BAGO ANG LAHAT:
Ako muna. Wag kang atat. Saglit lang to. Promise.
Dahil happy puso day bukas, in-edit ng lola nyo ang mga previous chapters ng very very light. Medyo improve-improve lang sa character definition between #LoveTeamAndrei and #LoveTeamZeke. Nagdagdag din ako ng mga multimedia. Testing lang. Nainosentihan eh. Pagpasensyahan. At syempre, dahil adik ako sa anime, puro anime din. LOL. But wait. there's more. May mga unexpected guests pang darating kaya dyan lang kayo.
O ayan. Sabi ko sayo saglit lang eh.
O xa. Basa!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
How can I carry on my way
The memories
When all that is left is the pain of my history
Why should I live my life today
Paguwi namin ni Andrei, andami na agad nilang tanong. Kaya wala akong choice kung hindi ikuwento sa kanila ang mga nangyari sa ospital. Tahimik lang silang tatlo. Paminsan-minsan, nagtatanong si Doc. Mga maliliit details lang naman tungkol kay Zeke na sa tingin ko noon ay wala namang gano'ng kabuluhan.
Ano'ng laging sinasabi niya. Ano'ng mga bagay na gustong-gusto niya. Mga gawi niya. Kung may naikwento ba siya tungkol sa pagkabata niya.
Si Andrei, nakatulala lang sa may bintana. Kung nakikinig siya, hindi ko masabi.
Nang matapos akong magsalita, humigop ako ng kape para panandaliang itago ang mukha ko. Ramdam ko kasi na sa'kin silang lahat nakatingin.
"Nakabalik si Andrei this time even without therapy," sabi ni Direk kay Doc Jervis. "Is there a reason to believe na dahil ito kay Jelaine?"
"A-ako po?" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape.
Kumuha agad ako ng tissue para punasan ang bibig ko.
"We can't be sure," sagot ni Doc. "But I'm not removing the possibility. Jelaine can be a trigger. And so does many other things. It must be something she did. Something she said."
Nilingon niya si Andrei na noon ay nakatitig pa rin sa bintana.
Noon lang ibinaling ni Andrei ang tingin niya sa'min. Habang pinagmamasdan ko siya nang mabuti, lalo ko lang nararamdaman ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Kahit ga'no ko siya katagal tingnan, hindi ko mabasa kung ano'ng tumatakbo sa isip niya. Pagkatapos ng mga nangyari, nakakamangha na ganito pa rin siya kahinahon. Kung ako 'yun, baka nagwawala na'ko kakaiyak.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Ang huling natatandaan ko lang, nakatulog ako sa bangka habang papunta tayo dito."
"Hindi mo rin matandaan ang mga nangyari noong una kang inatake, right?" tanong ni Doc. "Pero 'yong personality na nag-take over sa'yo noon, mas matagal bago siya nawala. And he even pretended to be you, kaya hindi agad napansin ng mga kasama mo na may kakaibang nangyayari na pala sa'yo, Andrei."
Tumango si Doc. "It just means na 'yong first personality na lumabas sa'yo, aware siya na dalawa kayong nage-exist sa isang katawan. But this one's different."
"May pangalan po siya," sabat ko nang hindi sinasadya. "Zeke. Siya si Zeke."
Hindi ko man aminin, nalulungkot ako para kay Zeke. Napansin kong napasimangot si Andrei bago siya humarap ulit sa may bintana na para bang minamasdan ang reflection niya sa salamin nito.
"Noong una," bulong ni Andrei. "Noon po, kahit kaunti lang saka paputol-putol, nakikita ko ang mga nangyayari. Wala lang akong magawa. Pakiramdam ko, bilanggo ako sa sarili kong katawan. Pero ngayon..." Kinuyom niya ang kaniyang kamao, isinara ang mga mata nang madiin, tila pinipilit na pigain ang utak niya. "Sorry po, 'Nong pero wala. Wala akong matandaan kahit na ano."
Nangingiming nagtaas ako ng kamay. Parang Grade 1 na nais kuhanin ang atensyon ng teacher niya. "Pa'no po ba nakabalik si Andrei dati?"
Humugot ng malalim na hininga si Doc. "Itinago kasi niyang batang 'yan ang kondisyon niya sa'min ng Ninang niya kaya—"
"Kung puwede lang po, Nong, 'wag na po nating pag-usapan," putol ni Andrei. "Huwag po sa harap ni Jelaine. Wala siyang alam dito."
"Ano'ng walang alam ka d'yan?" angal ko. "Ngayong isinama n'yo na lang din ako sa experiment n'yo, eh 'di damay-damay na tayo. At 'wag na 'wag mong sasabihing hindi ako dapat makisawsaw, Andrei. Pagkatapos sumakit ang paa ko kakahanap sa'yo? Kahit ako'ng number one fan mo, tsitsinelasin kita!"
Biglang natawa si Doc. "See, Andrei? People are willing to help. For once, all you have to do is accept it."
Hindi nakasagot si Andrei, pero obvious naman na hindi welcome ang presensya ko sa usapang ito. Malas lang niya, matigas ang ulo ko.
