Chapter 13

꧁༺ Laura ༻꧂

"Let's all welcome! Ms. Chloe Montecarlo!"

Palakpakan ang mga tao. Ang mga staff and members ay naghihiyawan sa tuwa.

Sumilay sa spotlight ang isang babaeng napakaputi, maganda, matangkad at seksi.

Para siyang isang Diyosa.

Sambit ni Laura sa sarili.

Nasa kaniya na ata lahat.

Napapalak-pak nalang din si Laura sa pagkamangha niya sa kagandahan ni Chloe.

"Hello everyone!" Masiglang bati ni Chloe. "Thank you for coming here tonight."

And the deafening crowd slowly quieted down.

"I am grateful and honored to all of you. For your heart warm welcoming The #Chloe!"

Nagsimula itong magbigay ng speech sa kanila ukol sa business at company niya.

Laura didn't feel like listening to Chloe after a few minutes passed. She was fascinated to her at first for her beauty and how Chloe carry herself infront of everyone.

Indeed, this woman is good at what she is doing. Kaya naman naging successful siya.

Yan ang naging opinyon ni Laura matapos marinig ang talumpati ni Chloe.

Ngunit di naglaon ay itinuon na niya ang atensiyon kay Stefan na seryosong nakikinig.

Napaismid ng ngiti si Laura at napailing.

Basta usaping negosyo at kompanya ay madaling nakukuha ang atensiyon ni Stefan. Kumukuha kasi siya ng iba't ibang ideya sa mga nakakasalamuha niyang business man lalo na sa mga naging experiences ng mga iyon.

He learns from them and making it his motivation na malampasan ang mga ito at iyon naman ang ginagamit niya upang maging matagumpay sa sarili niyang paraan.

From the moment na makilala niya si Stefan ay lubos na hinangaan niya ito. Sa dedikasiyon nito sa kanyang trabaho at negosyo.

And he never fails to amazed her.

Gaya na lang ang hindi niya inaasahang pagpro-propose nito.

Although, yun naman talaga ang pinakahihintay niya.

Isinandal ni Laura ang ulo sa mga bisig ni Stefan sabay hawak sa kamay nito.

Bigla namang nagsalita si Tricia na nasa tabi niya.

"Inantok akong bigla!" Sabay hikab, "Laura, kukuha lang muna ako ng maiinom pampagising. Do you guys also want?" Tanong nito sa kanilang dalawa.

Nag-angat ng tingin si Laura kay Stefan na siya namang umiling na nakatuon pa rin ang mga mata sa stage. Na kahit na nakikinig ito sa sinasabi ni Chloe ay naririnig pa rin naman pala niya ang sinasabi ni Tricia.

Laura chuckled at her fiancee.

Multitask yan? Napaka-sharp naman ng pandinig mo!

Iiling-iling si Laurang bumaling kay Tricia.

"Sige, pakikuhanan mo na lang din ako."

Ngumiti sa kaniya ang kaibigan bago tumalikod at kumuha ng kanilang maiinom.

Isinandal niyang muli ang kaniyang ulo sa braso ni Stefan.

"Are you bored?"

Stefan suddenly looks down at her. Nagulat naman siya sa sinabi nito.

Tumingala siyang muli upang tignan ito.

"Medyo. But you entertain me."

"How so?"

"Well, first of all, kaya lang naman ako nandito dahil sa'yo."

Laura felt her cheeks heat up.

"And I wasn't that bored dahil naaliw akong pagmasdan ka."

Ngumisi si Stefan.

"Ah! So, you're gazing at me?"

Sabay tanggal ng braso nito sa pagkakasandal sa kaniya ni Laura at hinagkan niya ito sa bewang.

"Is it a crime now to look at my fiancee?"

Napahigpit ng hawak si Stefan sa kaniya na gustong-gusto naman niya.

She was teasing him.

Sobrang na-miss niya ito kahit na isang linggo lamang silang hindi nagkita.

Pakiramdam niya na mas naging romantic at malambing na si Stefan ngayon after his proposal.

"Then if it's a crime, I am willingly surrendering myself Sir."

Nagkatawanan lang silang dalawa sa sinabi niya.

"Don't regret your decision woman. The crime you did is non bailable at panghabam-buhay na pagkakakulong.."

Stefan lowered his face to Laura and whispered.

"Sa puso ko."

Napatikom ng bibig si Laura. Her face burnt up with desire to kiss Stefan but stop herself from doing so.

