#LoveTeamBuwisBuhay
Magkatabi tayo sa duyan
Sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa
Ang dagat ay kumakanta
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Oh my gosh! Oh. My. Gosh! Wait lang. Wait lang kase!" sigaw ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa jetski sa likuran ni Andrei. "Later na lang kaya natin 'to ituloy?"
"It's now or never, Bridget," sagot niya, ina-adjust ang shades niya. "Mamaya isang oras na naman tayong magpipilitan. Tinatawanan ka na tuloy nila."
Oo nga. 'Yung mga manong na naga-assist sa'min kanina pa'ko inaasar. "You know naman, I can't swim 'di ba? Pa'no if I drown. Or worse, get eaten by sharks!" Nilingon ko si manong. "Manong, may sharks dito?"
Halatang pinipigil ni Manong 'yung tawa niya. "Meron ma'am..." Suspense moment. "Pero sa malalim na bahagi na 'yon. Bihira lang dito sa White Beach."
"Oh, my gosh, manong! Tsitsinelasin na kita! Manakot daw ba?"
"Nagtanong kayo eh. Sinagot ko lang, ma'am."
"See? Bihira lang," sabi ni Andrei, pinaandar ang makina ng jetski. "What are the odds that we'll get attacked by sharks? Naka-life vest naman tayo. T'saka 'pag nahulog ka, ako naman ang sasagip sa'yo."
"Yun naman pala eh. Arya!" sabi ko agad, nakaturo ang kamay forward.
"Dali mo namang kausap!"
"Hurry up na before I change my mind!"
"Hold on to me and don't let go, okay?"
Hinigpitan ko ang yakap sa baywang niya, sabay singhot sa likod niya. In fairness, mabango kahit medyo pawisan na. Pwahaha. "Eto na nga!"
Bago pa man ako makahugot ng malalim ng hininga, bigla niyang pinaharurot ang jetski. Buti nahigpitan ko ang kapit. Kung hindi malamang tumilampon na'ko pabaligtad.
Sa una, tili lang ako ng tili. Nakapikit. Nakasubsob sa likod niya. Pero nang marinig ko ang tawa niya, iniangat ko ang mukha ko at pinagmasdan ang paligid. Ang sarap ng hangin habang mabilis naming tinatawid ang asul at kumikinang na dagat. Binagalan niya nang kaunti ang pagpapatakbo. Ine-enjoy din ang view.
"Ang saya nito. Masaya naman, 'di ba?" tanong niya. Ang totoo, hindi ko alam kung para sa'kin nga ang tanong niyang 'yon, o para sa sarili niya.
"Oo naman," sagot ko'ng nakangiti. "I didn't think na enjoy 'yon, pero oo. It's fun."
Walang anu-ano'y pinaharurot na naman niya ang jetski. Napatili ako habang pinapalo ang balikat niya.
"Wooh!!!" sigaw niya.
Takot na takot kaya ako. Pero at least hindi na siya malungkot. Kaya hinayaan ko na lang. Habang pinapanood ko siyang nage-enjoy, napansin ko na lang din na natutuwa na rin ako.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras namin.
Pagbaba namin, pinagpag ko ang likuran ng shorts ko sabay sabing, "That was it? How boring naman. Yawn."
Hinila ni Andrei ang kamay ko pabalik ng jetski. "Okay. Let's go for another ride then."
"No! Tama na," bawi ko. "Iba naman."
"Okay," sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Madali akong kausap. Parasailing naman."
May tinuro siya. Mula sa 'di kalayuan, may dalawang babae na hina-harness sa isang parachute na naka-connect sa speedboat. Nang umandar ang speedboat, hinila nito ang parachute kung saan naka-harness ang dalawang sakay hanggang umangat sa tubig. Ang ganap, tatangayin ka paikut-ikot sa dagat. Parang saranggola lang ang peg mo.
Muntik nang lumuwa ang mata ko. "No way!"
Malas lang, hinahatak na'ko ni Andrei papunta do'n. "Ano'ng no way? Enjoy kaya 'yon."
