#LoveTeamPahiyaMuch


Maaga akong dumating sa studio. Wala pa si Direk Rina. Gaya ng dati, hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang sarili ko sa salamin.

"Ikaw pa rin ba 'yan, Leng?" tanong ko.

'Yon din ang tinanong sa'kin ni Mamu no'ng tumawag siya kagabi. Ayaw ko na sanang ipaalam sa kaniya 'yong pagkaka-ospital ko kaso si Toni hindi talaga mapigilan ang kadaldalan. Tutol kasi si Mamu sa pag-aartista ko.

Naputol ang pagmo-moment ko nang dumating si Direk Rina.

"Malalim yata ang iniisip mo," puna niya.

"Ah," sinikap kong ngumiti. "Hindi po, Direk. W-wala po 'yon."

Minasdan niya ang buong kwarto bago lumapit sa'kin. "Alam mo ba kung bakit puro salamin itong studio?"

Umiling ako.

"Tayo kasing mga artista, maraming roles na ginagampanan at mga istoryang binibigyang-buhay. Pero ang mga emosyon na ginagamit natin sa pagganap galing lahat dito." Itinuro niya ang dibdib ko. "Kaya dapat, bago ka mag-portray ng kahit ano pa mang role, kilalanin mo muna ng mabuti kung sino ka nga ba talaga."

"Ano po'ng ibig niyong sabihin?"

Naglakad siya papunta sa AV corner. "Alam mo... hindi ko pa rin gusto ang dahilan mo kung bakit gusto mong makapasok sa showbiz. Kasi pa'no kung hindi mo na gusto si Andrei—"

"Hindi ko po siya gusto, Direk," sabat ko, defensive ang peg. "As in gustong jowain, gano'n? Hindi po."

Parang hindi siya convinced.

"Promise po! Talagang fan lang po talaga niya 'ko. T'saka siya po 'yong nag-inspire sa'kin na i-pursue ang pag-aartista... 'W-wag niyo pong sabihin sa kaniya ha. Shy type ako eh."

Halatang gusto na naman niya 'kong lamunin ng buhay kaya tumahimik na lang ako. "As I was saying, kung hindi malalim ang ugat, madali lang mabunot ang puno. Kung ang dahilan mo lang sa pagpunta mo rito ay dahil sa gusto mo lang makita ang idol mo araw-araw, napakababaw! Sa bandang huli, ikaw rin ang kusang aayaw at lahat ng hirap ko sa pagtuturo sa'yo, mauuwi lang sa wala."

"Weh," bulong ko. "Hindi rin po kayo assuming 'no, Direk?"

"Sumasagot ka?"

"H-hindi po," bawi ko. "Ibig ko lang pong sabihin, bakit niyo po ako pinabalik dito kung gano'n?"

Napaisip din siya. "Kasi pakiramdam ko, hindi ka puno. Masamang damo ka."

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Paki-explain."

Ngumiti lang si Direk. "Magsimula na tayo."

Binigyan niya ako ng marker at folder. Binuksan ko 'yon. Mga blank na papel lang ang laman no'n. "Ano pong gagawin ko rito?"

"Iyan ang script mo."

"P-po? Pero wala pong nakasulat dito. Haler?"

"Exactly." Sinenyasan niya ako para tumayo sa harap ng salamin katabi niya. "Kasasabi ko lang kanina, hindi ba? Whatever role we portray, ang ginagamit nating emosyon, saan ba nanggagaling?"

"Sa puso po."

"Yes. Sa puso mo," pagsang-ayon niya. "Ngayon, 'pag sinabi kong iyak—"

"Iyak agad?" sabat ko. "Wala man lang linya or motivation?"

Tumingin siya sa mata ko. "Ano'ng script ni Jelaine na nakakapag-paiyak sa kaniya?"

"Pa'no po kung walang script si Jelaine? I mean, you know what Direk? In my twenty years of existence I can say that there's nothing major major problem that I've had in my life because—"

"Ano 'to? Miss World?"