Hindi iyon ang tamang oras at lugar para maglambingan sila but their undeniably growing love ay hindi mapigilang maging sweet sa isa't isa.

"Ang corny niyong dalawa!"

Tatawa-tawang pinagmasdan sila ni Tricia na nakabalik na pala at may hawak-hawak na inumin.

"Get a room, you two!"

Sabay abot niya ng baso kay Laura.

Nagsimulang magpalakpakan na naman ang mga tao sa paligid nila. Sila lamang ata ang hindi nakatuon ang atensiyon sa nangyayari sa kanilang harapan.

"You're both busy with your lovebird thing na hindi niyo man lang napansin kung sino ang nagsasalita ngayon."

"Huh?"

Tanging sambit ni Laura sa sinabi ng kaibigan sabay tingin niya sa stage.

Napakunot-noo si Laura ng makita niya ang mga magulang ni Stefan.

"Hon, you didn't tell me na kilala pala siya ng parents mo?" Baling ni Laura kay Stefan.

Masayang nakikipag-usap sa stage si Chloe kasama ang magulang ni Stefan.

Stefan's face suddenly changes.

At iyon ay ipinagtaka ni Laura.

Ang kaninang maaliwalas at masayang mukha nito ay napalitan ng ekspresiyong di niya mawari.

Stefan let go of her waist and held her hand instead.

"Laura let's go. Let's get out of here."

Humigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Stefan na ikinagulat niya.

She heard Stefan curse at himself inwardly.

"Why hon?"

Ngunit hindi siya nito sinagot bagkus ay malalaking hakbang ang ginawa ni Stefan dahilan para mahila si Laura na sumunod na ding naglakad hawak-hawak ang kamay niya.

Laura was confused at Stefan's reaction to seeing his parents on the stage with Chloe.

Ano naman ngayon kung magkakilala sila? It's a good thing for their business, right?

Iyon ang unang tumakbo sa isipan ni Laura.

Ngunit, hindi niya iyon masabi kay Stefan dahil tila nagmamadali itong makalabas sila.

Laura's thoughts drown her na hindi niya naririnig ang sinasabi ng ama ni Stefan na nagsasalita.

She was busy thinking about Stefan.

Muntik na niyang maihagis ang basong hawak niya ng biglang huminto si Stefan sa paglalakad na hindi niya napansin.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

Bulong ni Laura sa sarili.

Biglang lumiwanag at nagsipagsindi ang mga ilaw sa paligid.

Nagulat siya ng makitang nakatingin pala sa kanila ang mga taong naroroon.

Napalunok siya at napahigpit ng hawak kay Stefan na ngayo'y parang istatwang nakatayo sa harapan niya.

"Hon, what is happening?"

Hindi pa rin niya alintana kung ano ang sinasabi ng ama ni Stefan.

Her focus was on Stefan only.

Hinarap siya ni Stefan at binitawan ang kaniyang kamay.

"I'll explain it to you later Laura but for now we need to get out of here."

"Stefan Hunter!"

Dumilim muli ang mukha ni Stefan.

Laura is still confused as to what is happening to Stefan.

And why is her fiancee's name being mentioned on stage?

Ibinaling niya ang tingin sa stage.

Si Don Joaquin ang may hawak ng mikropono.

Nagtaka si Laura dahil hawak-hawak ng ama ni Stefan ang kamay ni Chloe habang ang ina naman nitong si Natalia ay abot tenga ang ngiti.

"I am proud to say to all of you that The Hunter's Clothing Style and The #Chloe are now officially business partners!"

Naghiyawan ang mga tao sa paligid.

Ibinalik ni Laura ang atensiyon kay Stefan.

"Well, it's good news hon! Congrats!" Sabay taas niya ng basong inuming hawak niya at ngumiti.

Ngunit mukhang hindi natutuwa si Stefan sa sinabi ng ama.

"What's wrong?"

Tanong ni Laura.

"Let's go." Mariing sagot sa kaniya ni Stefan.

Naguguluhan na si Laura sa ikinikilos nito.

Tinalikuran na siya ni Stefan at nagsimulang maglakad. Wala naman siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ito.

Bago iyon ay nilingon niya muna si Tricia upang magpaalam sa kaniya.

But Laura stood frozen ng marinig ang mga sumunod na sinabi ni Don Joaquin.

"And I am happy to announce to everyone here! My son, Stefan Hunter, and Ms. Chloe Montecarlo are soon to be married!"

