CHAPTER 1
-ATHENA-
Kalalabas ko lang ng banyo, naisipan kong maligo to freshen up nang biglang may narinig ako mula sa labas ng bahay. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at sumilip mula doon nang hindi binubuksan ang salamin nito.
Si Troy ang nakita ko, malamang ay pinapainit niya ang makina ng motor niya para sa gaganapin race mamaya.
At ang pasaway, balak na namang dayain ang mga kaibigan niya. Imbis na kotseng pangarera ang gamitin ay motor na naman ang gagamitin niya. Muli kong sinara ang kurtina ng bintana at itinuloy na lang ang pag-aayos aa aking sarili at pag-bibihis.
Gumagabi na, medyo madilim na sa labas. Matapos kong makapagbihis ng pajama ay agad kong sinulyapan ang cellphone ko para tignan ang oras, 5:55 na pala ng hapon.
Humarap ako sa malaking salamin dito sa kwarto at nagbuga ng hangin.
"Ano bang pwede kong gawin?" bulong ko sa sarili, at umupo sa kama.
"Siguro, aayusin ko na lang 'tong mga gamit ko… yun nga… aayusin ko na lang," wala sa sarili kong sabi.
Tinungo ko ang kabilang side ng kama, naroroon ang maleta ko. Kaagad ko itong binuhat at inilagay sa kama, matapos ko itong mailagay roon ay nagbukas ako ng isa sa mga cabinet na naroroon. Isa isa kong inilagay ng maayos ang mga damit ko.
Kung wala si Troy siguro, baka nagpalaboy-laboy ako sa gitna ng kalsada ngayong gabi. Ayos din siyang maging kaibigan, kahit pabago-bago minsan ang ugali. Minsan seryoso, minsan gago, minsan naman akala mo na tatay ko na mahilig manermon, gaya kanina. Impit akong natawa dahil sa mga naiisip ko, dinaig ko pa may sapak sa ulo dahil pakiramdam ko ay kinakausap ko ang sarili ko.
Tahimik kong kinakausap ang sarili habang patuloy sa pag-aayos ng mga damit ko. Ngunit tila nag-iba ang wisyo ko nang makita ko ang ginagamit kong baro sa t'wing lumalaban ako sa karera. Ang black overall suite ko, at ang half-mask ko.
"Gusto kong lumaban, gusto ko makita ang hayop na Sky Yu na 'yon." bulong ko sa sarili.
Tila wala sa tamang wisyong hinubad ko ang pajama ko at isinuot ang black overall suite ko. Matapos kong maisuot ay hinanap ko ang make-up kit ko saka hinanap ang signature black lipstick ni Ava. Itinali ko ang buhok ko ng pa-pony, saka ko isinuot ang kulay itim na gloves ko, matapos ay isinuot ko ang signature black boots na katerno ng suite ko.
Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Hayy Athena, kamukha mo na naman si Cat Woman," impit akong natawa, "but kidding aside, well... wala na namang magagawa si Troy kapag nakita na niya ako sa race field."
Isang malapad na ngiti ang ipinakita ko. Inayos kong muli ang buhok ko, mahaba na pala ito dapat ng gupitan. Abala ako sa pagtingin sa sarili, nang biglang agawin ng ringtone ng cellphone ang atensyon ko.
Kaagad ko itong kinuha mula sa kama at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Stella…" sambit ko, "Nice one," aniko saka sinagot ang tawag, "Hey there girlfriend,"
"Athena! Nasaan ka ngayon? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo, how are you? Ayos ka lang ba?" sunod sunod na tanong niya sa akin mula sa kabilang linya, na tila ba alalang-alala.
"Don't worry, I'm fine. Nandito ako kina Troy, dito ako tumuloy." Siyang sagot ko.
"Mabuti na lang at parating nariyan si Troy, you okay? Nag-aalala ako sayo," sa pagkakataong ito ay huminahon na ang boses niya.
"Yeah, yeah, don't worry. " Chill ko na sabi. "Maayos ako, medyo nahihirapan lang mag-adjust. Sa tingin ko naman ay kaya ko,"
"Athena, kung may kailangan ka andito lang ako, okay? Alam mo naman na hindi kita papabayaan." Bakas sa boses niya na tila ba paiyak na siya.
Ang drama talaga ng babaeng 'to pero mahal na mahal ko 'tong si Iste. She's my only best friend aside kay Troy
"I know and by the way Iste, can I ask for a favor?"
