Chapter 2
꧁༺ Stefan ༻꧂
Pagkabigla at kalungkutan ang naramdaman ni Stefan ng malaman niyang may malalang sakit ang ama. Hindi niya akalain na magkakaroon ito ng karamdaman gayong malakas pa ito at masigla. Ngunit ang lalong ikinabigla niya ay ang last will testament nito. Hindi niya alam kung iyon nga ba talaga ang kagustuhan ng ama na ipagawa sa kanila ni Leixandre. Maniniwala ba siya dito?
A sudden knock on the door interrupted him from his thoughts.
"Stefan"
Napabuntong hininga siya ng marinig niya ang boses ng ina. Dali-dali niyang isinuot ang kanyang long sleeve. He's preparing to leave for work. Napabagal lamang ang kilos niya dahil sa dami ng iniisip niya.
Binuksan ni Stefan ang pinto at mabilis na pumasok si Natalia sa kuwarto ng kaniyang anak.
"Mom, you know that I need to leave now. Male-late ako sa meetings ko."
"When are you free?" Nakangiting tanong sa kaniya ng ina.
"I need to check and ask my secretary about my schedules. Why?" Takang tugon niya habang sinusuot ang kaniyang sapatos.
"You have to tell it to me asap if when are you going to be available so that I can set the date."
"Set a date for what?" Kunot noo niyang tinignan ang ina.
"Well, as your father's wish. We have to-- I mean you, iho" nilapitan niya si Stefan at inayos ang necktie nito habang patuloy na nagsalita "You need to meet the woman your father wants you to marry. I am so excited to meet her that's why as soon as possible I want you to clear your schedule and make time to meet this woman."
Tuloy-tuloy na nagsalita ang kaniyang ina na nagsisimula na siyang maging iritable.
"I know your father will choose the best and right woman for you. I don't doubt that! Just like how he chose me over that crazy b*tch--"
"Mom please stop!" Sigaw niya sa kaniyang ina na napatigil naman sa pag-aayos nito sa kaniyang neck tie.
"Anyways, Stefan you have to do what your father's wish. That's all! At wala tayong magiging problema."
Pagpapatuloy ng kaniyang ina na parang hindi siya nito narinig. Tinalikuran siya ni Natalia at naglakad na papunta sa pintuan.
"You do know that I have a girl friend" mariin niyang tugon sa ina.
Tinignan siya muli ni Natalia na seryoso na ang mukha.
"Then break-up with her, simple as that."
Tsaka ito tuluyang lumabas ng kuwarto.
'Easily said than done' aniya sa kaniyang sarili.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa side table ng kaniyang kama.
"Hi! Hon Goodmorning! Are you on your way? Don't forget you have a meeting first thing this morning. Please text me back once you arrive. I love you, hon💕"
Speaking of his girlfriend. Napabuntong hininga ulit siya. Pagkabasa niyon ay ibinulsa na niya ang cellphone at lumabas na ng kaniyang kuwarto. Pupuntahan sana niya si Don Joaquin upang kamustahin ito ngunit wala siyang sapat na oras ngayon para gawin ito. Naisip niyang dadalawin na lamang niya ito mamaya after work at deretso na siyang nagtungo sa kaniyang kotse.
Habang nagmamaneho ay tumatakbo din ang utak niya. Paano niya kaya susundin ang kagustuhan ng ama gayong may kasintahan na siya.
Kung hindi naman niya gagawin ang hiling ng ama ay malilintikan naman siya sa kaniyang ina lalo na at kayamanan at ari-arian ang nakataya dito. Kung tutuusin ay kaya naman niyang buhayin ang ina, hindi nga lang sa marangyang buhay ngunit kahit papano ay hindi naman sila maghihirap.
Ngunit kilala niya ang kaniyang ina, hindi ito sapat para sa kaniya. Alam niyang madaming pinagdaanang hirap ang kaniyang ina. Kuwento sa kaniya ni Natalia ay kapos ang pamilya nila noon kaya naman ang kaniyang ina ay mataas ang naging pangarap sa sarili.
Aniya, ginawa niya ang lahat para makarating sa kinalalagyan nila ngayon. Kaya hindi ito papayag na mawala ang lahat. Ayaw ng maranasan ng kaniyang ina ang naging buhay noon.
Kaya naman ngayon ay todo ang suporta nito sa kagustuhan ng asawa kahit pa nakataya ang sarili niyang kaligayahan lalo na ang kaniyang kalayaang magmahal at pumili ng babaeng pakakasalan.
Meron na siyang kasintahan at tatlong taon na din silang magkarelasyon. Mas matanda ito sa kaniya ng tatlong taon ngunit balewala naman ito sa kaniya.
They met each other during a launch of a fashion line. They have the same field of work kaya naman ay madali silang nadevelop sa isa't isa na di nag-laon nga ay naging magkasintahan sila.
