#LoveTeamNeverSayDie


Isang head-to-toe na tingin mula kay Direk Rina ang sumalubong sa'kin pagdating ko ng studio.

"Look who's decided to come back," aniyang naka-beast mode na naman. "Three days kang absent. Ni ha ni ho, wala."

Tahimik lang si Andrei, hindi makatingin sa'kin. Kala mo may sore eyes ako.

"S-sorry po, Direk," sagot ko. Nilabas ko ang dalawang cup ng kapeng binili ko sa baba. "Para sa inyo po."

Kinuha ni Direk 'yong kaniya. Si Andrei naman hindi man lang tuminag sa pagkakaupo kaya ibinaba ko na lang and coffee sa harap niya.

"Professionalism," sabi ni Direk habang humihigop ng kape. "Alam mo ba'ng ibig sabihin no'n, Jelaine? Kasi kung hindi, magbakasyon ka na ng permanente."

"Hindi na po mauulit, Direk. Promise po."

"Huwag mo'ng sabihin. Gawin mo, Jelaine. Sa susunod, hindi na kita pagbibigyan. Sige, maupo ka na at mag-start na tayo," sabi niyang nakanguso sa direksyon ni Andrei. "Ang dami mo nang na-miss. Nasayang ang isang linggo."

Bago pa man ako makaupo sa sahig katabi ni Andrei, bigla siyang tumayo.

"Saglit lang po, Direk. Magkasama po kami sa workshop?" tanong ni Andrei, nag-aalangan.

"Yes," kaswal na sagot ni Direk. "Got any problem with that?"

"H-hindi naman po sa gano'n, Direk." Saglit siyang tumingin sa'kin, tila humihingi ng dispensa. Pero binawi rin niya 'yon agad. "Pwede po ba tayong mag-usap sandali?"

"Hijo, it's just a workshop," sabi ni Direk.

"Hindi n'yo naiintidihan, Direk. Wala po sa pinag-usapan namin ni Tito Vito na may makakasama ako sa workshop."

Nag-close-open lang ang bibig ko pero hindi ako makapagsalita. Kulang na lang malusaw ako sa hiya. Hindi man niya sabihin nang diretsa, gets ko naman. Hate niya ko. He's just too nice. Grabe. Durog ako do'n.

"Jelaine, bumaba ka muna sa café," utos ni Direk. "Mag-uusap lang kami ni Andrei."

Lulugo-lugo akong lumabas. Pero sa halip na pumunta sa ground floor, inilapit ko ang tenga ko sa nakasarang pinto. Oo. Ako na ang tsismosa.

"Andrei, listen to me, okay? Vito and your Ninong Jervis talked about this and we all think na mas makakabuti sa'yo... sa condition mo kung may makakasama ka sa workshop."

"Ninang, kaya ko. Kaya ko'ng mag-isa. Alam ko, iniisip n'yo na mahirap para sa'kin 'to, pero sinusunod ko naman po lahat nang pinapagawa n'yo. Please, ibigay n'yo na 'to sa'kin. Ayaw ko lang po na malaman niya na—"

"What happened before will not happen again, Andrei. I'll make sure of that."

Biglang bumukas ang pinto. Mag-isang lumabas si Direk. Nagkunwari akong nagte-text.

Kumunot ang noo ni Direk nang mabungaran niya ako pero hindi niya 'yon pinahalata nang tumingin siya kay Andrei. "Take ten and try to relax. Pupuntahan ko lang si Jelaine sa baba. You want anything?"

"Wala po, salamat," magalang niyang sagot. Although, hindi niya maitago ang disappointment.

Naiiling na lang si Direk nang isara niya ang pinto. Hinila niya ako papuntang elevator. Tahimik lang siya hanggang makarating kami sa café.

"Gano'n ba niya kaayaw sa'kin?" tanong ko.

Nasapo niya ang noo niya. "It's not that, Jelaine."

"E ano po?"

Hindi agad makasagot si Direk. "A-ano'ng narinig mo?"

