Chapter 12

꧁༺ Laura ༻꧂

Sabay silang naglakad kasama si Tricia sa kaniyang tabi na todo pa din ang ngiti at pagpapaganda sa camera.

Nakahinga siya ng maluwag ng makapasok na sila.

Kapwa sila natigilan upang pagmasdan ang paligid. Maraming mga bisita na ang mga naroroon. Napakalaking espasyo ang building na iyon ngunit punong-puno iyon ng mga tao.

Laura was curious about the company but not just her, ganun din ang mga katrabaho niya kaya naman excited silang dumalo sa event na 'to. May ilan ng mga katrabaho niyang naroroon na halatang masasaya habang tinitignan ang mga naka-display na produkto sa paligid.

Nagkalat sa bawat sulok ang mga produkto ng #Chloe at iyon ay mga bags, shoes, sandals, and accessories for men and women.

All of it looks flashy, glamorous, and pleasing to the eye. Each product that you look at has a different charm na mahihikayat kang bilhin.

Napakaaliwalas ng paligid, buhay na buhay sa mga iba't ibang kulay na palamuting nakapalibot. There was a platform in front for everyone to see and a wide screen at the top.

Stefan cleared his throat at kapwa sila natigilan ni Tricia sa pagmamasid.

"Okay, that's my cue!" Pabirong sabi niya, "Maiwan ko muna kayong dalawa dito. I'll catch you up later!" Mukhang nakaramdam naman ang kaniyang kaibigan kaya umiskapo na ito.

Laura felt nervous again at nagsimula na namang dumagundong ang dibdib niya. Panay ang hinga niya ng malalim.

Suddenly, Stefan held her hand and laid a kiss where the ring was. Nagulat siya sa ginawa nito. Nanginginig na nanlalamig ang mga kamay niya at alam niyang ramdam iyon ni Stefan ng hawakan siya nito.

"You look extra beautiful tonight," nakangiti sa kaniya si Stefan at bahagyang lumapit at bumulong "And sexy." Sabay hawi nito ng kaniyang buhok sa taenga. Napakagat labi siya sa sinabi ni Stefan. His voice was music to her ears lalo pa't bumulong ito sa kaniya kung saan dinig na dinig niya ang napakamalambing na boses nito.

"I miss you."

"I miss you, too hon."

Kapwa sila titig na titig sa isa't isa na animo'y walang ibang taong naroroon.

Stefan cupped her face to kiss her.

And that was all she was waiting for. Ang hagkan siya nito.

Napawi agad ang kabang nararamdaman niya. Ang kaninang panginginig at panlalamig ng katawan niya ay napalitan ng pagkasabik at kakaibang init ang dumadaloy sa buong katawan niya. Hindi napigilan ng kaniyang mga kamay na yakapin si Stefan.

They kiss passionately as if there's no one around them. Her mind drifted to Stefan only. Kaya lang naman siya dumalo sa okasyong ito ay upang makita siya.

Ang kaniyang fiancee.

Napahigpit ang yakap niya kay Stefan ng ibulong ng kaniyang isipan ang salitang Fiancee.

Ang mga labi nila ay kapwa dahan-dahang kumalas sa isa't isa.

This man is my Fiancee and soon to be my husband.

Isang pilyong ngiti ang rumehistro sa mukha ni Laura na agad na ipinagtaka naman ni Stefan.

"What?" Tanong sa kaniya nito. "Isang linggo lang akong nawala bakit parang may nagbago sa'yo?"

Napatawa si Laura ng bahagya sa reaksiyon ni Stefan.

"Namiss mo lang ako kaya pakiramdam mo may nagbago sa akin." Pagrarason niya.

Hinila ni Stefan ang mga kamay ni Laura at ipinatong iyon sa mga balikat niya habang hinagkan niya ito sa beywang. Their body was so close to each other. Napakasweet nilang tignan na nagsisimula ng mapansin sila ng ibang tao sa paligid.

"Yes, Laura. I miss you so much that I cannot wait to be with you. Let's get married tomorrow."

Hindi napigilang tumawa ng malakas ni Laura sa narinig niya.

"Are you serious hon?"

Stefan looked at her seriously.

"Anong nangyari sa'yo sa pinuntahan mo? Isang linggo ka nga lang nawala hon parang ikaw ata 'tong nagbago?" Pagbabalik tanong niya.

"Bakit? Ayaw mo ba? Ayaw mo na ba akong pakasalan? Nagbago ba isip mo?" Sunod-sunod na tanong ni Stefan.

"No!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kasintahan. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik na pakasalan ka at kung gaano ko ito ipinagdasal." Sumeryoso na rin ang mukha niyang tinignan si Stefan.

"I just don't want to rush things. Gusto ko na maayos at planado ang lahat. At isa pa, hindi pa alam ng pamilya ko na engaged na tayo."

"Why you didn't tell them?"

"Hon, gusto ko kasama kita kapag sinabi ko na sakanila. And I want us to visit them and personally tell them that we're getting married."

