LH : CHAPTER 03
MAURICE AVANI'S POV
Tapos na yung work namin ni Ave, since same kami ng working hours, we decided to go shopping. Actually, siya yung nagyaya sa'kin para ma-divert daw yung attention ko, natakot din kasi siya sa nangyari sa'kin kahapon. Hindi pa naman ako nag file ng leave, kaya mas lalong nag-aalala siya, kasi dapat ay ipinag-pahinga ko raw muna yung sarili ko.
Ofcourse obviously, I didn't agree, mas lalala pa nga kapag nagpahinga ako tapos ako lang mag-isa eh. Hindi ko din kasi talaga mapigilan na hindi isipin yung nangyari since may nagpakita na anak pala nung sumira sa'kin.
"Mav, don lang muna ako sa may bookshop ah," sabi nito sa'kin kaya ipinalibot ko muna yung tingin ko kung may mapupuntahan ba ako.
"Sige Ave, dito nalang din muna ako sa petshop," pagkatapos nun ay humiwalay na kami ng daan. Hindi din naman masyadong malayo 'tong petshop sa bookshop, kaya kahit na humingi ako ng tulong, makikita naman ako.
I really planned na pumunta ng petshop because I want distractions. Also gusto ko talaga ng aso, kaso nga pinagbabawalan ako ng mommy ko noon, but now na I have my own job and can buy my needs, I want an Alaskan Malamute. Gusto kong saakin lumaki.
Pagkapasok ko ng petshop, nilibot ko ang paningin ko, it feels relaxing na ang nakikita ko ay animals lahat malamang. Alam ko kasi na hindi nila ako sasaktan kapag wala akong ginawang masama.
I was still checking the dogs nang may lumapit sa'kin, "Good day ma'am ano pong hinahanap niyo?" As I looked at him, I felt something I can't explain, it's as if I'm looking at my self pero boy version.
"Ma'am?"
"H-huh?"
"Ah gusto niyo po ba ng aso?"
"A-ah yes, Alaskan Malamute sana, meron po ba?" Tanong ko dito nang hindi inaalis ang paningin.
"Yes po, kaso isa nalang po yung natira, this Alaskan Malamute po is still 3 months old," ani nito.
"What's your name?" Hindi ko mapigilang tanong, at kahit ako'y nagulat sa lumabas sa bibig ko.
"Po?" Takang tanong nito. Ofcourse Mav! Sinong hindi magtataka eh tinanong mo agad yung pangalan imbes na bibili ka lang, make an excuse stupid!
"I'm---just thinking if you're the owner, para po makatawag ako if may mangyayaring masama sa aso, magtatanong lang," that! Is some of a great excuse!
"Actually ma'am friend ko po yung may-ari nito and she's also a veterinarian kaya pwedeng-pwede niyo siya i-contact. By the way, I'm Maddox Oliver--Dela Fuente, assist lang po dito."
I smiled at him and said thank you, tsaka pumunta sa counter.
'Agustin, Herleigh' as I read her name silently. Parang siya kasi yung nasa café eh, pareho sila ng mukha.
"Good day ma'am!" She says joyfully. Oh how I wish na ganyan din ako.
I smiled back at her, silently loving and appreciating her personality towards me, it just made me realize that I was born on the wrong side of the world. I envy these people who didn't woke up with cruelty. Sana ako din.
So much for the drama. I immediately asked how much should I pay for the dog. Sabi naman nito 25,000 daw so card nalang yung ginamit ko instead of cash.
"D-do I get the dog now?" I asked.
"No po, just fill in this one, and if you're comfortable to write your address, we can send it to you po. But if not, you can carry it," should I just write the address?
"Wow ma'am may ganyan na po pala tayong service ngayon?" Biglang sulpot ng isang tauhan na ikina-kunot ng noo ko.
"Alex! Oo, nakalimutan mo na ba? Last week ko pa sinabi 'yon," she said at bumaling sa'kin.
"Ay oo nga po pala ma'am sorry! Hehe".
"Isusulat ko nalang yung address Ms. Agustin," I said smiling.
"Okay ma'am".
When I got out of the petshop, andun na pala sa may bench naghihintay si Iris. I sat beside her and kinuha yung book na binabasa, "tara kain tayo," lumiwanag naman yung mata niya na ikina-taka ko.
"Excuse me? 'Di ko libre, ang yaman yaman mo tapos magpapalibre ka? Umuwi ka nalang," dagdag ko dito.
"Aba! Ikaw na tahimik na babae ka, grabe ka talaga! Sabi ko nga KKB tayo eh," sabi niya at nagpatiuna.