"Sige na nga po. Sabi ko nga, lahat naman may pinagdadaanan." Matagal akong nakatingin sa salamin. Blangko ang isip. Iyak daw, Leng. Umiyak ka! Pero wala. Walang ni isang patak na luha ang tumulo sa mula sa mga mata ko. "Ayaw po eh. Baka 'pag pinilit ko iba na ang lumabas sa'kin. Airconditioned pa naman dito."

Si Direk parang inaaral ang mukha ko. "Ayaw ba talaga, o ayaw mo? Baka naman kasi takot ka."

"H-ha?" Tumawa ako. Malakas. Parang kontrabida lang sa pelikula. "Ako po? Hindi ah."

"Talaga? Then why won't you dig deeper into yourself? Baka may scene sa buhay mo na sobra kang nasaktan kaya ayaw mo nang balikan. Hindi mo na ba kaya? Umpisa pa lang 'yan. Umuwi na kaya tayo?"

"Hindi po!" sagot ko agad. "Magaling kaya akong mag-dig deeper. Eto na po." Um-acting akong nagpapala ng lupa.

"Dali mo namang kausap," sabi ni Direk.

Tumitig akong muli sa salamin. Tumitig ako sa sarili kong mga mata hanggang maramdaman ko ang isang balakid. Matibay, mataas na harang. Mga pader na ako mismo ang gumawa. Nag-concentrate ako at isa-isang binuwal ang mga 'yon. Hinayaan kong kumawala ang mga alala na noon pa kinulong ko na.

Anim na taon pa lang ako. Pauwi kami sa probinsiya ni Mama. Sa Laguna. First time ko. Tuwang-tuwa ako habang nanonood ng tanawin mula sa bintana ng bus. Mabilis ang mga pangyayari. May malakas na tunog sa harap ng bus. Naaalala ko na lang, bumaligtad na kami pero yakap-yakap pa rin ako ni Mama.

May dugo. Puro dugo.

Umiiyak ako. Tinutulak ako ni Mama papunta sa nabasag na bintana pero ayaw ko. Hindi ko siya iiwan. Isang matandang babae—'yong katabi namin sa upuan—ang humatak sa'kin palabas ng bus.

Parang nawala ako sa sarili. Nakita ko na lang ang mga luha sa pisngi ko, hanggang sa napahagulgol na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Direk sa likod ko. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko magawang tumigil. Ilang minutes rin siguro bago ko nakalma ang sarili ko.

"Alamin mo kung saan galing 'yang lungkot," sabi ni Direk. Malumanay ang tinig niya. Hindi gaya dati. "Para 'pag kailangan mo na, alam mo kung saan huhugutin."

Nagsimula kong maintindihan ang way niya ng pagtuturo. Weird. Pero effective.

"Now," inabot niya sa'kin ang marker at paper. "Isulat mo diyan 'yong kaisa-isang linya sa script mo na kapag naalala mo, maiiyak ka agad. Isipin mo na lang, 'yon ang susi sa drawer ng kalungkutan ni Leng."

Isang piraso lang ng papel pero pakiramdam ko, nakalahad na ro'n lahat ng drama ng buhay ko. Marami akong naisip, pero isa lang talaga ang natatandaan kong talagang parang sugat na nag-iwan ng marka sa puso ko.

Kayo na po ang bahala sa anak ko.

"'Y-yan po'ng huling sinabi ng... Mama ko bago siya namatay."

Marahang pinisil ni Direk ang balikat ko. Hinayaan lang niya akong umiyak.

"H-hindi pa po ba tayo manananghalian?" tanong ko kahit panay pa rin ang tulo ng luha ko. "Nagutom tuloy ako kakaiyak. Direk kasi."

Nginitian ako ni Direk. Naalala ko tuloy si Mama sa kaniya. "Tara. Masarap 'yong Panini sa café sa baba. My treat."

Habang naglalakad kami ni Direk palabas humihikbi pa rin ako. Tiningnan na naman niya ako ng masama.

"Hindi ko po kasi talaga mapigilan," sabi ko.

Sakto naman nakasalubong namin si Andrei, tila nagmamadali habang nakatingin sa wristwatch niya.

"Direk," tawag niya, hinihingal ng kaunti habang pasimpleng inaayos ang damit at buhok niya. sa halip na habulin ang hininga, tumayo siya ng tuwid at hinarap si Direk. "Sorry po talaga, Direk. Hindi na po mauulit."

