#LoveTeamSaTotooLang
Ako ang iyong bangka
kung magalit man ang alon
ng panahon
sabay tayong aahon
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nang kinagabihang 'yon, naisipan kong maglakad-lakad sa tabing dagat. Tama nga ang sabi ni Manong Gem. Grabe ang night life dito. May mga performers na nagpo-pole dancing, fire jugglers, mga bands at rave parties.
Gusto ko pa naman sanang mag-ala Mel Tiangco sa Magpakailanman. Magisip. Kaso, hindi pala posible 'yon dito.
I should have felt relieved dahil nga uuwi na kami. Sa totoo lang, nalulungkot ako. Kasi 'yung panandaliang kunya-kunyarian namin, matatapos na.
'Pag wala nang script, ganito pa rin kaya kami? O babalik na sa dati ang lahat? 'Yung tulad ng dati na hindi ko siya maabot?
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa dulo ng beach. Medyo madilim na ro'n pero nahanap ko pa rin naman 'yung malaking bato na inakyat ko noong unang araw namin dito.
At akalain mo nga naman ang pagkakataon, nandoon na naman si Zeke—si Andrei pala—sa No Swimming Zone.
"Aish! Ano ba naman 'tong gagong 'to. Ang tigas ng ulo," asik ko bago padabog na lumusong sa tubig. Naka-sun dress pa naman ako dahil plano ko nga mag-Magpakailanman. "Hoy! Andrei! Hindi ka rin makulit 'no? Sinabi an gang delikado d'yan eh!"
Saglit siyang huminto para lumingon sa'kin. Blangko ang mga mata niya nang nagsimula ulit siyang lumakad palalim ng tubig.
Hanggang leeg ko na ang lalim. Si Andrei, kalma lang kahit na paunti-unti na siyang lumulubog.
"Andrei!" sigaw ko. "Bumalik ka nga rito!"
Napaatras ako nang hampasin kami ng alon. Hindi ako makadilat dahil nakakahilam ang tubig-alat. Pagdilat ko, biglang na lang nawala sa paningin ko si Andrei.
"Oh my god!" bulalas ko habang nililibot ng tingin ang paligid. "Andrei! Hindi ka na nakakatuwa! Umahon ka na, please! Andre—Zeke! Zeke!!!"
Isa na namang alon ang humampas sa'kin. Mas malaki kaysa sa nauna. Lumubog ako. Habang nagpapanic ako, bigla na lang sumagi sa isip ko na hindi marunong lumangoy si Bridget. Pero si Bridget 'yon. At saka ko lang naalala. Hindi nga rin pala marunong lumangoy si Leng.
Nagkakawag ako, pero kahit anong gawin ko hindi ko maabot ang ibabaw. Para bang pinaghihilahanan ako ng alon. Nagsimula akong maubusan ng hininga hanggang sa pumasok na ang tubig-alat sa ilong ko.
Naramdaman ko na lang ang bisig ni Andrei na kumawit sa baywang ko. Lumangoy siya para iangat ang ulo ko mula sa tubig. Naghahabol ng hininga, iniubo ko ang tubig na nakabara sa lalamunan ko. Bago pa man ako nakapagpasalamat, tinangay kami ng alon at inihampas kami sa batuhan.
Mabilis na akong hinila ni Andrei at niyakap bago siya pumihit para hindi ako tumama sa mga naglalakihang bato. Pagdilat ko, wala na siyang malay. Nagmamadali ko siyang hinila sa tabing-dagat at inihiga sa buhanginan.
"Andrei!" sigaw ko habang niyuyugyog siya. "Gumising ka na, please!"
Hindi siya kumikilos. Iniangat ko ang ulo niya at inilapag 'yon sa kandungan ko. Natulala na lang ako nang makita ko ang dugo sa mga palad ko.
"Andrei?" bulong ko, hindi na mapigilan ang luha. "Tulong! Tulungan n'yo kami!!!"
***
Nasa waiting area ako ng ER, nakatulala sa pader habang nagpaparit-parito ang mga tao sa harap ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot na nakabalot sa'kin, pilit na nilalabanan ang lamig.
"Jelaine!" Si Direk, humahangos habang papunta sa harap ko. "Are you okay, hija? What happened?"
Nakasunod sa kaniya si Doc Jervis. Bakas ang pag-aalala sa mukha nilang dalawa. Sa puntong 'yon, hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako.
"Dito na lang kayong dalawa," payo ni Doc. "I'll go check on Andrei's condition."