"Ibang psychiatrist kasi ang nag-handle ng therapy ni Andrei noon," paliwanag ni Doc. "Matagal din bago nakabalik si Andrei. Buti na lang, kaibigan ko ang doktor na 'yon. Nag-aalala siya na bumalik ang alter ego ni Andrei nang wala man lang kamag-anak na nakakaalam sa kondisyon niya. If I remember it right, that doctor told me na nawala lang ang alter ego ni Andrei simply because he was bored."
"Sa tingin ko, hindi lang siya bored," sagot ni Andrei. "Hindi lang dahil wala siyang magawa sa loob ng... mental hospital kaya siya umalis. More like, hindi na niya kinaya ang totoong buhay. Nasaktan siya dahil nagmahal siya. Napagod. That's all there is to it. One way or another, everyone just gets tired of everything and they quit. Because they can."
Bakas ang hinanakit sa mga salita niya, pero kung magsalita siya para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Inasahan ko, magagalit siya sa mga ibang katauhan niya. Siya kasi ang nagsa-suffer pag-alis nila. Pero nang titigan ko si Andrei, kalma pa rin siya. Kung merong bagay na siya lang ang makakagawa, 'yun ay ang pagtatago ng nararamdaman niya.
Tinanggal ni Doc ang salamin niya at ipinatong 'yon sa coffee table. "Sa ngayon, ang kaya lang nating gawin ay i-prevent ang mga bagay na makakapag-trigger na lumabas ang mga alter-ego ni Andrei. I advice against any kind of acting—"
"Alam n'yo naman po'ng hindi ko 'yon puwedeng gawin, Nong," mariing sagot ni Andrei. Sa inaasta niya, nakikita kong hindi mababago ng kahit sino ang desisyon niya. "Gagawa ako ng paraan. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin."
Nasapo ni Direk ang noo niya. "Kung 'yan ang desisyon mo, hijo, wala kaming magagawa. Pero hayaan mo naman na tulungan ka namin ng Ninong Jervis mo."
"At kakailanganin din natin si Jelaine," dagdag pa ni Doc.
"Ako po?! B-bakit ako?"
Napatayo si Andrei sa kinauupuan niya. "Nong, tinulungan na nga ako ni Jelaine. Ayaw ko na sanang madamay siya ulit."
Sumandal si Doc Jervis sa pader at pinisil ang balingusan niya. "Hindi ko alam ang eksaktong paliwanag pero si Jelaine lang ang posibleng paraan natin para ibalik ka sa dati, Andrei. It's either that, or I'll make sure you're checked in a mental institution by tomorrow and that's final."
"Salamat po sa pag-alala. Pero hindi na'ko bata," sagot ni Andrei. Kahit galit, soft-spoken pa rin. "Hindi po ako papayag na kontrolin n'yo ang buhay ko."
"Andrei, please. Hindi kami ang mga magulang mo—"
Pinutol ni Andrei ang usapan ng, "Exactly."
Isang salita lang 'yon, pero para 'yong pader na bumagsak sa'ming lahat.
Bumukas ang bibig ni Doc Jervis, pero wala siyang nasabi. Sa mga mata niya, hindi maikakaila na nasaktan siya sa mga sinabi ni Andrei. Sa halip na magalit, tumango lang siya at lumabas ng kwarto.
"Hindi nga kami ang mga magulang mo," mahinang sabi ni Direk. Walang bahid ng panunumbat sa boses niya, pero may hinanakit ro'n. "But we care about you. I hope you can see that, hijo."
Walang maisagot si Andrei kung hindi katahimikan.
Sa huli, tumayo na rin si Direk Rina upang sundan si Doc, pero bago siya lumabas, ipinatong niya muna ang palad sa ulo ni Andrei at ginulo ang buhok nito. "Matulog na kayo. Magpapahangin lang kami."
Nang dalawa na lang kami sa kwarto, lalo nang naging awkward ang atmosphere. Hindi ako makatingin sa kaniya. Gano'n rin siya sa'kin. Wala naman yata siyang balak sabihin kaya tumayo na rin ako at nagpaalam. Sobrang gulat ko nang hinawakan niya ang braso ko.
Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa sahig, pero unti-unting humihigpit ang mga daliri niya sa braso ko.
"H-huwag ka munang umalis..." mahinang sabi niya, tila naiilang. "Kung puwede, dito ka lang... sa tabi ko."
"Ha?"
Noon ko lang naramdaman na nanginginig siya. Mabilis ang taas-baba ng balikat niya na para bang naghahabol ng hininga. Habang tinitingnan ko siyang ganiyan, nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa gilid ng kama.
"Maaga pa naman," sagot ko, dahan-dahang inalis ang kamay niya sa braso ko at hinawakan 'yon. Nanlalamig ang palad niya pero hindi ko pinahalatang napansin ko 'yon. "S-sige, sasamahan muna kita."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
At dahil Araw ng mga Puso na bukas, may part 2. Oo. May part 2.
Sa mga may mga ka-date bukas
Di kayo na. O ayan confetti!
Sa mga TeamBahay tulad ko
Diyan ka na lang.
Wag kang lalabas. I repeat. WAG KANG LALABAS.
Maraming magandang palabas sa cable TV,
Puno ang mall ng mga magkaka-holding hands
Maiinggit ka lang.
Kahit sa'n ka tumingin, puro puso at bulaklak
Magdidilim lang ang paningin mo.
O kaya magbasa ka na lang ng #LoveTeam
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top