"Na ayaw po niya 'kong makasama sa workshop... Magso-sorry na lang po ako sa kaniya tapos aalis na rin po ako."

"Ngayong na-reject ka ni Andrei—the reason kung bakit andito ka—aayaw ka na? 'Yan na nga ba'ng sinasabi ko. Akala ko ba ikaw 'yong tipong hindi sumusuko?"

"H-hindi naman po sa gan'on."

"E ano?" Nang hindi ako makakibo, napapalatak siya. Tiningnan ako ng diretso. "Hindi ko gusto ang dahilan mo kung bakit ka nagpupursigeng makapasok sa mundong ito. Pero tinanggap pa rin kita. Alam mo ba kung bakit?"

"S-sabi niyo po... masamang damo ako?"

"Right, hija. Masamang damo. Maliit. Mababaw ang ugat. Walang espesyal sa kaniya. Pero kahit paulit-ulit na bunutin, pilit pa ring tumutubo." Inilapag niya ang palad niya sa ibabaw ng kamay ko, animo sinusukat ang reaction ko. "Kailangan ko lang malaman na... kahit mahirap, kahit paulit-ulit kang i-reject ni Andrei—"

"Direk naman. Pakadiin-diin talaga?"

Bahagya siyang napangiti. "The big question is, do you care for him enough to not want to give up on him?"

Napaisip ako. Humugot ng malalim na hinga. "Oo naman po." Mahina ang boses ko, nanlulumo. Nanghihinayang. "Kung hindi dahil sa kaniya, wala po ako rito. Hindi naman po ako susuko, Direk. Ayoko lang na kainisan pa niya 'ko. Kung baga, ma-traffic sa EDSA kaya magde-detour lang po. Pero asahan niyo, magkikita-kita rin tayo sa finals."

Kumunot ang noo ni Direk. "Believe me, hija. Hindi naiinis sa'yo si Drei. Kung anuman 'yong reaksyon niya kanina, may dahilan."

"E, ano—"

Hinawakan niya ako sa balikat bago ko pa man tapusin ang sinasabi ko. "'Yong female lead role sa soap ni Andrei; gusto mo ba?"

"P-po? Parang imposible naman po'ng pumayag siya."

Umiling si Direk. "Walang imposible sa tulad mong matigas ang ulo, Leng. Ang kailangan mo lang, kapalan mo ang mukha mo, which, as far as I can see, nasa'yo na. Ang tanong: gusto mo ba?"

"Opo. Gustong-gusto ko po."

Ngumiti si Direk, 'yong tipong pangkontra-bida. "Good. Basta sundin mo lang lahat ng iuutos ko, mapapasa'yo lahat ng pinapangarap mo. Pero, may mga kondisyon," sabi niyang parang may sanib na masamang espirito.

"Direk naman. Kinakabahan naman po ako sa inyo. Ano po ba 'yon?"

"Madali lang naman," sagot niya. "Una: kailangan kahit na ano'ng gawin ni Andrei, huwag kang mai-intimidate. Pangalawa: kailangan din, gawin mo ang lahat para hindi siya ma-in love sa'yo."

"Ma-in love?" Tumawa ako ng malakas. "Sa'kin?! Direk talaga. Funny."

Tumitig lang siya sa'kin.

"Ah, hindi joke." Napalunok ako. "Okay. Sige po."

Tumaas ang kilay ni Direk at ngumuso siya sa kisame. "So? Ano pa'ng hinihintay mo, Jelaine? Pumunta ka na sa taas. Mag-sorry ka kay Andrei."

"Pero Direk—"

"Ano'ng pero? Kala ko ba susundin mo lahat ng iuutos ko?"

Nagbaba ako ng tingin. "E pa'no po kung ayaw pa rin niya'kong patawarin?"

Tumawa si Direk na para bang 'yon na ang pinakaimposibleng bagay na narinig niya. Iniusog niya sa palapit sa'kin ang crem brule na in-order niya. "Kung ayaw niya. 'Wag niya. Wala naman siyang magagawa."