Pinanood ko lang siyang tumakbo papasok ng ER. Gusto kong pumasok. Gusto ko ring malaman kung ano na ang nangyari kay Andrei. Pero hindi ko magawa. Gaya ng dati, natalo na naman ako sa takot ko.
Ilang minuto rin ang lumipas bago binasag ni Direk ang katahimikan.
"I should have seen this coming," sabi niya, tila hinang-hina. "Alam ko'ng delikado. I'm aware he might get himself way in too deep, but still... I agreed to this."
Noon lang ako nagkalakas ng loob para tingnan siya. "Ano po'ng ibig n'yong sabihin, Direk?"
Umiling siya. "I'm so sorry, Jelaine. Akala ko, may magbabago na this time. For some reason, I thought that this is what's best for Andrei. Hindi na dapat kita idinamay sa problema namin."
Marami akong tanong, mga bagay na hindi maintindihan. Pero bago pa man ako makahingi ng paliwanag, lumabas si Doc Jervis.
"He's awake," sabi niya.
Sumunod kami sa loob. Sa pinakadulong cubicle ng ER, natanaw ko si Andrei na nakaupo na, may benda ang ulo. Isang nurse ang nasa harap niya. Mukhang nagi-interview kasi patingin-tingin sa clipboard na hawak niya.
Nang makalapit kami enough para marinig ko ang pinag-uusapan nila, huminto si Direk, tila pinapanood na lumawig ang isang eksena sa pelikula.
"S-sir, sure po ba kayo?" sabi ni Nurse, medyo nagba-blush. "Kasi talagang kamukha n'yo si Andrei ng Boys XD. Ang pogi n'yo po."
Nalukot na naman ang noo ni Andrei. Umiling. "Sorry. My name's Ezekiel Arevallo. I'm not and never was a boy band member: I'm an engineer. I think, naibigay ko na naman lahat ng information do'n sa unang nag-interview sa'kin. I really don't understand why you have to repeat everything."
Noon ko pa lang siya nakitang naiirita ng sobra. As Zeke. Not as Andrei. Ewan. Nalilito na rin ako.
"Hindi ka pa rin ba titigil?" bulong ko sa sarili.
Lalapitan ko na sana si Andrei ng hawakan ni Direk ang balikat ko. Marahan siyang umiling. Tiniklop niya ang mga braso niya sa ibabaw ng dibdib niya habang pinapanood namin si Andrei na sagutin ang interview ng nurse.
So far, lahat ng sinabi niyang information, consistent na puro kay Zeke.
Sa huli, nginitian na lang din niya ang nurse sabay sabing, "If you don't stop, I might start thinking you're just making up an excuse to talk to me."
"Hindi ko na talaga masakyan ang trip niya, Direk," sabi ko kay Direk, nakatulala pa rin kay Andrei. "Suko na po yata ako."
Tahimik na hinila ako ni Direk Rina papuntang lobby ER kung saan naabutan naming kausap ni Doc Jervis ang doctor na tumingin kay Andrei kanina. Nang umalis ang doctor, nilapitan kami ni Doc Jervis.
"He's stable," sabi niya habang sinisilip si Andrei mula sa glass door ng ER. "But I don't think just saying cut is going to snap him out of it this time."
"Bakit pa kasi ako pumayag sa plano mo, eh."
"Ginawa lang natin kung ano sa tingin natin ang tama, Rina."
"Mali 'tong ginawa natin, Jervis," sagot ni Direk, nangingilid na ang luha. "Maling-mali."
"Ano ba ang tama?" Tumaas ang tono ni Doc. "Tell me, Rina. Hindi ko na alam. Mas tama ba kung hahayaan lang natin siyang ganiyan? Para ano pa't ipinagkatiwala sa'tin ni Angela ang batang 'yan kung wala lang tayong gagawin para tulungan siya?"
Pareho silang natigilan. Parehong malalim ang iniisip. Si Direk Rina ang unang sumuko sa labanan ng tingin at umalis para puntahan si Andrei sa loob.
"Kasalanan ko 'to," pag-amin ni Doc, iniangat ang tingin sa mukha ko. "Siguro naguguluhan ka na Jelaine. Siguro nagtatanong ka na rin kung bakit kailangang sumama ang isang psychiatrist sa isang acting workshop."
Tumango ako, pero walang salitang lumabas sa bibig ko.
"The answer is simple, Jelaine. It's because this trip is not an acting workshop. It's an experiment."
"H-hindi ko po maintindihan."