Naging masaya ang relasyon nila for they have both in common and that is their work. Nahikayat niya itong lumipat sa company na siya mismo ang nagpapatakbo, which is The Hunter's Clothing Style. A clothing brand for everyone, ika nga ng tema ng company niya. Mapabata, adult, matanda, babae o lalake. Lahat ng klase ng damit ay meron sila.
Hindi naman siya tinanggihan ng kasintahan, agad itong nagresign sa pinagtratrabahuan nito at lumipat sa company ni Stefan. Mas lalo nga silang naging close sa isa't isa at naging masaya sa nagdaang taon.
Ngunit itong mga nakaraang buwan ay parang may unti-unting nagbabago sa relasyon nila.
Or he should say, nagbabago ang nararamdaman niya.
Ewan niya kung bakit. Basta pakiramdam niya ay kailangan niyang huminga. Minsan kasi ay parang napapagod siya lalo kapag nadidiktahan siya gaya ng ginagawa sa kaniya ng kaniyang ina. He was happy and very much inlove with her especialy that she understands him in everyway lalo pagdating sa trabaho.
Kung meron mang makakaunawa sa mga gusto niyang ipabatid iyon ay ang kaniyang girlfriend. And he was lucky to have her by his side, guiding him, teaching him and telling him what to do kapag meron siyang hindi nauunawaan. Dahil nga naman ay mas may edad ito sa kaniya at mas may karanasan sa trabaho nila.
Kaya naman, kapag may ipinapayo ito sa kaniya at mga sinasabi ay sinusunod naman niya ito. Ngunit ni minsan ay wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Intimately. Hanggang kiss and hugs lang ang ginagawa nila.
Hindi niya kasi alam kung dahil ba iyon sa age gap nila although it's only 3years gap pero nananaig ang pagrespeto niya dito. Dahil karespe-respeto nga naman ito.
Her girlfriend is very reserved, hindi naman ito conservative at hindi naman din siya ganun ka-daring kung manuot. Alam niyang ilugar ang sarili nito pagdating sa mga bagay-bagay sa paligid nito. Infact, magaling itong makisama.
Kaya naman marami itong nakakapalagayan agad ng loob at gustong-gusto niya itong isinasama sa tuwing may mga meetings siya with a client at mga event na pinupuntahan dahil na rin sa magaling itong makipag-usap at magdala ng kaniyang sarili. Marami nga ang nagsasabi sa kaniya na bakit hindi pa niya ito pakasalan.
She is the woman that a man could ever wish for.
Kung iisipin nga niya ay nasa kaniya na ang lahat. Maganda, sexy din naman ito, may kaalaman, mabait, magaling makisama, maunawain and so on and so forth. Madami itong katangian na hahangaan mo talaga.
Batid niya na kasal na nga lang kulang.
Ngunit alam niya sa kaniyang sarili na parang may kulang. Na pakiramdam niya ay wala pa sa estado ng relasyon nila ang salitang kasal.
Tapos bigla-bigla naman na ito ang hihilingin sa kaniya ng ama. Okay na sana sa kaniya na magpakasal nga kung yun talaga ang kagustuhan ng ama, ay pakakasalan na niya ang kaniyang girlfriend kahit na may pag-aalinlangan atleast ay matagal na rin naman silang magkarelasyon.
Ngunit mas ikinabigla niya ay malaman na ang kaniyang ama ay may inihanda ng ibang babae na ipakakasal sa kaniya. Ngayon ay nagtatalo ang puso't isipan niya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung uunahin ba niya ang sariling kaligayahan o ang kaligayahan ng ama lalo na ang kaligayahan ng kaniyang ina?
Bigla na naman tumunog ang cellphone niya saktong iginagarahe na niya ang kotse sa building ng company niya. Hininto niya ang kotse sabay dukot sa kaniyang cellphone. Nagflash sa screen ang pangalan ng kaniyang girlfriend.
"Laura" - Calling...
Agad naman niya itong sinagot.
"Hon nasan ka na?"
"I just arrived. Nandito ako sa parking lot palabas na ng kotse" Matamlay niyang sagot habang idiniditalye ang bawat hakbang.
"Okay hon! I'm coming there!"
"No Laura, No need--"
Ngunit biglang nawala na ang nasa kabilang linya. Tinignan niya ang cellphone: 'The call ended' at napamura tuloy siya ng 'di oras.
Damn it! Bakit ba lagi na lang niyang ginagawa ang gusto nitong gawin! Hindi man lang muna siya pakinggan!
Bulalas niya sa sarili at pagalit na isinara ang pinto ng kotse.
Mabibigat na hakbang na pumasok si Stefan sa building at hinintay na magbukas ang elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay bumungad sa kaniya ang kaniyang girlfriend na nakangiti at may hawak-hawak na bulaklak.
"Laura"
Naibigkas ni Stefan ang pangalan ng kasintahan ng maalala niya na may celebration ngapala sila ngayon at yun ay nakalimutan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top