Kinakabahan talaga ako habang pabalik ng studio. Nand pumasok ako, nakaupo pa rin si Andrei sa sahig kung paano naming siya iniwan, parang nagme-meditate.

"Ehem," papansin ko, dahan-dahang lumapit at umupo sa harap niya.

Binuksan niya ang mga mata niya.

Nando'n pa rin 'yong coffee niya. Hindi pa rin niya ginagalaw. Inilapag ko sa harap niya ang crem brule na pinadala ni direk, tahimik na binuksan 'yon. Kinuha ko ang kamay niya at inilapag sa palad niya ang disposable na kutsarita. "Sorry na oh. Suhol."

Hindi siya agad naka-imik. Marahang umiling. "Sorry... sa kanina. Hindi mo na dapat narinig 'yon."

Tinitigan lang niya ang kutsara sa kamay niya, tahimik na kinuha sa'kin ang dessert bago 'yon sinimulang kainin. Full concentration siya habang sumusubo, seryoso ang mukha niya na kala mo nag-oopera siya ng pasyente. Two minutes lang, ubos na niya. Pero nakatuon pa rin ang mga mata niya sa walang laman na plastic container.

"Hindi kasing-sarap ng gawa ni Mama..." simula niya. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya—oo, nakakamakata. Feeling ko, kaya kong sumulat ng tula as in now na now na dahil sa ngiting 'yon. "Pero... salamat."

"Talaga? 'Pag gumawa ulit ang Mama mo, dalhan mo naman ako."

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya. "Imposible na 'yon... Wala na siya."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sorry? Condolence? "Pareho tayo."

Noon lang siya tumingin sa'kin, tumango na para bang may lihim na kami lang dalawa ang nagkakaintindihan. Na-conscious tuloy ako.

"Andrei, about do'n sa sinabi ni DJ Anthony sa radyo—"

Umiling siya bago pa man ako makatapos. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa'kin. Wala namang kinalaman do'n kung bakit gusto kong mag-isa na lang mag-workshop."

Para akong nabunutan ng tinik. "Gusto kong ipaliwanag. Kaya please, pakinggan mo muna ang sasabihin ko."

Tumango lang siya.

"Inaamin ko naman. Fan mo talaga 'ko. As in, kung 'di lang ako nag-aaral no'ng time na 'yon, baka ako na ang presidente ng Andreinatics. Imposible mo na 'tong maalala pero no'ng first time kitang makausap, jusko. Kulang na lang matulala na'ko ng isang linggo—pero 'wag lalaki ang ulo mo." Pabiro ko siyang tiningnan ng matalim. Itinaas lang niya ang mga kamay niya. "Magpapa-picture sana 'ko kasama mo noon. Sabi ko, basta ngumiti ka na lang na parang hindi chakabells ang kasama mo sa picture. Ta's sabi mo—"

Kumunot ng kaunti ang noo niya. "Maganda ka kaya. Lalo na 'pag naka-smile."

Parang nalunok ko ang dila ko, nanlaki ang mata, napanganga—the whole gulat factor. Naluma ang pagkamadaldal ko. Nablangko ako. Akalain mong matandaan pa niya 'yon.

"Nakipagbanggaan ka sa bouncer para lang humabol kay Elrik." Napangiti ulit siya. "Kung hindi ako nagkakamali, naka-braces ka pa nga. Noong una, hindi ako sure kung ikaw nga 'yon kaya hindi ko naman maitanong. Baka kasi ma-offend ka."

"Hindi no," sagot ko, sabay palo sa balikat niya. "Ba't kala mo mahihiya akong aminin na chaka ako dati? Ngayon pa rin naman ah? Medyo nag-improve lang." Nagsimula siyang mag-object, pero tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya. "Ops. 'Wag mo na'kong bolahin. Fan mo nga ako eh. Alam mo nang sasambahin pa rin kita, kahit sinungitan mo'ko kanina."

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. Biglang namula ang tenga niya at hindi niya 'ko matingnan ng diretso. "Uh... awkward lang kasi. Pasensya na."

