CHAPTER 20


ATHENA

"Athena…"

Nang marinig ko ang pagtawag ni Sky sa pangalan ko ay para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig at nagbalik ako sa wisyo ko.

"S-Sky I'm sorry…" sambit ko nang maalala ko ang paghalik na ginawa ko kanina.

Nagmamadali akong tumayo at lumayo sa kanya, tumayo rin siya at takang tinignan ako.

"I'm sorry…" muli kong sambit.

"No it's okay, maybe nagtaka ako sa ikinilos mo pero don't mind it. Iintindihin ko na lang," kumurba ang labi niya sa isang ngiti at lumapit sa akin. "I can help you with anything, just tell me what's wrong."

"Hindi ko rin alam Sky… basta, hindi ko maipaliwanag."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilangbalikat.

"Mind telling me kung ano ang nararamdaman mo… Pipilitin kong intindihin." sinsero niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Umiling ako,"Sky, kahit ako naguguluhan sa sarili ko… Kahit ako, pinipilit intindihin ang nararamdam ko. Basta ang alam ko lang, napupuno ako ng galit, ng lungkot… at…"

"Go on, I'll listen…"

"Paghihiganti…"

"Paghihiganti? Kanino? At bakit?"

Sasagutin ko ba?

Hindi…

Hindi niya pwedeng malaman.

"Athena…" muli niyang sambit sa pangalan ko.

"S-Sky…"

"Ganito na lang, may naisip ako. Let me help you with that, susubukan kong intindihin lahat. Kahit na hindi mo sabihin, okay? Hayaan mo ako, hayaan mo ako na tulungan ka."

"Pero paano?"

"Hindi ko rin alam, basta hayaan mo ako na pasayahin ka."

Walang salitang namutawi sa bibig ko, tango lamang ang tanging naisagot ko.

Ang gwapo niya, simple at disente pero kailangan kong layuan..

"Just a minute, I'll just pick up this call…" pagpapaalam niya nang tumunog ang cellphone niya.

Lumayo siya ng bahagya at may kinausap, ako naman ay naupo sa sofa. Hindi ko maiwasan na haplosin ang labi ko, na kanina lang ay umangkin sa labi ni Sky.

"Ano ba Athena? Umayos ka nga!" sermon ko sa sarili.

Napako ang tingin ko sa bouquet ng red rose at teddy bear na nasa baba ng coffee table. Agad ko itong pinulot at sinuri.

"To… Athena, Have a nice day! H'wag ka nang magsungit. From Sky,"

Napangiti ako nang mabasa ko ang card na nasa bouquet, ewan pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Unang beses ko nakatanggap ng ganito, nakakataba ng puso.

"Oh.. Nakita mo na pala. I'm sorry, naibalibag ko yata kanina, nagpanic kasi ako nung nakita kita." sabi ni Sky, habang sinusuksuk ang cellphone sa bulsa ng pantalon.

"Ayos lang, hindi naman nasira eh. Ang ganda ng mga bulaklak…" ani ko habang patuloy ang pag-haplos sa bouquet.

"Mukhang hindi matutuloy ang date natin, pinapatawag kasi ako sa school. Sa Monday na kasi ang foundation day natin, maraming kailangan asikasuhin…Sorry"

"Okay lang, don't say sorry. Mas importante 'yon"

"Sa ibang araw na lang, I promise…"

"Okay lang talaga, dapat nga mas inuuna mo ang yun eh." pineke ko ang pagngiti.

"O paano? Mauuna na ako, " anito saka hinagkan ako sa noo. "Mag-iingat ka dito, mag-isa ka pa naman."

"Iam sure will" kinindatan niya ako bago siya tumalikod at naglakas paalis.

Nagsimula na naman na magwala ang puso ko.

"Kalma Athena, kindat lang 'yan. Kindat lang…" Pagpapakalma ko sa sarili. "Tsss… kainis ka Sky! hindi ko magawa na magalit sa'yo."

"Tanga!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Tatanga-tanga ka, andon na eh! Nahalikan mo na, umatras ka pa."

