Prologue
MAURICE'S POV
Tanggap ko naman na. Lagi nalang ganito eh. Yung tipong kapag may mangyayaring masama, lahat ng ala-ala bumabalik. Lahat ng kamalian ko, lahat ng hindi maganda sa'kin. Tapos kapag may maganda naman akong nagagawa binabalewala. Alangan naman mahalin ko yung sakit.
Mamahalin ko nalang ba talaga? Wala na ba talagang mangyayaring maganda sa buhay ko?
Minsan iniisip ko nalang kung bakit iniluwal pa akong mayaman eh, hindi naman sa hindi ako thankful, hindi lang talaga ako payapa sa ganitong buhay ko.
"Oh, Mav? Anong tinutunganga mo dyan? 'wag ka nga masyadong mag-isip ng kung anu-ano," Ani ni Avery. Avery is my only friend. Bestfriend since college freshmen palang kami. Siya kasi yung tipo ng kaibigan na umiintindi sa kahit anong gawin ko.
"Ah, wala naman may naalala lang," Sabi ko sabay tayo at pumasok ng C.R.
I am looking at myself in the mirror, tied my hair, and changed my clothes into a turtle neck shirt that's hiding a memory of my past. A memory that I am ashamed to voice out even to my closest friend.
And a memory that was my last heartache and made me love heartaches even more.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top