Hindi naman talaga niya 'ko sinungitan. Exaj lang ako. Pero kahit napaka-assumera ng dating ko, siya pa 'tong naga-apologize. Pakiramdam ko, ang bully ko.

"Tch." Umirap ako, sabay hablot sa braso niya. Hinila ko siya palapit. "FYI lang Andrei, wala akong balak na manyakin ka kaya 'wag kang OA. Si Elrik pa. Baka may chance."

Mukhang nataranta siya, nagmamadaling gumapang palayo sa'kin at tumayo sa sulok. "W-wala naman akong sinasabing gano'n..."

"Ahh..." sarcastic kong sagot, tatawa-tawa. "Kaya pala kung makaiwas ka, wagas."

Bumuntong-hininga siya, halatang nag-iisip. "Ang totoo niyan, natatakot kasi ako."

Sinundan ko siya. Nakapameywang. Ta's sinipa ko 'yung kaliwang sneaker niya. "Grabe ka sa'kin! Para sabihin ko sa'yo, 'tong itsurang 'to, hindi nga kagandahan pero pang-comedy 'yan hoy. Hindi pang-horror!"

Tahimik siyang napangiti. Natulala na naman tuloy ako. Nakaka-mezmerize kasi. Ack! Erase! Erase! Hindi ito maaari! Pagalit ko sa sarili.

No'ng naubos na 'yong ngiti niya, bigla namang nablangko ang mga mata niya. "Ang totoo niyan, natatakot kasi ako na baka 'pag nalaman ng ibang tao—'pag malaman mo kung ano talaga 'ko, layuan mo rin ako."

"Weh? Hugot much? Ikaw?" Itinapal ko ang kamay ko sa pisngi niya. Feeling ko kasi close na kami. Kyaa~! "Itong mukhang 'to na mala-anghel, may lalayo ba diyan? Kung sino man 'yon, shunga siya."

"Hindi mo kasi alam—"

"Ba't may B.O. ka ba?" Lumapit pa'ko para amuyin siya. Ang bango. May Axe effect.

Nalukot ang noo niya. "W-wala naman."

"Mabaho ba'ng paa mo?"

"Hindi..."

"Rapist ka ba o kidnapper?"

"Hindi rin."

"O, bakit naman kita lalayuan?" Napapalatak ako, nag-isip saglit. "Sabagay, kahit naman mabaho'ng paa mo or kidnapper ka, okay lang sa'kin. Idol nga kita 'di ba? Dapat tanggapin ko na perfect ka nga, pero hindi ka gano'n ka-perfect."

"Ako, perfect?" Napailing siya.

"Hay..." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Andrei, tumingin ka nga sa'kin. Look into my eyez." Oo. Eyez. With a Z.

Umiwas siya. Pero kada gagalaw niya, hinahabol ko rin ang tingin niya. Sukdulang sumubsob ako sa sahig.

"Andrei. Tumingin ka sabi eh!" Pinandilatan ko siya kaya sumunod naman. Under. Haha. "Seryoso 'to. 'Wag ka ngang tumawa. Ako, kahit kailan hindi kita lalayuan. Kahit ano pa 'yang kinatatakutan mo. Lahat ng maganda, pangit matatanggap ko. Kasi ako ang number one fan mo. Nandito lang ako palagi sa likod mo. Ha, Andrei?"

Hindi siya agad nakasagot. Nakatingin lang. Animo naiinosentehan. Ni hindi ko nga masabi kung nakikinig ba siya sa mga pinagsasabi ko o nawi-weirdohan na siya sa'kin.

"Kahit ano pa'ng malaman mo tungkol sa'kin?"

"Tsk. Promise nga eh. Cross my heart. Hope to die. Peksman. Mamatay man... 'yung kabit ng kapitbahay namin," sagot ko, sabay taas dalawang kilay. "Kahit ano pa 'yan, hindi magbabago ang tingin ko sa'yo. Corny lang talaga, pero totoo 'yun."

Bago pa muntikan ma-touched si Andrei sa mga sinabi ko, biglang umentra si Direk. "Bati na pala kayo."