"Ava naman, 'yan lang ba ang habol mo talaga?" hindi ko mapigilan ang sarili. "Disenteng tao si Sky, ano ba?"

"Disenteng tao rin naman si Enrique diba? Pero ano---"

Tinakpan ko ang dalawang tenga sa pamamagitan ng kamay ko.

"Tama na! Tama na! Ayoko na! Di ako makikinig sa'yo. Di ako makikinig sa'yo"

"Kailangan mo ako Athena kaya makinig ka sa akin! Gusto mong makapag-higantu diba? Tama si Troy! Pakinggan mo si Troy, siya na ang nagsabi sa'yo."

"Tama na Ava! Tama na!"

"Tanga ka Athena! Tangang tanga ka!"

AMARA

I was busy doing my daily exercise to stay fit and healthy together with my cousin, Zary. Tamang threadmill lang habang sumasabay sa saliw ng kantang "Dance the night away".

"One, two, three, let's go
Jeo uju wiro
Naragal deut chumchureo ga Hey
Let's dance the night away
Let's dance the night away" pag-awit ko pa."One, two, three, let's go
Jeo bada ge-- Zary bakit mo naman pinatay?" reklamo ko nang mamatay ang tugtug.

"Hindi ko pinatay, may nagnotif yata sa phone mo," sabi ni Zary.

Nang huminto ang threadmill sa paggalaw, agad kong kinuha sa coffee table and cellphone ko.

Napamulagat ako nang mabasa ko ang sunod-sunod na notification.

INSTAGRAM: @quenquenmadrigal- followed you back

TWITTER
@enrimadrigaliv- followed you back

FACEBOOK
Quen Madrigal (Enrique Jose Madrigal IV) - accepted your friend request

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!" literal na sumigaw ako until my lungs came out nang mabasa ko iyon. "FINALLY!!! A DREAM COME TRUEEE?!!!"

"Angelica Mariam!! Nakakabingi ang boses mo, bat ka ba sigaw ng sigaw?" reklamo ni Zary.

"SI ENRIQUE!!! SI ENRIQUE!!" patuloy kong pagsigaw.

"Anong nangyari kay Enrique?"

"AHHHH!! INACCEPT NYA NA AKO !!" sigaw ko habang inaalog-alog ang balikat nang pinsan ko na naka-upo sa yoga mat.

"Kumalma ka nga Amara! Kalma!"

"Tell me how to calm? 3 years ago na 'yang friend request ko! Sa wakas napansin niya na!"

"Kumalma ka!" anito saka sinapok ako sa noo.

"OUCH! Bakit mo naman ginawa 'yon?" anas ko.

"Sigurado ka bang pinarangalan ka na Ms. Teen Manila 2016? For a beauty queen like you A, hindi dapat ganyan ang asta."

"Bawal ba ma-excite? Bawal magcelebrate?"

"Pwede naman pero wag--"

Muli akong napasigaw nang makita ko ang message chat head ni Enrique.

"WAIT LANG! Mamaya mo na ako kudaan Zary!" ani ko saka nanginginig na pinindot ang cellphone ko

•QUEN MADRIGAL (active now)
Quen Madrigal: Hi Amara😊
Busy ka ba today?

Halaa waiiit! Anong isasagot ko? OMG! OMG! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano meron? Bakit niya tinatanong kung busy ako?

Halaa!

Aayain niya ba ako makipagdate?

OMG! YES NA YES! Ready na akong isuko ang Encantadia!

Amara Estrada: Hi Enrique🥺 Nope, why?

Quen Madrigal: Would you like to have a lunch-date with me?

Amara Estrada: Today?

Quen Madrigal: Yeah… Pwede ka ba?

Amara Estrada: Sure😍

Quen Madrigal: Great! Susunduin na kita ah.

Amara Estrada: 🥺💜💜

HALAAAAAA!!!! AHHHHHHHHH!!! NAKAKABALIW ANG PAGSIGAW NG PUSO AT ISIPAN KO.

"Amara umayos ka nga, lalaki lang 'yan." inis pa na sabi ni Zary.

