#LoveTeamMasConfused
Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw parang lalong lumalala
Bakit ba sa'yo di parin ako nagsasawa
Aasa nalang kahit sa pangarap lang
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Madaling araw na dilat pa'ko. Hindi talaga ako makatulog kahit ano'ng gawin ko. Kung 'yung pagmumulta ko lang dahil sa dami ng offenses ko sa buong maghapon, baka matanggap ko pa kahit halos wala na'kong perang pang-uwi. Ang inaalala ko, kung bakit ako ganito kaapektado kay Andrei—mali. Kay Zeke pala.
"Ang likot mo naman, Jelaine," ungol ni Direk. "Kanina ka pa balikwas ng balikwas. Ang ingay kaya."
Hindi ako sumagot, nagbuntong-hininga lang ng malalim. Alam ko 'pag sumagot ako, multa na naman ang katapat no'n.
Bumangon siya at sinilip ako. "Sige. One time lang. Pagbibigyan kita ngayon lang. Sabihin mo na. Walang multa."
"Naguguluhan na po kasi ako, Direk," sagot ko. "Ganito ba talaga ang pag-arte? Minsan, hindi mo na alam kung ano ang totoo at hindi? Hindi ko na rin maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko."
Matamang pinagmasdan niya ako. "Umamin ka nga, Jelaine. Sumusuway ka na ba sa kasunduan natin?"
Natigilan ako. "H-hindi po, Direk. Si Andrei lang po kasi. 'Pag kasama ko siya bilang si Zeke, ewan ko ba. Parang nakakalimutan ko na fictional character lang siya, na hindi siya totoo. Ugh! Para 'kong eng-eng!"
Nanahimik si Direk, tila nagmumuni-muni. Humiga siya ulit saka nagkulubong ng kumot. "Kaya nga, Jelaine binigyan kita ng kondisyones, 'di ba? Kaya mo 'yan. Alam ko. Hindi magtatagal at malilinawan mo rin ang lahat."
"Ano 'yun? Napaka-detailed naman ng explanation niyo, Direk. Laking tulong, ha. Grabe."
"Itulog mo lang 'yan," sabi niya.
Madaling lang sabihin pero pwede nang landingan ng eroplano ang eyebags ko pagsapit ng umaga. Kahit ano'ng gawin kong make-up, hindi ko talaga maitago.
"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Direk, pag-upo ko sa kitchen no'ng breakfast. Complimentary kasi.
"Parang 'di niya alam. Tatanong-tanong pa," angal ko, sabay takip ng bibig.
Pagtingin ko nakaduldol sa'kin ang jar ng multa habang ngingiti-ngiti lang si Direk. Sa kabilang table nakaupo si Andrei at Doc Jervis. Binuhat ni Andrei ang tray ng pagkain niya saka umupo sa harap ko. Iniangat na naman ang kamay para idikit sa kilay ang mga daliri. Kala niya siguro, maangas ang dating niya sa pasalu-saludo niya.
"Do'n muna ko sa kabila, ha," patutsada ni Direk, umusog sa tabi ni Doc buhat ang kape niya.
Nagbulungan silang dalawa habang nakatingin sa'min, tila seryoso ang usapan.
"Umiyak ka pa ulit kagabi?" nangingimi tanong ni Andrei.
"N-no kaya," tanggi ko pero sa totoo, humagulgol kaya ako ng isang oras sa banyo pagdating ko ng kwarto kagabi kaya napagalitan ako ni Direk. "Napuyat lang. I miss home kasi."
May isang server na sumingit. Binigay sa'kin 'yung menu na puro silog lang naman ang pamimilian. Nasapo ko ang ulo ko. "Longsilog na lang," sabi ko.
"Hindi po available."
"Really? Ano pa'ng wala?"
"Sungit," bulong ni Andrei, umangat ang isang sulok ng labi habang humihigop ng kape.
Umarko ang kilay ko. "Know what? I'll have what he's having na lang."
"Ang aga pa, mainit na agad ang ulo mo," bati niya, palihim na tumawa. "If you miss home so much, ba't 'di ka muna umuwi?"
"I just got here tapos you're sending me home na agad?"
"Grabe siya. 'Di ba pwedeng mag-suggest?"
"Sorry..."
Nang i-serve sa'kin ang breakfast ko, tinimpla agad ni Andrei 'yung kape ko para sa'kin. Iniusog niya 'yon sa harap ko, parang sinusukat ang reaksyon ko. "Hayan, para hindi na uminit ang ulo mo."
Sinikap kong ngumiti. Ang sweet naman kasi niya. Nakakainis. Humigop ako ng kape, hindi pa rin makatingin sa kaniya. "The truth is, I can't go home kasi..."
Hindi siya nag-usisa. Tumango lang. Parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"I'd rather not talk about it."
"If you say so. Malalaman ko rin yan. Sooner or later," sagot niya. Bilib sa sarili. "So, do you hav plans for the day?"
Lumingon ako kay Doc. Kinindatan lang niya 'ko.
"Wala pa. Why?"
"Come with me then." Hindi request. Talagang utos eh.
Oo na. Inaamin ko naman, medyo kinilig ako. "Okay..."
Kaswal lang niyang pinagpatuloy ang pagkain. "Great! Then you'll come with me anywhere?"
"S-sure."
"Promise?"
"Yeah... I promise."
Ang laki bigla ng ngiti niya. At hindi ako sure na magugustuhan ko kung anuman ang iniisip niya.
Fw%3ALsZ
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
wui. pavote naman.
pa-share na rin.
add mo 'ko ha. FB: Shim Simplina Twitter: Simply_shim
O xa. Next page.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top