki, nasa 40's na ang edad, nakasalamin at mukhang strikto.
"Yes? How can I help you?" mataray na tanong nito.
"Good morning po, Ako po si Athena Aragon transferee po ako from Angel's College, ang sabi po sa registar, dito raw po ang classroom ko.
"Oh so you are my new student. Come inside, don't be shy."
Pumapasok pa lamang ako ay dama ko na ang init ng mga mata ng mga kaklase ko. Halos puro babae at iilan lang ang lalaki, yung ibang lalaki mukhang mas babae pa sa akin.
"Kindly introduce your name please," sabi nung lalaki na nagpapasok sa akin.
"H-Hello and good morning everyone, My name is Athena Valeen Mercado Aragon, 19 and I also want to be an educator like you," pagpapakilala ko. Sinipat sipat ko ang mga kaklase ko hanggang sa mahagip ng mata ko si Courtney, pasimple niya akong kinawayan.
Mabuti na lang at nandito si Courtney, mukha siyang mabait at maganda kaya okay na rin 'to. Mapapanatag ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top