"Sino ba naman ang di kikiligin? Inaaya ako ng lunch date ni Enrique my love!" saad ko.

"So?"

"Isusuko ko na ang Encantadia pagtapos ng date na'to." aniko at tumakbo papaakyat sa kwarto ko sa itaas.

"Hoy anong isusuko? Amara come back here! Hay! Pasaway na batang babae."

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang closet ko at inilabas lahat ng mga damit ko na tinatago ko. Exclusively for this date na noon ko pa hinihintay

"This is it! Heto na 'yon Amara. Magiging future Mrs. Angelica Mariam Estrada-Madrigal ka na." para akong baliw na kinaka-usap ang sarili habang pinipili ang suot ko.

Isang white ruffled shirt at yellow pleated Skirt ang suot ko para mukha akong Maria Clara sa first date namin ni Quen-quen ko. At pinaresan ko pa ng platform wedge na color beige.

Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili, this is it! This is it!

The long wait is over! Kapag hininga niya ang Encantadia, ibibigay ko agad ah!!!

Matapos kong maligo at magbihis ay naglagay naman ako ng manipis na make-up sa mukha ko, at manipis na pink lipstick.

"Ang ganda ganda ko," sabi ko habang tinitignan ang sariling repleksyon.

"Ang ganda naman ng baby ko," bati sa akin ni Papa.

Lumingon ako sa kanya na nakatayo sa may pintuan.

"Papa naman, kanino pa po ba ako magmamana? Edi sa'yo po."

"Aba'y syempre! Nasa lahi yata natin ang pagiging maganda at gwapo."

"Yes naman Papa!"

"O e saan ba ang lakad ng unica hija ko at maihatid ko na." tanong pa ni Daddy saka pumasok sa kwarto ko.

"Daddy hindi ka po maniniwala."

"Saan?"

"Inaya na po ako ng date ni Enrique!" malapad akong ngumiti.

"That'a a great news anak! Finally, magkakaboyfriend na ang baby ko!" anito habang hinahaplos ang buhok ko. "Akala ko eh kailangan ko pang bayaran ng sampong milyon ang lalaki na 'yon para ayain ka na makipagdate."

"Daddy naman!" lumabi ako.

"Ang ganda ganda talaga ng Angelica ko, kamukhang kamukha mo ang Mommy mo."

"Indeed! Beauty Queen ang nanay dapat Beauty Queen rin ang anak." Sabi nang kakapasok lang na si Mommy. "Andyan na ang date mo sa labas, anak. Tumayo ka na dyan."


CLARA

Ako si Ana Clara Mercado, ang panganay na kapatid ni Vera Aileen Mercado-Aragon, at tiyahin ni Athena. Naatasan ako na pangalagaan ang mag-iina ngayon, dahil sa kinahaharap nila.

Buo ang tiwala ang ibinigay ko sa pamilya Melendez para pangalagaan ang pamangkin ko, ngunit ang tiwala na pala na iyon ang sisira rin pala sa amin. Matapos kong marinig ang mga pinagsasabi ni Troy sa bilas kong si Lorenzo.

Hindi ako makapaniwala na ang taong pinagtiwalaan ko ay siya ring tao na tatraydor sa amin.

"Maling-mali Lorenzo, dapat mabawi natin ngayon rin si Athena sa kanila."

"Pero paano?" tanong ni Lorenzo "Ngayon na nalaman ni Troy na gising ako, panigurado na ilalayo niya ako sa sarili kong anak."

"Ituloy mo ang pagpapanggap mo, habang kami ni Aileen ay hahanap ng tulong," siniyasat ko ang tumatangis ko na kapatid.

"Sinira nila ang pangalan ni Edison Yu sa atin. Sa anong dahilan?" tanong muli ni Lorenzo.

"Ang Dragon Empire ang habol nila sayo, pirma mo lang daw ang kailangan para maibenta na nila 'yon."

"Ganid talaga sila, sila ang dahilan kung bakit nabangkarote ang Aragon's at ang iba pang negosyo ko na pinagkatiwala sa kanila tapos ngayon eto na naman. Pinabugbug niya ako at muntikan nang ipapatay dahil lang don. Mga hay*p sila!"

