#LoveTeamConfused
NP: Suntok sa Buwan by Session Road
Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hoy, maka-react ka!" sigaw ni Toni. "Hindi ko naman binanggit 'yong pangalan mo kaya hindi naman malalaman ni Andrei na ikaw 'yong stalker niya."
"Hindi nga ako stalker!!"
Padabog akong pumasok ng kwarto at nagsimulang magempake ng mga damit.
Paglabas ko ng kwarto dala ang bag ko, nanonood pa rin si Toni ng TV. Parang wala lang nangyari. "Ano'ng drama 'yan?"
"Uuwi muna 'ko kay Mamu."
Tumaas ang kilay niya. "Alam mo girl, napapagod na'kong intindihin at i-comfort ka. Hindi kita pipigilan."
"Alam ko naman na ako'ng may kasalanan kung bakit nagalit si Andrei. Sorry kung napapagod ka na sa lahat ng kagagahan ko, pero sana naman aminin mo rin na may mali ka kahit ten percent lang." Ikinalabog ko ang pinto t'saka nagmamadaling umalis.
Gabi na nang makarating ako ng Cavite. Natatanaw ko si Mamu na nakaupo sa may veranda sa second floor ng bahay namin. Binuksan ko ang gate.
"Mamu, andito na'po ako," tawag ko.
Ilang segundo lang, naririnig ko na ang mga yabag niya pababa ng hagdan. Nagmamadali. Pagbukas ng pinto, yakap niya agad ang sumalubong sa'kin.
"Ano'ng problema, hija?" tanong niya bago pa man ako pakawalan.
Umiling ako. Ngumiti. Pinagmasdan ang maamong mukha ng babaeng nag-alaga sa'kin for 14 years. Puti na halos ang kulot na buhok niya. Maliit siya, medyo mabilog. Ang mga mata niya gray na sa katandaan pero bakas mo pa rin sa mga iyon ang sigla.
"Mamu naman. Porke't umuwi ako may problema na agad? Hindi po ba pwedeng nami-miss ko lang kayo?" sagot ko, lilinga-linga. "Si Kon po?"
Sumimangot siya. "Ayon, ginagabi na naman sa kompyuteran. Hay. Ewan ko nga ba sa batang 'yan."
Ibinaba ko ang donuts na pasalubong ko sa hapag-kainan. "Naku, Mamu. Pinapasakit na naman ba ni Kon ang ulo mo? Pasaway talaga. Malilintikan sa'kin 'yan pag-uwi niya. Siya dapat ang nag-aalaga sa inyo 'pag nasa trabaho ako eh."
"Ikaw naman." Tinapik niya ang balikat ko. "Nagbibinata na kasi. Hamo at pagsasabihan ko na lang."
Tulad ko, hindi kaano-ano ni Mamu si Kon. Pareho kaming ulila. Halos apat na taon na rin buhat nang mapulot namin si Kon sa Baclaran. Kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.
"Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng hapunan. Nagluto ako ng kare-kare."
"G-na-G na nga po ako, Mamu. Na-miss ko po ang luto niyo."
Hindi man nagsasalita si Mamu habang kumakain kami, alam kong pinagmamasdan niya 'ko. Iniisip ko pa rin kasi 'yong away namin ni Toni.
"Nak? Kung may dinaramdam ka, pwede share naman?" umpisa niya.
Pinilit kong tumawa. "Mamu talaga. Wit po."
Bumuntong-hininga siya. "Leng naman. Ako pa ba eechusin mo? Kung sumubo ka kala mo gilingan 'yang bibig mo. Kabisado ko na 'yang epek mo na 'yan 'pag may bumabagabag sa'yo."
Kaya ayon, napilitan na rin akong magkwento ng mga nagbabagang balita sa life ko. Tahimik lang na nakinig si Mamu hanggang matapos ako kaka-rant.