"May death wish ka ba or something?" nag-aalala ko'ng tanong habang nagpapabigat. Itinukod ko ang mga paa ko sa buhangin para hindi niya ko mahila. Kaso lang, masyado yata akong magaan. "It's so taas kaya. Pa'no kung malagot 'yung line connected to the boat? I don't wanna die! Maawa ka naman."
"Kala ko ba sabi mo iba naman?" Bigla niya 'kong hinigit palapit sa kaniya. "Ito. Iba naman 'to."
"I mean, 'yung hindi naman life-threatening!" Nagpatihiga ako sa buhangin. "Kahit hilahurin mo pa 'ko, I don't care!"
Tumigil siya. "Is that a dare?"
"W-what? No!"
Bago pa'ko makatakas, binuhat niya 'ko, isinampay ako sa balikat niya na parang sako lang ng bigas. Nakabaligtad tuloy ako.
"You said you'd come with me anywhere," humahangos niyang sabi. Patakbo kasi ang lakad niya. Kala mo hindi makakarating sa pupuntahan 'pag hindi nagmadali. "You even promised. Ta's ngayon umaatras ka na agad?"
"Put me down! Nasisiraan ka na ba?!"
"Yep. Ngayun-ngayon lang."
Lalo akong nagsisigaw. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam. Pinagpapalo ko ang likod niya. Nagkakawag ako. Wa-epek pa rin kaya hinablot ko 'yung isang lalaking nakasalubong namin.
"Kuya! Help naman, oh! This guy's crazy. Tulungan niyo 'ko, please! Kidnapper! Rapist! I swear, he's going to kill me!"
Nataranta si Andrei. Natatangay na pati si kuya kasi ayaw kong bumitaw. Napilitan si Andrei na huminto. Ngumiti lang sa lalaking kinapitan ko.
"Don't listen to her," sabi niya, napakamot ng ulo. Luminga-linga siya sa paligid at nag-explain sa mga uzi na nagsimula nang maglapitan sa'min. "Takot lang kasing mag-parasailing 'tong girlfriend ko. No need to be alarmed."
"Girlfriend?" tanong ko, bumitaw na sa kuyang hinilahod namin sa buhangin. "Ano'ng girlfriend ka diyan?"
Iginalaw ni Andrei ang balikat niya kaya tumalbog ako.
"Kapag hindi ka tumigil, itatapon kita sa gitna ng dagat," banta niyang pabulong.
"You wouldn't," nagmamatigas kong sagot.
Ngumisi siya. "Is that a dare?"
"Ugh! Fine!" Itinukod ko na lang ang siko ko sa braso niya at nangalumbaba. Alam ko namang hindi ko na siya mapipigilan tulad kanina. "Go na. So bagal."
Hindi ko siya kinikibo habang ikinakabit ang harness namin. Nanginginig ang mga laman-laman ko sa galit at nerbiyos. Kaunti na lang, malalaglag na ang puso ko sa mga pinaggagagawa namin. Once na umandar na ang makina ng bangka, kumapit ako sa braso niya ng mahigpit.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa braso niya at salip at hinawakan 'yon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Safe naman 'to, 'di ba?" tanong ko.
"I wouldn't know. I've never done this before," sagot niyang nakangiti, pero halatang kinakabahan din. At least, he was trying to be brave for the both of us.
Kumapit ako ng mahigpit sa harness. "'Pag ako lang nasaktan dito..."
"Kahit ano pa naman ang gawin natin, wala naman talagang safe sa mundo, 'di ba? Kahit ga'nong ingat ang gawin mo, masasaktan ka pa rin. Lahat sugal lang. So we might as well take our chances. Ipusta na natin lahat."
Nang nagsimula nang umangat ang mga paa namin sa lupa, pumikit na lang ako. "Buwisit ka, Zeke. I hate you."
"You're saying that, pero ba't nandito ka pa rin kasama ko?"
Hashtag, speechless. 'Yun lang. May point eh.
Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang maramdaman kong hilahin kami ng speedboat. For the first time in my life, para 'kong lumilipad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayun. natypan nyo ba ang chapter na 'to? If so,
Complete the sentence:
Malapit na. Malapit nang .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top