"L-Lorenzo…"

Sabay kaming napatingin ni Lorenzo sa tumatangis na si Aileen.

"P-Panahon na siguro para makipag-ayos ka Kay Papa at kay Edison… K-Kailanganin natin sila…"

"Kay Edison pupwede pa pero kay Papa, mukhang malabo Aileen."

"Kakailanganin natin ang Papa para mailigtas ang anak natin… wala tayong hawak na kahit ano, ni singko wala. Si Edison, si Edison pwede niya tayong tulungan na mabawi ang ari-arian at negosyo natin na hawak ni Troy,"

"May pride ako na inapakan ni Edison, alam mo 'yan. Gusto niyang kapalit si Athena para maging pambayad utang natin diba?"

"Hindi ba't ganun din ang ginawa mo? Ipinambayad utang mo rin si Athena para mabayaran ang limang milyon na utang natin."

"Anong sinasabi mo Aileen? Hindi ko ipagkakasundo ang anak natin, hinding hindi. At mas lalong wala tayong utang sa mga Meledez, panigurado gawa-gawa lang nila 'yo n."

Sumingit na ako sa pag-uusap ng mag-asawa.

"So ang sinasabi mo ba Lorenzo pati ang contract marriage ni Troy at Athena ay peke?" siyang tanong ko.

"Oo Ate Clara, sila ang may utang sa atin para sa reconstruction ng building nila pati ang pagbawi sa mga dokumento na ipinatalo ni Alejandro sa sugal." sagot naman ni Lorenzo.

"Tapos ngayon tayo ang binabaliktad, tayo ngayon ang nagsa-suffer. Aba hindi naman yata tama 'yan, Lorenzo. Tama si Aileen, dapat nga na makipag-ayos ka sa Papa mo at kay Edison Yu nang sa gayon mabahag ang buntot ng mga Melendez, lalong lalo na si Troy. Nanggigigil ako sa batang 'yan,"

"Wala rin tayong laban diba? May Mafia Organization sila kung kikilos tayo laban sa kanila matatalo lang tayo kahit magbayad pa tayo ng madaming tao."

"Ang El Timur ba ang tinutukoy mo Lorenzo?" tanong ni Aileen.

"Oo, si Rodencio Melendez ang tumatayong boss ng lahat, pati na rin si Troy."

"Unahin muna natin si Athena bago ang lahat, delikado ang buhay ng anak ko sa bahay ni Troy. Maraming sakit ang anak natin, ayoko nang mangyari ang muntik nang panggagahasa sa kanya noon. Ayoko nang makaramdam ng trauma si Athena, Lorenzo…" ani Aileen. "Yung mga pera at nga material pupwedeng mapalitan pero si Athena, nag-iisa lang siya. Nag-iisa lang ang anak natin, ayoko nang mawala pa siya gaya ng mga kapatid nya na sina Aemie at Arrielly. Dalawang beses na akong nawalan ng anak…" sumidhi ang pag-iyak nang kapatid ko.

Hindi ko maatim na nakikita kong umiiyak ang kapatid ko dahil sa pangungulila at pag-aalala sa anak niya, kailangan may gawin akong paraan.

Hindi pupwedeng tatayo lang ako dito at tutunganga, buhay nang pamangkin ko ang nanganganib ngayon.

"Hello Asiana?"

"Mama? Mama buti napatawag po kayo."

"May kailangan kang gawin,"

"Kahit ano po Mama gagawin ko,"

"Kilala mo si Troy diba?"

"Opo Ma…"

"Yung pinsan mo na si Athena nasa loob ng bahay niya, nanganganib. Kailangan mo na iligtas siya A.S.A.P"

"Po? Ano pong sinasabi mo? Hindi ba't fiancè na ni Troy si Athena?"

"Mahabang kwento anak kaya sundin mo na lang ang pinapagawa ko."

"Opo Ma, masusunod po… Kakailanganin ko lang po ng tiyempo."

"Mag-iingat ka Asianna…"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top