Okay. Aaminin ko na. Kahit puyat si Andrei at may eyebags, hindi nakuhang mag-wax ng hair at pawis na pawis, ang pogi pa rin. T'saka mukhang mabango.

Life is unfair. Pero kahit siya pa ang pinaka-charming na guy sa buong mundo, I don't think ang pagiging late ay isang bagay na palalagpasin ni Direk.

"It's okay, Drei," sagot niya. Either maganda lang talaga ang mood niya o sadyang mabait lang talaga ang universe sa mga guwapo. Tinapik ni Direk ang balikat ko. "Nag-one on one din kasi kami ni Jelaine. It's time well spent."

"Umiiyak ka?" tanong ni Andrei sa'kin.

"Obvious ba?" Irap ko sa kaniya. "Si Direk kasi."

Naramdaman ko na lang ang siko ni Direk sa tagiliran ko. "We still have to work on your—" minostra niya ang mukha ko "—facial expression 'pag umiiyak. Parang kang nagmo-model ng suka. At saka punasan mo nga 'yang sipon mo."

Lalong nalukot ang mukha ko. Kainis naman kasi si Direk ngayon lang sinabi kung kailan kaharap ko pa si Andrei. Ipupunas ko na sana sa manggas ng damit ko pero inabot sa'kin ni Andrei 'yong panyo niya.

Nangingimi kong kinuha 'yon, tumalikod para punasan ang mukha ko. Nang iabot ko 'yon para ibalik sa kaniya, tiningnan lang niya ang panyo at sinabing, "Sa'yo na. Baka kailanganin mo pa."

"Talaga ba?"

Kulang na lang mag-tumbling ako sa hallway habang papunta kami sa elevator. Parang may music na nagpe-play at sinasabayan ko 'yon.

My heart goes sha-la-la-la-la...

Hindi ko lang alam kung totoo ba 'yong music o sa utak ko lang. Pero wala akong pake kahit titingin-tingin sa'kin ang mga taong nakakasalubong naming. Alam ko na agad kung saang altar ko ilalagay ang panyo ni Andrei.

"Okay ka lang ba?" mahinang tanong ni Andrei, itinakip ang kamay sa bibig niya.

"H-ha?" Ipinakita ko sa kaniya ang patpatin kong biceps. "Ako pa?"

"Ah..." Tumango siya. Palihim na sumilip sa ibabaw ng menu para i-check kung nakikinig si Direk. "Uhm... Ano'ng ginawa sa'yo ni Direk? Pinagalitan ka ba niya? Hindi ka naman pinauwi?"

"Concerned." Sa isip ko todo-tili na'ko. Pero dahil kaharap ko siya, pa-demure ang lola niyo. "Secret na lang namin 'yon."

Inilapat niya ang likod niya sa kinauupuan. "Baka kasi magkasakit ka na naman. Medyo strict lang talaga 'yang si Direk. Pagpasensyahan mo na kung masungitan ka, ha?"

"Masungit? Parang hindi naman."

Kumunot ang noo niya. "Same bang Direk Rina ang pinag-uusapan natin?"

"O ano'ng sa inyong dalawa?" tanong ni Direk.

Pinauna ko na munang um-order si Andrei habang tinitingnan ko ang menu. Caesar salad na nga lang 'yung in-order niya, pina-half pa 'yung dressing. Health conscious masyado. Samantalang nakikita ko pa lang 'yong picture ng mga pagkain nagniningning na ang mga mata ko.

"Ako naman, mango cheesecake, penne carbonara with extra bacon ha? Nachos with extra garlic mayo, at caramel macchiato." Nakatulala lang sa'kin sila Direk at Andrei.

"Umamin ka nga Jelaine," simula ni Direk. "Kailan ka huling nagpurga?"

Tumawa ako ng malakas. Baka kasi ma-offend si Direk. Kaso, "Ah, hindi joke. No'ng grade two po ako. Gusto ko nga po sanang mag-frappe kaso on-diet ako."