Dumating kami sa Dreamers Café at umorder na tsaka kumain, balita ko dito pitong magkakaibigan yung nagtayo neto. I was surprised nang malaman ko yun kasi dahil sa pagkakaibigan nila nakabuo sila ng ganito, you know, strong friendship.
"Ave," tawag ko dito.
"Bakit?"
"I saw someone who looks like me, pero parang boy version ko siya," sabi ko dito. Akala ko nga magugulat siya eh, pero parang ako ang mas nagulat sa sinabi nito.
"Nakita mo na pala yun? Sasabihan sana kita eh, baka kasi papa mo yun," seryosong saad ni Ave sa'kin, na ikinaubo ko.
"What? Papa? Eh parang magkasing-edad lang kami nun eh".
"Baka kasi pinatulan 'yon ni tita hehe."
"Baliw ka talaga, bilisan mo ngang kumain diyan para makauwi na tayo!"
"Sige, tara," yaya nito kaya umuna na'ko kaysa sakanya.
Malapit na kami sa exit nang maisipan kong sabihin na bumili ako ng aso.
"Bumil--Ave! Ba't dala-dala mo 'yan! Hindi pwede dalhin yung baso don anuba!" Sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pag-inom.
"Oo nga noh, nakalimutan ko," sabi nito tsaka tumingin sa likod, tapos tumingin din sa harapan, tsaka siya bumaling sa'kin, "Ang layo na natin eh, katamad na bumalik. Mayaman naman siguro 'yon sila, tapos malapit na tayo sa exit oh, tara uwi nalang". Ani nito at umuna na habang ako, palingon-lingon kasi baka may naghahabol sa'min. Nang makita kong wala naman, sumunod nalang ako dito.
Nag-commute lang kami ni Iris kasi tinatamad daw siya mag-drive. Nakauwi kami ng alas sais kaya dumiretso na ako sa CR at nagbihis para matulog. Si Ave naman ay mamaya pa daw dahil may gagawin pa.
May gagawin din naman ako pero siguro gigising nalang ako mamaya.
"Ohmygosh Mav!" Nataranta naman ako at napatingin sa pintuan ng kwarto ko.
"I'm so proud of you!" Dagdag nito na mangiyak-ngiyak.
"Huh? Bakit? Anong ginawa ko? Nakakakaba ka naman".
"I just realized you talked to a guy!" Oo nga noh? Noon kasi natatakot pa ako.
"Kaya nga eh, it was comforting, I don't know why pero hindi ako nakaramdam ng kaba, just like whenever I talk to Doctor Ric. Tapos hindi ko din talaga mapigilan matulala," kwento ko dito.
"Gwapo ba?"
"Akala ko ba ako yung concern mo? Ba't, bakit umabot sa tanong kung gwapo ba? Gwapo ba? Oo syempre maganda ako eh, matangkad? Oo din, maganda ba yung boses? Oo, sige na puntahan mo na dun baka bet mo ano, tapos iwan mo'ko dito ayos lang".
"Ah, hehe sabi ko nga gagawin ko muna yung dapat kong gawin eh. Tulog kana, goodnight, love you, gisingin kita ng 8 PM".
"Okay," tsaka ako natawa "love you din".
IRIS AVERY'S POV
Habang may inaasikaso ako, iniisip ko pa din si Mav, she doesn't know it pero she did a lot of things for me, 'di niya lang naiisip halaga niya dahil don sa nangyari sa kanya. Pakiramdam niya ayaw na ng ibang tao sa kanya at pinandidirihan siya kapag alam nila yung nangyari kay Mav.
Honestly, I'm very proud of her, such a brave woman. Muntik nang mawala sa'kin nung pinaka una niyang panic attack 3 years ago nung nagpakita muli yung taong kinatatakutan niya aside of her mom. Buti nalang nakita ko siya nun. Super saklap nung nangyari sa kaniya even though yung alam ko lang na part is yung nangyari nung 20 years old pa sya, when she ran away from home.
And now, we're 25, 'di ko pa din alam kung ano ang mga nangyayari before nun, kung may iba pa bang lalaki o ano because alam kong nagsuffer talaga siya ng ilang taon, dahil mahirap din siyang kausapin nung mga times na 'yon.
"MOM! PLEASE NO! HELP ME, PLEASE HELP ME!" MAV!
MAURICE AVANI'S POV
"Anak, this is Nick, he's still young, you can be friends with him, since wala ka pa namang boyfriend," sabi nito sa'kin. Ano na naman kaya 'to, sino na naman itong taong 'to.
