LH : CHAPTER 05

MAURICE AVANI'S POV

I was busy doing some works in the office, kasi bukod sa scheduling of appointments and maintaining medical records, naghihirap pa din kami na makakita ng donor ni lola Flores.

Sabi ni Doc Kieran ay kailangan nang operahan si lola dahil lumalala na daw talaga yung sakit nito. Kaya I really did my best para makakita, pero wala talaga.

Siguro mamaya meron na, kaya ginawa ko nalang muna yung ibang work at babalikan ko nalang mamaya 'yon.

I was still busy nang may kumatok kaya dali dali akong nagpunta sa pintuan at tinignan kung sino ang nandoon.

"Oh, Ave? Anong ginagawa mo dito? Bakit ang tamlay mo may sakit ka ba?"

"Teka nga, isa isa lang. Nilagnat ako kaya ako matamlay, tsaka andito ako para magpaalam na mauuna na akong umuwi sa'yo, hindi ko na talaga keri Mav, kailangan kong umuwi ang sakit na ng ulo ko."

"Oh sige, mag-ingat ka, text me when you need something," sabi ko dito. Kaya nagpaalam na ito and kissed me on my cheek.

It's already lunch, kaya umalis muna ako at bibili muna ng kape sa labas.

When I entered the café, I saw the girl sa counter, iniisip kung tatanungin ko ba siya o hindi nalang.

"Hi ma'am goodmorning," bati nito sa'kin while smiling.

"Hi, hazelnut please".

"Okay po, paki upo lang po muna".

"Thanks," sabi ko dito tsaka naupo na.

Nakaupo lang ako and nag-abala na sa cellphone, nang may umupo din sa harapan ko.

"Hi".

"Oh, Doc Hendrix, hello po," sabi ko dito, pero sa loob ko talaga sinasabi ko kung anong ginagawa ng feelingero dito.

"Do you mind if I sit here?" Yes ofcourse.

I fake a smile and said, "Ah no, sit there if you want".

Ang daming upuan 'di man lang makaupo doon. Kaya ako na ang nag-adjust, tumayo ako at lilipat na sana sa ibang upuan nang hinigit niya ako.

"Where are you going?"

"Huh? You said earlier Doc na gusto mong umupo dyan kaya ako na ang mag-aadjust, baka sabihan pa 'kong madamot, Doctor ka pa naman".

"Nah, what I mean is that, do you allow me to share tables with you,"

"Ayoko po eh, lipat nalang ako," at parang nagulat pa ito nang sabihin ko 'yon. Anong nakakagulat don? Ayaw niya ba ng rejection? Kung ayaw niya, 'wag na niya ko kausapin, ayaw pala eh.

"Hazelnut po, Miss Viera," hay finally, saved by her. Kaya tumayo na ako at kinuha yung hazelnut, ilang segundo pa akong nakatayo doon dahil gusto ko na talaga siyang tanungin.

"Is there a problem po?"

"No, I just want to ask kung may petshop kaba?"

"Oh okay, yes po, ako po yung nakausap niyo doon, and yung aso mo po ihahatid na mamaya. Kung nagtataka po kayo kung bakit nagtatrabaho pa ako dito eh may petshop ako and I'm a veterinarian. Hehe basta may sinusundan akong crush". Ang kulit naman nito, ang daldal.

"Oh really? Can I ask for your number? And if you don't mind, coffee muna tayo," sabi ko dito and smiled tsaka naghanap ng upuan at umupo na, minding my own business.

"Sige po! Good timing patapos naman na din po yung shift ko, i'll just get my things po" then she smiled and walked away.

Kaya naman pagkakuha ko ng drinks ko, dumiretso na ako sa ibang upuan hindi ko lang makausap ulit yung Doctor.

But lucky me ha wow akala ko pa naman may hiya pang natitira sa dugo neto, akala ko lang pala.

"Hi," honestly, I'm really not comfortable around boys, tsaka lang ako na e-ease kapag andyaan si Ave kasama ko, kaya naman I just looked at him and nag focus na sa phone ko.

"If you don't mind---"

"I do mind doc, sorry I'm not just comfortable I'm going back to work po. If you don't mind, kindly tell the lady I'm gonna text her. Thank you doc," Sabi ko dito at lumabas na.

I don't know if I sounded rude or ano, I just need to get out of that place, it will take a year or so before I'll be comfortable around another guy, ewan ko ba, siguro nga dahil na 'to sa mga nangyari sa'kin noon.

Habang naglalakad ako patungo sa office ay tinext ko muna si miss Agustin at humingi ng pasensya, sana naman pumayag siyang makipag usap some other time. Hindi ko din naman kasi talaga alam kung anong sasabihin kanina eh, tyumempo lang ako para maka alis doon at hindi na makausap 'yong doc. Hendrix na sinasabi ni Ave.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top