Habang hinihintay namin 'yong order namin, hindi ako mapakali. Ikaw ba naman ang magkaroon ng once in a lifetime chance na makasama ang idol mo over lunch, 'yong tipong halos magkabunggo na kayo ng siko habang nakaupo. O kaya, magkadikit ang mga dulo ng daliri niyo habang inaabot niya 'yong napkin. Tapos nakatulala siya sa'yo habang lumalapa ka ng nachos na favorite mo kaya pati damit at buhok mo nakikitikim, makakain ka pa kaya? Ewan ko lang kung hindi ka mangisay sa kilig.

Kinain ko ang cheese sa mga daliri ko—ang hygiene—bago tinext si Toni. Nakatune-in kasi ang café sa Bam FM at timeslot na ng show niya.

Omegerd! Vaklush! Ksama ko c Andrei. Kmakain kmi.

Wala pang 2 seconds tumunog na agad ang cellphone ko. Ows. Di nga. Echuserang frog.

Tka. Sendan kta ng pic. Sumegue ako habang nag-uusap si Direk at Andrei kaso noo ko lang 'yong kita sa picture. Wala kasing front cam ang cellphone ko.

"Teka, pa'no ko pala ise-send 'to?"

Hindi pa rin kasi uso sa CP ko ang chat at email.

Shunga. Reply ni Toni. Napalinga tuloy ako sa paligid. Para kasing may spy cam si Toni. Sabi ko na kasi change mo na yang thunders mong phone. Anech naman ganap diyan?

Bait tlga ni Andrei. Prng old-fashioned. Pro ambongga q frnd. 1st tym nmin mgkta, tulo-laway aq. Ngaun, tulo-uhog nman. Saya2 duhba?

LMAO! Explain!

Kaya ayun. Kinuwento ko sa kaniya lahat. Detailed ha. Kaya halos mapupod na ang hinlalaki kakapindot ng cellphone.

Pagkatapos na pagkatapos ng commercial break sa radio, umentra na ang BFF—as in Baklang Friend Forever—ko. Ibang-iba ang boses niya kasi isa siyang mapagbalatkayong pa-mean. Para lang tumaas ang ratings, nagkakandaduwal ang gaga na makipagharutan sa mga callers niyang pabebeng kilig na kilig sa "poging boses" niya. Ang 'di nila alam, mas pa-girl pa sa kanila si DJ Anthony.

"Good afternoon, people! Especially to the ladies having their lunch at the moment. You're still tuned in to Bam FM with me; DJ Anthony, nagbibigay ng babalang: hindi man ako ang kasama mo, pero malay mo sa bandang huli, magkatuluyan din tayo. BA-AM!"

Kung maka-bam! Kala mo 2 syllables 'yon.

"Earlier, I've received a text from a friend telling me about her 'dyahe moment' which happened right in front of this guy she's been crushing on since forever. Una napagkamalan siyang taong grasa. And then, just this morning, napagkamalan naman siyang nababaliw, which is normal for her."

Kulang na lang lumubog ako sa kinauupuan ko. Pinanood ko na lang ang reaction ni Andrei. Para namang wala lang, pero patingin-tingin siya sa direksyon ko habang nakikipagusap kay Direk. Shucks! Pa'no kung makahalata siyang ako 'yong kadiri girl na ibino-broadcast ng chismosa kong bestfriend?

"So here's our lunch date topic for the day: ano ang gagawin mo 'pag napahiya ka sa harap ng crush mo? Our phone lines are open. Just call my name—DJ Anthony—and I'll be there. And to my dear friend, here's one for you."

'Wag ka nang mag-alala

Hinding-hindi ako in love sa'yo...

Miss, Miss pakitigil lang please

Ang iyong pagpapantasya...

Kahit ang sarap ng pagkain parang bola ng nilamukos na papel ang pinagpipilitan kong lunukin. Tuluy-tuloy ang subo ko, halos hindi makatingin sa mga kasama ko. Itinuon ko nalang ang sama ng loob ko sa pagsaksak ng tinidor sa cake.

"Humanda ka talaga sa'king mahaderang bakla ka," bulong ko habang ngumunguya.

"Ayan, kasi asa ng asa." Tuloy ni Toni pagtapos ng kanta. "Sa sobrang obsessed niya 'don sa guy, meron pa siyang altar na may picture no'ng guy tapos tinitirikan niya ng kandila gabi-gabi. Bam!"