Inalalayan niya ako pabalik sa waiting area at pinaupo. "This was supposed to be your training. Pero para kay Andrei, isa itong diagnostic test. Isang psychiatric evaluation. Sumama ako rito para mapag-aralan ang condition niya."
"May sakit po si Andrei?"
"A disorder, yes. Pero hindi pa 'ko nakaka-encounter ng kaso na tulad ng sa kaniya in all my years of practice. Noon nga, akala ko isang myth lang ang ganitong condition. What's worse, his is a very unique case."
Nagsimula na namang maglawa ang mga luha sa mga mata ko. "Wala ako'ng maintindihan, Doc. Malala ba? Ga'no na lang po ba ang itatagal niya?"
Walang anu-ano at nangiti si Doc.
"It's a personality disorder, Jelaine. Hindi nakakamatay." Napasulyap siya sa pintuan ng ER. "Technically, hindi naman siya life-threatening. Dapat. Kung hindi lang sana may tendency na maging suicidal ang role na ginagampanan niya."
Pinalo ko ang braso ni Doc, humihikbi pa rin. "Doc naman eh. Paki-explain naman po. 'Yung hindi naman 'yung ganiyan na dumudugo na ang ilong ko. Seryoso kaya 'to."
Huminga siya ng malalim, pinagsalikop ang mga daliri sa kandungan niya. "Natatandaan mo 'yong last music video ng Boys XD? If I'm not mistaken, Ikaw-Ako ang title."
"Opo," sagot ko agad. "Hindi ba po, 'yun po ang first acting break ni Andrei?"
'Yun kasi ang pinakapaborito kong kanta ng Boys XD. Ang ganda kasi ng meaning ng song. Pati ang music video. Si Andrei kasi ang bida. Sobrang galing kasi ng acting niya.
Sa mga tingin pa lang niya aakalain mo talagang totoong mahal na mahal niya 'yung girl do'n. Kahit in the end, iniwan siya ng girl para mag-work abroad dahil pagbabanda lang ang alam niya. Kita talaga kung ga'no siya na-hurt. Umiiyak kaya ako tuwing napapanood ko 'yon sa music channel.
"Nalaman lang namin na may ganito siyang kondisyon after the shoot of the music video. Kasi, kahit tapos na ang shooting, in character pa rin siya," paliwanag ni Doc, nakakunot ang noo na na para bang siya mismo ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. "Kahit ano'ng gawin ng mga kasama niya na 'gisingin' siya, kahit ano'ng paliwanag nila na hindi na niya kailangang ituloy ang pag-arte, wala pa rin."
"B-baka naman po ginu-good time lang niya sila Elrik," sambit ko, hinihintay pa ring mag-sink in lahat ng sinasabi ni Doc Jervis. "Oo. Trip lang niyang manloko. G-ginawa rin niya sa'kin 'yan eh."
Tinanggal ni Doc ang salamin niya at pinunasan iyon. "Sa totoong lang, 'yan din ang akala ko noon: na gawa-gawa lang niya ang lahat. But come to think of it, Andrei is and was never the type to joke around. More so, make fun of people. He's always just so... silent and polite and composed."
"Baka nasa loob lang ang kulo?" hula ko.
Umiling siyang muli. "I think... masyado niyang nai-internalize ang role na pino-portray niya. Perfectionist kasi siyang masyado. Nang malaman niya na magkakaroon siya ng acting break sa music video, lumapit agad ang batang 'yan kay Rina para magpatulong sa acting niya. Isipin mo na lang, music video pa lang 'yon.
"Sa kanilang apat, siya lang ang um-effort na mag-aral ng methodical acting. Hindi ko alam kung pa'nong pagtuturo ang ginawa ni Rina. Alam mo naman kung ga'no siya ka-strict, but the result was a revelation. Magaling si Andrei. Nakakuha nga siya agad ng offers for a soap. But you see the problem here."
Hindi ko talaga ma-imagine. Si Andrei? May mental disorder?
"Kung gano'n po, bakit pa po niya tinanggap ang offer? Alam naman niya kung ano'ng pwedeng mangyari?"
"He turned it down many times," pag-amin ni Doc. "As to why he changed his mind, I think he's the best person to answer that."
"Pa'no po natin siya mapapabalik sa dati?" tanong ko, hindi maitago ang pag-aalala. "Ano pong pwede kong maitulong?"
Hinawakan ni Doc ang balikat ko. "For now, just go home and rest. Kami na lang ni Rina ang bahala dito."
Ui
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top