"Ofcourse, anything for you."
"Pwede ko bang mahiram si Kenji? Kailangan ko lang kasi----"
Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Wait-- sasabak ka agad sa race? Teka, diba sariwa pa yung mga nangyari kanina? Nag-aagaw buhay si Uncle Enzo diba? H'wag ka namang sumunod Athena, palipasin mo muna ang araw na ito. D'yos ko ka gusto mo na naman malagay ang buhay mo sa alanganin, saka isa pa kahit naman sabihin natin ni hindi alam ni Sky na anak ka ng mortal na kaaway ng pamilya niya ay malalagay ka pa rin sa alanganin," anito na tila ba nanenermon, isa pa 'to eh kung pag-umpogin ko silang dalawa ni Troy.
"Stella just this time, hindi ko na uulitin. Hindi ko lang magamit si Silver kasi nandon pa siya sa HQ nila Uncle Dennis, at kapag kinuha ko si Silver, malalaman 'yon ni Troy. Please Iste, ipahiram mo na siya sa akin. Kahit ngayon lang, please kailangan ko lang ng pera para makapag simula ulit." Sinsero na pakiusap ko sa kanya.
"Fine, pwede naman kasing pahiramin ka namin eh, nandyan naman si Troy. Kaso matigas ang ulo mo kaya okay, just wait for me" pagsuko niya. "Wala naman akong magagawa, hintayin mo lang ko sa unang kanto ng subdivision, 30 minutes, magpapaalam lang ako sa kuya ko. Pasaway ka Athen!"
"Maraming salamat talaga Stella!"
"I'll end this call na okay? Bye and see you."
"Thank you talaga,"
Isang mahabang beep ang narinig ko mula sa kabilang linya. That means, pinatay na niya.
"Kailangan kong magdisguise para hindi nila malaman," wika ko.
Inilagay ko ang cellphone ko sa pocket ng suit, daily necesity ko na hindi pwedeng mawala. Muli kong isinuot ang pajama at tshirt, ipinatong ko iyon sa suite para walang makahalata. Naglagay rin ako ng jacket para matakpan ang iba pang bahagi ng suite. Mabuti na lamang at mahaba ang pajama na suot ko. Natatakpan ang boots na suot-suot ko.
"Ready na," muling bulong ko sa sarili bago lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay naabutan ko si Manang Mildred, mukhang inaabangan ang paglabas ko.
"Ma'am Athena, handa na po ang hapunan." Tawag ni Manang Mildred mula sa labas.
"Busog pa po ako manang, mamaya na lang po ako kakain,"
"Pero Ma'am Athena, ipinahanda po iyon ni Señorito Troy para sa iyo . Tiyak magagalit po iyon kapag hindi ninyo po kinain." wika nito
May 30 minutes pa naman bago makarating si Stella dito. Hindi na masama kung kakain muna ako.
"Uhm… sige na nga po," sagot ko
"Halina po kayo,"
Naunang maglakad pababa sa hagdanan si Manang Mildred, ako naman ay nakasunod lang. Nang makababa kami sa hagdanan ay namataan ko ang dalawang butler ni Troy na tila nag-aantay sa pagbaba ko.
"Siraulo talaga 'tong Troy na 'to," bulong ko.
Hinayaan ko na lang na sundan nila ako, at titigan habang kumakain. Kibit balikat kong pinag-iisipan kung paano makakalabas nang walang nasasaktan. Kailangan kong umarte, or else hindi ako makakalabas.
Hmmm… ano bang magandang scenario?
Ah! Alam ko na! ngising ngisi ako habang ngumunguya ng pagkain.
"Manang Mildred…" panimula ko.
"Ano pong kailangan ninyo Ma'am?" takang tanong ni Manang Mildred.
"Uhmm… kanina pa po kasi nawawala yung cellphone ko po, baka sakaling nakita ninyo po." Siyang pag-arte ko at nagkunwaring nalulungkot.
"Ay hindi po Ma'am, tatanunging ko po sina Bebang baka nakita nila, pupuntahan ko lang po sila." Anito saka ibinaba ang hawak na pitsel sa lamesa, sinabayan nito ng alis para siguro hanapin sila Ate Bebang at iba pang mga kasambahay 'yon namang dalawang butler na lang ang problema ko.