Nagkandasamid ako. Pati ba naman 'yon inere pa ng bruha! Lumabas tuloy 'yong kape sa ilong ko.

"Ayos ka lang ba, Jelaine?" si Andrei, sabay abot ng napkin sa'kin.

Pinunasan ko ang mukha at damit ko, walang maisagot kundi tango lang. Kakalbuhin ko talaga 'yang bakla na 'yan pag-uwi ko!

"Hinay-hinay lang kasi sa pagkain." Tinapik niya ng marahan ang likod ko.

"Para ka naman kasing bibitayin bukas," sundot pa ni Direk.

"Ako Direk, hindi pa. Pero may kakilala 'kong bibitayin bukas." Pinilit kong tumawa. Kaso hindi ko mapigilang hindi lumaki ang butas ng ilong ko sa inis. "Waiter!"

"Mag-oorder ka pa?" si Andrei ulit, sadyang hininaan ang boses niya.

"Kung magulat naman 'to kala mo siya magbabayad ng kinain ko," sagot ko. "Si Direk nga hindi umaalma." Pero kita naman sa mukha ni Direk na parang gusto na niya 'kong i-choke slam. "Ipapalipat ko lang 'yong stasyon ng radio."

"Bakit naman? Lagi rin akong naka-tuned in sa program na 'yan, eh. Lalo na 'pag stuck ako sa traffic. Interesting kasi mga topics niya."

"Corny kasi no'ng DJ. Kung ano-ano'ng pinagsasasabi. Ipapatay na natin."

"H-ha?"

"Yong radyo. Ipapatay na natin 'yong radyo."

Kaso, bago pa man makarating ang waiter, um-ad lib na naman ang bestfriend kong intrimitida.

"Tapos, nagsusulat siya ng fanfic story sa mga forums. Pero ang story? Guy to guy. As in pinagpapartner niya romantically sila Andrei Dixon and Elrik Sevilla ng Boys XD."

Namutla si Andrei. Kumunot ang noo. "Ah... ipapatay na nga natin... 'yung radyo."

Si Direk, tatawa-tawa lang. "You and Elrik? Nai-imagine ko tuloy. But... who's the feminine one?"

Sana bumuka na lang ang lupa at nilamon na'ko ng buhay. Ako naman, pakiramdam ko simpula na'ko ng kamatis. Buti na lang, hindi sinapian ng masamang espirito si Toni at binanggit ang pangalan ko buong people of the Philippines. Hindi pa man ako nakakahinga ng maluwag, humagupit na naman po si Bagyong Toni.

"Iba naman kasi 'yong humahanga lang sa stalker. Mega Bam!"

Hindi ko talaga napigilan ang panginginig ng mga laman-laman ko. Kaya with matching tayo and kalampag on the table, napasigaw ako ng "Sabi nang hindi ako stalker eh! Hindi. Ako. Stalker! Ilang beses ko bang—"

Huli na nang mai-zipper ko ang bunganga ko. Kasi ang natatandaan ko na lang, daliang nagpaalam si Andrei kay Direk. Nagpaalam rin siya sa'kin. Magalang na bata eh. Kaso, ni hindi man lang niya ako tinignan hanggang makaalis siya.

"Mukha kang pinagsukluban ng langit at lupa," ani Direk, pinipilit na hindi mangiti. "Pero kain ka pa rin ng kain."

"Galit 'yon sa'kin, 'no Direk?" Pailing-iling pa rin akong nakatitig sa pinto ng resto. "I swear, hindi ko talaga masabi kung galit na siya o ano."

Nagkibit-balikat lang siya, matamang pinagmasdan ako. "Sige, order ka pa. Pero, 'yong love story nina Andrei at Elrik; kwento mo nga sa'kin kung ano'ng nangyari?"

Suminghot ako, sabay subo ng cheesecake. Pero kahit gano kasarap 'yon, naiiyak pa rin ako.

u

~~~~~~~~~~~~~~

Ayun. Diary ng may pinagdadaanan. Maiharap pa kaya ni Leng ang feslak niya kay Fafa Drei?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top