"Kaya nga ba hangga't maaari, tutol sana ako sa pag-aartista mo na 'yan," malumanay niyang sabi. "Iyang pag-aartista, mahirap na trabaho 'yan. Leng. Lahat ng mga mata nakamasid sa lahat ng kilos mo. Kaunting pagkakamali mo lang, marami nang puna at panghuhusga ang ipupukol sa'yo. Pati pribadong buhay mo pwedeng panghimasukan ng iba."
Inakbayan ko siya, pilit na pinananatili ang ngiti sa mga labi ko. "Mamu, ako pa ba? So what naman kung 'di ako perfect? Wala silang pake. Kiber lang."
"Ayaw ko lang naman na sa bandang huli, masaktan ka... Ano'ng plano mo ngayon?"
Kibit-balikat lang ang naisagot ko.
"Alam mo 'Nak, kahit na hindi ako sang-ayon diyan sa showbiz-showbiz na 'yan, gusto ko namang sumaya ka. At ang Leng na kilala ko, kahit puro barya na ang tuhod kadadapa, tatayo at tatayo 'yan para lang habulin ang pangarap niya."
Niyakap ko siya. "Kaya sa'yo 'ko, Mamu. Sa'ng telenovela niyo naman po nakuha 'yan?"
"Hmp. Whatever." Umikot ang mata ni Mamu. "Pero utang na loob, Leng. Tirhan mo ng ulam si Kon ha? At saka tigilan mo nga 'yang kapapapak mo ng bagoong. Magkakasakit ka sa bato niyan."
Ilang araw din akong nag-stay sa bahay. Ang totoo, hindi ko pa rin alam kung pa'no ko haharapin si Andrei at kung pa'no kami magkaka-ayos ni Toni. Ngayon ko lang na-realize, tama si Direk Rina. Hindi ako worthy. Sanay naman na'kong ma-reject. Pero iba kasi—mas talab, mas tagos—'pag pala 'yong taong pinakahinahangaan mo ang mag-reject sa'yo.
"Wala ka bang pasok, Ate?" tanong ni Kon habang naglalaro kami ng android game.
"Um-attack ka na ba?" Change topic ko.
"Hindi. Naglu-loot pa."
"Ano'ng oras daw ang war?"
"Mamaya pa. Konti pa lang ang online. 'Di ka busy, Ate? Tanggal ka na ba sa LOL? Ba't di ka pumapasok?"
"Ba't ba andami mong tanong? Pinapalayas mo na ba'ko?"
Natahimik siya. Ibinaba ang phone niya saka tumingin sa'kin. "Kung... nahihirapan ka na, huwag ka nang bumalik do'n, Ate. Ako na lang bahala sa inyo ni Mamu."
Pinagmasdan ko si Kon. Nagbibinata na nga siya. Bumababa na ang boses. Nagma-mature na. Ako na lang yata ang hindi. Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on sa infatuation ko okay Andrei Dixon. Si Mamu, si Kon, si Toni sinusuportahan nila 'ko kahit parang walang kabuluhan ang mga pinaggagawa ko. Umaasa sila sa'kin. Kaya sabi ko sa sarili ko, Tama na. Mula ngayon, hindi na kay Andrei iikot ang mundo ko.
Ginulo ko ang buhok ni Kon, hindi mapigilang mangiti. "Ows? Sino ka at anong ginawa mo sa kapatid ko?"
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nag-aayos ng buhok. "Ba't ba kasi gusto mo pa do'n?"
Bakit nga ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayun. Dear Reader. To whom it may concern. Kung sino man ang nagtatiyaga. Thank you sa pagsubaybay. Kung meron man. Meron ba? Kung andyan pa kayo, paramdam din 'pag may time. LOL. Patulong din po sa casting.
Poll: Sino kaya ang gaganap kina Andrei at Leng?
a. Kathniel
b. MaiDen
c. JaDine
d. LizQuen
e. others. please specify. (Meron pa ba? lol)
ready. set. vote!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top