Muli ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa paligid ni Laura.

Habang siya ay tila binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi niya magawang igalaw ang buong katawan sa narinig.

Am I just hearing things? Or hallucinating? Is this just a dream?

Hindi pa naman ako lasing? Hindi pa naman ako nakakainom?

Sabay tingin ni Laura sa basong hawak-hawak ng nanginginig niyang kamay.

Anong pinagsasabi niya?

Iniangat niyang muli ang tingin sa ama ni Stefan.

Hindi maitago ang tuwa ng mga magulang ng kaniyang fiancee.

Fiancee?

Ano ba talagang nangyayari?

Laura didn't know what to do and what to think, kaya kumilos ang katawan niya upang tignan si Stefan.

And when she look back, Stefan was already looking at her.

Napalunok si Stefan ng magtama ang kanilang mga mata.

There's something in his eyes telling her to believe in him. Parang nagmamakaawa ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

"I'd like to call my son. Stefan, please come up here and join us!"

Umalingaw-ngaw sa tenga ni Laura ang boses ni Don Joaquin.

"Join us here with your fiancee, Chloe!"

Sabay tawa.

Ang masayang boses na iyon ang tuluyang nagpapatak sa mga luha ni Laura.

Hindi namalayan ni Laura na isa-isang tumutulo ang mga luha niya.

Stefan lowered his head in defeat.

Biglang nagkislapan ang mga nasa paligid nila.

Pinalibutan na si Stefan ng mga kumukuha ng litrato.

At doon lang tila nagising si Laura sa kung anong nangyayari sa paligid.

Para siyang nilalamon ng alon.

Pakiramdam niya ay nalulunod siya.

Sa mga tao sa paligid niyang nakatingin sa kanila.

Nilulunod siya ng samu't saring mga salitang naririnig niya.

At pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa bigat at sakit na unti-unting nararamdaman niya.

Bakit?

Yun na lamang ang tanging naisip niya ng muling magtama ang mga mata nila ni Stefan.

"Stefan, iho! Halika na! Don't be shy!" Malakas na sabi ng ama nito na muling tumawa.

Nakita niyang napakuyom si Stefan bago ito tuluyang humakbang papunta sa kinaroroonan ng ama.

Nilampasan siya ni Stefan na tila hangin, na animo'y hindi sila magkakilala.

Muli ay nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid niya.

Ano na lamang ang iisipin nila? Ano na lamang ang sasabihin ng mga katrabaho niya?

Muli ay nilamon si Laura sa mga naiisip niya.

So, paano na ako?

Hindi na makayanan pa ni Laura ang patong-patong na nangyayari sa kanila ni Stefan.

Gulong-gulo siya.

The next thing she knew, she found herself running out of there. Wala na siyang paki kung ano pa ang mga pinagsasabi ng ama ni Stefan.

Pahiyang-pahiya siya sa lahat.

At ang masakit pa ay hindi siya nagawang ipagtanggol ng kaniyang fiancee.

Kaya pala bigla na lang niyang gustong umalis kami ng makita niya ang ama't ina nitong kasama si Chloe.

Then it means, he knows something?

He already knows that something is going on but he didn't even bother telling it to me?

Hindi niya alintana na tinatawag pala siya ni Tricia.

How could you do this to me Stefan!?

Why!?

Gustong-gusto niyang sugurin, puntahan at kausapin si Stefan but what for?

Para saan pa?

Clearly, he chose that woman over her!?

Hindi na niya napigilan pang umiyak at bumuhos ang luha sa kaniyang mukha.

Her tears blurred her vision.

Na hindi niya napansin na nakabangga pala siya habang nagmamadaling makaalis roon.

Nagulat na lang siya ng mabitawan niya ang basong hawak-hawak pa pala niya.

"What the!?"

Tinig ng isang gulat at galit na lalake.

"Watch where you going!"

Tinignan iyon ni Laura na pinapagpag ang suot nito.

Nagawa pang humingi ni Laura ng paumanhin sa natapunan niya ng inumin.

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang lalake.

Galit na tinignan siya nito ngunit napalitan ng pagkunot-noo ang mukha nito ng makita siya.

Akmang magsasalita ito ngunit muli ay humingi ng paumanhin si Laura sa kaniya at nagmadaling makaalis doon.

Wala na akong balak pang magtagal pa dito. I want to get out of here!

I need to get out of here far from them!

Far from Stefan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top