Paano ko kaya sila mapapa-alis?
"Uhm... Bert, Eddie." Pagbanggit ko sa mga pangalan ng dalawang butler.
"Pwede ninyo ba tulungan si Manang Mildred na maghanap? H'wag kayong mag-alala hindi naman ako aalis eh." Nginitian ko silang dalawa para mag-mukhang sincere ako.
Nagkatinginan sila bago ako talikuran saka nag-umpisang maglakad. Nang mawala sila sa paningin ko ay dinadahan ko ang pag-eskapo, sa likod buhay ako dumaan.
Tinimbrehan ko si Stella na nasa likod bahay ako at mula roon ay lalabas ako para makapunta sa tagpuan naming dalawa.
Maaksyon ang paglabas ko sa bahay nila Troy, may kaunting pag-akyat sa mga pader, pagtakbo, at pagtalon para lang hindi ako mahuli. At sa wakas ay namataan ko na rin ang sasakyan ni Stella na si Kenji, isang BMW 3-Series si Kenji na color black. Huminto ito sa may harapan ko.
"Sorry medyo na-late ng 5-minutes. Alam mo naman si Kuya Samuel, gusto nya lagi kada aalis ako maganda ang reason kung hindi, di niya ako papayagan pero buti na lang pinayagan ako," mahabang paliwanag niya.
"It's okay, ang mahalaga nandito ka na." aniko.
"Get inside, para makapagbihis ka na," sabi ni Stella na agad ko namang sinunod.
Sa backseat muna ako pumwesto para madaling makapagbihis habang nasa biyahe. Tinanggal ko lang naman ang pajama at tshirt ko saka isinuot muli ang maskara ko.
"By the way, kinausap ng Lolo ni Troy ang Dad ko kanina, si Daddy na daw ang magiging personal doktor ng Papa mo and si Tita Lorna yung kapatid na babae ng Papa ni Troy ang magiging personal nurse ng Papa mo habang nasa ospital." Mahabang litanya ni Stella, tumango-tango lamang ako sa mga sinasabi niya. "Alam mo Yna, ang swerte mo kay Troy, biruin mo everytime na nangangailangan ka, to the rescue siya sayo. Nakaka sana all," anito.
Napairap lang ako sa mga sinasabi niya. Ewan ko ba kung bakit hangang-hanga tong si Stella kay Troy para namang hindi niya kilala ang lalaking hinahangaan niya.
"Hoy hindi ka ba magsasalita diyan?" May halong pagka-irita ang tono niya.
"Ano naman ang sasabihin ko?"siya namang pagtataka ko.
"About kay Troy, Athena talaga manhid, malamang yan ang paglalampaso sa racing career ni Sky ang nasa isipan mo. Tama ako o tama ako?" anito.
"Alam mo, magdrive ka na lang para makapagregister na ako at makapagkarera na. Kailangan ko ng pera, remember?" ani ko matapos akong makapag-ayos.
Tatlong kanto lang naman ang layo ng paggaganapan ng karera. Isa yung hotel and resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Enrique Madrigal, isa sa mga kaibigan ni Troy.
Nang makarating kami, ay kaagad akong tumungo sa race field. Si Stella na ang nagregister sa akin para maipwesto ko na si Kenji sa starting lane.
Parating pa lamang ako sa starting lane ay naaninag ko na sina Troy na nakasandal sa Mustang niya na si Claire, si Noel, si Sky, at Enrique na magkakasama. Himala yata na gagamitin ni Troy ang Claire niya, ang buong akala ko ay mandaraya na naman sya.
"Akala ko ba nag-quit na si Wynx," narinig kong sabi ni Noel nang ihinto ko sa harapan nila si Kenji.
Wynx ang codename ni Stella, kasama ko rin siya na nagkakarera dati pero huminto siya nang malaglagan ng anak.
"Malay mo nagbago ang isip," ani Enrique.
"Sa bagay," wika naman ni Noel.
"Mga tang*," bulong ko bago ako bumaba ng sasakyan.
Nakababa ang bintana ng kotse kung kayat malinaw ko silang naririnig. Bakas ang pagkagulat nila nang hindi si Wynx, kungdi ako ang lumabas mula sa sasakyan.
"Ava Titania…" si Sky ang nagsalita.
"What are you doing here?" malakas na sabi ni Troy.