Napabuntong hininga si Stefan.

"I hope you understand. This is very important to me and I want it to be very special."

Stefan pulled her closer to his body and his hands tightened at her waist.

"You are important to me. So, your wish is my command."

Stefan has its way para mahulog ang loob lalo ni Laura. The way he talks charmingly. Alam na alam nito kung paano pagagaanin ang loob niya.

How he loves this man.

"I love---"

"Stefan!"

A stern voice had made Stefan stop. Kapwa sila napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Mom?"

Namutla bigla si Laura ng makita ang ina ni Stefan. She instantly let go of Stefan and lowered her head in embarrassment. Pakiramdam niya kasi para silang mga batang nahuli ng magulang na naglalambingan.

But they're not teenagers anymore.

Ngunit hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay hindi siya gusto ng ina ng kasintahan maging ang ama nito. Marahil ay dahil iyon sa estado ng buhay nila.

Mabibilang lang ni Laura kung ilang beses lang niya nakaharap at nakausap ang mga ito.

Stefan held her hand tightly, habang ang ina nito ay matiim na nakatingin sa kanila. Lalong dumilim ang mukha nito ng makita ang kamay ni Laura.

Napalunok si Laura. Marahil ay nakita nito ang sing-sing na suot niya.

Humakbang palapit sa kanila si Natalia.

"What is the meaning of this?" Madiin niyang tanong sa anak nitong si Stefan. "I told you to get rid of her?!"

Nagulat si Laura sa narinig niyang salita mula kay Natalia. Agad na tinignan niya si Stefan ngunit titig na titig ito sa kaniyang ina. Bakas sa mga mukha nito ang galit.

She has no idea what Natalia is talking about.

Humigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Stefan.

"I will do whatever I want and whatever I wish," aniya ni Stefan sa kaniyang ina. "And no one can stop me. Even you."

Mas lalong dumilim ang ekspresiyon ng mukha ni Natalia ngunit sa huli ay nagawa pa nitong ngumiti na ipinagtaka ni Laura.

"We'll see."

Taas noo nitong sumbat kay Stefan bago ito tumalikod at tuluyang iwanan sila na hindi man lang tinapunan ng tingin si Laura.

Silence filled between them.

Bago siya hinarap ni Stefan ay ramdam ni Laura na tila may bumabagabag dito. Nakikita niya sa kaniyang mga mata na may gusto itong sabihin, kung paano maningkit ang mga mata niya at kumunot ang noo na tinitignan ang ina nitong naglalakad palayo sa kanila.

May kung anong kirot sa puso niya habang pinagmamasdan din niya si Natalia. Gusto niyang malaman kung anong ibig sabihin ng mga binitawang salita nito. Gusto niyang itanong iyon kay Stefan ngunit naisip niya na sa ibang araw na lamang niya iyon itatanong, ayaw niyang masira ang mood nito at ang moment nila na magkasama sa gabing iyon.

Pinisil niya ang mga kamay ni Stefan.

"It's alright," sabay ngiti niya upang pagtakpan ang kuryusidad niya sa naging usapan nilang mag-ina. "Forget what had just happened. Don't let her ruin our night."

Stefan kissed her hand and smiled.

"Thank you Laura for always letting me feel that everything is gonna be alright."

"May we all have your attention, please."

Kapwa sila napatingin sa pinanggalingan ng malakas na boses.

"The program is about to start. So please everyone, gather around as we witness here tonight, the famous and glorious, The #Chloe!"

Nagpalakpakan ang lahat. Isang napakagandang babae ang nagsasalita ngayon sa harap. Nagsimula na ding magtipon ang mga tao at pumalibot sa platform na kinatatayuan ng babae.

Tinanguan siya ni Stefan at naglakad na din sila papalapit doon.

Agad niyang nakita ang kaibigan niyang si Tricia na kumakaway sa kanila na nakapuwesto sa gilid. Nilapitan nila ito at doon na din pumwesto.

Biglang dumilim ang paligid at ang malaking monitor ay nagsimulang magpalabas ng isang video.

Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Lahat sila ay namangha sa ganda ng presentation video. Pinapalabas ang iba't ibang produkto at mga naglalakihan at sikat na celebrity ang mga endorsers nito. Tiyak na magiging patok ito at magiging mabenta ito dahil kita naman ni Laura na hindi basta-bastang pipitsuging kompanya ito.

Sandali lamang inabot ang video na iyon na sa tantiya niya ay mga nasa sampung minuto.

Nang matapos iyon ay muling nagsalita ang babaeng nasa harapan.

"And now, ladies and gentleman! Let's all welcome and give a warm round of a applause to the owner of the #Chloe!"

Biglang tumahimik ang lahat at may isang matangkad at napakaseksing babae ang lumitaw sa gitna ng platform na katabi ng babaeng host. Napakaliwanag na spotlight ang tumapat sa kaniya at nagsimula na namang nagpalakpakan ang mga tao.

"Let's all welcome! Ms. Chloe Montecarlo!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top