Humakbang ako palayo sa kaniya, sabay ayos ng damit ko. "Pero 'di po kami close." Defensive much.

Nagkibit-balikat si Direk, lihim akong sinulyapan. Parang nagsasabing, babala: naaalala mo ba ang kondisyones? Palihim rin akong tumango. Successful ang misyon. Feeling ni Andrei manyak ako. Malamang, hindi nga siya ma-inlove sa'kin. As if naman ding may chance kahit magpabebe ako. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kelangan pa ni Direk Rina na magbigay ng kung anu-anong kondisyones?

Iniabot ni Direk sa amin ang hawak niyang mga folder. Tig-isa kami. Binuklat ko 'yon.

"May script na, Direk?" tanong ni Andrei, naka-focus sa laman ng folder niya. "Adrian ang pangalan ng character ko?"

Kumunot ang noo ni Direk, lumapit para basahin ang script. "Oo nga. I'll notify the writers right away. Papalitan na lang ang pangalan ng—"

"Nagsisimula sa Z?" suggest agad ni Andrei, tila nababasa na agad ang naiisip ni Direk.

"Yes. Maybe Zachary or Zeke..."

"Parang okay po 'yung Zeke."

Tango naman si Direk. "Malayong spelling at pronounciation sa pangalan mo."

"Noted po."

Binasa ko na lang din 'yong script ko. Nao-OP na kasi ako sa kanila. Obviously, may something between the two of them na dapat echapwera ako. Oh well, sampid lang naman ako sa pamamahay na 'to eh.

No'ng naisip nila na 'Ay buhay ka pa pala, Jelaine,' saka lang ako sinali ni Direk sa usapan. Binigyan niya kaming pareho ni Andrei ng pointers sa mga characters namin. Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang kung ano'ng pinasok ko. Kaya tango ever na lang ako.

"Experimental lang ang soap na 'to," paliwanag ni Direk. "Magaan lang. Walang kidnapan, patayan at lalong walang agawan ng asawa. Kailangan lang talaga maka-develop kayo ng chemistry. Kailangan mag-click kayo."

"Kami na agad?" tanong ko, sabay tiklop nang mapatingin si Andrei sa'kin. "Ibig ko po'ng sabihin, 'di ba may auditions pa naman kaya hindi pa sure na ako nga 'yung makakakuha ng role ng katambal ni Andrei?"

Isang matalim na tingin na naman ang inani ko mula kay Direk. "E kaya ka nga nandito, 'di ba? Para kayo na ni Andrei? Ang magkatambal, I mean. Bakit, ipapamigay mo pa ba siya—'yong role sa iba?"

Natuliro ako. "Test ba 'to, Direk? Kala ko ba, kailangan hindi siya—"

"Ops!" Lumapat ang palad ni Direk sa bibig ko. "Kailangan talaga, hindi siya maagaw ng iba—'yong role, ibig kong sabihin."

Tinanggal ko 'yung kamay niya saka nagkamot ng ulo. "H-ha? Ang gulo niyo namang kausap eh."

Nakikini-kinita ko na. Isang sablay na lang malilintikan na talaga ako kay Direk.

"Basta aralin niyo 'yang mga script," utos niya. "Jelaine. Partida na 'yan, ha. Ikaw, may script na. 'Yong ibang talent wala. Kaya 'pag hindi mo pa naman nakuha 'yang role na 'yan, kukurutin na kita sa anit."

Sumimangot ako, bubulong-bulong habang kunwaring binabasa ang script.

"May sinasabi ka, Jelaine?" tanong ni Direk.

"Ah, wala po. Na-motivate po ako. Sobra."

Humalukipkip siya. "By the way, pack your bags for a three-day trip. May out of town immersion tayo. Be ready with your scripts. And be here tomorrow by four o'clock kung ayaw niyong maiwan."

p2Y,

~~~~~~~~~~~~~~~

so ayan. san kaya sila pupunta? Hulaan niyo! haha. So open pa rin ang poll sa casting. so far torn ako sa JaDine at MaiDen. Still, may time pa! isip-isip mga kahashtag






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top