"Ma, I'm still 20, love can wait," still, I talked to her kindly, even though she did evilish things to me as if she didn't gave birth to me.
"I don't care----date him, he's our only hope," I'm so used in hearing that line, pagkasabi niya non, tinawag niya yung Nick, "Nick! come here, you should get to know each other".
"Hi, I'm Nick Perez, 35 years old," the f?!
"I'm not interested," sabi ko nang makatanggap ako ng sampal galing kay mommy.
"I didn't taught you that!"
"Elizabeth, go on, ako na ang bahala dito," sabi nito kay mommy. Kaya sinamantala ko 'yon para kunin yung swiss knife sa pocket ko.
"Oh chill, ilapag mo 'yan 'di kita gagalawin," is he sincere?
"Just put it down, we'll just talk," kaya nilapag ko yung swiss knife at naiyak nalang.
"Thanks, will you save me?"
Lumapit ito sa akin, na para bang yayakapin ako nito. Kaya dahil don na alarma ako.
"P*tang in*ng talk na yan! I thought you're kind!"
"Hmm not really, come here baby," sabi nito tsaka hinubad yung pang-itaas na suot.
Another one. Hindi na'ko makakita dahil sa kaiiyak ko, I don't know what to do, mom locked the door outside, what should I do?
Hinawakan na niya ako kung saan saan kaya sumigaw ako ng sumigaw, hanggang sa dumating si mommy at binuksan ang pinto, ang mga sumunod na larawan ay tila hindi ko na makita. Pero ramdam ko ang tuwa ni mommy.
"MOM! PLEASE NO! HELP ME, PLEASE HELP ME!"
Ma, I can't breathe anymore, please help me, mommy.
Nagising ako na hirap na hinahabol yung hinga at basang-basa pa. Pilit akong pinapakalma ni Ave at pinipilit ko din kumalma pero ayaw talaga.
Nanginginig at nahihirapang sinabihan ko si Iris, "R-ris, ga-mot please," inabot niya sa'kin 'yon at laking pasalamat ko na may isa pang natira.
Ilang oras akong humihinga ng malalim at sa wakas ay kumakalma na ako. Iris is hugging me tight, "I'm here Mav, I'm here".
So lucky to have a friend like her, she's always there for me.
"Ba't parang madalas ka nang nagkaka-panic attack susko po," saad niya sa sarili.
"Ngayon pa lang ulit ako nakainom ng gamot, last kong inom ng gamot last month, akala ko kasi okay na eh," sabi ko naman na humihikbi pa, "Ave, napanag-inipan ko na naman si Nick".
Pagkasabi ko nun ay naiyak pa ako lalo at napayakap nalang.
"I honestly don't know what to do Mav, pero andito ako lagi to help you get through from your hardships," sabi nito at hinahagod yung likod ko.
"By the way, rinig na rinig kong tinawag mo 'kong 'Ris' ah, aba nagsisimula ka na naman."
"Ba't ba kasi ayaw mong tawagin ka nun, maganda naman ah," sabi ko, "siguro may ex kang tumatawag sa'yo nun noh?" Dagdag ko pa.
"Mav, 'wag nang ibalik ang nakaraang nakalimutan na," she replied to me and laugh.
"Bakit basa ako? Anong nangyari?"
"Eh, sa hirap akong gisingin ka eh hehe kaya binuhusan kita ng tubig, buti walang nangyaring masama hehe. Napatawad na pala kita sa 'Ris' mo. Kiss kita eh".
"Matulog ka na nga! CR na muna ako," Pagkasabi ko nun, pumasok na din ako sa CR at nagdala ng pamalit.
Sinilip ako ni Iris sa pintuan ng Cr.
"Oh, Mav? Anong tinutunganga mo dyan? 'wag ka nga masyadong mag-isip ng kung anu-ano," Ani ni Avery. Avery is my only friend. Bestfriend since college freshmen palang kami. Siya kasi yung tipo ng kaibigan na umiintindi sa kahit anong gawin ko.
"Ah, wala naman may naalala lang".
I am looking at myself in the mirror, tied my hair, and changed my clothes into a turtle neck shirt that's hiding a memory of my past. A memory that I am ashamed to voice out even to my closest friend.
And a memory that was my last heartache and made me love heartaches even more.
Lumabas na ako ng Cr at bumalik sa kwarto, giniginaw din kasi ako kaya naisipan kong gumamit ng maluwang na turtle neck shirt. Tsaka natulog, bukas ko nalang gagawin yung kung ano ang dapat gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top