"Baka mag-fashion show ako rito," pamimilosopo ko.
"Damn it! Sagotin mo ako ng seryoso!" Si Troy na tila pinipigilan ang pagtaas ng boses, nakakuyum na ang mga kamay nito.
"Malamang, makikipagkarera ako, chill ka lang. Lalampasuhin ko lang naman kayo ulit," isa-isa ko silang tinitigan. Si Troy nagpipigil ng galit, si Sky seryoso lang na nakatingin, si Noel naman abala sa pagtipa sa cellphone niya, at si Enrique, wala pa rin siyag emosyon. Usual thing, walang reaksyon at nakatungo lang.
"Limang minuto na lang at magsisimula na ang karera, humanda ang lahat!" Napukaw ang atensyon ko sa nagsalita sa speaker, at gayon din ang iba pang naririto.
"Magpupustahan ba tayo ulit?" seryoso ang mukha ni Sky na nakatitig sa akin.
"H'wag na, alam mo naman na di tayo mananalo kay Ava T." si Noel ang sumagot.
"Fifty thousand pesos, kasama si Augustus," walang emosyong saad ni Enrique. "Napansin ko na hindi mo gamit si Silver, at nanghiram ka pa ng kotse kay Wynx, that means may nangyari sa Ferrari mo"
"Bakit ka concern?" pang-aasar ko pa
"Bro, hibang ka ba? Dalawang daang libo mahigit ang bili mo kay Augustus tapos ipupusta mo lang. Tigil mo pagpupuyat, hindi healthy sayo." wika ni Noel saka tumawa na animoy nakakaloko.
Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Enrique, "Okay, sabi mo eh." kibit balikat na sabi ni Noel.
"Ano Ava T.? Deal?" inilahad ni Enrique ang kanang kamay para makipagdeal sa akin.
"Bro seryoso siya," natatawang sabi ni Noel.
"Pabayaan mo, alam mo naman na barya lang sa kanya ang pera." si Sky ang sumagot. "Sige, One hundred thousand ang ipupusta ko,"
"Ipinu-pusta ko ang buong credit card ko," pagma-mayabang ko kahit na alam kong wala na akong credit card na hawak ngayon.
Nag-iisa na lang ang credit card na meron ako, at hawak iyon ni Troy. Alam ko na kaunti na lang ang laman noon kaya malakas ang loob ko na ipusta.
"Are you f*cking serious Ava?" may pag-aalalang tanong ni Troy.
"I am Christian Troy, I am dead serious."
Ilang sandali pa ay nag-announce na ang MC sa speaker na magsisimula na ang karera. Nagmadali agad ako na sumakay kay Kenji. Inaamin ko na hindi ko gamay ang sasakyang ito pero wala akong choice.
"Seryoso ba talaga kayo dyan? Tandaan ninyo na five hundred thousand ang nawala sa atin noong huling laban,"narinig kong sabi ni Noel sa mga kasama.
"Ang sabihin mo naduduwag ka lang." saad ni Enrique saka sumakay kay Augustus, na isang Ashton Martin Vintage na kulay itim. "Pwede naman kitang pahiramin ulit ng pera," wika pa nito.
"Bahala kayo" pagsuko ni Noel na agad sumakay sa Audi R8 nya na si Porcha.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang karera. Mabilis kong pinaandar si Kenji, buong lakas ang ibinigay ko dahil sayang ang 500,000 na grand prices at mga ipinusta ng mga lalaking 'yon kanina.
Namataan ko si Sky na nasa unahan ko, kaya naman inilihis ko ang direksyon at sinadyang sagiin ang Ferrari 488 niya para maagaw ang pansin niya.
Ako ang nangunguna sa karerang ito, sumusunod sa akin ay ang Augustus ni Enrique a.k.a Ice , ang Claire ni Troy (a.k.a Zeus), si Porcha ni Noel (a.k.a Salamander), at ang Fuega ni Barbie, isa sa mga kalahok at kalaban ko. Hindi ko naaaninag ang Siegrain ni Sky (a.k.a Gerard) kaya lumakas ang loob ko na medyo bumagal muna.
"Here we go!" anunsyo ko. Ngunit laking gulat ko nang biglang pagitnaan ako ng sasakyan nina Barbie at Sharee. "F*ck!" sambit ko.
"Ano Ava Titania? Mukhang kinakalawang ka na ah," pang-aasar ni Barbie na nasa kanang bahagi.
"Oh well... Bakit kasi hindi ka na lang magtinda ng gulay sa palengke?" Paggatong pa ni Sharee na mas lalong ipinagpanting ng tenga ko.
Padabog kong inapakan ang clutch sasakyan at ipinaharurot muli ito para maka-alis sa pagitan nila.
TROY
I don't know what's running on Athena's mind right now. Kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito ngayon. Kanina lang, nangako siya sa akin na hindi siya pupunta dito but hindi niya tinupad iyon. And to my shocked na gagamitin niya pa pati ang nananahimik na sasakyan ni Stella.
Tuliro ako habang nasa kalagitnaan ng karera. Wala akong pakielam kung nasa huli man ako ngayon, ang inaalala ko ay si Athena at ang mga plano niya.
-
--
"Alam mo ba, may plano ako…" panimula niya.
"Mind telling me…" wika ko.
"You know how much I love Sky diba? Pero yung ginawa ng pamilya niya, lalong lalo na ng Dad niya sa Papa ko. Makes me realize na maling lalaki ang nagustuhan ko, Troy. Right in front of me, nakita ko kung paano binaril ng hayop na Tatay niya ang Papa ko, binugbug na nga nila eh tapos binaril pa. Wala silang awa…" tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha niya.
"Shhhh, it's okay… wag mo na isipin iyon."
"Troy, paanong hindi? Kinuha na nila sa amin ang lahat. Pati buhay ng Papa ko muntik na nilang kuhain. Gusto ko silang pagbayarin! Sisingilin ko lahat ng kinuha nila sa akin sa pamamagitan ni Sky." galit, iyon ang nararamdaman ni Athena noong mga oras na iyon. At hindi ko siya masisisi.
"Pagsisisihan ni Sky ang ginawa ng tatay nya sa Papa ko. Uunahin ko siya Troy,"
"Athena, hindi pwede. Walang alam si Sky sa nangyari."
Nangngangalit ang mga matang tumingin siya sa akin, "Pwes ipapaalam ko sa kanya. Uunti-untiin ko sya, uunahin ko ang paggasgas sa iniingatan niyang sasakyan, ang iniingatan niyang reputasyon sa school"
"Athena no!" matigas na sabi ko.
"Walang makakapigil sa akin. Bukas na bukas mag-eenroll ako sa school ninyo at doon tatapusin ko si Sky. Unti-unti para siya na mismo ang sumuko."
"Really? Are you out of your mind, Athena?" nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang plano ni Athena "That's insane!" pagtutol ko.
"I don't have any choice, Troy. Kailangan kong mabawi ang dapat na sa amin, ang dapat na kay Papa," matigas na sabi ni Athena.
---
Knowing Athena for long, napakatigas ng ulo ng babaeng iyon. Ipipilit niya ang gusto niya kahit na mali pa siya. Mataas ang pride at hinding hindi mo mapagsasabi ng salitang "sorry".
"At ang nagwagi, the unbeatable: Ava Titania!"
Bumalik ako sa dating wisyo, ako ang pinakahuling sasakyan na nakarating sa finish line. Wala naman sakin iyon, sumasali at pumupusta ako just for fun.
Inihinto ko ang sasakyan at lumabas rito. Kaagad kong tinungo ang kinaroroonan ni Athena kung saan ibinibigay sa kanya ang premyo niya.
"What the hell happen to you bro? Dati nasa top 5 ka ah." Si Noel, ang pasaway na lalaki ang nagsalita. "Tapos ngayon huli pa sa huli, naunahan ka pa ni Karen ng mga 6 na segundo."
"Are you okay?" tanong naman ni Enrique.
"Tss, don't mind me," iritableng saad ko, at itinuloy ang paglalakad papunta sa kinaroroonan ni Athena.
Nang makita ko siya ay agad ko siyang hinila sa lugar kung saan walang makakakita sa amin, sa likod ng mini bar.
"Are you out of your mind? Bitiwan mo nga ako!" anito habang hawak-hawak ko ang braso niya.
"Ako dapat ang magsabi sayo niyan Athena, are you out of your mind?" mahinahon kong tanong saka ko binitawan ang braso niya.
"Nangako ako pero di ko sinabi na tutuparin ko. Promises are meant to be broken, Troy." matigas niyang sabi saka siya nagwalk-out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top